Monday, January 2, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 6

Chapter 6
(ISHY ARAVILLA POV)



"Gwabe na talaga!!! Patagal ng patagal, dumadami ang nag-aabang kay Wiley dun sa gate! Kaasaw!"




"Ooh ngah! Nakakuhah kah bah ng maraming pictures?"




"Konting pictuwes lang. Ikaw ba GF?"




Naghuhurimintado 'tong mga alien kong kaibigan dahil nagpakahirap ulit kami sa riot kanina, tapos konti lang daw yung nakuha nilang pictures ni Riley. "Konti lang din eh."




"Hay!!! Mababah nah naman stats ng site natin niyan!"





Nandito kami sa study area ng third floor... and guess what kung anong ginagawa namin dito! "Kasisimula pa lang ng klase niya! Don't tell me maghihintay tayo dito ng 1 and half hours!" Oh yeah! Inaabangan nila Helena at Mindy si Riley dito sa harap ng classroom nila! Nag-cutting pa silang dalawa para lang makapwesto dito!




Photobucket




"Wag ka nang mag-inawte! Two houws naman ang bweak-time mo eh."




Ang iniisip ko lang kasi... "Panigurado mamaya, mababaldog na naman ako sa inyo eh." Tapos napatingin ako sa ibang estudyanteng nakakalat sa paligid. For sureness, si Riley din ang inaabangan nilang lumabas.




"Kahit konting pictures lang GF! Malay moh lumabas siyah parah mag-CR! Makakuhah tayoh ng maraming shots parah mah-post namin! Malaking perah yun GF!!!"




Pinagkakaperahan nila ang kalandian nila! Malaki kasi ang kita nila dun sa fan site na especially made for Riley. "Hay naku lang!!! Ano ba kasing meron jan sa Riley na yan at patay na patay kayo eh."




"Ano bang mewon sayo at hindi ka patay na patay kay Wiley ha? Ikaw lang talaga ang babaeng hindi tinatablan ni magic ni Wiley eh."




Hindi ako patay na patay dahil immune na ako! Haha!!! IMMUNE NA!!! At tsaka si Riley ang patay na patay saakin! Hwahaha!!! "Kasi naman kailangan kong pumunta sa library! May akong kailangang i-research! Mamaya na lang ako babalik." Alibi lang! Haha!




"Hindeh! Bawat segundoh, mahalagah!!! Paanoh nah lang kung biglang lumabas si Riley at walah ka ditoh! Masasayang yung shots nah makukuhah moh!"




Tapos naka-isip ako ng plano. "Okay, pagnakakuha ba ako ng shots niya, pwede na akong umalis?" At tumango sila... so ni-text ko si Boo! Haha!!!




{Boo... labas ka nga sandali. nandito kami sa labas ng classroom mo. papicture ka lang sandali, kasi 'tong mga kaibigan ko kanina ka pa inaabagan.}




10... 9... 8... 7... 6...




Tapos hinanda ko yung hawak kong SLR dun sa pintuan ng classroom.




5... 4... 3... 2... 1...




Saktong lumabas si Boo at sunud-sunod na akong kumuha ng pictures niya.




"Kyaaaaaaaahhh~ Si Riley!!!"




Nagsilapitan na agad yung mga babae sa paligid, tapos umandar na din sina Helena at Mindy at lumapit na kay Riley. Sumunod din ako.




"Riley maygawd!!! Pa-picture!!!"




"Teka!!! Kami din!!! Kami din!!!"




Ako naman pakunyari... "Nasaktuhan ko yung paglabas niya kanina! Ang dami ko nang pictures! Pero bakit kaya biglang lumabas si Riley noh?"




"Bakah magsisi-CR ngah siyah! Anoh pah man ang ginagawah niyah ditoh, kumuhah kah pa rin ng maraming pictures!"




"Ito na nga!!!"




