Tuesday, November 8, 2011

Sister Complex : Chapter 10 Part 3

When She Cries
(Asher Carillo POV)


“Hindi ba natin siya susundan?” Smiley Nakaupo lang kami sa bench. Hindi pa rin kami umaalis sa gym after magwalk-out ni Silly. “Okay, I can’t take this!” Tumayo si Hadwin par asana sundan si Silly pero pinigilan siya ni Gwynne.


“She wants to be alone Kuya.” Smiley Sobrang lungkot din ni Gwynne.


Naisip ko tuloy na napakawalang kwenta ko din. Kanina, instead na palaksin ko pa yung loob niya, parang sinisi ko pa siya kung bakit siya sumali dito. Tapos tumayo ako. “Sorry, I’ll go after her.”


“Sama na ako Ash!” Smiley


“Wag na!” I looked at him, he’s really worried. “You stay with Gwynne. At tsaka diba, whatever the result, kakain tayo sa labas? Mauna na kayo, tapos text niyo na lang ako kung saan.”


Tapos tumakbo na ako para sundan si Silly. Paglabas ko sa gym, hindi ko na siya makita sa paligid. Pumunta ako sa clinic pero wala siya doon. Nagpunta din ako sa mga CR, pero wala namang signs na nandoon siya. Nasaan nanaman ba siya? Smiley


Tumakbo lang ako, at nang makasalubong ko yung mga classmates niya, tinanong ko sila kung nakita ba nila si Silly. “Nakita ko siyang tumakbo dun sa direction papuntang elementary building.”


Elementary building? Right!!! Dahil doon wala nang mga tao! Kanina pa kasi nag-uwian yung mga grade school students. Tumakbo ako agad papunta doon, hindi naman siguro siya papasok mismo sa building dahil hindi naman niya kabisado yun. Kaya pumunta ako sa likod ng building nun dahil alam kong may CR doon at gripo. Smiley


Doon nakita ko siya, binabasa ang panyo niya at pinupunas nang dahan-dahan ang sugat niya. Medyo mataas yung gripo, kaya nakatingkayad pa siya para abutin ito.


Smiley Umiiyak na siya nung lumapit ako sa kanya. Nagulat pa siya, pero binuhat ko siya para makaupo siya sa taas, malapit doon sa gripo. Kinuha ko yung panyo niya at ako na ang naghugas sa sugat niya. Buti na lang gasgas lang yung nasa baba niya, pero medyo malaki at malalim ang sugat niya sa tuhod. Smiley


“Ano ba… *hikbi* sabi ko…” Nagsasalita siya nang hindi tumitingin saakin.


“Pabayaan mo na lang ako Silly ha.” Hindi ko rin siya matignan, kasi alam ko nang umiiyak siya, and when she cries, it breaks my heart. Smiley


Pagkatapos kong hugasan ang mga sugat niya, binuhat ko siya ulit pababa at pinaupo naman siya sa may bench. Tumabi ako sa kanya at nilabas ko yung gamot, bulak at band-aid na hiningi ko kanina noong nagpunta ako sa clinic. Smiley


“Sabihin mo lang pag mahapdi ha.” At ginamot ko na yung sugat niya, wala siyang sinasabi pero alam kong mahapdi kaya hinihipan ko para hindi siya masyadong masaktan. Inuna ko yung sugat niya sa baba pagkatapos yung sa tuhod niya. Noong matapos ko nang lagyan ng bandage yung mga sugat niya. “Hindi naman siguro magkakapeklat yan.” Smiley


“Who cares!” Alam kong bad trip siya. Smiley


“Me!” Umiiyak pa rin siya kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunas sa mukha niya. Pagkatapos, niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko siya binitawan, at hindi ko siya bibitawan hangga’t hindi siya tumitigil umiyak.Smiley  “Sige iyak ka lang Silly. I’m here… I’m right here.”


Lalo siyang umiyak nang malakas at nagtagal ito ng ilang minuto. Smiley Hinintay ko lang siyang tumigil, at nung sa tingin kong nailuha na niya lahat dahil tumahimik na siya, tumingin na ako sa kanya. 


Smiley “Can you walk?” Tumango siya, pero noong tumayo siya paika-ika naman. Weakness kasi niya kapag nagkakasugat siya. Tapos parang hindi na rin niya maidilat yung mga mata niya.


