Chapter 10
I Miss You
(Cecily Gonzaga POV)
Christmas break na!!! Pero ang bilis lang ng araw. After namin mag-usap ni Asher noong gabing nabasa ako ng ulan, hindi na kami masyadong nagpapansinan. Gumugulo din sa isip ko yung gusto ng bakulaw na Aicelle na yun.
Then we celebrated together during Christmas Eve. Nag-exchange gift kami and after that, nagpahinga kami agad. December 25th kasi kailangan naming dalawin ang totoo kong mama sa puntod niya.
Then we celebrated together during Christmas Eve. Nag-exchange gift kami and after that, nagpahinga kami agad. December 25th kasi kailangan naming dalawin ang totoo kong mama sa puntod niya.
Kinabukasan, maagang umalis si Asher para pumunta kina Gwynne. Nasabi na niya ito kina papa at mama Percy, at pumayag naman sila. Kaya kaming tatlo na lang ang nagpunta sa sementeryo.
Pagdating namin sa puntod ni mama, nagsindi kami ng kandila at nag-alay na ng dasal. Ang sakit noh, Christmas pero heto kami medyo nalulungkot parin dahil this is also the day when my mom died back when I was seven years old. Car-accident, and she died instantly.
“First time lang hindi nagpunta si Asher.”
“Ano ka ba, okay lang naman yun Percy. Syempre gustong makasama ng anak mo yung girlfriend niya.” Naririnig ko silang nag-uusap habang nagdadasal pa ako. When they realize that I was listening, they stopped talking. Alam kasi nila pareho ang feelings ko for Ash.
“Ano ba? Okay lang yan. Maiintindihan naman ni mama.” At naiintidihan ko rin kung bakit hindi namin pwedeng makasama si Ash ngayon. Everything’s peace and quite pero marinig kaming tunog ng motor. “Familiar sound yun ha.”
Nung lumingon kaming tatlo, nakita namin si Asher na naglalakad na papalapit at may hawak na bulaklak. “Uy! Parang nakakita kayo ng multo ha!” At nag-joke pa talaga siya ng ganyan dito sa sementeryo!
“Ash! Akala ko ba makikicelebrate ka sa bahay ng girlfriend mo?”
“Oo nga! Pero nagpaalam ako na umuwi agad kasi hindi pwedeng hindi ko dalawin si Tita Cecil.” Tapos inalay niya yung flowers at nagdasal. In-shock pa rin kami nina papa, pero nginitian kami ni mama Percy. After magdasal ni Ash, tumingin siya saamin at parang may kakaiba sa kanya... “So, yan! Nakapagpaalam na ako kay Tita Cecil kaya aalis na ako.”
“Wait! What? So yun lang? Itong batang ito talaga! Aalis ka na agad?” Ang gulo talaga ng utak ng lalaking ito. Pupunta dito tapos aalis lang din pala agad.
“Hindi lang ako noh!” tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako. “Isasama ko si Silly! This time, magde-date kami!”
“Ah ganun, sige ingat kayo ha!” Biglang bumait si mama Percy? Teka… Pati ako kasama?
“Ingat kayo Ash ha! Ingatan mo si Silly!” Dagdag naman ni papa.
“Ingat kayo Ash ha! Ingatan mo si Silly!” Dagdag naman ni papa.
“Teka! Hindi mo pwedeng gawin ‘to! Si mama…”
“Wag ka nang epal Silly!” Tapos dala pala niya yung helmet ko at isinuot niya saakin. Tapos naglabas siya ng dalawang amusement park tickets na malamang ay pagdadalhan niya saakin. “Pinaalam na kita kay Tita Cecil at pumayag naman na din sina mama at papa mo.”
“Kilala mo naman yun, matatakutin. Hindi ko madadala sa rides yun.” At sumakay na siya sa motor niya. “At tsaka, binili ko talaga ‘to para saating dalawa.” Nginitian niya ako kaya umangkas na ako sa likod ng motor at umalis na kami.
