Tuesday, January 10, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 7


Chapter 7
(ISHY ARAVILLA POV)



Pumunta na nga ako sa car park, pero hindi naman ako makalapit sa sasakyan ni Riley. Paano naman kaya kami tatakas? At paano ako sasama sa kanya? Hindi pwede dahil maraming tao ang pwedeng makakita! At isa pa, pakalat-kalat ang paparazzi, mahirap na talaga!!!




"Hey!" Bigla na lang may humablot saakin mula sa likod. Dinala niya ako sa isang red na sasakyan sa may labasan.




"Boo?"




"Boo-LAGA!!! Tara, sakay na." Naka-disguise nga si Riley! At halos hindi ko talaga siya makakilala!


Photobucket



"Uwaahh? Saan mo nakuha 'tong sasakyang ito? Bago na naman?"




"Basta! Let's go!" Sasabihin ko pa sanang may next class pa ako, kaso tinulak na niya ako papasok ng sasakyan at successful naman ang pagpuslit namin paalis ng university!




Nagda-drive siya, pero yung right hand niya nakahawak lang sa kamay ko! Nakatitig ako sa kanya, ang galing talaga ng pagkakatago ng gwapo niyang mukha!




"Ang talented mo talaga Boo! Pati sa pagdi-disguise, the best ka!"




"I know! Lahat na yata ako eh! And damn! If being great, handsome, wonderful, talented and sexy was a crime, I'd be guilty as charge!" Umi-English pa ang kumag!




"Aba boo! Ano na ba yang nalulunok mo ha? Electricfan ba yan, ang hangin na kasi! Ahahaha!"




"Mahangin na kung mahangin! Tangay naman puso mo!" Nyaaahhhh~




Wala na talaga kaming magawa sa buhay namin kung hindi maghasik ng kilabot at kilig! Maumay na ang lahat, basta masaya kami! Ahahaha!!! "Wala na yata akong nagawa nung mga nakaraang araw kundi ang isipin at mamiss ka eh."




"Aw! I miss you too." Pero pareho lang kaming napabuntong-hininga. Wala naman kaming magawa eh. Masyadong busy si Riley sa trabaho niyang magpasaya at magpakilig ng mga fans niya.




"Ishy... anong english ng mahal kita?"




"I love you."




"I love you too!" He kissed my hand and smiled at me. Kahit panakaw lang na moment 'tong ginagawa namin, sobrang saya ko na!


Photobucket


Hindi ko na tinanong kung kanino 'tong sasakyan, kung paano siya nakapag-disguise, kung paano yung schedule niya ngayong araw, at kung saan niya ako dadalhin. Basta kasama ko lang si Riley, kahit saan man niya ako dalhin, susunod lang ako.




Binuksan niya yung TV ng sasakyan habang na-stuck pa kami sa traffic. Tungkol lang sa isa pang artista yung balita. "Kilala mo ba yan?"




"Sa TV, oo. Sa personal, hindi."




"Lilipat na din siya sa C-Ent ha. So may possibility na makatrabaho mo siya in the future."




"Pwede." Wala lang kay Riley. Wala lang sa kanya kahit si Casey Anne yung pinag-uusapan namin na idol star!




"Oh anong tingin mo kay Casey Anne? Maganda, talented, sexy, sweet at kasing sikat mo halos." Casey Anne... walang tao yata ang hindi nakakakilala sa kanya eh. In-offeran siya ng mas malaking talent fee ng C-Ent kaya nagkapirmahan na ng kontrata. "Diba sabi mo sa isang interview dati, siya ang celebrity crush mo?"




Tinitigan ako ni Riley... at hindi naman sa nagseselos ako ha. "Alam mo ang sakit na ng mga mata ko."




"Aysows! Ang galing maka-change topic ha!"




"Kasi hindi na yata ako makakakahanap ng mas higit pa sayo eh." Aysows ulit!!! "Kahit pa ganun yung Casey Anne na yun, kahit ipag-loveteam pa kami, wala akong pakelam! Ikaw lang ang gusto ko!"




"Ipag-loveteam? So totoo nga rin yung mga chismis?"




"CHISMIS! Ibig sabihin, HINDI pa sigurado! At hindi ko din sigurado yung nasabi ko kanina. Nababanggit lang ng manager ko." Tapos nag-pout siya at lalong hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko. "Alam mo nangangamoy selos, naamoy mo?"




