Monday, April 2, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 49

(A/N: Rated SPG po. Maraming maaksyon at nakakaawang scene. At paalala lang... medyo baligtad na ulit. Nauuna na ang update sa PF ng mga ilang minuto lang naman!)



CHAPTER 49
(SAMIRA ALMIREZ POV)


“Ikaw?”



“Hello Samira.”


“Cyler…”



“Oo classmate!”  Idinampi pa niya sa mukha ko yung mabaho niyang kamay. “Ang tagal kitang minanmanan. Lumipat pa talaga ako sa Edinham para lang makita ko ang babaeng pinag-uusapan ng lahat! Ang babaeng nagpataob sa Idol! Ikaw lang pala yun.”



“Walang hiya ka! Pakawalan mo kami dito! Akala mo, pakukulong ka namin! Tandaan mo yan!”



Then he just laughed at me. An evil laugh! “Tingin mo takot pa ako sa kulungan? Labas-pasok na ako doon! Wala na akong pake kahit pagkatapos nito mahuli ako agad ng pulis dahil madali lang naman para saakin na mag-pyansa eh! Pinaghandaan ko ‘to!” Saka siya lumapit naman kay Eli. “Ang mahalaga lang saakin…” At sinikmuraan siya. “Ang makaganti sa mayabang na Eleazer na ‘to!!!”



“Tama na!!!”



“Kapag… nakawala kami dito…” Kahit naghahabol na ng hininga, pinipilit pa rin ni Eli na magsalita. “Sisiguraduhin kong… hindi ka na… makakalaya… tandaan mo yan… panget!!!”



“Hwahahahaha!!!” Then he kicked him without hesitation. Mga halang ang kaluluwa. I hope they all burn in hell especially him. “Alam mo kung anong plano ko sayo, Idol? Una, sisiguraduhin kong mababaldado ka na ng tuluyan nang hindi ka na makalaban pa ulit. At pangalawa at higit sa lahat, sisirain ko yang pinagmamalaki mong mukha!”



Kumuha siya ng tubo while the others were holding large paddles. Balak ba nilang pagtulungan ng sabay-sabay si Eli? Hindi pa sila kuntento sa pambubugbog nila sa kanya kanina.



“Ibuhos niyo na ang lahat ng lakas niyo sa round two!” Saka siya lumingon ulit saakin. “At ikaw panoorin mong mabuti ang gagawin namin sa boyfriend mo ha.”



“Wag!!! Please!!! Maawa na kayo!!!”



“Sam… pikit mo lang ang mga mata mo.”



Walang tigil nang umaagos ang mga luha ko sa mata. Paano ko magagawang pumikit kung alam kong pwede niya itong ikamatay.



Nung sisimulan na sana nila, may kung anong tumulak sa bibig ko…



“SANDALI!!!” Natigil sila at kita ko sa mga mata ni Eli ang takot at pagtataka sa pagpigil ko sa kanila... “Ako na lang… ako na lang.”



“Wag…”



“Ako na lang saktan niyo! Mas makakaganti kayo kay Eli kapag ako ang sinaktan niyo. Please, wag niyo na siyang saktan. Ako na lang!”



“SAM!!!”



“Stupid! You’re so stupid!” Alam kong yan na ang sinasabi ni Eli ngayon saakin sa isip niya. Pero tanga na kung tanga! I won’t let them hurt him again!



 “Ako na lang… ako na lang…”



.



.



.




I waited for his reply like I was waiting for a death sentence.



“Sige… madali naman kaming kausap eh.”



“HINDI!!! WAG!!!” Nagsisigaw na si Eli nun at pilit nang kumakawala dun sa upuan. Sa pagwawala niya, kinailangan pa siyang hawakan ng tatlong tao para mapatigil siya. “WAG NIYO SIYANG PAKINGGAN!!! AKO ANG SAKTAN NIYO!!! WAG SIYA!!!”



I felt my heart broke into pieces when I saw Eli crying again. Pinagtawanan pa siya ng mga demonyong nakapalibot saamin. Naawa ako dahil sa paningin nila, ang baba na ng tingin nila sa kanya.



