Friday, February 17, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 36


CHAPTER 36
(SAMIRA ALMIREZ POV)



Ang sarap ng feeling na hindi ko na kailangan pang gumising ng maaga para ipagluto pa ng almusal ang damulag . Mas masarap pa lalo sa feeling na pinagsisilbihan na niya ako hanggang sa matapos ang taong ito!



Hay Dreamland!!! How I miss you! Napakaganda sa lugar na ‘to.



“Sam… Samira… Sammylicious…” Teka… pamilyar na boses yun ha? Kahit nananaginip ako, alam kong maaga pa! “Sam!!! Tumayo ka na jan!!!”



Oh no!!! Ayoko pang magising!!! Matulog ka Sam! Matulog ka pa!!!



Ako – ZzZ(-_-)ZzZ



“Sam!!!” – (ಠ  ಠ)



“Ano ba Eli!!!” - (ಥ╭╮ಥ)



“Tara na!!! Umaga na!!! Rise and shine beybe bugal!!!”



“Bakit kailangan mo pa akong gisingin?” Ang pangarap kong panaginip! “Nakalimutan mo na bang isa kang hamak na alipin ko?”



“Kaya nga nagluto na ako ng almusal eh!”



Tapos tinignan ko yung oras… juskoday! 6:30 pa lang!!! Christmas break pa naman na din ngayon tapos guguluhin niya lang ulit ang tulog ko? “Bakit mo pa ako ginising ha?”



“Eh kasi po hindi na ako sanay na hindi ka kasabay sa almusal! Dali tumayo ka na jan! Nag-imbento din ako ng almusal ngayon katulad ng madalas mong ginagawa!” Ano ‘to gantihan? Siya nag-imbento ng pagkain? At least yung niluluto ko masarap! Eh yung sa kanya?



“AYOKO PANG TUMAYO!!!” - (✖╭╮✖)



Nagtalukbong ako bilang simbolo ng pagpalag sa gusto ng kumag na ‘to. Kaso imbes na maawa, hinila pa niya yung dalawa kong paa paalis sa kama kaya akala ko tuluyan na akong babagsak sa sahig. “Uwaaahhh!!!” Pero dahil saksakan ng dami sa maneuvers itong si junanax, nasalo naman niya ako.



“Tara na kasi! Good mood ako ngayon.”



Nagpunta na kami sa kusina habang kinakaladkad niya ako. Gusto ko pa rin kasing matulog eh! Pero dahil wala na naman akong magawa, sumunod na lang ako.



Naupo na ako at todo asikaso naman siya saakin. Nag-apron pa ang tukmol! Kitam mo naman, feel na feel na niya ang pagiging butler ko! “Bakit ka ba good mood ngayon? At bakit parang feel na feel mo na yang pagiging katulong mo? Siguro may kasalanan ka saakin noh?”



“Mabait lang ako may kasalanan na agad?” At nilagyan niya ng hot chocolate ang cup ko samantalang gatas naman yung sa kanya. “Naisip ko lang na dahil bakasyon na natin, dalawin natin sila mommy at kuya Rico mo.”



“Ay oo nga!!!” Nung tumawag kasi si Kuya saakin nung nakaraang linggo pa, nasabi niya na may balak silang magbakasyon na mag-asawa! Kaya baka hindi namin sila makasama sa pagcelebrate ng Christmas at New Year. “So ngayon natin sila pupuntahan?”



“Yep! Surprise natin yung dalawa!” Napangiti ako sa suggestion ni Eli. Napaka-sweet namang anak nito! Hindi lang halata dahil supladito siya most of the time, pero may pagka-mama's boy talaga ang timongoloid na ‘to. “At tsaka, gusto ko na ring ipaalam sa kanila na tayo na.”



“Prrfffttt.” Nabilaukan tuloy ako nung uminom ako nung chocolate drink! “Okay ka lang ba!!!” Bakit biglaan naman yata!!!



Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Eli. “Naisip ko kasi, bakit ba kailangan talaga nating itago diba? Hindi naman tayo magkadugo and we’re both in love with each other, wala tayong dapat ikahiya!” Tapos kumagat siya ng malaki sa tinapay niya. “I want to make this official, Sam.”



Medyo kinabahan ako sa sinabi niya, pero tama siya. “I’m sick and tired of pretending na hindi tayo. Ayokong magtago kapag nagseselos ako, o kapag gusto kitang hawakan sa kamay o yakapin o halikan.”