"Nagtatanong lang... at tsaka bakit ako magseselos noh?" Kinurot ko yung pisngi niya... at nilakasan ko. "Alam ko namang saakin ka lang patay na patay eh!"




"Ay Boo, nakalunok ka naman yata ng aircon! Ang hangin din bigla eh!"




"Pssh! Well! At least hindi ko lang tinangay puso mo, pinalamig ko pa!"




Tinawanan niya ako, at syempre natawa din ako sa kakornihan ko! Nagpunta na kami sa isang park kung saan medyo konti lang yung tao. Medyo kampante na siya dito na walang makakakilala sa kanya.




So katulad lang ng ordinaryong mag-boyfriend, in-enjoy lang namin yung moment namin together. Madalas namin pag-usapan yung mga projects niya, photoshoots, MV's, TV appearances at kung anu-ano pang shows! Paminsan-minsan nichi-check niya rin yung cellphone niya. "Sino yang katext mo? Manager mo? P.A.?"




"Nope!"




"Sino?"




"Si Eli."




"Si Eli?" Ang tagal ko nang walang balita sa masungit na totoy na yun ha!




"Gusto niyang i-surprise yung girlfriend niya. Idol daw kasi ako."




"Si Eli may girlfriend na? As in si Eleazer Pascual yun ha!!!" MYGAWD!!! Si Eli na tumulong dati saamin para maging kami ni Riley! "Tara puntahan na natin!"




"Paano moment natin?" Nagpaawa effect pa, hindi bagay!!!




"Dun na tayo mag-moment sa kanila!" Hinila ko siya at super excited na talaga akong ma-meet yung babaeng tinutukoy ni Riley na nagpaamo sa masungit na si Eli!




*     *     *




Nagpunta kami sa mansion ni Eli, na ngangangain ng mga bopols! Buti na lang at naaalala pa kami ni Rinoa, yung security camera ng bahay! Tinitext ko na din si Eli na nandito na kami sa bahay niya.




"Naks! Fan mo pala ang girlfriend ni Eli! Patay ka mamaya kay Idol niyan. Ahaha!" Nasa living room lang kami, hinihintay sina Eli at girlfriend niya.




"Tara nga dito!" Hinila niya ako at pinaupo sa sofa sa tabi niya. Saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Sobrang sikat ng boyfriend mo noh."




"Oo nga eh. Buti na lang sanay girlfriend mo." Tinignan ko siya at saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Magtago ka pag nanjan na sila. Gulatin mo yung girlfriend ni Eli!"




"Hindi ka na ba nagseselos sa mga fans ko?"




"Hindi... diba kung hindi dahil sa mga fans mo, wala ka ngayon jan sa position mo. Sikat na sikat!"




"Kung hindi dahil sayo, wala ako ngayon sa position ko. Inlove na inlove!" Binatukan ko siya, ke-landing lalaki naman kasi! Anyway, sabi ko nga noon, IMMUNE na ako sa mga ganyan niya! Natuto pa nga akong makipagsabayan sa kanya para patas yung kilig!


Photobucket


Inabot na kami ng gabi sa paghihintay kina Eli at sa girlfriend niya. Pero dahil din dun kaya mas humaba pa yung time namin ni Riley sa isa't isa. Naglolokohan lang kaming dalawa, pagalingan ng mga banat, iki-kiss niya ako, babatukan ko siya!




"Kiss me if I'm wrong..." Kitams! Luging-lugi ako diba! Tapos sasadyain niyang mali-mali yung sinasabi niya!!! Mokong din talaga 'tong si Boo eh! Syempre pakipot style ako, mahal na ang halik ngayon ah!




"Teka Boo, tinatawag na ako ng kalikasan!" Dun siya umakyat sa taas kasi naka-lock yung CR dito sa baba.




Habang hinihintay ko siya, tumayo ako at nilibot-libot ulit yung bahay. Maya-maya, nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto at may magandang babae ang pumasok. "Sino ka?" Kapatid ba ni Eli 'to? Imposible namang katulong sa sobrang ganda!




"Ha? Si... Si Eli?" Teka... hindi kaya siya yung... "OMG. Ikaw ba..."





"Ikaw ba yung ka-text ni Eli kanina?"




"Yep... that's me." Napa-smile ako! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga yung girlfriend ni Eli! Nakanangtoots Eli! Ang galing mong pumili ng babae!




Tapos sumunod ko nang narinig yung boses ni Eli! "Sam!!!" Bakit hingal na hingal siya? At nung ma-realize niyang nandito na din ako. "Ishy!!!" 