Pagdating naming sa park, sabi niya gawin daw naming ang lahat ng pwedeng gawin sa park. So sinakyan naming ang lahat ng rides dahil ride-all-you-can yung ticket na binili niya. Yung iba, sinakyan nga naming nang more than two times. Tapos kumain kami ng kung anu-ano. We had fun, but for me, mas masaya dahil nakasama ko si Asher.
So it was really a date dahil feeling ko girlfriend niya ako ngayon. Tapos he played Shoot-the-Alien to win the big cat stuffed toy na nakita ko. He won and I got the toy!
Sa sobrang enjoy namin, hindi naming napansin na madilim na pala. Sabi ko we should ride the ferris wheel again to see the nightview of the park. Pumayag siya at pagsakay namin ulit, for the third time this day, hindi naman kami nadisappoint. Pinaganda pa kasi ng Christmas lights yung view.
“So, are you having fun?” He asked me. Hindi ba obvious? Masayang-masaya ako!
“Yep! Thanks Ash!” I smiled. Tapos biglang nagbago yung reaction ng face niya. Napatakip siya sa bibig niya at napatingin sa malayo. “Bakit? What’s the problem?”
“Wala…” Medyo teary-eyed siya. “I’m just so happy that you’re with me… because I miss you Silly. I really miss you.”
Nung sinabi niya yun, medyo naluha din ako. Masyado siyang sentimental, ang corny na minsan. But that’s what I like about him, he’s not afraid to admit if he’s very happy, or sad, or about to cry. “Ito naman, lagi naman tayong nagkikita.”
“Yeah, but you can’t blame me Silly. I miss you because I love you that much.”
“I miss you too Ash… and I also love you.” I said it, again. But I know na hindi niya talaga alam kung anong sinasabi ko. Tapos naisip kong ibahin na ang usapan. “Okay tama na Ash! Time na para magsabihan ng Christmas wishes!”
It’s our little tradition na magsabihan ng Christmas wishes. And we will see kung makukuha ba namin yung wishes na yun before mag-Christmas ulit. “Yung wish mo na makita na ang dream girl mo nagkatotoo na. At ang wish ko naman na makapasok sa school na pinapasukan mo, nakuha ko rin!”
“Ang galing nga noh!” Then we both laughed. Tapos nag-isip kami pareho ng wishes at pagkatapos nun. “Silly, I’ll go first!”
Tumahimik ako sandali. Part kasi ng tradition namin, na once na masabi na ang wish, hindi na pwedeng magdagdag o palitan pa. “I wish for the both of us! Na hindi tayo maghihiwalay, and we’ll be together forever.”
“Do you know what are you wishing for, Ash?” Niloloko ba ako ng lalaking ito. Stop saying forever, when we can’t really be forever.
“Bakit? Wish ko yun eh!”
“I know! Girlfriend ko si Gwynne, at marami pa kaming dapat pagdaanan together. Pero ikaw, kasama na kita simula noong mga bata pa tayo. And I would never, ever going to lose you. I won’t lose my sister and my one and only bestfriend.” Right!!! So in the end, sister and bestfriend pa rin.
“No Ash… we can’t always be together. Darating ang time na kailangan nating maghiwalay.” Tapos naguluhan siya sa sinabi ko. “Because I wish to find a boyfriend.”
Medyo napataas ng kilay si Ash. After this day, I will find someone else to experience real love, and to forget him as well. “At kapag nagkaboyfriend na ako, we can never be like this again, Asher.” I looked straight to his eyes, proving him I’m not joking.
“Ano ka ba Silly!” He laughed at me. “Ang seryoso mo naman!” Then he stretched out his hand to poke my nose again but I covered my nose.
Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin kasi siya ng direcho saakin at seryoso niya ring sinabi, “Kung ganun… sisiguraduhin kong hindi ka magkaka-boyfriend.”
End of Chapter 10 Part 1
sige silly!! gawin mo lang yan!!
ReplyDeletegantihan si ash!!!
Ahahaha XD . baliw si Asher .
ReplyDeleteUnfair, Asher!!! You is unfair!!! Hindi pwede yun! Ano yun? Habang buhay si Silly masasaktan nang dahil sayo?! UNFAIR!!! Pero... ang sweet nitong chapter na toh!!!!
ReplyDelete