"Teka... isa-isa lang." Ngumiti, kumindat, nagpa-cute, naglandi at nagbigay ng autograph si Riley sa mga babaeng nakapaligid sa kanya! Sa sobrang dami ng camera sa paligid niya na sunud-sunod na nagfa-flash, hindi niya alam kung saan siya titingin at ngingiti.


Photobucket




"Uwaaaahhh Riley!!! I'm your number 1!!! Pa-hug! Pa-kiss! Pa-autograph! Pa-picture! Pakasal na tayo" At hindi pa pumapayag si Riley, ginawa na agad nung babae yung ipinaalam niya, syempre pwera lang yung pa-kasal!




"Hehe... anong name mo?"




"Jeru! Jeru!!!" Hala si Ate Jeru! Talagang nagwawala! Tapos maya-maya naiyak siya!




"Oh don't cry Jeru!" Tapos pinunasan pa mismo ni Riley yung luha ng fan niya. Ganyan siya ka-close sa mga taong nagmamahal sa kanya.




"Tears of joy Riley!!! Waaaahhh pwede na akong mamatay!"




"Ay wag mong gawin yan, mababawasan ang magaganda kong fans." At nagtilian ang mga tao! Landi mo Riley ha!




Anyway, hinimatay lang yung Jeru after nung moment niya with Riley. Common scene na yun, ganun ka-sikat si Boo!




Nung kaming tatlo naman yung makalapit sa kanya. "Wiley ohmyjosko!!! I'm youw numbew one fan!!! May fansite kami pawa lang sayo, pwede bang papictuwe?" Nakwento ko na kay Riley ang tungkol kay Helena, na wala siyang letter R. At ngayong nagkita na sila, halatang in-shock si Boo!




"Suwe!" Mokong na 'to!!! Ginaya pa si Helena!!! Hahaha!!!




"Akoh din Riley!!! Papicture din akoh!!!" Pati yung tungkol kay Mindy, alam na din ni Riley.




"Sigeh bah! Tarah!" At ginaya niya din si Mindy!!! Sira-ulo talaga 'to! Pero ganito kasi siya ka-friendly sa mga fans niya eh... lalo na sa mga babae.




"Oh, ako na kukuha ng picture... 1...2..."




"Teka... ayaw mong sumama? Papicture ka din!" Ang daming nakapaligid saamin.




"Hindi na po. Taga-kuha lang ako ng picture." Ngumiti lang sa harap ko si Riley. Naka-akbay siya kina Helena at Mindy. At kumuha na ako agad ng shots. "Isa pa!!!" Dinamihan ko na para makuntento sina Helena at Mindy. "Okay na mga GF!"




After kong kumuha ng pictures nila, aalis na sana ako kaso hinila ni Riley yung damit ko. "Ayaw mo bang magpa-picture kasama ko?"




"Hindi na!" Ano ba Riley, bakit mo 'to ginagawa sa harap ng fans mo! Baka may makahalatang magkakilala tayo!!!




"Sige, bibigyan na lang kita ng autograph." Kumuha siya ng ballpen at...




Photobucket




"Sa iba mo na lang ibigay yan." Hindi ako makatingin sa kanya. Kapag naging ganito siya, baka may maghinala! "Tara na GF's."




"Anoh kah bah?" Lumapit saakin si Mindy at bumulong. "Bakit kah tumatanggih? Minsan lang 'tong pagkakataon nah 'toh!"




"Psh... sige amin na. Pengeng autograph!" Aanhin ko naman kasi ang pirma ni Riley eh!!!




"Alright, what's your name?"




Sinimangutan ko siya. "Ishy!" Sabi ko naman kasi pictures lang!!! Pinahahaba pa niya ang exposure niya dito!




"Ishy..." May sinulat siyang dedication sa isang papel at pinirmahan na ito. "Here you go." Tapos inabot niya saakin yung papel, saka siya tumingin ulit sa iba. Ngumiti ulit at kumaway-kaway. "Alright... I have to go back to my room." Saka siya pumasok ulit sa loob ng classroom niya.






*     *     *



Hihimatayin na yata sa kilig sina Helena at Mindy. "Wag kayong himatayin dito! Hindi ko kayo kayang buhatin!"




