Wednesday, January 11, 2012

In Love With Narcissus : Chapter 11


Getting to Know
(Eunice Sparks POV)




I don’t know bakit ako pumayag nung sinabi ni Mr. Pretty na we should spend the day together kung saan magpapaka-down-to-earth siya. Smiley Naisip ko kasing exciting ‘to at dahil nangako nga ako sa sarili ko na bibigyan ko ng chance ang posibleng friendship na ito.


Smiley “You’re here!” I didn’t smile at him, kasi hindi ko alam kung ano yung ire-react. Parang ito kasi yung tinatawag nung iba na... DATE! “I thought hindi ka magpapakita eh.”



“Um… so… now that I’m here… ano nang mangyayari?” Smiley



“Hmm… I can’t tell us what to do. Dahil kapag nag-suggest ako, baka isipin mo na naman nagmamayabang ako!” May point siya dun! Lahat kasi ng lumalabas sa bibig niya, may kasamang papuri tungkol sa sarili niya.




Then we sat down on a bench. Ang awkward pa ng silence. “Bakit may mga dala kang mga books at notebooks? May pasok ka ngayong Saturday?” Smiley



“Wala… ang paalam ko kasi sa daddy ko, sa school ako pupunta ngayon. Food research para sa susunod na cooking test.”



“Pffft! Can’t you just tell you’re going on a date?”



“Bakit date ba ‘to?” Smiley



Smiley “What do you think? A single man and single woman spending time together with whatever things they could possibly do! This is a date!” Nahiya naman ako sa sarili ko. CONFIRM! Date nga ito! Bakit ba ang bobo ko pagdating sa mga ganitong bagay! “By the looks of you now, parang first time mo.”



“Yeah…so?” Smiley



“Okay, if its uncomfortable for you, then let’s just call this a friendly date. So there’s no need for you be conscious!” Smiley



I just nodded. Oo nga, mas wholesome pakinggan yun para saakin. Anyway, magandang pagkakataon ito para maka-experience ng bago! “Teka… ano bang ginagawa sa…err… friendly date?”



“Hmmm.” Uy nag-iisip siya nang maiigi sa mga sasabihin niya. Isang pagyayabang lang kasi at iiwanan ko siya. “Normally… kumakain together, pumupunta lang kung saan-saan, at nag-uusap tungkol sa kung anu-ano!” Smiley



Okay, yun lang pala yung date… friendly date. “Tara na… wag mong sayangin ang araw ko.”



Tinawanan niya lang ako. Parang ako yata ang mayabang ngayon. Pero anyway, nakaka-enjoy din naman palang kasama itong si Mr. Pretty kapag matino siyang kausap eh. Smiley


Kumain lang kami ng ice cream, tapos naglalakad-lakad sa park, at talagang careful siya sa lahat ng mga lumalabas sa bibig niya. Nakakatawa tuloy!


“Mahirap ba sayo ang ginagawa mo ngayon?” Smiley


Smiley “Mahirap ang ano?”


“Yung pagiging humble… yung hindi mo pag-oopen ng topic about praising yourself.”


“Aish… you don’t know how hard this is for me to do! Buti na lang nakapag-research ako about common topics!” So ang dating, para ko siyang tino-torture!


“Nag-research? Sometimes, I think you’re really weird, Mr. Pretty.” Smiley Then I laughed.



“Mr. Pretty?” Aww! Nadulas ako! Natawag ko siyang Mr. Pretty out loud! “Nickname mo yun saakin? Didn’t I told you to call me Eunhee?”



Napatakip ako ng bibig ko… mag-isip ka ng palusot Eunice! “Eh… ikaw nga tawag mo saakin Yuni! Eh hindi ko naman pangalan yun.” Smiley



Tapos nag-pout lang siya. Actually yung Yuni na nickname, parang nakakasanayan ko na din. Paano sina Kyun at Jiwon, yun din ang tawag saakin!




At nag-isip siya ulit ng sasabihin niya saakin. “Do I look that pretty to you?”



Parang sa kayabangan na naman mapupunta ang tanong niya na yun ha. Smiley “Sort of… why?” Inaabangan ko ang sasabihin niya. Panigurado abot-langit nanaman ang ngiti nito dahil papuri yung matawag na maganda.



“If you think that way to me, I might believe you.” Magyayabang na naman ba siya? Tsk! Smiley “But if you really want me to be humble, I’d be happy if you call me Eunhee instead of Mr. Pretty.”