Sa sobrang saya, napayakap ako sa kanya! Naging close na din kasi kami ng totoy na 'to matapos nila kaming paglapitin ni Riley! Malaki talaga ang utang na loob namin sa kanya at sa mga kaibigan niyang sina Waine at Argel! "Eli!!! Gosh!!! Namiss kita!!!"




Kaso parang may mali yata sa eksenang ito. Bigla kasing umiyak yung girlfriend ni Eli at nagwalk-out. "Teka lang Sam..."




"Aww... wrong timing ba?"




"Nak ng teteng Ishy! Nagselos yata si Sam sayo eh." Sam... Sam ang name ng girlfriend ni Eli. Uwaahh!!! Yung itsura ni Eli! Hindi ko akalaing magiging ganito siya sa isang babae! "Si Riley?"




"Nasa taas... nasa taas!!!" Nandun din papunta yung girlfriend ni Eli na si Sam!




Nagmadali kaming sumunod pero huli na ang lahat dahil nagkita na sila ni Riley. "Nakabalik na pala kayo?" Hindi ko ma-explain yung reaction ng girlfriend ni Eli.



"Kuya Riley!"




"Eli!!!"



"Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"




"Oh kalma lang!!!" Napaatras si Boo pagkasigaw ni Sam. Akala pa namin hihimatayin na siya pero sinalo siya ni Eli! Naks Eli, gumaganun na! Hindi pa rin naman makapaniwala si Sam kahit nagpaliwanag na kami.




"Hello Sam! At last, nakilala ka rin namin!"




"Naku-kwento ko saamin nitong si Idol eh." Ilang sandali pa, tuluyan ngang hinimatay si Sam.




Natawa na lang ako 'coz this isn't the first time na makakita ako ng fan na hinihimatay talaga matapos makita si Riley. Pero ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing ganda niya na super fan ni Riley! Ahaha!!!




Nang mahimasmasan siya, nag-click naman kami! Tapos nakwento nila saamin ang tungkol sa secret relationship nila. Syempre lalo kaming naka-relate sa isa't isa! At talagang natutuwa ako dahil sa isang tingin pa lang, bagay na bagay talaga sina Ei at Sam!





"Alam mo Sam, iba din talaga yang nagawa mo kay Eli eh. Alam mo bang noon ko pa inaabangan ang araw na may magpapaamo jan sa totoy na yan! Ang sungit!"


"Oo! Tapos mababaw lang na bagay, nagagalit na agad!"


"Ay naku, sinabi niyo pa! Hindi lang yun, lahat gustong idaan sa dahas!"


"Oh sige, ano yan pinagtutulungan niyo akong tatlo? At hoy Sam! Hindi kita dinaan sa dahas! Kindat, ngiti at google lang ang ginamit ko noh!"



"Teka... hindi ka nanligaw?"


Biglang nagbago yung itsura ni Sam. "Hindi yan nanligaw! Ni-blackmail niya lang ako!"


"Wala ka pala saakin eh. Alam mo bang lahat na ng yaman ko sa mundo noon, ginamit ko para mapasagot ko si Ishy!"


"Naku hindi lang yun Sam, pati mga nakakaumay sa kilig na banat, binusog niya ako." Wow memories!!! Sa tuwing naalala ko yung times na yun, kinikilabutan pa rin ako! Haha!!!


Masarap at masaya silang kausap at alam kong nae-enjoy din ni Riley itong nangyayari! Minsan na lang kasi kung makakilos siya na parang normal at ordinaryong tao lang. Lahat kasi ng galaw niya, sinusundan ng mga tao! Kaya nga sa tuwing nagagawa naming tumakas ng ganito, nilulubos na namin!



*     *     *



Pagkatapos naming kumain ng pizza, tinulungan ko si Sam na iligpit yung mga kinainan. "Grabe, nakakatuwa kayo. Ang laki ng pinabago ni Eli nung makasama ka niya." Halata bang hindi ako makaget-over sa pagbabago ng supladitong si Eli?



"Pero Ishy, kayo? Ano nang plano niyo ni Riley? Hanggang kelan niyo balak itago yung relasyon niyo?"


"Hindi ko rin alam eh. Basta ang sigurado ko lang, ayokong masira yung career ni Riley. Kaya ko pa naman eh, kasi ganun ko siya kamahal!"


