Wednesday, November 23, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 12

CHAPTER 12
(ELEAZER PASCUAL POV)







"Sunmi?" Hala!!! What is she doing here? Bakit sumama si Sunmi kay Appa?




"Jeo dora wa-sseoyo!!! (I'm back!!!)" Tapos lumapit siya saakin at niyakap ako agad. "Appa's going to Davao, while I'm staying here with you, Eli oppa!"




"Ha... a... ano?" Napatingin ako kay Sam, para lang akong ewan. Nakakahiya kasing makita niya akong may kayakap na iba. Nakakabawas sa Mr. Sungit reputation ko! "Appa?"




"Don't look at me Eli! Your step-sister wants to be here too!"




"Don't you like me here? This is only a vacation oppa!"




"Aish! Eol-mana? (For how long?)"




"Iju jeo-nyong!"




"Two weeks?"



"Geuman, Eli! (Stop that, Eli!) Let her stay here." Tapos napatingin siya sa wristwatch niya. "I still have flight to Davao so I better leave now. Sam, can I ask you a favor...?"




"Yes, sir?" Bagong kilala pa lang sila, favor na agad!




"Sam... it's Appa, remember? Call me Appa!"




"Yes... appa?" Potek naman 'tong tatay ko oh! Bakit gusto niyang tawagin siyang Appa ni Sam? Kakahiya! Ampness!




"Can you look after my children? Within two weeks, I'll be back." Kami? Babantayan ni Sam? Ahahaha!!! Sarili nga niya hindi niya mabantayan eh! Adik din 'tong si Appa, ano bang tingin niya kay Sam? Ganun ka-reliable! Tsk! "Then after two weeks. Sunmi and I will be back to Korea."




"Okay sir... err... appa. I'll take care of them."




Walang ibang nangyari! Alangan namang ikwento ko pa ang ka-cheesihan nitong tatay ko! Umalis na siya agad kaya kaming lima na lang ang naiwan ulit dito sa bahay.




"Ahhh!!!" Naupo si Sunmi sa sofa... "This is so nice! Dasi ban-gap-sseumnida! (Nice to back!)" Tapos tumingin siya kay Sam. "Hello Sam... or should I call you my Auntie Sam too?"






(SAMIRA ALMIREZ POV)



Kay gandang nilalang naman 'tong Sunmi na 'to! Narinig kong step-sister daw siya ni Eli. "Yeah!!! You can call me Auntie Sam." Ang saya ko naman noh!



"Waine and Argel... it's really nice to see you both here!"



Nginitian lang nina Waine at Argel si Sunmi. Bakit parang hindi sila masaya eh galak 'tong mga 'to kapag nakakakita ng magagandang babae.



"Ahh... sige Idol, alis na kami!"



"Oo nga. Bye na din Sam... next time na lang ulit." Teka? Bakit aalis sila agad?



Nagtinginan lang ang tatlong magkakaibigan, tapos umalis na din agad sina Waine at Argel. Parang nag-iba ang aura nila, bakit kaya? "Sam, hatid mo kami sa gate."



"Ha? Oh.. o sige..."



Iniwan namin sina Eli at Sunmi dun sa living room at hinatid ko na yung dalawa sa gate. Maya-maya, inakbayan ako nina Waine at Argel at may ibinulong sila saakin.



"Sam... ingat ka sa step-sister na yun ni Eli ha."



"Ha? Bakit? Mukha naman siyang mabait ha! Ang cute pa nga niya eh."



"Tsk... maniwala ka saamin Sam... malalaman mo agad yung ibig naming sabihin."



"At payo lang Sam, wag kang masyadong lumayo kay Eli ngayong kasama niyo na si Sunmi."



"Tinatakot niyo akong dalawa eh. Bakit ba?"



Nagtinginan lang silang dalawa tapos umalis na din sila agad. Bakit ayaw nila akong sagutin? Kung payuhan nila ako, parang halimaw si Sunmi at kailangan kong mag-ingat ha.




 (๏̯̃.๏)




Pagbalik ko sa living room, nag-uusap sina Sunmi at Eli. Nagtatawanan sila, at halatang super close sila sa isa't isa. Hindi ko nga maintindihan ang pinag-uusapan nila eh.




She sighed. "I'm already tired. I'll rest na Eli oppa."




"Okay." Bubuhatin sana ni Eli yung mga gamit ni Sunmi kaso...




"Don't bother oppa!" Tapos tumingin siya saakin. "I want Auntie Sam to help me in unpacking my things. Is it okay with you, Auntie?"




