Meeting the Other Two
(Eunice Sparks POV)
The next day, hindi ako pumasok ng maaga sa school. Iibahin ko na ang routine ko para iwasan si Mr. Pretty. If you’re going to ask me kung natakot ba ako sa mga nam-bully saakin kahapon, yes I am.
I don’t know what’s wrong with them, but definitely there’s something wrong with me. Lagi na kasi akong target ng mga bully simula pa nung una.
My pastry class ended well. Buti naman at wala sa mga kaklase ko sa subject na ‘to ang mga bully na yun. Nung lumabas na ako, I looked around checking if there’s Mr. Pretty or the obstacle of girls.
“Clear!” Bulong ko. This time, pupunta muna ako sa library. Nasa top floor yun nitong culinary building.
Meron silang mga librong exclusive lang para sa mga EVA students. Naisip kong tumambay na lang doon habang hinihintay ang next subject ko. Two hours kasi ang break ko.
Pag-akyat ko, nagtingin-tingin agad ako ng mga libro. Na-amaze naman ako dahil sa puro bagong libro yung mga nandito. Marami pa ngang libro na hindi ko pa nakikita sa market, at meron din na limited edition books na hindi mo basta-basta makikita kung saan lang.
Naghanap ako ng pinaka interesting at helpful sa pag-aaral ko. Nang makita ko na ang hinahanap ko, hindi ko naman maabot. Tumingkayad na ako, pero hopeless. Bakit naman kasi doon yun nakapwesto?
Tapos lumapit yung isang lalaki from my left, and reached the book for me. Inabot niya saakin and I said, “Thank you.” When I looked at him, I thought I’ll never forget a face like that… “You…?” Si Mr. Eyeglasses!
“Yuni, right.” Nagtatanong ba siya or what? He smiled at me.
“I’m not Yuni.”
“Eunhee told so.” Sabi na eh, pauso ni Mr. Pretty yun! After niya akong kausapin, itinuon niya ang attention niya sa ibang libro. Buti na lang hindi siya katulad ni Mr. Pretty na makulit.
“Yun ang sabi ni Eunhee.” Ano ba yan! Porket ba sinabi ng lalaking yun, kailangan na nilang sundin? “Ah! Tamang-tama! Hinahanap ka niya kanina pa! I’ll text him that you’re here.”
“No!” Nagtatago nga ako sa lalaking yun, tapos ibo-blow off lang nila ang cover ko? “You know, using cellphone isn’t allowed here.”
“Weh? Hindi naman. Diba Kyun?”
“Yes, Jiwon. Text mo na siya.”
“Hoy! Nakasulat yun sa student handbook! Don’t tell me hindi niyo alam?” Parang high school na palusot noh. Sana effective.
“You know, Kyun here is an expert about the school policies. President siya ng student body organization.” He smiled innocently, while texting.
“Yeah. The only time that using cellphones aren’t allowed are during class hours, and when it disturb any school premises.”
Nagulat lang ako. President siya? Tama nga ako sa pagkaka-describe ko sa taong ‘to. Malaking tao pala ‘tong si Mr. Eyeglasses.
“Ay bad trip! Naalala ko, nasa photography class pala si Eunhee ngayon!” I sighed in relief, buti naman! “Anyway, okay lang kahit tayong tatlo na lang!”
“Dalaw ka sa private room namin. Mas maganda tumambay doon.”
“What? No!” Pero hindi ko na napigilan pa, hinawakan na ako ni Mr. Model at hinila ako papunta daw sa private room nila. Ayokong sumama, kaso ang higpit ng grip saakin ng lalaking ‘to.
Observing from his body physique, confirm na model nga ‘to. At tsaka nakita ko nga siya sa isang cover ng teen’s magazine nung nag-internet ako kagabi.
We walked towards the elevator, tapos umalis yung ibang estudyante na nauna nang sumakay doon. Grabe naman ang treatment sa kanila ng lahat. Kaming tatlo lang ang nasa loob ng elevator.
