Chapter 5
(ISHY ARAVILLA POV)
"Wag kang kukurap Ishy."
Iniwan ako ni Riley sa isang spot kung saan kitang-kita ko yung stage kung saan daw siya magpeperform. Umalis na siya at ilang sandali pa...
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah~"
May nilabas na audio-visual presentation sa malaking screen sa harap ng stage. Tapos nagsimula nang tumugtog yung intro ng kanta niya. Nangingilabot ako sa sobrang ganda ng instrumentals, at lalo pang nagsigawan yung mga tao.
Then lights out... at ang natitirang ilaw na lang na nakikita ko ay yung spot light na naka-steady sa gitna. Yung tipong parang lahat na ng tao hindi na makahinga sa sobrang excitement, tapos biglang nag-fireworks at kasabay ng ingay na yun ang paglabas ni...
"RILEY DAYNE!!!"
Agaw-buhay na performance ang pinapanood namin! At yung mga nag-aabang na tao, nagulat din. Pinaka-unang artist kasi ng C-Ent si Riley Dayne kaya lahat ng attention, nasa kanya.
Hindi ko na kayang ikwento pa, basta pinapanood ko lang siya. Dahil ang gusto ko, maalala lagi 'tong moment na 'to. Yung pinakaunang performance ni Riley Dayne... pinakaunang performance ng boyfriend ko.
December 21 of this year, tumatak sa mga tao ang pangalang Riley Dayne. Nagtuluy-tuloy ang career niya, at habang tumatagal, mas sumisikat siya.
December 21 of that year too, tumatak sa puso ko ang lalaking si Riley Dayne.
Iniwan ako ni Riley sa isang spot kung saan kitang-kita ko yung stage kung saan daw siya magpeperform. Umalis na siya at ilang sandali pa...
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah~"
May nilabas na audio-visual presentation sa malaking screen sa harap ng stage. Tapos nagsimula nang tumugtog yung intro ng kanta niya. Nangingilabot ako sa sobrang ganda ng instrumentals, at lalo pang nagsigawan yung mga tao.
Then lights out... at ang natitirang ilaw na lang na nakikita ko ay yung spot light na naka-steady sa gitna. Yung tipong parang lahat na ng tao hindi na makahinga sa sobrang excitement, tapos biglang nag-fireworks at kasabay ng ingay na yun ang paglabas ni...
"RILEY DAYNE!!!"
Agaw-buhay na performance ang pinapanood namin! At yung mga nag-aabang na tao, nagulat din. Pinaka-unang artist kasi ng C-Ent si Riley Dayne kaya lahat ng attention, nasa kanya.
Hindi ko na kayang ikwento pa, basta pinapanood ko lang siya. Dahil ang gusto ko, maalala lagi 'tong moment na 'to. Yung pinakaunang performance ni Riley Dayne... pinakaunang performance ng boyfriend ko.
December 21 of this year, tumatak sa mga tao ang pangalang Riley Dayne. Nagtuluy-tuloy ang career niya, at habang tumatagal, mas sumisikat siya.
December 21 of that year too, tumatak sa puso ko ang lalaking si Riley Dayne.
=====
END OF FLASHBACK
=====
* * *
Nakaupo ako sa sofa, habang nakapatong lang ang ulo ni Riley sa balikat ko. Two years na kami, turning three sa darating na December 21. Kaso malayo pa yun.
"Boo... natutulog ka na ba?" Ang tawagang 'boo' ay nakuha namin dun sa restaurant na madalas namin binibisita, yung Boo Amore Lair. Kahit ngayong sikat na si Riley, nagpupunta pa rin kami doon, pero naka-disguise na nga lang ang boyfriend ko para hindi siya mapansin ng mga tao. Haha!
"Sobrang pagod na ako boo. Sunud-sunod kasi yung schedule ko eh."
"Bakit ka pa kasi pumunta? Sana nagpahinga ka na lang!"
"Ano yun? Para makapagsarili kang magcelebrate ng birthday mo? Ang saya mo naman nun!" Inaasar ba ako ng lalaking 'to! Bangasan ko kaya siya nang magising! Napaka-sarcastic ha! "Teka lang boo... 5 minutes lang."
