Tuesday, January 17, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 30

CHAPTER 30
(SAMIRA ALMIREZ POV)





"Happy Birthday Waine!!!"




Ang saya-saya, ang daming tao! Nag-iinuman nga sina Eli, Waine at Argel samantalang nagkakantahan lang kaming mga babae... and when I say kaming mga babae, kasama si badessa dun.




"Pahinge na kasi Eli-byu!" At nagwawala si Byron dahil ayaw siyang bigyan ng alak ni Eli. Ewan ko kung bakit.




"Teka nga, bakit tao ka magsalita ngayon? Ano nang nangyari sa ka-alienan mo?"




"Kasi nanjan si Raffy." Binulungan ko si Eli kasi hindi sumagot si Byron. "Naasar kasi yang kambal niya kapag naggi-gay lingo yang si Byron. Hindi niya maintindihan."




"Ganun?"





"At ikaw naman, wag kang uminom masyado! Baka malasing ka."




Pero hindi naman ako pinansin ni Eli. Bayaan mo na nga siya Sam, malaki na yang si Eli! Hindi ka na dapat nag-aalala jan!






*     *     *






Ang dami kong napapansing kakaiba at sobrang weird ngayon! Heto ang list:




1. Si Byron kasi ang demure ng kilos ngayon. Ni hindi niya nilalandi sina Eli-byu, Papa Arji at ang birthday boy na si Wainey dear! Pa-behave ang badessa!


2. Tapos yung maingay na Sheena, ang tahimik ngayon! Pero ang madalas niyang tanungin at kausapin si Byron...???


3. May kakaibang tinginan sina Argel, Waine at Raffy... feeling ko kasi trip ng boys si Raffy. Kaso itong si Raffy si Eli ang pinapansin. Hindi sa nagseselos ako... basta!


4. Nao-OP ako! Paano kasi 'tong si Eli, panay ang utos saakin! lagi akong pinapapunta sa kusina! Kung may time na para kausapin ko yung iba, bigla naman siyang sisingit!


5. Ito ang pinaka-weirdo sa lahat, bakit naunang nag-birthday si Waine kesa kina Argel at Eli. Maitanong ko nga sa kanila mamaya!






"Oh heto na yung yelo!" Naupo na ako at inobserbahan lang sila. "Waine ilang taon ka na ngayon?"




"19 na ako ngayon. Magkasing-edad na tayo Sam!"




"Ahhh... eh sino pa lang mas matanda sainyong tatlo ha?"




"Ako! nung July 19 pa ako nag-birthday." Sagot naman ni Argel.




Hindi ko akalaing si Argel pala ang pinakamatanda sa kanila! Eh siya itong pinaka-isip-bata kung kumilos! "Teka so does this mean na si Eli ang pinaka-bata sa inyo?"




"Yep! February 3 pa next year ang birthday niya." Pinilit sanang takpan ni Eli yung bibig ni Waine pero nasabi pa rin niya yung exact date ng birthday ni Eli.




Napatingin kaming lahat kay Eli, at si timongoloid naman, nilagok ang buong bote ng beer! "So si Eli pala ang bunso saating lahat!"




Natawa kaming lahat! Biruin mo itong Idol na 'to, kung kumilos akala mo kung sino nang matanda! At kung magleader-leaderan siya kina Waine at Argel at sa ka-SGG niya, siya naman pala ang pinaka-bata!!!




"Hoy wag kayong tumawa, wala sa edad yun! Bangasan ko kayo lahat eh!" Tapos tumingin siya ng masama saakin. "Lalo ka na!"




"Tos ang bunsoy namin! Ahahahaha!" Hagalpak ulit ako kakatawa at sumunod din ang lahat! Ngayon lang din nila na-realize ang katotohanang sumusunod kami lahat kay Eli!




"Pero Eli... may girlfriend ka na ba?" Natigil kami bigla nung nagtanong si Raffy. Gusto ko sanang sagutin na ako yung girlfriend, pero napakagat-labi na lang akong nakatingin kay Eli. Hindi namin pwedeng sabihin!




"Wala..."




"Hoy Raffy, bakit mo natanong ha?"




"Wala lang." Tapos uminom ng juice si Raffy at ngumiti lang! Teka... crush ba ni Raffy si Eli...?




Nagtuluy-tuloy lang ang pagsasaya namin, pero kinakabahan ako sa kakaibang motibong pinapakita nitong si Raffy. Nasa kusina na ako ulit, and this time inutusan ako ni Eli na magtimpla ulit ng juice at lutuin yung popcorn. Napag-tripan na naman kasi nilang manood naman ng movie.