“Wag ka nang KJ. Nandito ka na eh.”
“But… how about this book?” Hawak ko pa rin kasi yung libro, at hindi ko na nahiram dun sa librarian.
“Don’t worry, I’ll take care of that.” Sabi ni Mr. Eyeglasses.
Wala lang akong ni-react. So? “We’re both Eunhee’s cousin. Siguro nasabi na niya sa’yo noh. But the two of us aren’t related.”
“Ah…” Yun lang. Si Jiwon, sa mother-side cousin ni Eunhee, while si Kyun is from father-side. Hindi ko naman kasi tinanong yun, sinabi pa nila.
I kept quite as they dragged me to the main building, papunta sa private room nila. Pagdating namin, pumasok ako sa isang room na parang katulad sa mga hotel. “Wow…” I said in awe.
“Like it? Eunhee designed this room. Visual Arts major siya. Ang cool ng room namin diba?’
“Have a sit.” Sinabi ni Mr. Eyeglasses, I mean Kyun pala. Naupo ako sa sofa nila, then he offered, “Would you like anything?”
“Alam mo, ang family ni Eunhee ang may-ari nitong East Verlake. Kaya nga may private room kami na kagaya nito.” Lalong nanlaki ang mata ko. Ang lalaking yun, parang nasa kanya na ang lahat! Mayaman, gwapo, matalino at talented. Pati sama ng ugali dinakot! Pero amazing pa rin talaga eh.
“Something tells me na hindi ka kumportable.”
“Oo nga. Don’t you talk that much?”
“Wow you talk straight!” Na-shock si Jiwon. Masyado bang harsh? “Pero buti na rin sinabi mo yun. Don’t worry, we’ll be nice to you.” He smiled at me, and he’s incredibly cute.
“Psshhh…” Sabi na! Ipapaalala nila saakin yung first encounter namin. They can’t blame me for saying that. “Siguro may masama kayong binabalak noh. Balak niyo ba akong gantihan?”
“Nope! Wala sa tipo namin yun noh!”
“He’s right. Besides, mas natuwa nga kami na sinabihan mo kami nun eh.” Ang weird nila. So mas masaya sila kapag nilalait ko sila? Kaso wala nang kalait-lait sa kanila eh. Ang pe-perfect na nila talaga. “Mas gusto namin yung itrato kaming normal. Ang plastic na kasi nung iba.”
“Anyway, do you by any chance, get bullied by your classmates or our schoolmates?”
“How did you know?” Plano siguro nila yun?
“Oh… malas mo naman. Ingat ka lang ha, there will be more coming.”
Napatayo ako. “Wait! So you all knew this would happen? Inutos niyo yun noh! Kunyari pa kayo, pero gusto niyo lang akong gantihan!”
“Wait! Paranoid ka masyado.” Teka, sinabi din saakin ni Mr. Pretty noon yun ha. “Lahat ng mga nali-link na babae saamin, talagang binu-bully nung mga violent na babae na yun. We didn’t mean that, mga baliw lang talaga ang mga yun.”
“But don’t worry, you’re case will be different.”
“Why am I different?”
“Because Eunhee will look after you. We will also look after you.” Parang nag-blush ako. Weh? Hindi nga? Bakit nila gagawin saakin yun? “It’s because we actually think that you could be one of us. Other people are normally afraid of us, and it’s fine because they can never reach our standards.” Wow, biglang humangin. “But you made us think you’re special.”
“That’s true! Hindi kami basta-basta nakikipag-close sa kung sino lang noh. And you know what makes you more special? You caught Eunhee’s interest. Ang lalaking yun, siya ang pinakamahirap pakisamahan saaming tatlo.”
“You can think that way.” Tapos tinignan nila ako pareho ng mga gwapo at seryoso nilang mukha. “Because we really want you to join us.”
End of Chapter 6
pictures!!!!! gusto ko na pix para imaginin sila!!! >..<
ReplyDelete