Sunday, January 15, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 8

Chapter 8
(RILEY DAYNE POV)



Dang!!! I can't concentrate!!! I desperately miss her!!! "Hey... I need my phone." Utos ko sa production assistant na nagtago ng cellphone ko. Maya-maya kasi, may live interview ako at ibinilin ng manager ko na mag-concentrate ako sa script.




"Pero Sir Riley..."




"JUST ONE TEXT!" Umiinit talaga ang ulo ko pag wala akong balita kay Boo. Nawawala yung makulit, pa-sweet at child-like image ko sa tuwing matagal kaming hindi nagkikita.




"Sorry po pero bilin po ng manager niyo na..."




"Do you want to get fired?" Tinignan ko siya ng masama at sa takot, nilabas niya yung phone ko. Pagkahablot ko, angelic face ulit ako. "Thank you!!! Bait-bait mo talaga!"





"Hay naku Sir Riley, kayo talaga. Sino po ba yang iti-text niyo at sobrang halaga?"




Sanay naman na sila sa mood swings ko! Sinanay ko sila! "Secret ko na yun! Alis ka na, at magco-concentrate na ako! Mamaya ko na ibabalik 'tong phone ko!" Tapos tinulak ko siya palabas ng dressing room ko! At nung ako na lang mag-isa... "Hello."




"Hello?"




"MY BOO!!! Uwaaahahahaha!!!"


Photobucket


"Boo?" Tapos halatang pabulong yung boses ni Ishy my loves. "Bakit tumawag ka? Malapit na yung live interview mo ha."




"Nanonood kayo?"




"Inaabangan nina Helena at Mindy through phone!" Ah!!! Ah yung mga friends niyang kulang sa letter R at sobra sa letter H! "Bababa ko na 'to."




"Sandali lang naman Boo!!! Moral support naman!!! Isang I love you lang."




"I love you!" Ambilis naman!!! "Ba-bye na!"


Photobucket


"Op op op!!! Tapos na ba ako!" Ako lang ba ang nakakamiss sa kanya ng sobra? Ang duga naman! "Matapos kong pilitin ang P.A. ko para makapuslit ng tawag sayo, bababaan mo na ako agad? Three minutes Ishy!!! Usap muna tayo bago ako sumalang dun sa interview."




"Pssh." Asar ba siya? Pero halata naman sa boses niya na natatawa at kinikilig! "Okay-okay! Tungkol saan ba yang interview mo ha?"




"Bakit yung tungkol sa interview ko ang gusto mong pag-usapan!!! Yung tungkol saakin... saatin. Namimiss mo na ba ako?"




"Oo naman! Palagi naman eh! Ikaw?"




"Ngayon Miss pa lang kita..." Ito bubusugin ko lang ulit si Boo ng kakisigan ko. "Susunod Misis na kita." Nyaaahhh!!! Imba!!! Sa kanya lang naman ako korni eh, kasi gustung-gusto ni Ishy! Ahahaha!!!




"Ahahahahahahaha!!! Timang!!! Umayos ka na!!!" Warm-up pa lang yun. "Anong oras na, malapit na yung interview mo."




"Anong oras na? Basta lahat ng oras ko, gusto kong ibigay sayo!" Wushu!!!




"Oh pwes, tapusin mo na yang interview na yan para mabigay mo na saakin yang oras na yan!" Napa-smile ako dun... kaya mahal na mahal ko si Ishy beybe eh! Kahit na ganito ang sitwasyon namin, napakasweet at understanding pa din!




Bigla ko nang narinig yung epal kong P.A. Kumakatok na siya, buset na yan! "Stand-by na daw Sir Riley!!! Labas ka na jan!!!"




"Oh narinig ko yun, bababa ko na yung phone ha."




Nalungkot ako pero boses pa lang, napapangiti ulit ako. "Okay... manood kang mabuti ha, titig ako sa camera. Sayo lang ako nakatingin nun!"




"Ayiiiehhhh!!! Sige na!!! Ba-bye!!!"




At sabay naming sinabi... "Aylabyu!" Hwow!!! Nakapag-charge na ako ulit!!!




"Sir Riley!!!"




"I'm here!!! Let's go!!!" At excited na akong pumunta dun sa set.




Ni-review ko sandali yung script, dahil in five-minutes mag-start na yung live interview. Nasa isip ko pa rin ang boses ni Boo, kaya inspired na inspired ako! Naks!!! "Hey... sino ba yung isa pang surprise guest ha?"




"Hindi ko din po alam eh."




Nag-pout lang ako. "Dapat ma-surprise talaga ako jan ha."