"Uwaaahhh!!! Ang bangoh niyah!! Nakadikit nah yatah ang halimuyak niyah sah damit koh. Hindih nah akoh maliligoh nitoh!!!" Eww!!!




"Patingin na ng pictuwes!" At hinablot naman ni Helena yung SLR saakin. "Ang ganda ng shots!!! Galing mong photogwapew Ishy!!! Pawang mannequin lang si Wiley oh!!! Ang gwapo talaga!!! Pwede na akong mamatay!!!"




"Ayiiiiieeeeehhhh!!! Ahahahahaha!!!" Hindi makaget-over ang mga gaga!




"Sus! Parang mga baliw talaga 'tong mga 'to! Kung sambahin naman!!! Tao lang naman din yung si Riley!" Tinawanan ko sila, tapos napatingin ako sa papel na binigyan ni Riley. "Oh ito, sainyo na rin 'tong autograph niya oh."




At pinag-agawan nila agad yung papel. Haha!




"Excuse me." Tapos yung isang grupo ng babae kanina lumapit saamin... saakin! "Anti-fan ka ba ni Riley?"




"Ang kapal naman ng mukha mo."




"Anong karapatan mong tanggihan si Riley!"




Napalunok ako. This isn't the first time na nangyari saakin 'to! Maraming beses na! At sa tuwing nangyayari 'to, natatameme lang ako.




"Sino ka ba sa tingin mo ha. Papicture-picture ka nga, tapos gaganunin mo lang si Riley!"




"Hindi ka man lang marunong mag-thank you"




"Dapat nga matuwa ka pa dahil pinag-aksayahan ka niya ng minuto niya!"




"Tekah naman! Eh kayoh? Sinoh kayoh? Misunderstnading lang yung kaninah dahil syempre iniisip ng kaibigan namin, busy si Riley!"




"And excuse me lang ha! Hindi siya anti-fan! Pupunta ba siya dito kung anti-fan siya?"




"We're not talking to you girls! We are talking to her!" Tapos lumapit saakin yung isa pang babae. They're just another crazy fans of Riley! Inaalagaan nila masyado ang idol nila. "Wag kang magpapakita kay Riley, lalong-lalo na saamin kung gaganunin mo lang siya!" Sabay tulak saakin, at halos mapaupo na ako sa lakas!




"OO nga! Get lost!"




"Aba't sumusobwa na kayo ha!!!" Gaganti na sana si Helena, at tutulong na din sana si Mindy pero...




"Helena, Mindy! It's okay! Tara na." Nauna na akong umalis para makaiwas sa mas malaking gulo. Pag nagtagal pa kasi yun, mas magiging malala lang!




Nang makalyo na kami...




"Ikaw naman kasih GF. Wag moh namang ipahalatah nah hindih kah fan nih Riley. Ilang beses nah 'to! Aakalain talagah ng ibah nah anti-fan kah sah mga pinagsasasabih moh."




"Hindi lang ako fan... anti-fan na agad!" Hindi ba pwedeng girlfriend muna niya ako!!! GIRLFRIEND!!!




Photobucket




"Kasi naman GF, hindi ka pa nasanay. Dapat tanggap lang ng tanggap!!! Isipin mo naman kasi, sa dami ng giwls na nagkakadawapang makakuha ng pictuwes at autogwaph ni Wiley, ikaw pa 'tong tumatanggi! Sunod, tanggapin mo na lang. Tapos ibigay mo saamin kung ayaw mo."




"Ooh ngah!!! Naiingit ngah akoh kaninah! Kinausap ka niya GF!!!"




"Psh! Oo na..." Alam ko naman din na ako ang may mali! Pero mas mabuti nang mapagkamalang ANTI-FAN kesa malaman ng lahat ng GIRLFRIEND niya ako! Mas mahirap ang sitwasyon namin pag nagkataon! "Oh mga GF, nakakuha na ako ng maraming pictures ha. Pwede na ba akong umalis?"