“Nakakagulat lang kung paanong napaiyak ang sikat na Idol sa pagkakataong ito. Ang hina mo pala eh.”



“Wag niyo siyang sasaktan. Nagmamakaawa ako. Kahit patayin niyo ako, wag niyo lang siyang sasaktan.” No Eli. This time I’m ready.



Lumapit ulit saakin si Cyler and grabbed my hair. Sobrang sakit nun but I pretended that the pain was nothing. “Ikaw anong sa tingin mo? Sino ba talaga ha? Siya ba o ikaw?”



“Ako… ako na lang.” I firmly said.



“Wag!!! Sam tumigil ka na!!! Mas mamatay ako sa gusto mo! Tumigil ka na!!!” Ang pagluha ni Eli.



“Sige pakawalan niyo siya.” Biglang sabi ni Cyler. Bakit pa ako pakakawalan? “Pagbigyan natin si Samira. Ladies first.”



“Wag!!!”



“At talian niyo nga sa bibig yang boyfriend niya! Ang ingay eh.”



Hindi ko maintindihan kung bakit iniutos ni Cyler na kalagan ako. At nung makatayo na ako nang wala nang kahit na anong tali sa katawan ko.



“Ikaw na lang ang sasaktan namin dahil tama ka, mas masasaktan nga si Eleazer. Pero baka sabihin mo naman na napakawalang puso ko. Bibigyan kita ng pagkakataong lumaban naman kahit papaano. Hindi na rin ako gagamit ng kahoy. Mano-mano na lang!” Kung ganun ang gusto ni Cyler patagalin pa ang paghihirap ko? “Pero tandaan mo, hindi ako marunong maawa kahit babae ka pa.”



I glanced at Eli and our eyes met for a moment. Kitang-kita ang awa sa mga mata niya. But he can’t do anything. Kahit pagsigaw, hindi na niya magawa dahil sa takip sa bibig niya.



Si Cyler lang ang balak kumalaban saakin habang audience naman daw namin ang iba niyang mga kagrupo. “Mauna ka nang umatake.”



My chest was throbbing and I’m feeling nervous, but I’m ready. Malalampasan ko rin ‘to. Malalampasan din namin ‘to.



Then I mouthed three words to Eli just in case, “I love you.”



And braver now, I clenched my fist and threw a punch on Cyler’s face. Humanda ka saakin! Ako pa kinalaban mo!



(╭╮)

(ARGEL RIVAS POV)



Sinusundan namin sina Kian at Kyle. Ngayong alam na namin na may kuneksyon pala sila sa mga taga-North, mas mapapadali na ang pag-aayos ng problema namin tungkol sa kanila.



Kaso sa pagsunod namin, bigla na lang nag-ring ang phone ko. “Si Sam tumatawag?” At pagsagot ko… “Hello? Hello... Oy…”



“Bakit daw?”



“Wala eh. Hindi sumasagot si Sam.” Pero nagulat lang ako sa sumunod kong narinig. Boses ni Idol at parang nagkakagulo.



“Sasama ako, pauwiin niyo lang ‘tong kasama ko.”



“Eli!”



“Hindi pwede. Bilin saamin, kayong dalawa!”



“Sam!!! Anong nangyayari!!! Hello!!!”



“Ano ba bitawan mo ako!”



“Takbo!!!”



“Hello!!! Sam? Idol?” At naputol na yung tawag.



“Anong nangyayari?”



“Tangna Waine. Nasa panganib sila Idol.”



“Ano?” Nagkatinginan kami at alam kong pare-pareho na kami ng nasa isip.



Agad na naming sinugod si Kian. Nagulat naman silang magkapatid nung cornerin namin sila! “Saan niyo dinala sina Idol!!!”



“Ha? Anong pinagsasabi niyo? Teka mga kaibigan kayo ni Eleazer diba.” Hawak ko naman yung bata na halatang takot na.



“Magkasama ngayon sina Sam at Idol at may nangyaring masama sa kanila. Inambangan sila ng mga ka-grupo mo!”



“Ka-grupo? Hindi ko alam ang sinasabi niyo?”



