Friday, November 4, 2011

Sister Complex : Chapter 9 Part 2

Deal With the Monster
(Cecily Gonzaga POV)


Ang hirap… ang hirap… huminga. Ang hirap pala kapag gustong-gusto mo nang umiyak, pero ayaw mong gawin. Napapikit ako, hindi ako iiyak. Pinili kong magbanyo dito sa upper floor. Kasi alam kong madalas na walang tao dito, walang makakakita saakin. Smiley


“Hah…” Pumikit ulit ako, this time pinapalo ko na ang dibdib ko. “Wag kang iiyak… wag kang iiyak Cecily. Masaya naman si Asher eh. Mas masaya kay Gwynne.” Kaya hindi ako tuluyang naluha, pero napaluhod naman ako. Dahan-dahan akong huminga ng malalalim, at paulit-ulit ko lang ginawa yun hanggang sa maging kalmado na ako.




“Kahit mahal na mahal ko si Ash, i need to let him go.” Smiley


Tumayo ako ulit at tumingin sa salamin. Medyo namumula ang mga mata ko kaya naghilamos ako. Sinabi ko din kay Ash kanina na wag na akong ihatid pauwi, para makasama pa niya si Gwynne. Ang martyr diba, sobrang tanga pa.



Smiley Wala na namang mangyayari eh, kaya inayos ko na lang ang sarili ko para umuwi na. Siguro naman pag-uwi ko, hindi nila mahahalatang wala ako sa mood, na malungkot ako. Pagbitbit ko sa bag ko at paglabas ko ng banyo, bumungad naman ang isang hindi kaaya-ayang tao sa paningin ko. Smiley


“Okay ka na?” Ang sarcastic niyang tanong. “Oh gusto mo pang pigilan yang luha mo.” Bwiset na Aicelle, ‘to! Ano namang ginagawa nitong bruhang ito dito.


“Epal ka? Problema mo?” Kapag hindi pa umalis ang babaeng ito sa harap ko, makakalimutan kong mas matanda siya saakin at papatulan ko na’to. Smiley


“Problem ko? Baka ikaw meron.” Pang-asar talaga ang pagmumukha nito. Kairita! Kaso bigla niyang nilabas ang cellphone niya at pinanood saakin ang kuha niyang video. Video ko kanina nung nasa banyo ako.




Na-record niya lahat, kasama yung mga sinabi ko about Ash at Gwynne. “Sabi ko na nga ba eh. Noong una pa lang kitang makita na kasama si Asher, alam ko nang ganito ka.”


“So anong balak mong gawin! You think that makes sense? Stupid!” Smiley


“Wag mo akong tawaging stupid!” Sigaw niya. “Mukha ka lang bata, and you’re pretending to be like one para lang makasama mo palagi si Asher!”


“Alam mo ang bitter mo lang eh! Ang tagal niyo nang nag-break, move on!”


“Hindi kami magbi-break kung hindi ka umeksena!!! At galing mong magsabing move-on pero ikaw na patay na patay kay Asher, hindi makamove-on!”




Tinignan ko lang siya ng masama. This isn’t good, I know.


“This video, and your feelings are my proof! Wag kang magsinungaling Cecily Gonzaga! And don’t you even pretend!!! You are in love with Asher. Madly, deeply and undoubtedly in loved with Asher!!!” Smiley


At ang sama na ng tingin niya saakin. Tumawa pa siyang parang bruha pero nagbago ulit ang reaction. “What do you think will happen sa relationship ninyo kung malalaman lahat ito ni Asher?”


“You dare!!!” Smiley Napasigaw na din ako and I tightened my fist. “Kung akala mong ako pa ring yung grade school student na umiyak nung sinugod mo noon, nagkakamali ka. Hindi na ako natatakot sayo Aicelle!” Naghahanda na talaga ako dahil nagbabadya ang cat-fight sa pagitan naming dalawa.


“Really? The way you look and the way you act, I don’t think na nagbago ka na talaga. And you know what, you should be more scared with me now! Now that I know your dirty little secret.”


Ano bang masamang binabalak ng babaeng ito. Gusto ba niya akong i-blackmail? I bet! Smiley


“But I can assure you that your secret will be safe if you help me.” Anong help nanaman ang pinagsasabi ng babaeng ‘to?


“I want Asher back. I want him back as soon as possible.” Smiley


“Come on! Hindi na siya in love sa’yo! Actually, never siyang nain love sa’yo! Kaya wag ka nang umasang babalik pa sa’yo si Asher!” 


