Miss Popular?
(Eunice Sparks POV)
Who’s Hot? “New Girl on the block, New Princess of the Three Princes”
After kasi nung incident na yun sa school museum, iniisip na ng lahat na kasama na nga ako sa grupo nila Mr. Pretty. And what’s worse, parang lahat na yata ng actions ko sa school na ‘to, mino-monitor nila.
The next day, “Yu~ni!”
The guy from the back poked my cheeks. “Ji… Jiwon?” Si Mr. Model pala!
“What are you doing here Ms. Popular? Doon tayo tumambay sa PR!” PR, for short dun private room nila.
“No… thanks…” Umalis ako agad. Hindi lang talaga kasi ako kumportable na lahat ng attention, ay nasa akin.
“Yuni…” Nung lumingon naman ako, si Mr. Eyeglasses naman ang nakaharang sa daanan ko. Bakit ba nila ako kino-corner nang ganito? Revenge ‘to panigurado! Natutuwa silang hindi ako masaya sa attention na nakukuha ko!
“Jiwon is right! Wala ka pa namang klase diba? Kesa naman sa pakalat-kalat ka dito sa hallway, you can just stay there. Besides, na-aanounce naman na ni Eunhee yung about sa pagsali mo saamin.”
“Bakit? Ayaw mo kaming maging friends?” Bigla namang nag-pout si Jiwon. He’s such a cutie! At minsan, ang child-like niya kung kumilos.
“Then what could be the problem, Yuni?” Serious naman yung mukha ni Kyun… Oh gosh! Bakit naman kasi ang gwapo nila!
“Dahil… dahil…” Dahil hindi ako bagay na maging kaibigan nila. Na mas lalong dumami ang taong nagagalit saakin dahil naiinggit daw sila.
“I’m here!!! Annyeong haseyo (Hello)!!!” At umeksena na si Mr. Pretty.
“Dahil sa kanya.” Oo… lalong dahil kay Mr. Pretty! Siya ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang college life ko!
“Ha? Anong dahil saakin?” Na-confuse naman siya. Natawa tuloy sina Jiwon at Kyun sa mukhang ewan na reaction na ginawa ng kaibigan nila.
“Ikaw naman pala Eunhee!” Inakbayan ni Jiwon si Mr. Pretty. “Kaya pala ayaw sumama ni Yuni, dahil ikaw ang problema!”
Nagroll-eyes na lang ako. “This is all you fault. Masyado ka kasing makulit Eunhee.” At ni-tap naman ni Kyun ang ulo ni Mr. Pretty. Just by observing them, I can say that they’re almost like brothers.
“Ip dak-cheo! Yah Yuni! Mwoga mun-jeya? (Shut up! Hey Yuni! What’s your problem?)” Ay! Ayaw pang maniwala na siya ang dahilan!
I think hindi lang sanay si Mr. Pretty na pinagtutulungan siya nang ganito. Medyo naawa tuloy ako. “Just take back what you said.” Bawiin niya sa lahat yung sinabi niyang kasama na nila ako!
“An-dwae! (No!)”
Jusme!!! Inuubos yata ng lalaking ‘to ang pasensya ko! Wala na kaming pakelam kung pinag-titinginan na kami ng ibang estudyante. Anyway, hindi naman nila naiintindihan ang usapan namin eh.
Nagtawanan naman sina Jiwon at Kyun saamin.
“What’s so funny?” Sabay naming itinanong ni Mr. Pretty. Bigla na lang kasing tumatawa, ano kayang nakakatuwa dun!
“The two of you!” At sabay naman nag-salita ang dalawa. Ayaw namin magsabay-sabay diba. “Pinagtitinginan na kayo ng mga tao, I think we should go somewhere else.”
“Oo nga… tamang-tama, lunchtime na!”
Kaso, hinawakan ni Mr. Pretty ang braso ko. Ang kulit talaga nito, at parang feeling close na ha! “Yah! Na-ga-jo! (Let’s go out!) Sasama ka saamin mag-lunch.”