“Wag ka nang magsinungaling!!!”






At inipit pa ni Waine si Kian dun sa may pader. “Nasa panganib ngayon sina Sam! Saan niyo siya dinala? Alam kong alam mo!”



“Ano? Si Sam nasa panganib?”



“Nagmamaang-maangan ka pa!” At sa asar ni Waine, sinuntok na niya si Kian. “Magsabi ka na ng totoo! Oh kung hindi, may mangyayaring masama sayo at sa kapatid mo.”



“Wag niyo po silang idamay ng kapatid niya!”



“Ikaw ang tinutukoy namin tange.”



“Pero hindi naman kami magkapatid.”



“ANO???” Lokohan ba ‘to? Ang gulo na nga, mas pinagugulo pa nila.



“Inihatid ko lang si Kyle dahil pinakiusapan ako ng kuya niya na hindi niya masasabayan ngayon si Kyle ngayon.” Watdapacker!!! Kung ganun hindi sila magkapatid?



“Paano kami maniniwala na hindi kayo nagsisinungaling?”



“Just look at our ID’s!” Ampness naman oh! Kian Miranda at Kyle Fontanilla! Hindi nga sila magkapatid! “At saka babae ang kapatid ko.”



“Kung ganun…” At ang pinagbuntungan na namin si Kyle. “Sino ang kuya mo? Yung kuya mo na taga-North?”



Hindi siya sumagot. Halatang natatakot!



“Makisama ka naman bata! Nasa panganib ang mga kaibigan namin! Kung hindi mo kami tutulungan, mapapahamak sila! Diba ikaw yung niligtas ni Sam? Hahayaan mo bang mapahamak yung taong nagligtas sayo.”



“Pero sasaktan niyo ang kuya ko!”



“AISH!!!” Inuubos ng batang ‘to ang pasensya namin! Konti na lang papatulan na namin siya.



“Teka lang, pabayaan niyong kausapin ko siya.” Magawa kaya ni Kian? Sana naman. “Kyle, makinig ka. Mas mapapahamak ang kuya mo kung hindi mo sila tutulungan ngayon. Sabihin mo sa kanila ang totoo. Maniwala ka.”



Dahil sa kalmadong pakiusap ni Kian, hindi rin nagtagal, nagsalita na yung bata. “Ang kuya ko… siya si Cyler Fontanilla. Ang…” Hindi na namin pinatapos yung bata dahil kilala namin ang pangalang iyon…



“Leader ng North Gang.” Sabay na naming nasabi ni Waine. ANg laking gulo nito! Nagbalik nga ang bangkay na yun!



“Kyle… alam mo ba kung saan dinala ngayon ni Cyler sina Sam?”



“Hindi ko sigurado pero baka dun nila dinala sa lumang building malapit sa creek. Yung dating pabrika ng mga tela. Madalas kasi dun sila tumatambay.” Alam namin ang lugar na yun!



“Salamat Kyle. Makakabuti ‘to sa kuya mo, maniwala ka.” Tatakbo na sana kami ni Waine pero…



“Teka, sasama ako.”



“Ako din. Gusto ko nang pigilan ang kuya ko.”



Magandang ideya nga din yun kaya pinasama na namin sila. Baka kasi kapag uncontrollable na ang sitwasyon, makatulong ang nakababatang kapatid ni Cyler na si Kyle sa pagpigil sa kanya.



Papunta na kami dun sa lumang pabrika at syempre hindi naman kami nagpunta dun nang walang plano.



Si Kian ang nag-inform sa mga pulis tungkol sa kidnapping samantalang tinawagan din namin ang ilang mga ka-SGG namin kung sakaling malate ang mga pulis. Minsan pa naman kung kelan sobrang nagkakagulo na wala pa rin ang mga parak!



Darating na kami mga Idol! Ililigtas namin kayo sa mga taga-North. Malapit na kami!!!



(ノಠ益ಠ)ノ

(SAMIRA ALMIREZ POV)



“Mauna ka nang umatake.”



*buuuuuggggggssssssssshhhhh!!!*



“Wooooaaaaahhhhhh!!!”



