Chapter 9
Moving On?
(Cecily Gonzaga POV)
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang sagutin ni Gwynne si Asher. Naging power couple sila sa school, dahil pareho silang matalino, good-looking at popular. Tatlong buwan ang nakalipas nang malaman din nina Gwynne at kapatid niyang si Hadwin na fake step-siblings kami ni Asher. Tinanggap naman nila ang sorry namin, kaya wala namang gulong nangyari.
Ang daming nangyari noong buwan na iyon. Pero ang isa sa hindi ko dapat kalimutan, ay nang magsimula na ding manligaw sa’kin si Hadwin.
“Heto Ash, bigay mo ‘to kay tita oh.” Nagkakilala na pala sina Gwynne at mama Percy.
“Uy! Matutuwa nanaman yun! Ikaw ha, sinasanay mo si mama sa mga cakes.” Sabi naman ni Asher. Grabe, ang lovey-dovey nila, para kaming lalanggamin sa ka-sweetan. Hay naku! Kung hindi ko lang palagi kasabay si Gwynne eh.
“Ces, ano nga palang plans ng family mo this Christmas? Gusto kasi kayong ayain ng parents namin na sabay daw tayong mag-celebrate this year.” Ang sabi naman ni Hadwin. Medyo close ko na din siya, pero hindi pa kami ha! Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hanggang friends lang ang maio-offer ko, pero siya ang nagpipilit na ipagpatuloy.
“Had, every year kasi, sa cemetery kami nagcecelebrate ng Christmas. Death anniversary ni Tita Cecil, mommy ni Silly.”
Nagulat pareho sina Gwynne at Hadwin, hindi kasi namin nao-open yung ganitong usapan. At ayoko lang din talagang pag-usapan.
“It’s okay. Pero it doesn’t have to do with Ash naman.” Tinignan ko si Asher. “Hindi mo naman kailangan sumama Ash. I’m sure maiintindihan naman ni mama if you skip just this time. Makicelebrate ka sa bahay nila Gwynne. Gusto mo din naman yun, diba?”
Then nagring na yung school bell, which means back to class na ulit sina Asher at Hadwin. Umalis na sila pareho, at naiwan naman kami ni Gwynne sa cafeteria. As usual, pinagbabaon pa rin niya ako ng masasarap na lunch.
“It’s okay Cecily.” Ito talagang si Gwynne, napakabait! Nakakaasar na talaga kabaitan nito eh. “Siguro mas mabuti kung sainyo pa rin sasama si Ash.”
“Ano ka ba? Sinabi ko na nga diba, okay lang kahit wala si Ash. Kapag nandoon din naman sa sementeryo yun, wala namang ginagawa yun. At tsaka, ayoko namang i-sacrifice pa niya ang Christmas niya.” Don’t feel sorry na, okay?
Tumango na lang si Gwynne. At kumain na kami.
So anong bago saakin after that three months? Wala! Naging boring lang, and tiring. Everyday kasi I have to endure the fact that I still love Asher. I can’t actually move on! Hindi naman din ako pwedeng manghimasok sa relationship nila ni Gwynne. Why? Because they are in love with each other. At ayokong maging dahilan ako para masaktan si Asher na first love ko, at si Gwynne na bestfriend ko.
Kung sasabihin naman ng puso ko na piliin ko na lang si Hadwin para matapos na ang Asher problems ko, hindi ko rin magawa. Mahirap turuan ang puso. Mahirap kung matagal na itong bulag. So, what should I do? Nothing!
Go with the flow na lang! Still waiting for that day na lahat ng feelings ko for the person who can’t be mine, maglaho na nang tuluyan.
Go with the flow na lang! Still waiting for that day na lahat ng feelings ko for the person who can’t be mine, maglaho na nang tuluyan.
* * *
“Silly sige na! Bukas na yun eh! Simple lang naman ang gagawin mo eh” Ang pilit ni Asher. Nasa bahay na kami. Ngayong buong araw na ‘to, wala ako sa mood. At dinagdagan pa ni Asher ang pagkabwiset ko sa hinihingi niyang favor. “Silly!!!”