"Beb!"




"Anak ng tinapa!!! Badessa naman bakit nanggugulat ka?"




"Wala lang." At naupo siya sa lamesa, parang magulo utak niya. Ano naman kayang problema ng bestfriend kong ito. "Pahingeng alak." Ah kaya naman pala!




"Kating-kati na ba yang lalamunan mo ha? Sabi ni Eli wag ka daw uminom."




"Sige na naman beb!" Tapos nagpa-twinkle eyes pa siya! Ke-landi!




"Oh sige basta wag ka lang maingay ha." Tapos kumuha ako ng isang beer na nilagay nila kanina dito sa ref para palamigin. "Ihalo natin dito sa juice mo para hindi halata!" Ginagawa ko ito dahil sa dalawang bagay. Una dahil hindi ko matiis si badessa, at pangalawa, gusto ko siyang maging lalaki!!! Ahahaha!!!




"Ayyyiiieeehhh!!! Thank you beb!!!" Sabay yakap saakin.




"HOY ANO YAN?" Uwaaahhh! Bakit biglang sumulpot si Eli? Nakita kaya niyang dumekwat ako sa beer nila?




"Punta na ako doon!" At umalis agad si Byron papunta doon sa living room.




"Ano yun ha?"




"Wala naman... bakit?" Para makaiwas sa kalokohan ko, iniwan ko na lang din si Eli.







\(ݓ  ݓ)/





Parang wrong move yata ang ginawa kong patagong pagbibigay ng alak kay Byron... nagwawala na kasi siya! "Tara sayaw tayo beb!"




"Hehe." Syempre ako naman, nagsayaw na lang kami. Ang hot naman kasi ni Badessa, yun nga lang medyo wild siya!




"Pre, lasing na yang si Byron?"




"Ewan, hindi naman siya uminom ha. Byron tama na yan pare."




"Wag kang epal dito Argel ha."




"Wah? Lasing nga siya, hindi niya ako tinawag na Papa Arji!"




"Byron ano ka ba uy! Nakakahiya ka na."




"Sinong nagpa-inom sa kanya?" Kinabahan ako ng magtanong na si Eli.




"Ano ba kayo! Bakit ba kayo nagkakagulo ha? Tara nga dito Byron, tayo ang magsayaw!"




Nagulat kaming lahat nang hinila ni Sheena si Byron at silang dalawa ang nagsayaw... ng sexy dance!!!




"Mga pare, lasing na ba ako? Bakit ang sexy ni Sheena ngayon?" Tinignan ko ng masama si Eli.




"Kasi hindi hamak na mas gwapo sa inyo si Byron!"




"Talaga?" Beb??? May kakaiba din sa tingin ni Byron ngayon! "Okay lang bang i-kiss kita sa harap nila?" Lasing na nga siya! At higit pa siya sa isang lalaki pa siya ngayon! Isang tunay na lalaki!!!




"Kiss???" - (❂_❂) (ಠ_ಠ) (⊙_☉) (❁_❁) (◐_◐)




"Bakit nagpapaalam ka pa?"




Anong kaguluhan ito? Okay lang kay Sheena? Ilang sandali pa, napatakip na lang ako ng mata ko dahil sa naglalagablab nilang halikan!!! Syempre mukha lang kaming timang at hunghang!!!




"Okay lang ba yan?"




"As long as kiss lang."




"Paano kung may mangyaring higit pa doon?"




"OMG pigilan niyo na sila!" Paano kasi yung kamay ni Byron nagaala-Dora na, kung saan-saan na nage-explore!!! Child-friendly tayo dito! Bawal ang malalaswa!!!




"Ayaw niyo ba yan? Nagiging lalaki si Byron at babae naman si Sheena?" At parang wala na lang kay Eli dahil naupo na lang siya ulit at pinabayaan sina Byron!




"Ano ka ba, baka may kababalagahang mangyari!!!" Nilapitan ko na sina Byron at Sheena. "Byron, tama na yan."




"Samira wag ka munang magulo." Tinawag niya akong Samira at tinulak niya pa ako.




"Maghunos-dili ka Byron!"




"Sam..." At napatingin ako kay Sheena. "Can I have him for myself from now on."




Nagkatitigan kami ni Sheena. Anong ibig niyang sabihin? Sakto nabagsak na sa sahig si Byron at nakatulog na. Inalalayan siya ni Raffy pabalik sa sofa.




"Byron is a gay."




