Thursday, November 24, 2011

Sister Complex : Chapter 15 Part 2

First Love, True Love
(Cecily Gonzaga POV)



Smiley “Naalala niyo yung wedding play noon. Yung ako yung bride… tapos si Merrick yung groom?”




Napatingin saakin sina mama at papa. “Oo… Buhay pa mommy mo noon eh. Bakit mo natanong” Smiley



“Ha? So… si… sino yung unang humalik saakin nun?” Smiley



“Syempre si Merrick!” sabay nilang sinagot. “Siya ang groom mo nun eh.” Smiley



Smiley “Ah… yeah I remember.” Tapos tinignan ko sila and I smiled. “Siya nga first kiss ko noh!” But my smile was fake.



“Hindi noh! Hindi mo first kiss yun! Ako kayang papa mo ang first kiss mo!”



“Papa! Hindi counted as first kiss ang halik ng parents! Pwede ba!”



“Well then, hindi pa rin si Merrick! Si Asher! Nagkikiss na kaya kayo ng anak ko nung baby ka pa.” Tapos parang nagdaydream si mama Percy. “Naalala ko pa nung maliliit kayo! Lagi ka lang pinapanood ni Asher kapag natutulog ka, tapos bigla ka niyang hahalikan! Ang cute!” Smiley



“Ay oo nga Percy! Ang manyak nga pala ni Asher nung bata pa siya noh!”




Binatukan ni mama Percy si Papa at nagtawanan sila. So… so that means…




Natigil lang ang usapan namin nang dumating na si Merrick. Ngayon kasi yung first date namin, at pinaghandaan ko talaga ng araw na ‘to.




“Wow! You’re so beautiful. I’m glad you’re back with your old hairstyle. Ang ganda!” Tapos hinawakan ko ang buhok ko. Hinayaan ko lang kasing straight at bagsak lang ang buhok ko. Tinamad akong mag-curls. Smiley





“Ahhh… thanks. Tara, alis na tayo.” I smiled at him. Nasabi niya kasi saakin noong birthday ko na mas bagay din saakin yung dati kong buhok .




Smiley “Oh Merrick, alas-syete dapat nakatungtong na ng bahay si Silly. Kapag lumagpas kayo dun, hindi ka na makakaulit.” Teka… parang ganun din ang pagkakasabi ni papa noon nung mag-date kami ni Hadwin. Natawa tuloy ako.



“Yes tito! I’ll take care of her.” Smiley At umalis na kami. This is it! Ang first date namin ni Merrick. And this day. This day, plano ko na din siyang sagutin.










(Asher Carillo POV)



Three days after kong halikan si Silly, nahiya na akong magpakita sa kanya. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. But I’m not sorry, dahil actually, masaya pa nga ako nang gawin ko yun. Smiley



“Hello tito!” After three days, naglakas-loob na akong magpakita ngayon. Smiley I’ll confirm it now. I’ll confirm it para matigil na ‘tong gumugulo sa isip ko. “Si Silly po?”



“Ash?” nagulat sila pareho ni mama. “Kaaalis lang ni Silly, late ka na anak!” Bigla akong binatukan ni mama. Smiley



“Aray! Bakit? Anong late? Saan siya nagpunta?” Smiley



“First date nila ngayon ni Merrick!” Naupo si Tito Al sa sofa nila. “May nabanggit nga saamin si Silly bago sila umalis eh.”



Smiley “Po?” Napakunot ako. Tapos ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko. Dala ko kasi yung kwintas na itinapon niya pabalik saakin. Kinakabahan ako sa sasabihin nila.



“Ash… alam namin na noon ka pa gusto ni Silly.”



“But you kept on hurting her.” Smiley



“Tito naman!” But they are right. Ilang beses na ngang nasaktan si Silly nang dahil saakin.



“Kaya nga, pumayag na kaming makipag-date siya kay Merrick.” Natulala ako sa sinabi ni Tito Al. “Si Merrick, sabi niya mamahalin niya at mapapasaya niya si Silly.”