“Bubuhatin na kita.” Lumuhod ako and I offered my back. “Sakay ka na.” Smiley Humihikbi pa siya pero alam niyang hindi ako tatayo hangga’t hindi siya sumasakay sa likod ko kaya ginawa na lang niya. Tinakpan niya yung mukha niya, at sa sobrang iyak niya, alam kong makakatulog lang siya.


Smiley Buhat ko lang siya at pagdating ko sa parking area, nakatayo sila Gwynne at Hadwin malapit sa motor ko. “Ces…”


“Had!” Sinenyas ko siya at umiling lang ako. “Hindi na lang kami sasama ni Silly.” Smiley


“Okay lang. Sige hatid mo na siya pauwi sa inyo.” Smiley


Smiley “Thanks ‘Ney.” Buti naman at naintindihan niya. Pagababa k okay Silly, nakayuko lang siya at isinuot ko yung helmet niya sa kanya. “Hawak ka ng mabuti ha.”


Tapos pinaandar ko na yung motor at kinawayan ko na lang ang girlfriend ko at si Hadwin. Umalis na ako agad at umuwi na ng bahay.


Pagdating namin, sinalubong kami ni Tito Al. Lumapit naman agad sa kanya si Silly at niyakap siya.


“May sugat ako, Pa!” Pinakita ni Silly ang mga sugat niya. “Tapos hindi ako nakapasa.” Tapos niyakap siya ng papa niya at umiyak siya ulit. Smiley


Tumingin sa kin si Tito Al, tapos tumingin siya ulit sa anak niya. Smiley “Silly pumpkin… tahan na.”


Smiley “I’ll go to my room now. Please don’t bother me.” Tito Al patted Silly’s head, tapos umakyat na siya papuntang kwarto niya. Nung wala na siya, saka ko na kinuwento yung nangyari.


After four hours, hindi pa rin bumababa ng room niya si Silly. Hindi na siya nagdinner. Noong tinry ko namang buksan yung pinto ng kwarto niya, naka-lock. Ayaw ngang magpaistorbo.


“Tito, pahiram naman ng susi oh.” Smiley


“Wag na Ash! Pabayaan na lang muna natin si Silly.”


I pouted, I can’t leave her. Not now, now that she needs me. Tapos naisip ko ulit yung ginawa ko noon para makapasok ako sa kwarto niya. Anak ng tinapa! Nangako pa naman ako sa sarili kong hindi ko na gagawin yun dahil nakakatakot! Pero I’ve decided. Smiley


“Sige Tito uuwi na lang ako.” Smiley Nagba-bye na kami sa isa’t isa at lumabas na ako ng bahay nila. Pumunta na ako sa bodega nila at kinuha yung hagdanan. Tapos umakyat na ako, at medyo nagshe-shake ulit yung hagdanan.


“Amp!!! Wag ka nang umuga oh! Ipapatapon na talaga kita.” Smiley Tapos nakahinga lang ulit ako nang malalim nung makaapak na ako sa terrace nila. Pinalo-palo ko ulit yung mokong na hagdanan, potek ka kung hindi lang kita kailangan.


Tapos paglapit ko sa pintuan, naka-lock na siya this time. Great!!! Ano ‘to mauuwi lang sa wala ang death climb ko. Lalo namang hindi ko na kayang bumaba pa gamit ang hagdanan na yun.


Smiley Isip Ash! Mag-isip ka! Pero hindi na ako nakapag-isip dahil nagulat ako nang bumukas yung pinto. Nanlaki ang mga mata ni Silly nang makita niya ako. “Hi…” Smiley


“Ash? Nanaman?” nasilip niya yung hagdanan. “Akala ko ba…” Smiley


“I know! Last na talaga ‘to promise! Isinusumpa ko yang hagdanan niyo!”


Tapos nakanganga lang siya, nakatulog yata siya pero medyo namamaga pa rin ang mga mata niya. “Ash… Diba sabi ko naman sa’yo… just… just leave me alone.” Smiley


“Nandito na ako!” Tapos pumasok ako sa kwarto niya at sumunod na siya sa loob. “Let’s talk.” Smiley




End of Chapter 10 Part 3





1 comment:

  1. Ang hirap naman kasi talaga ng nasa sitwasyon ni Silly eh. Yung nagpapanggap siyang okay, masaya kapag kaharap niya yung taong mahal niya na may mahal namang iba. Ang hirap at ang sakit nun promise. Halos hindi mo na alam ang gagawin mo sa sobrang hirap! Waaah!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^