"He's a guy."




"Pero tomboy ka diba?"




"I'm a girl."




"So gusto mo si Byron?"




"I like him just now." Napakunot ako ng noo. What the pyok!!!







(≧o≦)







Ala-una kami nag-start mag-party, at magaalas-onse na ngayon ng gabi. Natutulog pa rin si Byron sa sofa habang nakapatong ang ulo niya sa lap ni Sheena na nagpapahinga na din. Sina Eli, Argel, Waine at Raffy naman, magka-usap sa labas. Lapitin din ng boys itong si Raffy eh, kitam mo naman, malapit na kina Eli.




Psssh! At ako naman, sinisimulan ko nang linisin ang mga kalat namin.




Hindi ko pinahahalatang tinitignan ko si Sheena, seryoso ba yung sinabi niya kanina? Na type nga niya si Byron? Paano naman ako kapag tuluyang naging lalaki si Byron?




"Sam, pwedeng magpatimpla daw ng kape?"




Nagulat ako nang pumasok si Waine. "Para kanino?"




"Kay Idol at Argel."




"Okay." Pumunta ako sa kusina para magtimpla, at sinundan naman ako ni Waine. Nakatingin lang siya saakin. "Ikaw ayaw mo ng kape?"




"Hindi na, Sam. Konti lang naman ang nainom ko." Tinawanan ko siya. Buti pa 'tong si Waine marunong mag-control! Sina Eli at Argel kanina, laklak lang ng laklak!




Nung ako naman ang mapatingin sa mukha ni Waine... "Birthday na birthday mo, bakit ganyan ang itsura mo?" Para kasing... hindi masaya si Waine. "Tungkol ba sa babae yan?" Tinawanan niya ako so feeling ko tama ako! "Si Raffy ba crush mo?"




"Hindi ah!" Ang bilis niyang sinagot! "Si Argel ang may crush kay Raffy, hindi ako." Tapos napatakip siya ng bibig. "Ay wag mong sasabihin kay Argel na sinabi ko sayo ha."




"Ahahahaha!!! Obvious naman sa ugali nun ni Argel noh. Lahat yata ng babae, crush niya." Tapos huminga ulit ako ng malalim. "May problema ka ba? Pwede mo akong sabihan."




"Hindi Sam. Hindi mo ako matutulungan."




"Sakit naman! Bakit? Kung financial problem yan hindi nga ako makakatulong." Tinawanan niya ako ulit. Para talaga akong clown noh. "So ano nga? Sabihan mo ako ng problema mo, Waine."




Huminga siya ng malalim, kaya pati ako napahinga din ng malalim. "Sam... I... I..." Nakatitig lang siya saakin, at ganun din ako sa kanya habang hinihintay ang katuloy ng sasabihin niya. "I..."




.






.






.






"Hoy!!! Yung kape namin!" Haiiiisssshhhhhhhh!!! Panira ng moment!!!




"TEKA LANG!!!" Isinigaw ko pabalik. Rawwwr!!! "Ano yun Waine? Tuloy mo."




"Wala! Forget it." Napaiwas na lang ng tingin saakin si Waine! Anak ng teteng naman kasing Eli 'to! "Tapos na ba yang kape." Nginitian niya ako, at parang fake smile lang yun. "Ako na magdadala sa kanila ha."




"Waine..." Pero hindi na niya ako nilingon at dumirecho na siya palabas.




Ano kayang problema ni Waine? At tsaka ano yung 'I...' na gusto niyang sabihin. Nanlaki lang ang mga mata ako. Hindi kaya ang gusto niyang sabihin ay 'I...'




.




.




.




Ay ewan!!!





v(*..*)v

End of Chapter 30









4 comments:

  1. uy 1st aq d2! magcomment aq d2 at dun sa PF!

    thnak you miz aegyo, ang ganda ng chapter na 2!!!

    naiintriga aq kay waine! parang may sumthing tlga!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. anew beh ikaw ba yan... hahahahaha...

      yan ang abangan natin sa something na yan!

      for the mean time, special chapter muna ang sunod na ipo-post ko! oh yan sinabi ko na!

      Delete
  2. hahahah kakaaadek i like the story much hahahahaha sana mabilis ang blog :D author galingan mo huh :D idol na kita :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. uwaaahhhh! salamat po! pasensya na matagal palagi ang update nito, maraming story kasi akong ina-update! habang naghihintay, basa-basa ka na lang muna ng ibang stories! 3 na po kaming nagpo-post ng story dito eh. ^_^

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^