Chapter - 2
"WOOOH!" tilian ng mga tao dito sa loob ng club.
Oo, nandito ako ngayon sa club. Eh kasi naman tong hinayupak kong bestfriend kinaladkad ako papunta dito. Imbis na nahihimbing na ako sa pagtulog, heto ako ngayon nandito sa bar at umiinom ng lemon juice. May pasok pa kaya kami bukas. Tss hindi ko lang talaga siya matanggihan dahil kaibigan ko siya at mahal ko siya. At ayokong maging kj pagdating sakanya. Pero sobrang sakit na ng ulo ko kaya uuwi na ako.
"RJAY! SAYAW TAYO!!!" sigaw niya. Magsisigawan talaga kami dito dahil sobrang ingay dito sa bar, wild mga tao dito.
"AYOKO! UUWI NA AKO LARA! ANG SAKIT SAKIT NA NG ULO KO!" sigaw ko rin sakanya pero hindi siya nakikinig. Nakatingin siya sa kabilang direksyon, tinignan ko kung ano yung tinitignan niya pero hindi ko makita dahil sa mga taong nagsasayawan sa may dance floor.
"RJAY! RJAY!" sigaw na may halong kalabit niya habang nakatingin pa rin sa kabilang side.
"WHAT?! HINDI KA MAN LANG NAKIKINIG SA AKIN!" inis na sigaw ko sakanya.
"TIGNAN MO YUN!" turo niya sa akin. Hindi ko nga makita eh. "YUNG LALAKING NAKAUPO DUN! KANINA PA SIYA NAKATINGIN SAYO! TYPE KA YATA!!!" tss. Wala akong panahon para jan. Uwing uwi na ako.
"URGH! UUWI NA AKO LARA! OKAY?! ANG SAKIT NA NG ULO KO!" pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya dahil alam kong pipigilan niya lang ako. Naglalakad na ako palabas ng bar nang may nakasiko sa dibdib ko.
"FUCK!" sigaw ko sakanya pero tinignan niya lang ako.
Ang sakit! Full force eh. Padabog ko binuksan yung pintuan ng bar, pumunta ako sa may parking lot at hinanap kung saan naka-park yung sasakyan ko. Nung makita ko na agad kong kinlik yung remote at tumunog naman siya. Nabuksan ko na yung pintuan ng biglang may nagtulak doon para sumara.
"Uuwi ka na agad?" kinilabutan ako ng marinig ko yung boses nung lalaking nagsalita. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun...
Huminga ako ng malalim bago ako humarap sakanya at binigyan ko siya ng mataray look. "Mind your own business. I'm going home." pagkasabi ko nun ay nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Please, stop doing this to me." sinubukan kong kumalas pero masyadong mahigpit yung pagkakayakap niya. Hindi na nga ako makahinga eh. "Anna... Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin nung malaman kong wala ka na." potek! Talaga bang pinapainit nitong lalaking to yun ulo ko?!
Tinapakan ko ng malakas yung paa niya kaya naman napakalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Nakakainis ka na eh! Naka-drugs ka ba?! Ano tinitira mo ha?! Wala ka bang ibang mapagtripan kung hindi ako?!" sunod sunod na sabi ko sakanya. "Sinong Anna?! I'm not Anna! Fuck!" sigaw ko. Nakakaubos talaga ng pasensya yung mga ganitong tao.
"You're Anna! And I am your husband!" kumulo yung dugo nang marinig ko naman yung husband husband na yan. "Kinasal tayo sa New Hampshire! I was 14 and your 13 years old! Why can't you remember that?!"
"What the hell is your talking about! My gosh! You're insane!" sabi ko sakanya. "You already know my name. It's RIYUJIN! R-I-Y-U-J-I-N not Anna! Kasal? Kasal mo mukha mo!!" sigaw ko sakanya. Nakakagigil!