“PDA ba gusto mo Eli?”



“Sam naman!!! Seryoso ako!” Ay pahiya ako! Akala ko matatawa siya!



Ang seryoso ng mukha niya kaya nginitian ko na lang siya. “Okay, sige… siguro nga panahon na para sabihin natin sa lahat.” At dahil sa sinabi ko, napangiti rin si Eli! “Uwaaahhh!!! Eli!!! Wag kang ngumiti ng ganyan! Ang cute mo lang! Sige ka, baka mapapayag mo ako sa PDA na yan.”



“Weh? Talaga!”



“Joke lang! Feeling mo naman!” Nagtawanan na lang kami habang inuubos yung almusal na inihanda ni Eli. Wag niyo nang itanong kung anong lasa, mapagtya-tyagaan naman kasi eh.



Anyway, alam kong sa totoo lang pareho na kaming kinakabahan ngayon.



After naming kumain, nagplano na kami kung paano sasabihin kina ate Pia at kuya Rico ang lahat. At umaasa kami na hindi sila magde-desisyon na paghiwalayin kami. Sana! Sana lang talaga!





/❂.❂\

(ELEAZER PASCUAL POV)



Ang plano, direcho na naming sasabihin ang lahat! Kapag magkaharap na kaming apat, wala nang paliguy-ligoy pa! Aaminin na namin agad para wala nang problema. “Oh practice muna tayo ulit.”



“Okay sige… one, two, three…”



“MAY RELASYON PO KAMI.”



“Pwede na ba yun?”



“Wag kang ngumiti! Ano bang gusto mo, magpacute sa harap nila? Dapat seryoso! Isa pa! One, two, three…”



“MAY RELASYON PO KAMI.”



Nagtitigan kami tapos sabay pa kaming nagbuntong-hininga. “Okay na ba yun? Hindi ba ako pumiyok?” At bakit kumakanta ba siya?



“Pwede na! Handa ka na ba?” At isang tango lang ang sagot ni Sam. Nasa harap na kami ng bahay ng mommy ko at ni Tito Rico. Huminga muna ako ng malalim saka ko pinindot yung doorbell ng dalawang beses.



Narinig namin yung boses ng kuya niya na papalapit na sa gate. “Okay honey! Teka lang ha, may tao sa labas!” At pagbukas niya ng gate… “Sam!!! Eli!!!”



“Hello kuya!”



“Hi Tito!”



“Anong ginagawa niyo dito?”



“Surprise!!! Advance Merry Christmas!!!” Sabay din namin ni-practice yan!



“Nasaan na po si Mommy?”



“Ha…? Ah… nasa loob.” Nauutal pa si tito, parang may tinatago?



Nag-hug pa yung magkapatid tapos binigay ni Sam yung pasalubong namin na supot ng mga prutas. “Papasok na kami kuya ha!”



Dumirecho na kami ngayon sa livingroom ng bahay at dun ko nakita si mama. “Mommy!!!”



Naka-upo naman si mama sa sofa at nanonood ng TV habang may mga pagkain sa harap niya. Syempre, ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Mama kaya na-miss namin ang isa’t isa. “Eli… bakit parang mas nag-mature ka na! Ang gwapo mo lalo anak.” Nag-hug kami tapos siya paiyak-iyak pa.



“Mah naman! Wag ka ngang umiyak!”



“Aytus! Nahiya pa siya kunyari! Hello tita Pia!”



“Samira!” Tapos nag-hug din sila! “Buti naman at napadalaw kayo.”



“Hehe, kami nga ang nagtataka sainyo, bakit hindi niyo kami dinadalaw sa bahay.” Tapos may kakaibang tinginan sina mama at tito Rico. “Anyway, nandito po kami para mangumusta at may sasabihin po kami sainyo ni Sam.”



“Ay nako, bago yun anak, honey kuhaan mo muna sila ng juice!” Teka… kelan pa naging tamad ang nanay ko? Siya ang nag-uutos sa asawa niya?



“Yes honey. Sandali lang ha…” Oh baka naman under lang itong si tito Rico. Tsk! Kawawang kuya ni Sam!



Naupo na kami ni Sam sa dalawang upuan tapos si mama solo-flight dun sa sofa. Hinihintay namin na bumalik si Kuya Rico saka namin direchong sasabihin yung tungkol saamin.