At naghiyawan yung ibang miyembro na nakapalibot saamin matapos kong suntukin sa mukha si Cyler. Natumba pa siya sa lakas ng suntok ko pero nanakit ang kamao ko dun ha.



Remember nung tinuruan ako ni Eli ng ilang taekwondo skills? Naalala ko pa rin yun! Bukod doon, nagpa-practice din kami whenever there’s time. Tinuruan pa niya ako ng ilang pang moves.



Napatingin ulit ako kay Eli. Please be proud of me junanax, ikaw ang nagturo saaking lumaban. Hindi ako basta-basta magpapatalo.



“Ayus ha! Galing chumamba!” Chamba pala ha!



*buuuuuuuggggssssshhhhhhhhhh!!!*



“Woooooooaaaaaaahhhhh!!!”



“Kaya pala girlfriend yan ng Idol eh!”



In his face once again! Si Idol yata ang nagturo saakin, isang 8th degree black belter or SAHUN! Sabi pa nga niya, sa bilis kong matuto, pwedeng nasa 4th degree ranking na ako!



Muli tumayo si Cyler at nabwiset yata siya sa pagpuri saakin ng mga kasamahan niya dahil sinuntok niya ito sa mukha.



Tumingin na siya saakin ng masama. Mas naging seryoso at nakakatakot na ang tingin niya kaya mas lalo akong nag-focus. I’m making sure I’m doing the correct breathing method,



I maintained our distance. Naalala ko kasi sabi ni Eli noon that if I can control our distance, I can easily counter-attack.



Madali kong naiiwasan ang atake niya, and at the same time I was able to hit him on his vital parts. He approached me without thinking and because of that, madali lang na gamitan siya ng basic yet effective attacks na alam ko!



“Yaaaah!!!”



“Argh…”



Namimilipit na sa sakit ngayon si Cyler. Dapat lang noh! Ni-disabled ko ang reproductive system niya! Ang pinaka-dangerous na attack na alam ko.



At saksakan din ng mga tanga yung mga kasama niya dahil sa pagka-amaze ay hindi na ako pinansin. Malamang in state-of-shock pa sila dahil napabagsak ng babae ang leader nila. Pero hindi nga ako basta-bastang babae lang noh! GIRLFRIEND ako ni Idol! Tandaan nila yan!





That time, nakalapit na ako kay Eli. “Eli…” He looked at me and I know he’s happy and very proud. Napansin ko nga rin na parang halos matatanggal na niya yung tali sa mga kamay niya. Pagtanggal ko sa nakaharang sa bibig niya.



“Kalagan mo yung sa paa ko dali...” Bulong niya.



Agad ko namang sinunod yun at kinalagan siya agad. Alam ko hindi rin magtatagal matatauhan na yung mga kulang-kulang sa utak na mga taga-North.



“Grabe, astiging babae yun ha!”



“Boss okay ka lang?”



“Mga bobo!!! Anong ginagawa niyo??? Si… Si Samira!!!”



That’s our cue! Natauhan na nga sila!



“Sam sa likod mo!!!” At sakto paglingon ko, tumama na malaking paddle sa braso ko kaya natumba ako agad at napapikit na lang sa sakit. “SAM!!!”



“Ahhhhhh…mmm…”



“Tatakas pa kayo ha!”



Paglapit niya saakin, sinipa ko siya agad kahit nakahiga pa ako. Nakasilip din ako ng pag-asa dahil sa wakas, tuluyan nang nakatakas si Eli sa pagkakatali niya!



“Loko ka hah!!! Girlfriend ko yan!!!” At una niyang binanatan yung lalaking pumalo saakin.



At ano pa nga ba ang eksena na mangyayari? Dinumog lang naman kami ng higit benteng kalalakihan.



Kahit sugatan at pagod si Eli dahil kanina pa nga siya bugbog-sarado, nagagawa pa rin naman niyang lumaban. “Tumakas ka na Sam.”



“Hindi kita iiwan!” Ako naman, feeling ko gangster din ako. Lumalaban din ako kahit grabe yung sakit. Imposible naman kasing hindi ako tamaan ng suntok diba?