Five minutes? Ipinikit niya yung mata niya kaya natitigan ko yung mukha niya. Mas naging gwapo si Riley ngayon ha! O baka dahil namiss ko lang siya dahil ang tagal niyang nawala galing sa world tour niya. "Boo... don't try to melt me with you stare." Saka siya dumilat. Wala pa namng five minutes ha! "You know very well I can melt you with my mouth." Sabay kagat-labi ang mokong!
"Ang manyak mo pakinggan! Eww!" Pinalo ko siya ng photo album na nakalagay sa side table. Nakalagay sa album na 'to yung pictures namin together.
"Ew ka jan! Pa-kiss nga!" Bigla niyang hinawakan yung mukha ko at nag-pout at ang sagwa lang ng labi niya! Iniwas ko yung mukha ko kaya imbes na sa lips niya ako ma-kiss, napunta sa ilong ko na lang. "Pweh! Ano ba yan boo!!! Bakit sa ilong!"
"Hahahaha!!!"
"Alam mo ang baho mo."
Ha? Ano? Ako mabaho? Nakakahiya naman. Inamoy-amoy ko yung sarili ko, mabaho ba ako? "Tara nga, let's take a shower together!"
"Landi mo Riley!" Sinupalpal ko ulit siya ng photo album. Nasanay na lang ako sa kalokohan ng lalaking 'to. Joke lang naman niya yung mga yun kahit mukhang ang manyak ng dating niya.
At tsaka sa tinagal-tagal ng relationship namin, hindi naman niya ako inaaya pa sa ganun... sa ano... sa mga yun! Basta! Meron kasi kaming promise na igi-gift namin sa isa't isa ang virginity pag kinasal na kami. Naks!!! Haha!!! Ang dami na talaga naming plano!!!
"Okay! Game! Nakapag-charge na ako ng energy!" Tumayo siya at hinila niya din ako patayo. "Oh boo... bakit parang tumatangkad ka yata?" Ako tumangkad? Sinukat niya bigla yung height ko, eh hindi naman din ako nakahigh-heels. "Dati hanggang balikat lang kita ha... ngayon nasa isip na kita."
"Aysows!!!" Gumaganun ha! "Bakit ikaw boo? Parang lumiliit ka yata?"
"Oy hindi ah! Pwede bang lumiit ang tao!" Pikon naman 'to! Hindi pa nga ako tapos eh!
"Dati kasi lagpas ulo kita... ngayon nasa puso na kita."
"Ampness, ang cute mo!!!" Nilamutak niya ako sa pamamagitan ng pagkurut-kurot sa pisngi ko. Natuto talaga akong bumanat din dahil sa kanya. Para hindi lang ako yung nauumay, pati siya! Hwahaha!!! "Oh. Magbihis ka! Aalis tayo. Magsuot ka ng red ha." Tapos may nilabas siya sa bag niya na pulang bonnet. "Ayan para partner niyan."
"Bakit? Anong meron?"
"Ay... birthday mo nga diba! At tsaka eto oh!" Naglabas din siya ng blue bonnet. "Para match tayo! Manonood tayo ng sine!"
"Hoy! Anong oras na kaya! Wala na tayong maabutan ngayong oras!"
"May inupahan na akong cinema house. Manonood tayo ng Gnomeo and Juliet." Tapos tinulak niya ako papasok ng kwarto ko. "Magbihis ka na. Ito lang yung oras ko para makapanood ako ng sine kasama ka." Isip-bata talaga 'tong si Riley... "Dali! At a count of 20 pag hindi ka pa nakabihis ha! Ako na magbibihis sayo!"
Syempre dahil sa kamanyakan biro ni Riley, nagpalit na ako agad. Umalis na kami agad. Every night talaga kung kailan medyo konti na yung tao, saka kami nakakapag-date ni Riley.
"Paabot nga Ishy!"
"Ng ano?"
"Ng kamay mo. Para holding hands tayo." Jusmio!!! Kilig at kilabot, layuan niyo ako! Ang sakit sa panga!!!
