Failure
(Cecily Gonzaga POV)
Ang bilis ng Christmas break. We celebrated New Year, then after three days pasukan nanaman. Pero hindi kami naglie-low sa school. Dahil sa February na ang sports fest sa school, first week pa lang may try-out na agad for sports.
“Sigurado na ba kayong sa volleyball niyo gustong sumali?” Tinanong ni Hadwin. Magtatry-out kasi kami ni Gwynne sa sport na ito. Kasama namin sina Asher, Hadwin at ilan pa nilang friends para suportahan daw kami.
“Oo nga. May time pa para magback-out Ney…” ‘Ney’ as in ‘Honey.’ Tawagan na nila Ash at Gwynne, napag-usapan daw nila nung New Year.
“Ano ka ba, naglalaro na ako ng volleyball nung gradeschool pa lang ako.”
Hindi ko siya pinansin. Gusto kong sumali kaya wala silang magagawa. Tapos biglang may nag-whistle. Sh*t!!! totoo ba ‘tong nakikita ko? Si Aicelle bakulaw, nakauniform at pinakilala siya ng ibang members as captain. Kapag minamalas ka nga naman oh!
Tapos nagtinginan sila Gwynne at Ash sa isa’t isa. Alam kasi ni Gwynne na ex yun ni Asher. “So kaya ba ayaw mo kaming makapag-try out dito?”
“Don’t worry, I’m good at this sport.”
“Then, I’ll look after Cecily.” Tapos hinawakan ni Gwynne ang braso ko at nginitian ko na lang siya.
Kinausap naman ako ni Hadwin. “Ces, ipagchi-cheer kita ha! Mag-ingat ka lang sa babaeng yun.” At may dinagdag pa siya. “Whatever the result, kakain tayong apat sa labas ha!”
“Don’t worry Had! I’ll do my best.” Then he hugged me at nagulat lang ako. Noong tumingin naman ako kina Ash if nakita nila yun, naasar lang ako. Potek naman! Ang dami kong pwedeng makita na gawin nila, yung nag-kiss pa sila. Nice I just got inspired! Sh*t!
Tapos tinawag na kami sa court pero bago magsimula yung game, tinawag muna ako ni Aicelle para makapag-usap kami.
“Hey! Ang tagal na ha! Wala ka paring ginagawa?” She gave a fake smile para lang ipakita na kunyari matino itong usapan namin. “Baka nakakalimutan mo yung about sa video mo. I wan’t Asher! One month na lang, and you’re dead if you disappoint me!”
Tapos lumapit saamin si Gwynne kaya umalis si Aicelle. Alam ko masama ang tingin niya kay Gwynne at saakin. “Cecily.” Tinapik ako ni Gwynne. “Let’s do our best, okay?”
“Yep!” Ngumiti ako sa kanya at then just seconds later, nagstart na yung game.
Two sets lang ang game, and after nun, ia-announce kung nakapasok ba kami o hindi. Pero grabe! Hindi ko akalaing ganito pala kahirap ‘tong larong ‘to! Patintero at bahay-bahay lang kasi ang nilalaro ko. Tinignan ko si Gwynne, at magaling nga siyang maglaro. Noong time ko naman para mag-serve, sumablay pa ako.
Si Gwynne, alam kong makakapapasok dahil siya yung pinakamagaling sa mga naglalaro ngayon. At ako naman, halatang sasablay. Sh*t! Wala man lang akong nagawang score! After ng first set, five minutes break.
Pawis na pawis akong bumalik sa pwesto namin at agad namang akong inabutan ng towel at tubig ni Hadwin. “Okay lang yan Ces, may second set pa.” I smiled at him. Buti nandito siya, at least nafifeel kong may sumusuporta saakin.
Samatala si Ash, puro si Gwynne ang inaatupag. Inuulan niya ng papuri ang girlfriend niya, na alam ko naman din na deserve ni Gwynne. Umiwas na lang ako ng tingin, baka makita ko lang ulit silang mag-kiss.
“Ces…” Tapos tumingin ako kay Hadwin ulit. “I know you can do it! Fight ka lang!”
Narinig yata ni Asher yung sinabi ko at medyo naguilty siguro na hindi man lang niya ako pinapansin kaya lumapit siya. “Oh, ikaw naman Silly. Sabi na sa’yo wag ka nang sumali. Pagod na pagod ka na!”
Tumingin ako sa kanya. Sana pala hindi na lang talaga niya ako pinansin kung ito lang rin ang maririnig ko. “Thanks ha! Pinalakas mo loob ko!” Umalis na lang ako at bumalik sa court. Sumunod si Gwynne since mag-sisimula na din yung game.
“Cecily, Asher didn’t mean that.”
“Cecily, Asher didn’t mean that.”
Medyo naging harsh ako sa kanya, kahit na kay Ash talaga ako nabubwiset. Nag-start yung game, and my gameplay just got worse! Kung hindi out, hindi ko natitira. Luckiest day ever! And to make things complicated, dahil parang pinagdidiskitahan nga ako ni Aicelle at mga friends niya dahil saakin palagi tumatama ang bola, nasubsob tuloy ako.
Natigil silang lahat, but I shouted “I’m okay!” Tumayo ako agad dahil napahiya na ako, ipapahalata ko pa ba? “Game!” Wala akong tinignan dahil ayokong makita ang reaction nila.
Hindi ko man lang naramdaman yung sakit, o baka kasi mas masakit yung nararamdaman ng puso ko. Ang sarap magmura!!! Nang matapos ang game, kinausap na kami ng volleyball members, including Aicelle, at binanggit yung mga nakapasa. Milagro na lang kung makakapasok ako, but as expected, I failed.
Tapos binalikan na namin ang mga gamit namin. “Congrats Gwynne, ang galing mo.” She smiled at me, baka kasi kausapin pa niya ako and feel sorry for me. Ayoko naman nun kaya pinangunahan ko na. Paglapit namin, tinanong agad nina Ash kung anong nangyari.
“Gwynne passed!” I said at napayakap sina Ash at Hadwin sa kanya sa sobrang saya. “I didn’t.” Tapos nagbago reaction nila. “It’s okay! What do you expect, first time ko diba.”
“Ces, nagdudugo yung chin mo at tuhod mo.” Hindi ko man lang napansing nagkasugat pala ako. Dahil ito sa pagkakasubsob ko kanina.
“Hala…” lalapitan na sana ako ni Gwynne, which I know she would do dahil ayaw niya akong nasasakatan. But I stopped her.
“Maliit lang ‘to.” Kinuha ko yung bag ko na hawak na ni Hadwin. “Maghihilamos lang ako.” Tumalikod ako at umalis na pero narinig ko silang sumusunod. “Wag niyo na akong sundan.” Tinitigan ko silang tatlo, dahil ayoko nang gawin pang malaking issue ‘to.
“Cecily…” Malungkot yung pagkakasabi ni Gwynne pero ayokong namang i-spoil ang moment niya to celebrate kaya niyakap ko na lang siya. Then I gave her a look para hindi na siya mag-worry at ngumiti ako sa kanya.
Great pretender!!! Yan ka, Silly!!! Ibang-iba talaga kapag nasasaktan ka na ng dahil sa taong mahal mo... hays!!!! Nakakainis pa si Acielle! Masyadong epal! Nakakadagdag inis eh!! Waah
ReplyDelete