"Okay, ingat kah hah." Mabuti na lang may mga friends ako na tulad nila! "Ingat GF ha!"




"Yep! Bukas na lang ulit!" I faked a smile at iniwan ko na sila.




*sigh*




Nandito na ako sa secret meeting room namin ni Riley. After class ni Riley, pupunta kaya siya? Minsan kasi nakakapuslit siya na makapunta dito, pero habang tunatagal, nahihirapan na siyang takasan yung mga naghahabol niyang fans.




*sniff... sniff*




One week na ang nakakalipas after nung birthday ko, hindi pa rin kami nakakapagsolo! Kapag nagkikita naman kami dito sa school, maraming nakapaligid!




So habang naghihintay, nakinig na muna ako ng music. At pinatugtog yung theme song ko para sa kanya...




Photobucket





Just like a star across my sky,
Just like an angel off the page,
You have appeared to my life,
Feel like I'll never be the same,
Just like a song in my heart,
Just like oil on my hands,
Honour to love you...





Tapos sinasabayan ko na lang yung kanta sa utak ko... namimiss ko si Riley. At mas lalo ko siyang namimiss kasi nandito nga siya, nakikita ko, pero hindi ko makasama. Malapit lang siya, hindi ko naman ako makausap!





Still I wonder why it is,
I don't argue like this,
With anyone but you,
We do it all the time,
Blowing out my mind.





At napatigil ako dahil narinig kong bumukas yung pinto. Mahina lang yung boses ko... "Riley?" Tapos na ba klase niya? Tapos nagtago ako sa may gilid. Pagsilip ko, nakita ko ang isang lalaking naka-bonnet at parang tinatago ang mukha niya.




Si Riley!!! Nagpalit pa talaga ng damit para makita ako dito!!! Naka-disguise siya para lang makapunta dito!!! Mah Boo!!!








*     *     *




Lumingon-lingon pa siya, hinanap ba niya ako? Inaayos ko sarili ko, sinugurado akong hindi ako matatawa at kikiligin! Gugulatin ko siya!!!




Hinintay ko muna siyang maupo, at saka ako dahan-dahang lumapit sa kanya. Kinuha niya yung cellphone niya at may ni-text! Iti-text niya ako?




{I miss you babe... please makipagkita ka na saakin.}




Babe? Eh BOO ako ha! Sino yung babe na yun!!! Langya ka Riley!!! "WALANG HIYA KA!!! Sino yang babe na yan ha!"




At pinagpapalo ko siya. Hindi pa ako nakuntento, binato ko sa kanya lahat ng gamit ko sa bag! "Wala kang kwenta!!! Nambababae ka palang hinayupak ka!!! Walang hiya!"




"Woooh!!! What the hell!!!"




"Eh...?" Ngayon ko lang narealize na ibang cellphone pala ang gamit niya... ibang boses! At ibang tao pala 'to!


Photobucket




"Sino ka ba?"




"Sino ka?"




Lalapit siya sana saakin, anong gagawin niya? Gagantihan niya ako? Sa takot ko, binato ko siya ng pinakamakapal kong libro at nasapul ko yung mukha niya kaya napaluhod siya. "Argh... what's you're problem?"




"Wag kang lumapit!"




Akala ko si Riley na!!! Sino ba kasing lalaki 'to? Bakit siya nagpunta dito? Anong ginagawa niya dito! At bakit ang gwapo niya... nyah!!!




"God!!! Sunud-sunod na kamalasan naman oh!" At maya-maya umiyak siya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak! Naguilty tuloy ako! Ganun ba kalakas yung ginawa ko?




"OMG! Sorry!!! I'm so sorry!!!" At naisipan ko nang lumapit sa kanya. "Sorry... I'm really sorry..."




Napatingin siya saakin... at parang ngayon lang niya na-realize na umiiyak pala siya sa harap ko kaya nagpunas siya agad ng mata. "It's fine... it's not your fault why I'm crying."