“Well… nan sang-gwan eop-sseo! (I don’t care!) Sasama ka saamin!” At naglakad na silang tatlo, habang kinakaladkad ako ni Mr. Pretty.
Lahat na lang ng gusto niya, ginagawa niya! Wala na ba akong say sa gusto ko at ayaw ko! Pero wala rin naman na akong nagawa. Kesa naman sa magpumiglas ako at umeksena sa lahat, sumunod na lang din ako.
Ang kaso, nakakasilaw lang talaga kasama ang tatlo ‘to! Yung mga mata ng lahat ng tao, nakasunod saamin! Meron pa kaming nilagpasang obstacle of girls, pero hindi naman nila kami kinuyog. Kapag kasi seryoso ang mukha nila, parang natatakot din yung mga fans.
“We’re here!!!” Nandito kami sa isang restaurant na medyo malapit sa school. Balita ko, one month reservation daw ang kailangan mo bago makakain dito. So bakit kami nandito? Kakain kami sa ganitong lugar just for lunch?
“Anong gusto mong kainin Yuni? Sagot na namin ang lunch mo.”
“I’m not hungry.”
“Really… pina-reserve ko pa naman ‘tong resto so we can eat together.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun ba kalakas ang kuneksyon niya? “Oo nga Yuni… I recommend their desserts!”
“Dessert.” Okay, ayaw ko naman palagpasin ‘tong chance na ‘tong makatikim ng pagkain nila. Baka makakuha pa ako ng idea para sa pastry subject ko. “Alright… I’ll have dessert.”
Tapos um-order na sila, at mabilis naman ang service dito. Then we start eating, at tama nga, masasarap nga ang hinahanda nila!
Napatingin sila saakin. Medyo na-elightened kasi ang mukha ko nung kinain ko na yung dessert.
“Pero Yuni, I bet kaya mo ring gawin yan.” Nag-blush tuloy ako sa compliment niya na yun.
“I can still remember the taste of that seafood bibimbap you served! It was really delicious!”
“Te… thank you.” Masarap lang talaga sa pakiramdam yung naa-appreciate ng iba yung ginagawa at niluluto ko.
“It was worth remembering! Especially dun sa part na sinabihan mo kaming hypocrites.”
Tapos nagtawanan sila! Tama bang ipaalala nila ulit yun! Ito talagang si Mr. Pretty, sakit sa katawan ang hanap nito eh!
“But seriously, that’s the reason why you’re with us now, Yuni.”
“Kaya nga, kahit sobrang naiirita ka na dito kay Eunhee, we still hope that you would hang out with us.”
Actually, kahit na problema ang tingin ko sa kanilang tatlo, all of them are treating me so nice. Sa kabila ng pagiging masungit ko, at brutal sa mga sinasabi ko, they are still showing me their kindness.
“Didn’t we answer that from the start?
“I know… pero hindi sapat yun! Just because you think I’m kind of special and different, doesn’t mean you have to go through all of this.”
“You have a point! Sobrang sungit mo, parang ang sama pa ng ugali mo, at ang hirap mo pa ngang pakisamahan! Parang ang lumalabas, kami pa ang naghahabol sa’yo”
Tinignan ko siya ng masama! Eh di lumabas din ang totoo! Pero kailangan pa ba niyang sabihin lahat yun? “Gusto mong ma-empacho?” Nakakabwiset ha! Kaso tinawanan niya lang ako.
“Pero diba Yuni, yun din naman ang iniisip mo tungkol saamin? Na mahihirapan kang pakisamahan kami.” Napa-isip ako, tama nga siya dun.
“That just simply means na naiintindihan ka namin, Yuni. Na pinagdaanan na namin ang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon… and we knew very well that in the end, makakasundo mo rin kami… because we’re so much alike.”
End of Chapter 9
nosebleed aku sa korean! galing! prang sa nephew-in-law! naalala q tuloy si sunmi at eli kpg naguusap ng korean! nice!!!
ReplyDelete-anew_beh