"Yes! Maybe now your name is Riyujin! Pero ANNA pangalan mo! ANNA!" sigaw niya rin sa akin. "Kung hindi mo maalala! Ipapaalala ko sayo! Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako naaalala. Hangga't hindi mo naaalala na ikaw si Anna, na kinasal tayo!" madiin niyang sabi sa akin. "Dalawa na atraso mo sa akin." pagkasabi niya nun ay pumunta na siya sa loob ng bar.
"ERRRRRR!!!!" yung nalang nasabi ko. Sobrang nakakagigil yung lalaking yun! Talaga bang pinagtatagpo kami? O sinasadya lang na pagtagpuin kami?!
---
Hayan! Hayan na nga ba sinasabi ko late na ako! First day na first day late.. Dapat talaga hindi na ako sumama kay Lara eh! Tumatakbo ako ngayon papuntang fourth floor. Bakit? Dun lang naman yung classroom namin.
Nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng classroom namin. Hingal na hingal kaya naman nag-inhale exhale session muna ako bago ko binuksan yung pintuan ng room. At syemrpe naagaw lahat ng atensyon ng mga dakila kong classmate.
"Oh, your late miss Domingo.. Today is your first day of school yet your late." I already know miss Marasigan.. You don't have to say it. Tss. "Okay, tutal late ka. Introduce your self here." tinuro niya yung pwesto niya. Syempre sa harapan yun at sa gitna. No choice, kaya pumunta na ako dun.
"Riyujin Jane Domingo." ngumiti ako ng pilit at saka lumakad papunta sa upuan ko. But what the hell! Occupied na yung seat! Hindi ko mamukhaan yung nakaupo dahil nakapahalumbaba siya pakaliwa. Nakatingin sa may bintana. Huminto ako sa harapan niya kaya naman napatingin siya.
"IKAW?!!!!" sigaw ko at gulat na gulat kong turo sakanya. Nakangisi siya. I hate this! Urgh, guguluhin niya talaga yung buhay ko. Nakakainit ng ulo!
"Miss Domingo? Why are you shouting?" tanong ni miss. Humarap ako kay miss at saka ngumiti.
"Nothing ma'am." pagbalik ko ng tingin sakanya. Lalo siyang ngumiti ng nakakaloko. I just roll my eyes at him at umupo sa may likuran niya.
Napansin kong occupied na rin pala yung katabi kong seat. At napansin ko rin na nakatingin sa akin yung katabi kong lalaki. What's wrong with him? Tss. Bakit mukha siyang baliw?
"Hi! I'm Louie. Nice to meet you, Ryuu." okay. Close kami para tawagin niya akong Ryuu? Well, ayokong masira yung araw ko nang dahil jan sa mokong na yan. Kaya I'll try to be friendly today. Nginitian ko rin naman siya.
"Nice to meet you too." sabi ko sakanya at nakipag-shake hands. Mukha naman siyang mabait eh.
"So what's up? Bakit ka late?" nakangiting tanong niya.
"Huh? Ah! Napuyat kasi ako eh." sabi ko habang kinukuha yung notebook ko sa may bag.
"Tss." narinig ko dun sa mokong.
Hindi ko nalang pinansin dahil... I don't wanna waste my time. Gusto ko lang matulog... Pero papaano ako matutulog? Nasa school ako? Hindi ako natutulog dito sa classroom. Sa clinic lang... Nakita kong tumayo na si mokong para pumunta sa harapan at magpakilala.
"Hi. I'm Craig Marco Lemise. Nice to meet you all." so Craigh Marco pala pangalan nitong mokong na to? Hell I care! Aish. Pagkatapos niya ay bumalik na siya sa upuan niya.
Si Louie naman yung sumunod na tumayo. He's cool and cute, mukha pa siyang mabait.. So I think magkakasundo naman kami.
"Hello!" masayang bati niya. "I'm Louie Rain Talento, Please be nice to me." tapos kumindat siya. Nag-chuckle naman yung mga classmate kong babae. Pagkaupo niya ay tinanong ko agad kung bakit siya lumipat dito sa school na to.