Si Sam naman halatang kinakabahan dahil hindi siya mapakali tapos panay ang tingin niya saakin. “Ay… ate Pia, tumataba ka yata ha. Pero blooming ka!”



“Hehe… talaga! Nakow ikaw din Samira! Paganda ka ng paganda! Pareho kayo ng anak kong pagwapo ng pagwapo eh. Siguro inlove kayo noh.



“Hah…? A… ahahaha…” Ang plastic lang ng naging tawa namin.



“Um… mommy… bakit naman ang daming pagkain sa harapan niyo? Nagmo-movie marathon ba kayo?”



“Hah…” Saka dumating si tito Rico dala yung juice. itong-ito na yung tamang time para sabihin na namin ni bugal yung tungkol saamin. “Alam niyo kasi…”



“Pero bago niyo sagutin yun… may sasabihin muna kami ni Sam...”



“Ay teka, may mas mahalaga kaming dapat ibalita sa inyo. Sabihin natin sa kanila honey tutal nandito na sila?”



“Pero kuya alam mo…”



“Oo nga, malalaman at malalamn naman din nila eh…”



Naghawak na kami ng mahigpit ni Sam dahil nahihirapan kaming maisingit yung gusto naming sabihin dahil sa usapan ng mag-asawa. “Game Sam.. one, two, thr~”



“Buntis ako anak!!!” Biglang tumayo si mama tapos nahalata na nga yung malaki niyang tiyan. “Magiging papa na ako!!!”



“Woaaahhh!!!” At syempre ang epic ng reaction namin ni Sam! Pareho lang kaming nakanganga habang nakatingin sa tiyan ng mama ko.



“Ahahaha!!! Na-surprise kayo noh! Dapat kapag kabuwanan ko na saka ako magpapakita sa inyo eh.” At wala pa rin kaming matinong reaction ni Sam.



“Oh ano! Na-stroke na yata sila honey! Ahahaha!!!”



“Eli!!! Magkakaroon ka na ng bagong kapatid!!!”



“At Sam, magiging auntie ka na talaga!!! Magkakaroon ka na ng tunay na nephew-in-law!”



“Ano ka ba honey! Para namang sinabi mong hindi tunay na nephew-in-law ni Sam si Eli!”



“Ehehe, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin honey.”



Nagkatinginan kami bigla ni Sam, at alam kong pareho na kami ng iniisip ngayon. Potek naman! Kung kelan naman nagkapag-plano kaming magsabi ng totoo! Argh!!!



“Eh kayo ba? Ano yung sasabihin niyo kanina?”



“Po…?” Nagkatinginan ulit kami ni Sam, tapos parang may sinisenyas siya sa mga tingin niya. Panigurado dahil mabait na bata itong si Sam, hindi nito kayang magsinungaling! At panigurado din na kapag ako naman ang sumenyas sa kanya, hindi niya lang mage-gets dahil sandamakmak na slow ang babaeng ito.



“Um~” O kitam! Nanginginig na boses niya! Mahahalatang may sekreto!



“Magpapaalam lang po kami na maga-outing kami kasama ang barkada.”



Syempre gulat na naman yung expression ni Sammy. Kinailangan ko nang magsinungaling ngayong may panibagong kumplikasyon sa pagitan naming dalawa! Aissshhh!!!




(►  ◄)

(SAMIRA ALMIREZ POV)



“Ah yung mga barkada mo lang ba ang kasama? Baka si Sam lang yung nag-iisang babae Eli ha.”



“Hindi po.”



“Um… isasama namin si Byron at tsaka yung twin sister niya na si Raffy. At tsaka yung girlfriend pala ni beb na si Sheena.”



“Ano? Lalaki na si Byron?”



“Ahehehe… parang ganun na nga yata.” Anyway, “Ate Pia, panglimang buwan niyo na din pala ‘to.” Buntis pala si Ate Pia… kaya pareho kami ng naisip ni Eli na siguro hindi ito yung magandang time para ipaalam sa kanila ang sekreto naming relasyon. Nasabi kasi nila na maselan daw yung pagbubuntis ni Ate Pia.



“Oo nga eh. At kinakabahan nga ako, baka manganak ako sa graduation nitong si Eli. Kabuwanan ko kasi sa April sabi ng doctor.”