"Ah... Sure!" Teka, ibig ba niyang sabihin, ako pagbubuhatin niya ng mga gamit niya. Sige na nga lang, ako na mabait!




Binitbit ko nga ang mga bag niya, at ano bang 'tong mga dala niya? May laman ba 'tong mga bloke ng bato! Bakit ang bigat? Pag-akyat namin, dun siya dumirecho sa kwarto ko...




"What the hell!!! What's with this crappy things!!!" Tama ba yung narinig ko?




"Um... Sunmi, this my room, and those are my things. You can have the other room..."




"Says who?"




"Ha?" Nakatingin siya saakin, at parang nawala yung pa-sweet image niya ngayon.




"Hindi ka pa dumadating dito, kwarto ko na ito." Ampotek! Nagtatagalog naman din pala siya. "Start moving out your things now so I can rest." What the!!! Bakit ganito siya!!!




"Pero Sunmi..."




"May problema ba?" Biglang dumating si Eli. Ayun tamang-tama! Siya nga kumausap dito sa kapatid niya!




"Ah... oppa!" Bipolar ba ang babaeng 'to, change attitude nanaman! "I told Auntie Sam na room ko itong gamit niya ngayon. So... I'm asking her kindly if she can move to the other room because I really miss this space." Ay! KINDLY asking me daw??? Ampakyut!!! Ang bait ng pagkasabi niya ngayon, samantalang kanina, kulang na lang sabihin niyang lumayas na ako!




"Ganun? Sige na Sam, ikaw na lang lumipat. Kwarto din talaga 'to ni Sunmi eh."




"Ha... oo... sabi ko nga eh."




Anebenemenyen!!! Doble pa tuloy ang gagawin ko!!! Kailangan talagang ilipat ko pa ang mga gamit ko sa kabilang kwarto!!! Tapos aayusin ko pa ang gamit ng bratinellang 'to!!! Kalma lang Sam!!! Kapatid ni Eli si Sunmi... making her own this house too!!! And one more thing, ikaw lang ang nakikitira kaya mag-adjust ka!!!




Katatapos ko lang ayusin ang gamit ng impaktitang Sunmi na yan, at ni hindi man lang siya tumulong. Gamit ko ba 'to, katulong ba niya ako! Grrr...




Anyway, para na rin akong maglalayas dahil lahat ng gamit ko, nakalagay na sa bag. Maglilipat-kwarto na ako!




"Before you go, let me clear something to you, Sam." Sam? Kanina may auntie pa yun ha! "Kilala mo ba kung sino ang sabit sa bahay na 'to?"




"Ha?" Oh anong gusto niyang palabasin? Kutusan ko kaya 'to!




"Baka lang kasi nakakalimutan mo na saating dalawa, ikaw lang ang nakikitira." Tapos tumayo siya, naka-cross-arm, at naka-taas ang kilay. "So... what I'm telling you is... YOU STAY OUT OF MY SIGHT!"




"Teka Sunmi, ano bang problema mo? Kanina mo pa ako sinusungitan ha. I didn't do anything to you."




"Just the mere fact that you're here irritates me!!!"




"That's your problem?"




"No... THAT'S THE PROBLEM! Who the hell are you anyway... bakit kailangan mong makasama si Eli sa iisang bahay!"




Wait... what? So kaya siya nagagalit dahil magkasama kami ni Eli sa iisang bahay? Nagseselos siya? Diba step-siblings sila? Don't tell me may gusto si Sunmi kay Eli...




"Never make me mad Sam! 'Coz I can make my two week stay here, the WORST TWO WEEKS of your life!" Tapos tinulak niya palabas at tinapon ang mga gamit ko. "Wag na wag  ka lang ding magsusumbong kay Eli, or you'll regret it!" Then she banged the door on my face.




"Tskkkk!!!" Sinusubukan ba ako ng babaeng yun!!! Nakabalandra at nagkalat tuloy ang mga gamit ko. Sakto naman ang pagdating ni Eli. Sayang!!! Hindi niya nakita ang kamalditahan ng halimaw niyang kapatid.




"Akala ko ano na. Bakit nakakalat gamit mo dito?"




"Nabitawan ko lang!" Inayos ko ang gamit ko at nakatingin lang si Eli saakin. "Papasok na nga ako sa bago kong kwarto..."