Nung tuluyan nang natumba si Eli, madali na lang rin nila akong napabagsak. Pero magkatabi kami at nakayakap ako sa kanya. Pareho kaming humihingal, pagod na pagod sa maaksyon at madugong awayan namin.



Napa-isip tuloy ako. Walang naman kaming ginagawang masama diba? Bakit kailangan naming pagdaanan ‘to?



And now I’m feeling so helpless. Katapusan na ba namin ‘to?



“Grabe kayo! Dadalawa na nga lang kayo, sugatan pa yang isa, nagawa niyo pa kaming pahirapan!” Nakangising sinabi ni Cyler pero galit siya. Lumapit siya saamin at alam ko na ang sunod niyang gagawin. Yun ay ang gantihan ako sa ginawa kong pagpapahiya sa kanya kanina.



Pero bago pa man tuluyang tumama ang suntok niya saakin, pinigilan ito ni Eli. Lumaban pa siya para hindi ako masuntok. Kahit na sa huli, pinagtulungan siya ulit nung iba. “Kahit kelan hindi ka mananalo… tandaan mo yan.”



“Tumahimik ka!!!” Kumuha siya ng tubo at muli itong ipinalo sa likod ni Eli.



“TAMA NA!!!”



I’m hurting inside and out. Ang sama-sama na ng pakiramdam ko. Pinipilit kong maging malakas pero sumasagi sa isip ko yung tanong na malalampasan ba talaga namin ‘to?



Hirap na hirap na rin si Eli. I’ve never seen him so weak pero pinipilit niyang maging malakas para saakin. “Ako lang naman ang gusto niyo diba? Ako na lang ang patayin niyo… pakawalan niyo na siya.”



“Tuluyan na ba natin ‘to Boss? Ang angas pa rin eh!”



Senyas lang ang isinagot ni Cyler. But it’s so obvious na OO ang ibig sabihin nun. Lalong naghigpit ang yakap ko kay Eli. Kung papatayin nila si Eli, isama nila ako.



At this point, nagdasal na ako sa isipan ko na sana… sana hindi pa huli ang lahat.



“Idol!!!”



.



.



.



Hindi lang ako makapaniwala dahil agad sinagot ang dasal ko.



Maluha-luha ako ulit nung marinig ang boses nina Waine at Argel kasama ang mga kaibigan nila. “SGG…” Naibulong ko habang nagkatinginan kami ni Eli. “Ligtas na tayo.”



Kahit nagkagulo ulit, mas marami namang ang tumulong na saamin.



Nagulat pa ako nung makita ko si Kian at siya ang umalalay saaming dalawa. “Tara na.”



“Taga-North ka ha. Ikaw yung kapatid ni Kyle.” Ano daw?



“Si Cyler ang kapatid ni Kyle at hindi ako. Wag ka nang mag-salita Eleazer. Ang mahalaga, maitakas na namin kayo dito. Sugatan kayo pareho.”  Busy sa pagpapatumba ng mga kalaban sina Waine at Argel at yung iba. Hindi naman ako umalis sa tabi ni Eli na parang ilang sandali na lang ay mawawalan na siya ng malay.



Kung alam lang nila kung gaano kaluwag sa pakiramdam yung pagdating nila at pagligtas nila saamin. Laking ngiti ko nga nung makalapit na rin kami sa labasan. Gabi na pala!



“Hold-on Eli. Malapit na tayo sa labasan. Pupunta tayo sa ospital hah.”



“Galing mong makipaglaban, Sam. Kaya mahal na mahal kita eh.”



Natawa ako at naiyak! “Kaya mahal na mahal din kita eh! Ikaw nagturo saken.”



Heto na kami! We’re not fine but we will be. Sabi na malalampasan namin ‘to eh!



.



.



.



Until I heard a loud familiar scary sound.



Gun shot.



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ

End of Chapter 49



12 comments:

  1. 1st aq d2 at 1st din aq s pf! hihhhihhii!!!
    bsa mode n muna aq!