Medyo pilit yung ngiti ko, pero masaya talaga ako para sa kanila! Malungkot lang ako para saamin ni Eli. “Eh, alam niyo na po ba yung gender ng magiging baby niyo?”



“Hindi namin inalam! Gusto kasi naming ma-surprise eh!”



“Pero may usapan na kami na kapag baby boy, isusunod namin sa name ni Eli. Pag baby girl naman, sa name mo naman isusunod, Sam.”



“Cool…” Kanina pa yan si Eli, puro one-liner na lang ang sagot. Parang nabad-trip dahil nga hindi na namin nasabi. Hindi ko naman din siya masisi.



“Ay teka, hapon na. Baka gabihin kayo ng uwi.” Oo nga… time na para umuwi.



“Sige po! Congratulations po sa magiging baby niyo ha!” Nauna na agad si Eli na umalis kaya agad akong sumunod sa kanya. “Ba-bye kuya! Bye ate Pia!”



“Ingat kayong dalawa ha!”



At hanggang sa umalis kami, kapansin-pansin pa rin na talagang wala na sa mood si Eli. Tahimik lang siya sa buong biyahe namin. Ni hindi niya ako pinapansin, sa malayo lang nakatingin.



Pati yung tao sa paligid niya, napapaiwas sa masamang aura niya.



“Eli…” At pati ako napagbuntunan niya tuloy ng sama ng mood niya. “Magiging kuya ka na!” Bigla niya akong tinitigan ng masama, parang wrong move naman kasi yung dialogue ko. “Ay… kuya ka na nga pala ni Sunmi noh.”



Wala pa rin siyang imik kaya natahimik na lang din ako. Sige na nga Eli, palipasin muna natin yang init ng ulo mo. Saka na tayo mag-usap kapag handa ka na talagang magsalita…



*     *     *



Naglalakad na kami pauwi pero parang wala pa ring balak magsalita si Eli ngayon. So dahil nag-aalala na ako sa kanya, natural lang na titigan ko siya. Ang kaso dahil nga maling tumitig sa mga gwapo lalo pa at wala sila sa mood, natalisod tuloy ako.



“Aray ko…” Buti na lang sa likod ni Eli ako na-direcho, kaya napatingin siya saakin. Clumsy much ka lang talaga Sam! Magagalit na naman ‘tong mokong na ‘to panigurado!!!



At a count of three, mambubulyaw na naman siya!



One…



Two…



Three…



“Okay lang bang wag munang tayo umuwi?” Uwaaah!!! Hindi niya ako sinigawan o pinagalitan man lang! Iba pala talaga pag malungkot si Eli.



“Um… o sige… dun tayo sa club house.” Sumunod naman din siya agad nang walang kahit na anong angal.



Pagdating namin dun, naupo kami sa usual spot na madalas naming pwestuhan kapag napapadaan kami dun sa club house.



“Eli…” Ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. “Magkakaroon din tayo ng pagkakataon na sabihin sa kanila. Wag ka nang malungkot, hindi bagay sayo.” Gusto ko siyang patawanin kasi nga hindi ako sanay na nagkakaganito siya.



“For the first time, wala na kasi akong maisip na plano. Ito na yung pinakamagandang pagkakataon para sabihin sa kanila eh, kaso hindi rin natuloy.” I know Eli. Pareho tayo ng iniisip. “And to think na yung magiging baby nila, kapatid ko at magiging tunay na pamangkin mo.”



“Oo nga eh… ano na lang itatawag niya sayo kapag nagkatuluyan tayo? Kuya-Uncle? O kaya saakin, Ate-Auntie?” Bigla siyang napatingin saakin… “Oh, seryoso ako ha! Hindi ako nagpapatawa, Eli.”



“Kuya-Uncle? Ate-Auntie?... pfffttt…” Pero dahil dun sa sinabi ko, nakita ko na ulit yugn ngiti ni Eli. Hay sa wakas naman! "Ang baho ng tawag. Sagwa pakinggan!"



“Ayiiieh! Tumawa din siya!” At isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Inabot naman niya yung kamay ko para magkaholding-hands kami. “We’ll have our next chance Eli. Masasabi rin natin sa kanila, okay?”



Minsan kahit ang mature na si Eli, para pa ring bata kung harapin ang problema. Pero kaya nga nandito ako sa tabi niya eh, para damayan siya kapag nalulungkot siya o kapag iniisip niyang wala nang pag-asa.