Teka lang ha... sa bago kong kwarto... yung kwartong ipinananakot saakin noon ni Eli. (A/N: Please refer to Chapter 5) Kahit na joke niya lang yun kwento niyang may multo sa kwartong 'to, natatakot pa rin ako. Errr... anong gagawin ko, papasok ba talaga ako dito?






(╯╰)






"Naku Sam... baka mapanaginipan mo yung babae kapag pumasok ka jan."




"Eli naman eh!!! Nananakot pa!!!"




"Ahahahahahahaha!!! Hanggang ngayon, siniseryoso mo yun? Joke lang yun eh, duwagers!" Tapos binuksan niya yung kwarto at tumambad saakin ang magandang loob ng room na yun. "Swerte naman ng multo kung mag-stay siya sa ganito kagandang room noh."




"Uwaaaaaaaaaaaaahhh!!! Ang ganda nga!!! Bakit hindi mo sinabing ganito kaganda dito!"




"Bakit hindi mo talaga sinubukang silipin?"




"Nakakaloko ka kasi eh!" Swerte naman pala ako sa lilipatan kong kwarto eh! Ang ganda pa ng view sa malaking bintana, mas maganda kesa sa view nung kwarto ko! Lamunin na ni Sunmi yun! "Dito na lang ako forever!"




"Forever?"




"Ano ba, wag mong gawing literal! Hindi na ako lilipat ulit sa kwartong yun kahit umalis na si Sunmi! Mas maganda sa room na 'to eh."




"Ikaw bahala... nati-timawa mode ka naman eh. Ahahaha!!!" Nang-asar pa, anyway tinulungan naman niya akong buhatin ang bag ko at mga gamit ko para ilipat sa kwartong 'to!




"Room sweet room!!!" Naupo ako sa kama at ang lambot ha!




Naupo din sa tabi ko si Eli, uy bakit kaya? Parang ang seryoso ng mukha niya, at lalim pa ng iniisip ng mokong! Ano kayang tumatakbo sa isip niya. Isip ka nga ng topic Sam... "Si... si Sunmi. Close din kayo noh."




"Yeah...Why?"




"Wala naman... um... how about kina Waine at Argel?"




"Hmmm... nope."




"Bakit?"




"Ewan... malay ko sa dalawang yun, hindi nila masyadong ka-close si Sunmi eh." Haizz!!! Hindi nga siguro alam ni Eli na bruhilda yang si Sunmi. At parang may gusto pa sa kanya ang step-sister niya kaya ang sama ng tingin saakin. "Si Sunmi, we're not blood-related or anything. Magstep-siblings lang kami in papers."




That's why!!! Meaning, pwede pa siyang habulin ni Sunmi! teka, bakit ba ako naaasar. "Ah so pwede pa rin pala kayong... alam mo na..."




"Like magkagustuhan kami? Pwede."




"Psssh! Diba parang incest din yun."




"Parang yun saatin?"




"TIMONGOLOID!!!" Anong saamin! "Umamin ka nga, sumisinghot ka ba ng rugby at natitimang ka!"




"Ang kapalmuks mo naman din! Joke lang siniseryoso mo! As if naman!"




"As if?"




"As if yung saamin ni Sunmi!!! Kapatid ko lang yun!!!" Nakow Eli, kung alam mo lang! "Uy si Auntie Sam, nagseselos saamin ni Sunmi."




"Nakow! Umalis ka nga dito at nagdidilim paningin ko sayo! Makalimutan ko pang bahay mo 'to!"




"Okay... epal mo kasi eh..." Tapos lumabas na siya ng kwarto ko, pero bago siya umalis. "Good night!" Ang sungit ng mukha niya at nandila pa pagkasabi niya ng good night. Teka, first time niya lang akong binati ng good night ha...



Confirm!!! Naka-rugby nga 'tong si Eli-byu!






(◡‿◡✿)

End of Chapter 12









4 comments:

  1. bwahahhahaha kaloka :D dito na ko nagbasa sis para maunahan ko ung iba lol

    ReplyDelete
  2. @payieee... ahahaha!!!

    sabay lang naman napopost ang chapters nito dun sa PF...

    yung special chapters lang ang nauuna dito sa blog... ahahaha!!!

    pero sige, comment ka lang din dito sis!!! ^_^

    ReplyDelete
  3. ayy uu nga pla bwahahaha nd ku npnsin sa pf ung update, ang gaga ku tlga :))))

    update na sis!

    ReplyDelete
  4. ay bruhilda naman pala.. tsk tsk

    kaya mag-ingat sam. :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^