“Grabe ka naman! Parang hindi mo kaibigan si Gwynne!”
Epal naman oh! Hulaan niyo naman kasi kung anong favor sa’kin ng lalaking ‘to! “Monthsarry niyo yun! Bakit pati ako isasama mo? At tsaka hindi ako marunong sa mga surprise na yan. Ayoko! Kung gusto mo ng katulong, kausapin mo si Hadwin.”
“Para namang mapagkakatiwalaan ang kumag na yun.” Tapos tumingin ulit siya saakin. This time lumuhod na siya sa harap ko. “Sige na Silly! Please! Hindi ko magagawa yun kung hindi mo ako tutulungan.”
Matagal na akong nagtitimpi. But I’m sorry, this time ayoko na talaga. “Sorry Asher. Ayoko.” Alam na niyang seryoso ako nun kaya natahimik kami pareho.
Ganito kasi ang surprise, kapag uwian na daw, maiiwan dapat si Gwynne sa room namin then kunyari mala-lock siya sa loob. Tapos, to the rescue si Asher at ilalabas siya sa room and there’s his surprise! Pag labas nila ng room, dapat nakakalat na ang rose petals sa paligid at may nakabalandra nang tarpaulin ng picture nila greeting her ‘Happy Third Monthsarry, Honey!’ Ang corny noh! Ang boring pa kamo.
Nagdabog na lang paalis ng kwarto ko si Asher. Sorry talaga, pero hindi ko na kayang dagdagan pa ang pagka-enggot ko.
Kinabukasan, we are down to our last class. Pero lumilingon ako sa labas ng room namin, ‘Magagawa kaya niya yun?’ Tanong ko sa sarili ko. Then nag-ring na yung bell, at nagtayuan na ang mga kaklase ko dahil at last uwian na! Tinignan ko si Gwynne, medyo malungkot siya. “Uy Gwynne, uwian na.”
“Anong nakalimutan ni Asher?”
“Na monthsarry namin ngayon. Hindi kasi natin siya kanina nakita nung nag-lunch. Tapos hindi pa niya ako binabati.”
“Ahh. Yun?” Hindi ko alam yung sasabihin ko. Kasi alam kong may hinanda si Ash para sa kanya, pero hindi ko alam kung magagawa ba niya talaga yung hinanda niya. “Ano ka ba Gwynne! Wag ka ngang malungkot dyan, nakakapanibago eh.”
Ngumiti siya pero halatang napilitan lang. Nang maayos na niya ang lahat ng gamit niya sa bag at aalis na sana kami ng room, bigla namang nagtilian ang mga tao sa labas. Mostly mga classmates ko yun at mga students from other section.
“Ano kaya yun?” Dali kaming lumabas ng room, nakasunod ako kay Gwynne at pag-open namin ng door, sinalubong kami ni Ash at lima pang mga friends niya na may kanya-kanyang hawak na bouquet of flowers.
“Happy Third Monthsarry, Gwynne.” Nakangiting sabi ni Ash. Si Gwynne naman, hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nakatakip lang ang mga kamay niya sa bibig niya sa surprise na ‘to ni Asher. Then they hugged, and Gwynne was already crying because of happiness.
Natulala na lang din ako. Hindi ito yung surprise niya eh. He… he did this in front of these people. He did this in front of me. At nakaramdam nanaman ako ng paninikip ng dibdib.
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Sinabi ko sa kanila, “All right, tapos na ang palabas. Let’s leave the two lovebirds alone.” At nginitian ko ulit sila at nagthank you sila pareho.
Unti-unti naman ding nag-alisan ang mga tao para bigyan ng privacy yung dalawa, pero sa totoo lang ginawa ko yun para makaalis na lang din ako palayo sa lugar na’to.
Unti-unti naman ding nag-alisan ang mga tao para bigyan ng privacy yung dalawa, pero sa totoo lang ginawa ko yun para makaalis na lang din ako palayo sa lugar na’to.
End of Chapter 9 Part 1
Oh My MARTIR NAMAN =.=
ReplyDeleteWala na ako masabi sa mga nangyayari! Parang patindi ng patindi ang sakit na nararamdaman ni Silly!
ReplyDelete