“Malay mo naman, sa graduation mo, masabi na natin! Basta wag muna nating isinggit ngayong nagbubuntis palang ang mommy mo. Maselan yung condition niya. At alam ko namang ayaw mong may mangyari masama sa mama mo at sa magiging kapatid mo diba?”



“Oo na po.” Aysows!!! Ngumingiti na talaga siya oh!!! Ayiiieh!!! Ang gwapo-gwapo niya talaga!!! “Ah… so… tatawagan ko na ba sina Waine at Argel?”



“Ha? Bakit?”



“Ituloy na lang din natin yung outing natin.”



“Uwaaaah!!! Sigurado ka?” Palusot lang niya yun kanina eh. Totohanan na ba ngayon?



“Oo naman! Wala na akong ibang magandang plano para i-celebrate itong holiday at salubungin ang bagong taon eh. Mag-outing na lang tayo kasama ang tropa, diba?”



Napayakap ako kay Eli sa sobrang saya at dahil na-excite ako bigla! “Go Eli!!! Suportado kita jan!!!”



Kita niyo naman, after ng isang malungkot na pangyayari, may maganda namang kasunod.



*     *     *



Naka-pack na lahat ng gamit namin. Kumpleto na rin yung mga babaunin namin at ilang pang mahahalagang bagay na kakailanganin namin sa outing namin.



Napag-usapan naming magkakaibigan na imbes na swimming, mag-camping na lang kami! Infairness, hindi pa ako nakakaranas nun! Hindi kasi ako nakapag-girls scout noon.



“Nagtext na si Waine, nasundo na daw nila ni Argel sina Byron at Raffy. Kasama na rin nila si Sheena.”



“So malapit na sila?”



“On the way na daw… ilabas na lang din natin yung mga gamit para pagdating ng sasakyan nila, makaalis na tayo agad.”



Inilabas na namin lahat ng gamit namin sa may bakuran dun malapit sa gate. Kaso maya-maya lang, biglang may nag-doorbell. “Teka… sila na ba yun? Ang bilis naman!”



“Bakit nag-doorbell? Eh kung sina Argel yun, papasok na lang bigla yun sa bahay noh.” Eh sino kayang bisita namin ngayon? “Baka mga nagka-carolling lang. May barya ka ba jan?”



Sabay kaming nagpunta sa gate para tignan na kung sino yung dumating. At nung pag-open namin, mas nagulantang kami sa taong nasa harap namin ngayon.



Siya ang least expected naming makita ngayon…



.



.



.



“Annyeong Oppa! Hello Unnie!!! (Hello kuya! Hello ate!)



“SUNMI???”



“Na-neun dasi!!! (I’m back again) Tapos napatingin siya sa mga gamit namin. “Omo! Where are the two of you going? Hyuga-reul tteo-naneun ga? (Going on a vacation?)



Nagkatinginan lang kami ni Eli… OWWWEEMMMMJJJIIIII!!! Si Sunmi nga itong nasa harap namin!



ヽ(⊙_)人(❁_❁)ノ

End of Chapter 36












5 comments:

  1. ヽ(⊙_⊙)人(❁_❁)ノ

    ayan n nmn c sunmi! waaahh!!!!!!
    mlking gulo yan!!!!!!! kung nde m22loy ang outing nila, panigurado magugulo! weeehhhhh!!!! msaya 2!!!! >///<

    ReplyDelete
  2. $$$_____$$$$$$$$$$$$$$$_$$$_______$$$_$$$$$$$$$$
    $$$____$$$____$$$____$$$_$$$_____$$$__$$$_______
    $$$____$$$___________$$$_$$$_____$$$__$$$_______
    $$$_____$$$_________$$$___$$$___$$$___$$$$$$$$__
    $$$______$$$_______$$$_____$$$_$$$____$$$_______
    $$$_______$$$_____$$$______$$$_$$$____$$$_______
    $$$$$$$$$___$$$_$$$_________$$$$$_____$$$$$$$$$$

    ReplyDelete
  3. sunmi-ssi!!!
    nkow kkexcite tlga ang mangyyri nxt chaptr!!!! nxt na agd ate!!!


    nkpagcommnt n din aq s pf! nauna q dun nbasa e...

    ReplyDelete
  4. LOL! di naman ata masama ang gagawin ni Sunmi! haha
    alam naman niya na LOVE BIRD yung dalwa eii! hahaha





    facebook-girl:)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^