"Hmm. I heard na maraming magaganda dito, kaya lumipat ako dito. Hahahaha." abnormal yata tong lalaking to eh, but of course hindi ako naniniwala sa reason niya. "Just kidding, it's a private reason." naintindihan ko naman kaya hindi na ako nagtanong pa.
"Ikaw? Kwento ka naman about youself, family at kahit ano." well I don't mind it naman kaya magkukwento ako.
"Well, paano ba? Haha. My parents died when I was thirteen." mapait kong sabi sakanya. Medyo masakit pa rin sa akin yung nangyari eh.. I don't celebrate my birthday, simula nung namatay sila sa harapan ko. Wala ng christmas, birthday at kung ano anu pang okasyon para sa akin.
"S-sorry." mahinang sabi ni Louie.
"Ano ka ba naman! Why are you apologizing to me?" natatawang tanong ko sakanya.
"For asking you to tell me about your family?" lalo naman aklong natawa sa sinabi niya.
"Heey! Don't feel sorry okay? Hindi naman ikaw ang pumatay sakanila eh." nakangiting sabi ko sakanya.
"Pumatay?" he repeated.
Ooops! Sometimes I should keep my mouth shut na talaga. Hahaha! "Yeah. They were killed." matipid kong sabi.
"I see. Hindi na ako magtatanong pa." sabi ni Louie.
"Can I call you Rain?" tanong ko kay Louie. Ngumiti siya.
"Sure, Ryuu. Haha"
Natawa na rin ako sakanya.
"Could you please lower your voice?! It's irritating me!" inis na sabi ni Craig mokong.
Nagtinginan lang kami ni Rain at saka tumawa ng mahina. "Kasi ikaw eh! Ang ingay mo." tatawa tawang sabi ni Rain.
"Manahimik ka nga jan! Hahaha. Pabayaan mo siya, wala kasi siyang friend eh. Hihihi." sabi ko sakanya.
Tawanan lang kami ng tawanan ni Rain maghapon, nakakaloka siya kasama. Nawawala yung pagkamataray ko. Sabi nila yun, bago kami maghiwalay nag palitan kami ng number. Then he said tatawagan niya raw ako mamaya. Well, may new friend na ako. Haha! Maghapon kong hindi nakita si Lara ah. Nasaan kaya yung bruhang yun? Baka nasa bahay niya lang yun at natutulog, hindi ko nga alam kung anong oras na siya nakauwi kagabi eh.
*Bzzt bzzt. Bzzt bzzt*
*0927******* Calling*
Teka, sino naman tong tumatawag? Imbis na magtanong ako sa sarili ko, mas maganda pang sagutin ko nalang diba? Hahaha.
"Who's this?" mataray at diretso kong tanong.
"Your husband, Marco." what the heck! How did he know my number?!
"What do you want, Craig?" tanong ko sakanya.
"You. I want you to be MINE!" matigas na sabi niya.
"What th-"
*Toot toot toot*
Binabaan niya ako. He mean it! Guguluhin niya ako! I hate this! Sana ... Sana hindi ko nalang siya sinagot nung nasa waiting shed ako. Edi sana walang Craig na manggugulo sa akin ngayon.
"You. I want you to be MINE!"
Nage-echo sa utak ko yung sinasabi niya. Tinakpan ko ng dalawang kamay yung tenga ko.
grabe si craig! kinilig naman ako dun! you! i want you to be mine! omo! next na agad author!
ReplyDeleteAy! Hehehe ~ salamat po sa pagbasa ~ ^_______^
Deletewwwiiiiiiih! kung ayaw mo s knya, akin n lng! i want him to be mine nmn! hwahahahahaaaa!
ReplyDeleteNyahahaha ~ thanks for reading po! ^_________^
Deletesaan n nxt n2???
ReplyDelete