“Po?” Smiley



“At alam mo ang sagot ni Silly?” napatingin ako kay mama. “Sinabi niya na after their date, she will be able to smile again. You know what that means? Na sasagutin na ni Silly si Merrick ngayon.” Smiley



Napaupo ako sa tabi nila. Nanghihina ako, naasar, nagagalit, naiiyak. “Late na…?” Smiley



“Late na! Noon pa. And this time, for real na ‘to. Hindi ito katulad nung kay Hadwin lang dati.” Smiley



Napatakip ako sa mukha ko, dahil ayokong makita nila akong ganito. Inakbayan ako ni Tito Al, at hinwakan naman ni mama ang kamay ko. “Narealize mo na ba anak?” Smiley Ang sabi ng mama ko. Bakit? Nababasa ba nila ang nasa isip ko? Napatango na lang ako. “Sabi ko na eh. Yan nga ang totoo mong feelings, ayaw mo lang i-admit. Slow mo kasi Ash!” 



“Sorry… sorry po.” Smiley Naiyak ako. Hindi ko na napigilan pa.



“Okay lang yun Ash... pero kung aalis ka na ngayon at pupunta sa amusement park na pinagdalhan mo sa kanya noon, baka makaabot ka pa?” Smiley



“Ha?” Smiley Bigla akong napasingot at napatigil sa pagluha.



“Wag ka na ngang mabagal dyan Ash! Ang arte mo, para kang bakla! Maabutan mo pa yun!”



Napatayo ako, so this means after all the things na ginawa ko, na saakin pa rin ang suporta nila. “Thanks mama! Thanks papa!!!” Smiley Niyakap ko sila pareho.



“Papa?” At sabay nilang sinabing “Hoy! Hindi kami talo noh!” Nagkatinginan sila mama at tito, I mean papa Al… at nagtawanan. Smiley



Smiley “I’ll win her back!” Tumakbo na ako paalis at sumakay sa motor ko.



Sa amusement park daw. Doon sa pinagdalhan ko noon kay Silly. Bakit naman kaya doon nila naisipan mag-date? Maisip kaya ni Silly ang memories naming together, kahit si Merrick ang kasama niya? Dinalian ko ang takbo, at pagdating ko doon, bumili ako agad ng ticket at ipinark na ang motor ko. Smiley



Nagtatakbo ako kung saan-saan, hinahanap ko sila. Sana hindi pa ako huli! Sana… hindi ko sila makita nang sila na. “Silly!” Isinisigaw ko ang pangalan niya, at wala akong pakelam sa mga taong nakatingin. “Silly! Nasaan ka!” Isinisigaw ko ang pangalan niya, ay dahil wala siya sa paningin ko. At… at ayokong pang mawala siya saakin nang tuluyan. “Silly!!!”



Smiley Nilibot ko ang buong park, saan ko ba sila makikita. Pero hindi ako tumigil. “Silly!!!” Ang laki nitong park, pero saan ko siya makikita? For the first time in my life, wala akong maisip na pwedeng gawin. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin.




“Silly! Nasaan ka!” Please! Silly I need to see you! Ayokong mahuli na ang lahat! Smiley



Napaupo ako sa bench, at nakakahiya mang aminin, pero pagod na ako sa kakatakbo at kakasigaw. “Silly…” Tumulo ang luha ko, kailangan ko siyang mahanap. “Silly!!!!!!!!!”



“Ash?” Smiley



Napalingon ako sa familiar na boses na narinig ko. Smiley “Anong ginagawa mo dito? Bakit pagod na pagod ka?” Nakita ko si Merrick...












Mag-isa, hindi kasama si Silly. Smiley




















“Nasaan si Silly? Kasama mo siya diba?” Smiley




“Sinagot na niya ako Ash…”





Smiley

End of Chapter 15 Part 2

2 comments:

  1. PARANG ALAM KO NA KUNG ANOG SAGOT . :''''>

    ReplyDelete
  2. Hahahahahahaha!!! Laughtrip ako sa mga Mama ni Ash at sa Papa ni Silly!!! Grabe lang! Maka-bakla si Mama Pers eh!!! At kung makakonsensya din!!! Bakit ba ang galing galing mo Unnie? Ha? Hahahaha~ ang kukulit ng mga personality nila!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^