    ReplyDelete
  2. grabe ang pagchi-cheer q! ang galing-galing n pla ni sam sa taekwondo eh! ntuwa tlga aq nde nkganti s knya c cyler! kya cla tlga ang bgay ni eli!

    at kian sorry pla. ngalit p aq sau! wla k plng kinlman sa north. hihihi! ate aegyo kxe! nakkloka mg a twist mu!

    but at d end of diz chapie, kinkbhan aq!



    GUNSHOT!!!! waaaaaahhhhh!!!!!!!!!!



    sna nmn wlang tinmaan nung baril! ikaw cyler ang pptayin q kun isa man kina eli at sam at pintamaan mo!

    grabe n tlga!!!! ang bongga ng commnt q ha! chapter 50 n! malpit n mtapos! T_______T
    grabe n paghihintay q! i'm gonna support diz till d end kya update mu n agd ate aegyo!

    ReplyDelete
  3. OMG !! eto na tlaga .. kinakabahan ako .. sana naman wla sa kanila ang nabaril!! sana ligtas silang lahat pwera sa mga tagaNorth ..

    OMG ulit .. Isang chapter na lang !! hindi na talaga ako makapaghintay..
    nakakaexcite .~~ iupdate mo na ate Aegyo..!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's the first time I saw you. thanks po! hihihi, buti naman at napa-comment ka.
      hope to see you until the end! ^__^

      Delete
  4. hindi pa naman last chapter ang 50 diba? may epilogue pa!

    grabe, naeexcite na ako sa mga nangyayari! excite na natatakot!
    kinakabahan ako sa katapusan! naman miss aegyo, iupdate mo na nga ito agad!

    nakakaloka yung gunshot! lumilipad na isip ko sa mga susunod na mangyayari!
    sana ang tinamaan si cyler! sana siya yung nabaril!
    o putok ng baril yun mula sa pulis! haaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!! next na!!!

    ReplyDelete
  5. hay naku aegyo.. kahit kelan ang galing mong mambitin!!! omg sino kaya ang nabaril? huhuhu, sana yung cyler, para siguradong hindi na sya makakapang-gulo pa ulit.. kainis sya. kainis!!! so kian?? inosente talaga? i love kian na ulit.. hihhihi.. bwisit na cyler yan, walang utang na loob, sana pala pinabayaan na lang ni sam si kyle eh, kainis yang kuya nya.. eli you're the man the talaga, elibyu.. grabe!!! last chapter na ang next.. :( hindi ako makapaniwala.. so sad. I'll miss sam, eli, sunmi, waine, argel, raffy, sheena and byron, and oopss also since walang partner si kian akin na lang sya. hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi... patapos na kasi!

      uu last chapter na nga yung 50 pero may epilogue pa naman eh... ^__~

      Delete
  6. sis!!!!!!!! habaan mo maxado ung mga last chaps ha!! O___________________O!!! damihan mo plz!!!!!

    ReplyDelete
  7. nde n aq mkhinga! sobrang nppkpit n aq s kinauupuan q hbng ngbbsa, ceryoso! naawa aq kei eli! gus2 qng aq ang pumtay dun kei cyler! sna masunod n xah s hell! ang kpal ng mukha nia klbanin si eli nde nmn pla nia kyang patumbhin c sam! talong-talo xah!
    next n agad ate! sobrang nde n aq mkktulog n2 kkhintay! i cn't wait for d next thing! ch.50 na!!!

    ReplyDelete
  8. Parang napakadugong pagtatapos ang magaganap...hindi ko na mahintay ay next chap... grabe sis,,, lawak ng imagination mo,,, ay may nabaril ba? naku naku,,, may mag sasacrifice ba sis???

    ReplyDelete
  9. every morning excited akong mag-check ng update ngayon kinakabahan at nalulungkot ako, last chapter na kasi... :(( pero i'm sure last chapter and the epilogue will be breath-taking, exciting, beautiful and memorable.. ^^

    ReplyDelete
  10. last chapter and the epilogue will sure be memorable, exciting, beautiful and breath-taking.. though i'm excited i'm quite nervous and sad.. :(

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^