Then the show started. May mga fans ako sa audience na hindi na magpakali at mapatino kakasigaw. Hindi na tuloy masyadong marinig yung sinasabi ng host nitong show! Haha!!! Iba na talaga pag gwapo eh!




Nung in-introduce na ako, halos mabingi na kami sa buong set. Oh well, sanayan na lang yan. I smiled at the camera, tapos ni-greet ko din yung host na obviously fan ko rin dahil ayaw nang bitawan ang kamay ko nung nakipag-shake hands ako sa kanya.




Tanong-tanong, ako naman sagot-sagot! Paulit-ulit na lang din ang mga tanong eh! Kamusta yung naging Asian concert tour ko, ano daw masasabi ko sa kasikatan ko ngayon at lahat ng tungkol sa ka-gwapuhan ko tinanong niya!




"Okay so Riley, sikat na sikat ka sa pagiging playful mo especially when it comes to girls, but you're still single." Hay naku, kung alam niyo lang!!! "Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend?"




"I have to stay single so that I can still serve as a public temptation."




"Kyaaaaaahhhhh~" Ang mga babaeng 'to!!! Siguro kung walang guards, kanina pa nila ako ni-rape!!! Pero okay lang yan, mahal ko mga fans ko.




"Ahahahaha!!! Nakakatuwa ka talaga!" Oh pati si miss host, nate-tempt na saakin! Iba na talaga sex appeal ko! "Anyway, kilala ka rin sa mga malulupit mong words of wisdom! Sample naman jan." Words of wisdom daw!!! Pick-up lines lang yun!!!




Syempre napakamot ako sa ulo. Para lang kasi kay Ishy ang banat ko!!! "Sorry pero wala akong baon ngayon eh. Maybe next time." Tapos nag-smile ako at tumingin ulit sa camera. Boo, tandaan mo sayo ako nakatitig ha.




"Aww, sayang naman. Ito na lang, describe mo na alng yung ideal girl mo, para naman malaman ng audience natin kung pasok ba sila to be your girlfriend." Nagsigawan ang lahat, pero maya-maya din natahimik. Natahimik sila habnag hinihintay ang sagot... pwede ko bang sabihing ang ideal girl ko ay nakilala ko na noon pa? At si Ishy... si Ishy na ang girlfriend ko...






*     *     *

(ISHY ARAVILLA POV)






"Okay so Riley, sikat na sikat ka sa pagiging playful mo especially when it comes to girls, but you're still single. Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend?" Yun na namang tanong na yun! I've lost count kung pang-ilang beses na yun nasabi sa iba't ibang interviews ni Riley.




"I have to stay single so that I can still serve as a public temptation." Pero syempre, isa lang din ang sagot na pwedeng sabihin ni Riley.




"Uwaaaahh!!! Gwabe ka talaga Wiley!!!! Kakilig much!!! Sana na lang talaga wala siyang maging giwlfwiend!!! Iiyak talaga ako pag nalaman kong mewon na!!!" Maiiyak pa rin kaya si Helena kung malalaman niyang ako ang girlfriend ni Riley?




"Tamah kah jan GF!!! Hindeh koh talagah matatanggap yung girl kung sakalih man, kahit sinoh pa siyah!" Hindi rin kaya ako matatanggap ni Mindy kapag sinabi ko ang totoo sa kanila?




Napakalakas ng volume habang pinapanood nila yung interview. Mga adik talaga 'to pagdating kay Riley!!! "Ahahahaha!!! Nakakatuwa ka talaga! Anyway, kilala ka rin sa mga malulupit mong words of wisdom! Sample naman jan."




"Sorry pero wala akong baon ngayon eh. Maybe next time." Nakasilip lang din ako, pero hindi ko pinapahalatang naka-focus din ako sa panonood. Tapos maya-maya, tumitig ulit si Riley dun sa camera... napa-smile tuloy ako dahil pang-pitong beses na niyang ginawa yun.




"Uwaaaaaaahhh!!! Yung titig ni Wiley!!! Feeling ko saakin siya nakatitig!!!" 




"Feeling moh lang yun Helenah! Saakin siyah tumitig!!! Ahahahahah!!!"




"Mga loka-loka!!! Sa camera lang siya tumitig, feeling niyo sa inyo na." Saakin kaya siya nakatitig! Sabi niya kanina! Ahahaha!!!


Photobucket


"Wag kah nah nang pampam jan GF!"




"Aww, sayang naman. Ito na lang, describe mo na lang yung ideal girl mo, para naman malaman ng audience natin kung pasok ba sila to be your girlfriend." Pagkatanong nun, natahimik yung audience pati na rin kaming magkakaibigan. Anong isasagot mo Riley?