Magkaholding-hands na nga kaming naglalakad, pero syempre todo ingat pa rin si Riley. Kung may makakilala lang kasi sa kanya, pagkakaguluhan siya agad ng tao. Patakip-takip siya ng mukha niya, pero mahigpit pa rin yung hawak niya sa kamay ko.
Marami na ring pera si Riley eh, kaya nga kahit upahan niya 'tong buong cinema house, wala lang sa kanya.
Nanood na kami ng movie at syempre, enjoy na enjoy naman si damulag! Hahaha!!! Ang hindi niya alam, matagal ko na 'tong napanood! After the movie...
"Iba talaga pag cartoons eh noh. Happy ending!"
"Oo nga... nakakaamaze!" Pffft! Parang bata lang si Riley na inuuto ko! Paano, hindi siya makaget-over na happy ending sina Gnomeo and Juliet eh.
"Ay boo! Ang cute oh!" Napatingin siya sa mga nakadisplay na karton. "Tara mag-picture tayo! Tamang-tama kasi kamukha natin sina Gnomeo at Juliet ngayon!" Isi-net niya yung camera at ipinatong sa may gilid lang. "1, 2, 3... Riley!!!"
Siya rin nagpauso niyan! Imbes na cheese ang sasabihin kapag nagpapakuha ng picture, 'RILEY' na lang yung sasabihin! "BOO!!! Ang gwapo at ganda natin dito oh!"
"Saan patingin nga! Hwaw!!! Oo nga!!!"
"Hoy!!! Bakit ginagalaw niyo yung mga naka-display jan." Sinigawan kami ni manong guard kaya kumaripas kami ng takbo ni Riley.
Pag siya talaga kasama ko, puro lang kami kalokohan! Basta masaya kami, go lang ng go!
* * *
"Malapit nang matapos yung birthday mo!" Magtu-twelve na kasi eh. "So... anong wish mo?"
"Ay walang cake?"
"Cake? Ay teka... pupunta ako sa Boo Amore!!!"
"Wag na!!! Joke lang, ano ka ba!" Nakabalik na kasi kami sa condo ko, at nasa veranda kami ngayon, ini-enjoy yung magandang night view. "Teka... saka na lang ako magwi-wish pag nakakita ako ng falling star!"
Tumingala ako kasi ang ganda din ng langit! Kahit walang buwan ngayon, kitang kita ko pa rin yung mga stars!
Maya-maya...
"Aray!"
Nakahandusay na si Riley sa sahig. "Boo!" Naawa ako syempre, pero hindi mo rin maalis na hindi matawa eh. "Ano ba yan! Bigla-bigla ka na lng tumutumba jan."
"Oh yan, nakakita ka na ng falling star."
"Ha?" Natawa lang ako nang ma-gets ko na yung sinasabi niya. Falling star! Si Riley na isang sikat na idol STAR, nahulog sa harapan ko. "Hahahahahahahaha!!! Aning ka talaga!"
"Dali!!! Wish na kasi!"
"Ang wish ko... sana magtuluy-tuloy pa yung career mo." Lumapit siya saakin at niyakap ako.
"Yung wish mo para sa sarili mo?"
"Sana... hindi na natin kailangan pang magtago." At lalong humigpit yung yakap niya saakin.
"Nahihirapan ka na ba My Boo?"
Tinignan ko siya. Gusto ba niyang sagutin ko siya ng direcho? "Ang gusto ko lang, maipagmalaki kita sa lahat. Na ikaw ang boyfriend ko."
"Don't worry Boo... darating na din tayo dun. Malapit na."
Ang totoo, hindi na lang dahil sa contract niya sa C-Ent yun eh. Marami pang dahilan kung bakit hindi namin maipagsigawan sa lahat ang relasyon namin.
Sobrang dami ng problema, sobrang dami ng kumplikasyon, at pareho naming hindi alam kung paano yun haharapin.
(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)
End of Chapter 5
hehehehehehehehe!!! kakilig si riley!!!! galing ng mga banat!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDelete1.2.3.RILEY!!! :)
ReplyDelete