Tulad nga ng sinabi ko... Hindi ako tinantanan ni Craig, palagi siyang nanggugulo. Tulad nalang doon sa may locker ko. Pagbukas ko biglang may nahulog na papel na may nakasulat na...
Oo, nandito ako ngayon sa club. Eh kasi naman tong hinayupak kong bestfriend kinaladkad ako papunta dito. Imbis na nahihimbing na ako sa pagtulog, heto ako ngayon nandito sa bar at umiinom ng lemon juice. May pasok pa kaya kami bukas. Tss hindi ko lang talaga siya matanggihan dahil kaibigan ko siya at mahal ko siya. At ayokong maging kj pagdating sakanya. Pero sobrang sakit na ng ulo ko kaya uuwi na ako.
"Ay palakang nagte-tetris!"napatayo ako sa sobrang gulat. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa waiting shed dahil hinihintay ko si Lara ang aking bestfriend. Sapagkat mahigit Thirty minutes na akong naghihintay sakanya. Buti nalang at mahaba yung pasensya ko pagdating sakanya.