"A girl who is understanding, sweet, funny, smart and hard-to-get."




"Akoh yun Riley!!! Akoh yun!!!"




"Obviously, that's me! Feelingewa much Mindy!!!"




"Physically... gusto ko maputi siya, chinita pero medyo may kalakihan ang mata, mahaba yung buhok, hanggang shoulder ko yung tangkad at tsaka pamatay yung ngiti."




Nagkatinginan sila Mindy at Helena. Halatang nalungkot! "Hindi kayo yun... ang layo na ng description physically eh." At tinawanan ko sila! Sana mahalata nilang ako yun!!! Ako yung ni-describe ni Riley!!! Boo, may prize ka saakin pag nagkita tayo! Ahahaha!!!




"Nice!!! Someone like Casey Anne?"




"Ha?"




"Alright everyone, let me introduce to you our surprise guest, Miss Casey Anne!!!" Nagsigawan yung audience... pati na din sina Helena at Mindy.






"OMG!!! I knew it!!! Magkakawoon ng ganito!!! Balitang-balita na yung paglipat ni Casey Anne sa C-Ent eh."




"Ooh ngah!!! Does this mean ngayon nah din mako-confirm yung team-up nilah!!! Gosh kinakabahan akoh!!!"




Lalo na ako! This isn't the first time na may makakaloveteam si Riley... except that Casey Anne... was said to be Riley's celebrity crush. I silently watch the interview at magkatabi sina Riley at Casey sa upuan.




"Hello everyone!" Ang cute ng ngiti ni Casey, at nakatitig lang siya kay Riley! Ganun din naman si Boo, gulat na gulat pa din. Marami ding fans si Casey mula sa audience, ganun siya kasikat at kagusto ng mga tao!


Photobucket


Nagtawanan sila, at nag-asaran on-cam! I thought hindi pa personal na kakilala ni Riley si Casey? Bakit parang ang casual na ng batian nila. "Wow!!! Halatang-halata ang chemistry sa pagitan niyong dalawa. Am I right audience?"




"NOOOOOOOOOOO!!!"




"Actually, nagkakilala pa lang kami last Saturday." Last Saturday? Nakahinga ako ng malalim, hindi naman pala nagsinungaling saakin si Boo. Nung Friday pa lang namin kasi napag-usapan yung about kay Casey. So kinabukasan pala nun, saka niya nakilala si Casey!




"So may meeting na bang naganap? Pwede bang i-confirm na natin sa show na ito yung about sa mga pagbibidahan niyong drama series and movies?"




"Sasabihin ko ba?"




"Ikaw."




Owmaygawd nagtuturuan pa!!! Ang obvious na meron nga!!! "Yeah... may mga naka-line-up na ngang projects for me na kasama ko siya." Tapos nag-smile ulit yung babaita kay Riley!!! Hindi ko alam pero nabu-bwiset ako!!! Bwiset na bwiset!!!




"So how excited are you? Both of you?"




"Very excited!!!"




"Looking forward to it."




Ewan ko kung anong nakakakilig dun pero dahil sinabayan ng romantic background music, at tilian from the audience, lalo akong naasar!!! "I don't know if it's only me, pero kinikilig ako sa inyo. May something na ba?"




"Paano naman mangyayari yun, kakikilala pa lang namin." Ang arte ng pagkakasabi!!! Nakaka-imbyerna!!! "We both need time para makilala namin ng lubusan ang isa't isa."


Photobucket


"Ah... haha... that's right."




"But you two are both single." Takteng host 'to!!! Bakit ba pilit niyang pinagpa-partner ang dalawa!!! Grrrrr!!!! "So... Riley since ikaw naman ang guy, and for the sake of our curious audience. Pwede bang si Casey Anne ang maging ideal girl mo... and eventually be your girlfriend?"




*dugdug*




Ang sikip ng dibdib ko... hindi ako makahinga ng maayos. Dahil ba sa selos? Sa takot kung anong pwedeng isagot ni Riley sa tanong na yun? Halatang-halata sa mukha nung Casey Anne na na-eenjoy niya yung nangyayari and when Riley opened his mouth to answer that question...




"It's possible... yeah!"




"Alright!!!! We'll pause for a short break so stay tune!"




At commercial gap na! "Mygawd!!! Hindih koh matatanggap!!! Ayokoh sah Casey Anne nah yun!!!"




"Ayoko din sa kanya!!! Walang pwedeng umagaw kay Wiley!!!" Nag-iiyakan na silang dalawa... at ganun na din halos ako...