I didn’t answer back. “Bakit sina Kyun and Jiwon tinatawag mo na sa mga nickname nila? Bakit yung pangalan ko, hindi mo mabanggit?” Tapos tinitigan niya ako, yung nakakatunaw.



Nakakabaliw naman ang tingin na yan! “Fine! Eun… Eun Hee-Jun!”



“Eunhee!”



“Eun…” Bakit ba mahirap banggitin ang pangalan niya? Masyadong akong apektado ha. Smiley “Eun~hee. Eunhee… oh masaya ka na?”



Then he smiled. Ngayon ko lang talaga siya naa-appreciate. Na-realize ko din kasi na simple-minded din naman ang taong ‘to, at ang babaw pa ng kaligayahan niya.



“Keun! (Great!) Now that I’m feeling that our friendship is a bit okay na, let’s talk something more meaningful.” Smiley



“More meaningful?” Ano namang topic ang meaningful? Eh diba sa lalaking ‘to, basta sa sarili niya, sobrang meaningful na! Ano pa bang mas mi-meaningful dun!



“Let’s talk about yourself!”



“About me…? No…” Smiley Ano namang meaningful at interesting tungkol sa sarili ko!



“Come on! You know a lot about me, pero yung tungkol sayo, wala pa akong masyadong alam.”



“Mag-isip ka ng ibang topic!”



“Naubos na yung mga na-research kong topic! Smiley Lahat na ng alam ko, tungkol na lang saakin! Ayaw mo naman yun diba… kaya tungkol na lang sayo yung pag-usapan natin!”



“Ayoko nga.”



“Sige na! Kundi, mag-uusap tayo ulit ng tungkol saakin!”



“Ano namang iku-kwento ko!” Smiley



“Kahit ano… basta tungkol sayo.” Nag-isip ako, at ang tagal kong nagsalita. Paano ba mag-open ng tungkol sa sarili ko? Sa buong buhay ko kasi, hindi pa ako nakakapag-open up sa iba… ngayon pa lang kung sakali.



“Paano ko ba sisimulan…” Parang tanga naman oh! Nahihiya naman kasi akong mag-kwento! At isa pa, hindi pa naman kami ganun ka-close eh.



“Okay ganito… I’ll ask you random questions, and the answer should be the first thing that comes in your mind. Ready?”



Wala namang akong choice diba. Sige na nga sasakyan ko na lang! “Okay.” Smiley



“Anong favorite color mo?”




“Sapphire blue.” Smiley



“Favorite food?”



“Carbonara.” Smiley



“What’s your greatest achievement in life?”



Smiley “So far, my highschool graduation.”



“What’s the name of your bestfriend.”



“I don’t have a bestfriend.” Smiley



“Who is your first crush?”



“Never had one!”



“Really? Hindi nga! Wala ka na ngang bestfriend, wala ka pang crush!” Smiley



Smiley “Wala nga! Ano namang dahilan para magsinungaling ako!”



Ayaw pa talagang maniwala oh! “Okay… describe your dream guy.”



“Wala…” Smiley



“Wala! Pwede ba yun! Sumagot ka naman ng matino.”



“Eh sa hindi ko iniisip yun eh.” Bakit nga ba ako mag-iimagine pa ng dream guy, eh kung sa bandang huli naman, yung lalaking pipiliin ng daddy ko yung makakatuluyan ko.



“So you never had a boyfriend?” Smiley



“Never.”



“May mga manliligaw ka naman siguro.”



“I don’t know… Smiley wala naman akong naalalang may nanligaw saakin.”



“Sa ganda mong yan?”



Ako maganda? Psssh! “Eh sa wala nga!”



Smiley “Sorry to offend you, pero bakit parang sobrang boring yata ng buhay mo.” SAPUL  ako nun ha! Straight to the point naman ‘tong lalaking ‘to!
Smiley
End of Chapter 11

4 comments:

  1. kinkilig tlga aku kay eunhee! aylabet!

    ReplyDelete
  2. nakakalungkot kya ang buhay ni yuni! kakainis ung ama nia! napaka-strict!

    -anew_beh

    ReplyDelete
  3. ay wula na palang kasunod!!!!!!!!!!!!!!!! update na po miz aegyo!!! -anew_beh

    ReplyDelete
  4. ..ouch..skit nun kung alam lng ni eunhee..hehe
    >aj..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^