“Shut up! You think I care about that crap!!!” Tapos hinawakan niya nang sobrang higpit ang braso ko. “Then what if I tell Asher that you love him, I’m pretty sure mandidiri siya sa’yo.” Smiley


Nanlaki ang mata ko. Ang sakit ng sinabi niya. “You’re disgusting! Pretending to be just like a sister to him when in fact, you feel and think more than that! Panigurado ako na kapag nalaman ni Asher ‘to, your friendship or even your whole damn relationship will be over!” Wala akong nasabi, kasi alam kong pwedeng ganun nga ang mangyari.


“So what do you want?” I nervously asked.


“Diba bestfriend mo yung girlfriend ni Ash ngayon, then I want you to wreck their relationship. I don’t care how you do it, just do it!” At binitawan na niya ang pagkakahawak niya sa braso ko. Smiley  “Then like I said a while ago, I want Asher back. So we’ll be together in every possible way that you know!”


What the hell? Paano ko naman gagawin yun! Smiley


“Did you get what I want, Cecily?” Then she gave me a weird kind smile.  An evil kind of smile. “I won’t get NO for an answer or maybe or I’ll try. I want you to do it! Or else… alam mo na ang mangyayari. At three months lang! Three months!” Smiley


Nagtitigan lang kami for a moment. Then pumikit na lang ako at tumango. Narinig ko siyang medyo tumawa at pagdilat ko ulit, naglalakad na siya palayo. Hawak pa rin niya yung cellphone niya kung saan nakarecord yung video ko. Sana hinablot ko na lang yun mula sa kamay niya at binato ko sa pader nang wala na siyang magamit laban sa’kin. Smiley


Pero nag-froze na ang buong katawan ko. Parang pinako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kahit kasi sirain ko yung nakuhang ebidensya ni Aicelle, hindi ko pa ring maitatago ang katotohanang tama ang lahat ng sinasabi niya.


At ayokong lumabas yun. Ayokong malaman ni Asher dahil natatakot ako na kapag nalaman nga niya, magbago ang samahan namin. Smiley


Pero anong gagawin ko? Paghihiwalayin ko sila ni Gwynne para bumalik siya kay Aicelle? Sasaktan ko ang isang tunay na kaibigan para sa isang kaaway? Gagawin ko yun just to protect myself? But if not, anong mangyayari saaming dalawa ni Ash? Smiley


I decided na maglakad na lang pauwi para makapag-isip. 20 minutes ang biyahe kapag hinahatid ako ni Asher, but this time almost two hours na ang nakakalipas pero parang ang layu-layo ko pa rin sa bahay. I feel dumb. I feel restless. I feel like I want to die this instant.


Smiley Tapos umulan, tamang-tama wala akong payong. Pwede na talaga akong umiyak nang walang nakakapansing umiiyak talaga ako. Asher… his name, his face, his voice, lahat ng tungkol kay Asher gusto ko nang kalimutan. Smiley


Sinabi ko na ‘to noon eh. At sinasabi ko ulit ngayon. Wala pa ring nagbabago, kasi kahit ilang beses ko nang sinubukang gawin ito, sa huli si Asher pa rin ang nasa isip at puso ko. Smiley


Then tumigil na muna ako sa paglalakad, hindi para sumilong dahil basang-basa na ako sa ulan, kung hindi dahil pagod na ang mga paa ko sa kakalakad. Nasaan na ba ako? Bakit, ang layo ng uuwian ko? Gusto ko na lang magpahinga. Smiley


“Papa…” Naupo ako isang bench sa playground. Smiley Basa na ang bag ko, pero ayoko nang i-check kung pati ba yung mga gamit ko doon sa loob, basa na din. Yung cellphone ko naman, lowbatt na.




Smiley “Papa…” Karaniwan sa mga ganitong sitwasyon, pati pangalan ni Ash binabanggit ko. Pero dahil problema ko din ang lalaking yun, “Papa…” Naiyak na lang ako at yumuko. “Gusto ko nang umuwi, papa…” Smiley


“Are you okay? Are you lost?” Tumingala ako, nakita ko ang isang familiar looking guy. 

Smiley


End of Chapter 9 Part 2





2 comments:

  1. grrrr... pakamatay ka na nga aicelle!!!

    ang epal mo!!!

    ReplyDelete
  2. Hala! Nakakainis naman itong si Aicelle! Nagiging kumplikado ang lahat!!! Nakakainis!!! Kawawa naman si Silly! :((( one sided love ang peg! Huhuhuhu. At si Merrick ba yun???

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^