"GF's... alis na ako ha." Tumalikod na ako sa kanilang dalawa. Ayokong makita nila ang itsura ko. "Next subject ko na eh... bye!" At tumakbo na ako agad paalis.


Photobucket


Anong ibig sabihin ni Riley nung sinabi niyang 'It's possible...yeah!' ???






*     *     *




Pumunta ako sa secret room, remember what you said to Sam before? TRUST!!! Wala kang dapat ikatakot! Casey Anne is just some girl na makaka-loveteam lang ni Riley on-cam! Off-cam, wala na yun!!!




*sniff*




Pero bakit hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko. I want to talk to him... I want to talk to My Boo now...




"Ishy?"


Photobucket


Paglingon ko... "Johann?" Napapunas ako sa mga mata ko.




"You're crying?" Tumabi siya saakin. Nakakahiya naman, pero hindi ko naman matatago itong namumugto kong mga mata. "Is it about your boyfriend? Nag-away kayo?"




"It's about him... pero hindi kami nag-away." Then I faked a smile.




"Here!" Sinaoli niya yung panyong pinahiram ko sa kanya. Nginitian ko siya at ginamit na yung panyo. "The last time we met, ako yung umiiyak. Ngayon naman pagbalik ko, ikaw ang umiiyak. Care to talk?"




Umiling ako. "Sorry I can't share. Pero mababaw lang 'tong iniiyak ko, promise." He smiled back at me. "The last time we met, umiiyak ka, ngayon ngumingiti ka na. That's good Johann."




"Yeah... I just realize na wala naman na din akong magagawa kung iiyak ako diba." Pagkasabi niya nun, tumigil na ako sa pag-iyak.




"So bakit nandito ka ulit?"




"Kasi nga walang pumupunta dito. Nakakapag-isip ako ng matino dito eh." Nagtawanan kami. "So... bakit ka umiiyak?"




"Ang kulit ng lahi... hindi ko nga pwedeng sabihin sayo." Tapos pinilit kong ngumiti. "See, wala nang luha... nagmo-moment lang ako. Ikaw naman kasi, biglang sumusulpot!"




"Tsk... I just thought maibabalik ko na sayo yung pagtulong mo saakin nung nakaraan." Tapos natahimik naman kami.




"Yung problema mo sa girlfriend mo...  I mean ex... kamusta?"




"Hay... obvious naman nung nakaraang araw diba. Nasa moving on stage pa lang ako. Yung about kay Elaine..." Elaine yung name ng ex niya! "Ayoko na lang munang isipin."




Tinanguan ko siya... oo nga naman wag na lang niyang isipin! At ako din kakalimutan ko muna yung about sa Casey Anne na yun, nakakasira siya ng beauty!!!




Mag-isip ka nga ng matinong topic Ishy!!! "So... palagi ka bang tumatambay dito?"




"Oo... madalas. Hinihintay ko yung boyfriend ko, kasi dito lang kami safe na magkita."




"I wonder kung anong meron yang relationship niyong dalawa at kailangan may secret meeting room pa kayo na nalalaman." Tapos nagbuntong-hininga ulit siya. "Patambay lang din ako dito ha. Pag dumating naman ang boyfriend mo, aalis ako."




Natawa ako bigla sa sinabi niya. Parang ang dating kasi, inaangkin namin ang lugar na ito. "Busy na masyado ang boyfriend ko eh. Nahihirapan na nga siyang magpunta dito. Kaya sige, kapag wala siya, okay lang din na tumambay ka dito."




Tapos natahimik ulit kami. This is our second meeting so katanggap-tanggap ang awkwardness sa pagitan namin! "Anyway, makakapunta ba siya ngayon?"




"Sadly, hindi."




"Gusto mo akong samahan?"




"Saan?"




"Kahit saan. Okay lang ba? May klase ka pa ba?"




"Wala na..." Tapos nag-isip ako... nag-aaya siyang magliwaliw kami.




"You need this more than anyone else. Halata pa rin sa mukha mo yung lungkot eh. I'll repay you for listening to me the last time."




Tama siya, gusto kong kalimutan yung lungkot ko, kaya sige. "Tara! Saan tayo pupunta?" At para makalimot, kailangan ko ang isang kaibigang tulad ni Johann. Isang bagong kaibigan na tulad niya!!!


Photobucket



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 8

2 comments:

  1. ay magko-commnt na din aku d2! i'll support u miz aegyo! favorite q din itong story na 2 eh!

    -anew_beh PF

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^