Tumayo siya at hindi siya makatingin saakin. Lalo akong na-naguilty... kasi ang lungkot ng mukha niya at parang ang bigat pa ng dinadala niya. "Care to talk?" Naaawa ako sa kanya, at nagi-guilty pa ako a ginawa ko!




Wala naman kasi pala sa itsura niya ang maging masamang tao eh... false alarm at panic lang ako!




Naupo kami sa mga upuan, pero may isang upuan pa rin sa pagitan namin! Anong malay mo, maisipan niyang gumanti sa ginawa ko kanina!




"Sorry ha... hindi ko sinasadya! Akala ko kasi ikaw yung boyfriend ko. Nabasa ko yung text mo eh... sorry! Sorry! At sorry lalo dahil binato kita ng mga gamit ko!"




"I already said it's alright."




"So bakit ka nga pala umiiyak kanina? Anong problema mo?" Tahimik lang siya, ang pakelamera ko kasi! "I know it's none of my business pero mas gagaan ang pakiramdam mo kung may pagsasabihan ka ng sama ng loob mo."




"My girlfriend broke up with me." Naawa ako lalo! Kaya pala ang lungkot niya! "She said she's in loved with someone else... and she broke with me." Tapos tumulo ulit yung luha niya. This time, umupo na talaga ako sa tabi niya.




"Alam mo... hindi ko alam kung paano magpayo sayo ngayon kasi hindi ko naman alam yung feeling ng break up. Pero sige umiyak ka lang, ilabas mo lang yang lungkot mo." Ewan ko kung nag-smile ba siya saakin, o pinipilit niya lang patigilin ang luha niya.




"What's your name?"




"Ishy... Ishy Aravilla."




"So meeting place niyo ba ito ng boyfriend mo?"




"Oo." Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya nandito! "Eh ikaw, paano ka napunta dito?"




"Because I thought walang nagpupunta dito... so I'm here para mapag-isa sana." Eh nauna ako dito eh! "But I'm glad you're here. Salamat Ishy."




"Anong pangalan mo?"




"I'm Johann Serna."




"Johann..." Nagkatinginan kami, pero umiiwas siya dahil nga lumuluha pa rin siya. Sige, ita-try kong mag-advice sa kanya! "Alam mo may mga tao talagang hindi nakalaan para sa isa't isa! Ang masaklap eh pinagtatagpo pa sila."




"Nag-aadvice ka ba o ano?" Hindi pa kasi ako tapos diba!!!




"Para matuto ka." Inabot ko sa kanya yung panyo ko. "At tsaka anong malay mo... kaya kayo pinagtagpo eh para sunud mo nang makilala yung talagang para sayo." Naks!!! Gumaganun! Pero totoo naman diba! "At pag natuto ka na, hindi mo na magagawa yung same mistake na nagawa mo sa past."




Then I smiled at him. Feeling ko naman nakatulong ako eh! Feeling ko lang kasi pinunasan na niya yung mata niya gamit ang panyo ko.




Maya-maya nagring yung phone ko... "Teka lang Johann ah.... hello?"




"Hey Boo!"




"Boo?" 




"Pumunta ka sa car park dali! Tatakas tayo!" Tatakas? Ano yun parang preso lang ha!




"Ha? Bakit hindi ka na lang magpunta dito? Nandito ako sa..."




"Dalian mo!!!" Sabay baba ng phone.




"Um.. Johann..."




"Boyfriend mo?"




"Oo... kailangan ko siyang puntahan eh." Tapos napatingin ako sa panyo ko. "Kukunin ko na lang yan pag nagkita tayo ulit." Yun ay kung magkita ulit kami. Anong malay mo diba. "Nice meeting you ha! Tawanan mo lang lahat ng problema, okay?"


Photobucket


Nag-smile siya so alam kong okay na siya. Tapos tumakbo na ako agad para puntahan si Riley dun sa car park...




TANONG: Paano kami tatakas?



(A/N: The lyrics is from the song "Like a Star" by Corinne Bailey Rae)


(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)


End of Chapter 6

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^