"Ang hirap magkaroon ng secret relationship!" Sabay naming nasabi! Nagtawanan kami at talaga namang magkasundo kami agad noh! "Pero anong ginagawa mo pag nagseselos ka?"


Napabuntong-hininga ako. Maliit lang na problema yun kung ikukumpara sa mas malaking problema na pwedeng harapin ng relasyon namin kapag nalaman ng iba. "Wala... wala naman akong magagawa eh. Tinatawanan ko lang. At tsaka 'trust', Sam. I just trust Riley kaya kami nagtagal ng ganito."


"Nakakaiinggit talaga ang relationship niyong dalawa."


"Wag kang mainggit! Magkaibang kwento naman tayo ng lovelife eh. For sure, yung twist sa storya niyong dalawa, magkaibang level ng twist sa kwento namin ni Riley." She smiled at me so I smiled at her too.


"Ang ganda-ganda mo!" Sabay namin ulit nasabi! Si Sam ba ang nawawala kong kambal? Hahaha!!! Ang weird na talaga! "Alam mo kaya siguro patay na patay saatin ang mga boyfriend natin."


"Feeling ko nga! Ahaha!"


Gabi na rin kaya hindi na kami nagtagal pa nina Riley. Pero bago yun, may ipinaalam muna si Sam... bilang isang die-hard fan ni Boo. Ewan ko na lang kung anong magiging reaction ni Eli tungkol dito, pero pagbigyan na natin!


"Okay lang talaga Ishy ha?"


"Sige na Sam, gawin mo na! Hey Boo~" At binulungan ko si Riley. Kitang-kita ko rin yung mukha ni Eli na hindi palagay sa binabalak namin.


"Ah!!! Talaga Sam?"


"Oo... okay lang ba?"


"Syempre naman!" Tapos sa harapan namin, nilapitan ni Riley si Sam at hinalikan niya ito sa pisngi. Hindi pa yun natapos dun dahil nagyakapan pa sila.


"Bakit kailangan may halikan at yakapan sa harap ko! Gusto niyong mabugbog pareho?"


Halatang-halata sa reaction at sinasabi ni Eli na nagseselos siya! "Wag ka ngang magselos jan Eli." Kung ako nga eh, hindi nagseselos!!! Uy... hindi daw!


Mamimiss ko ulit si Eli, kasama na din si Sam na bago kong kaibigan! Nagpaalam na kami sa kanila at umalis na agad.




*     *     *


Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, pero napag-uusapan pa rin namin  sina Eli at Sam. Halos pareho kasi yung sitwasyong pinoproblema namin... yung secret relationship thing! At matagagalan pa siguro bago kami ulit magkita-kita, pero masaya ako at nagkaroon ng ganitong pagkakataon!


Inihatid na din ako ni Boo sa condo ko at nasa harap kami ng pintuan... "Kung feeling mong may kulang sayo, i-check mo lang baka nawawala na ako."


"Bakit ka mawawala? Iiwanan mo ako?"


"Hindi! Titira lang ako sa puso mo noh!"


"Pffft!!!" Magpapaalamanan na nga lang eh! "Puro ka kalokohan! Sige na gabi na! Umuwi ka na!"


"Puro kalokohan daw! Eh kasama ka naman sa kinalolokohan ko!"


"Ang kulit!!!" Pero nagyakapan na kami bago siya umalis. Ang higpit ng yakap niya saakin at alam ko kung bakit. Yun ay dahil matatagalan ulit na magkaroon kami ng ganitong moment.




"Saka na kita hahalikan My Boo..." Bakit? Ayaw na ba niya sa lips ko? "Saka na pag nasa simbahan na tayo!"




"Eh di ako hahalik sayo!" Hinila ko yung collar niya at saka ko siya ni-kiss sa pisngi... at pagtapos sa labi niya. Hay!!! Ang sarap ng feeling, hindi ko akalaing kahit ilang beses ko nang nahahalikan si Riley, kinikilig pa rin ako! "Good night Boo!"


Photobucket


At dali-dali akong pumasok sa loob ng condo para itago ang nagba-blush kong mukha! Sabay hawak sa labi ko, at amoy sa kamay ko. Mamimiss ko na naman si Riley nito... gaano kaya katagal bago kami magkasama ulit?





(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 7



2 comments:

  1. Uwaah! Hahaha. Nikikilig ako!
    Kakatapos ko lang kagabi nung MNIL pero miss ko na sla agad!
    Hehehe.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^