Tuesday, March 13, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 46

CHAPTER 46
(SAMIRA ALMIREZ POV)




5AM na pala kaya sobrang pagod na at antok na kami pareho. “Good night… ay madaling araw na pala. Good mornight!”



“Good mornight din.” Nakatayo si Eli sa harap ng pinto ng kwarto niya at ganun din ako sa kwarto ko. Sabay naming binuksan ang pinto at… “Sweet dreams.”



“Sweet dreams din.”



Pagpapasok ko sa kwarto ko, pumasok na rin si Eli sa loob ng kwarto niya pero ulit… “Ah… Sam?” Sumilip siya so sumilip din ako.



“Bakit?”



“Ah… wala… wala. Sige, tulog ka na ng mahimbing.” Ngumiti lang siya ng parang ewan at pumasok na sa kwarto niya.



After ng pinakamalala na siguro naming away, para kaming mga timang at mongoloid sa mga ikinikilos namin. Nagkakahiyaan pa kunyari.



Pagasarado ko sa kwarto ko, napasandal naman ako sa may pinto at huminga ng malalim. I’m so glad naayos namin yun. Bukod pa dun, kinikilig-kilig pa ako sa pinakamatagal na naging yakapan namin.






~FLASHBACK~


Ikaw naman kasi, sa iba ka pa sumandal.” - ͼ(ὸ_ό


Antok na antok ako nun eh, alam mo namang sabog ang pag-iisip ko kapag inaantok ako diba.” - /╯﹏╰\


Alam mo rin ba yung Law of Love Gravity? Dahil mahal mo ako dapat saakin ka lang babagsak!” - (ಠ_ಠ)


Kaninong Law yun? Sa lolo mo?” - ≧❂◡❂≦


Oo. At ipapamulto kita sa kanya sa pagpapaiyak mo saakin.” - ()


Magkayakap po kami sa lagay na yan.


Ikaw rin, ipapamulto kita sa parents ko dahil sinaktan mo rin naman ako ha! Nakipaglandian ka sa mga babae.” - ≧◔◔≦


Oh sorry! Aminado akong pinagselos kita pero I promise naman na wala akong nilabag na kahit na ano.” - ٩(×_×)۶


Eh ano yung nakita kong nagkiss kayo ni Lira! Nakita ko yun ha!” - (╯ಊ╰)


Okay, ni-kiss niya ako but I didn’t kiss her back! Tinulak ko nga siya dahil ang sagwa ng lasa ng bibig niya! Parang hindi nagtooth-brush! Yuck! Walang-wala sa lasa ng lips mo Bugal!” - ٩(๏̯͡๏)۶


Psh! So nag-kiss pa rin kayo.” - o(≧o≦)o


Kung makapagsalita ‘to akala mo hindi niya ni-kiss si Kian.” - (►.◄)


Ni-kiss niya ako but I didn’t kiss him back!” - (ύ_ὺ)


Gaya-gaya ka rin noh?” - (ノಠ益ಠ)ノ


Totoo naman eh. Pero Eli, nag-confess na siya saakin.” - ͼ(ݓ_ݓ)ͽ


Ano???” - (⋋▂⋌)


I’m sorry kung hindi ako nakinig sayo. But when he finally said it, sinabi ko rin sa kanya na ikaw naman ang mahal ko. And now that we both know, I guess tama nga lang na layuan ko na muna siya.” - (◡_◡✿)


ヽ(¬ ¬)人(◡‿◡)

~END OF FLASHBACK~




“Ahay… inaantok na ako…” Napahikab ako at pupunta na sana ako sa kama ko pero biglang bumukas yung pinto kaya nauntog yung ulo. “Ay kabayong butete naman! Aray ko…” Habang hinihimas ko yung ulo ko.



Nagulat naman si Eli nung sumilip siya. “Nakatayo ka pa pala jan?”



“Oo… bakit?” Bakit na naman siya nandito? “Diba nasa kwarto ka na?”



“Ano kasi… um…” May gusto siyang sabihin pero obvious na nahihiya.



“Ano yun? Hindi bagay sayo ang nahihiya Eli.”



“Tabihan mo ako sa kama ngayon.”



Ako - (O_O)



Wala na bang mas ilalaki pa ang mata ko jan? I didn’t expect na after this, gugustuhin ni Eli na gawin namin yun! Owno!!! Hindi pa ako ready!!!



“Ano na namang iniisip mo? Hindi tayo magse-sex ha.” Ano ba naman walang pasintabi! Ako nga hindi ko mabanggit yung salitang yun kahit sa isipan ko, tapos siya naman derechuhan lang sinabi! “Gusto lang kitang makatabi. Yun lang.”



Matagal lang akong nakatitig sa kanya. “O… okay.” Hindi naman ako makahindi. “Saan? Sa kama mo sa kama ko?” Ohmaygawd Sam! Parang sagwa ng tanong ko!



“Sa kwarto ko.” Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papasok sa kwarto niya.



Ang tagal ko pang nakatitig sa kama niya. Bakit kasi biglang nagkaganito? Pero ano ba naman Sam! Matutulog lang nga kayo! Magkatabi nga lang daw! Walang ano… ano… yun… sex daw… aish!!! Kinikilabutan ako kapag naiisip ko yun!!! Ay ano ba yan!!! Bakit iniisip ko yun!!!



“Tara na nga! Matutulog na ako!” Nauna na akong nahiga para hindi halata na medyo kinakabahan ako.



Pero pagkahiga ko, yumakap ako agad sa unan at nagtago dun sa kumot. Mas naging stiff ako nung maramdaman kong humiga na rin sa kabilang pwesto si Eli.



“Mygaly naman! Ano ba ‘to! Inaantok na ako pero kinakabahan ako! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Nararamdaman ko pa yung braso ni Eli na saglit na nadikit sa likod ko!!! Uwaaahhh!!! Hindi yata ako makakatulog nito! Bakit ba kasi pumayag ka! Sana humindi ka na lang kung hindi mo naman din kaya!” Ayan! OA na sa pagwawala ang isipan ko!



“Lumayas ka na nga lang, Sam.” Bigla siyang bumangon at tinutulak-tulak ako. “Sana humindi ka na lang kung hindi mo rin talaga kaya.”



“Bakit mo binabasa isip ko?” Sinimangutan niya lang ako, pero hindi niya ako tinignan.



“Sige na, balik ka na nga lang sa kwarto mo.” Tinutulak na talaga niya ako pero halata sa boses niya yung asar.



“Aray… aray naman… dito na lang nga ako!” Pakunwari pa ako eh noh! Gusto ko rin naman! Letchugas naman kasing hiya ito! Lagi akong dinadalaw. “Dito na ako matutulog. Promise, okay lang saakin.”



“Talaga?”



“Oo.”



“Kahit yakapin pa kita?”



“Sabi ko nga doon na ako sa kwarto matutulog eh.” At syempre ni-killer eyes na naman ako. “Joke lang! Pero bakit may yakap?”



“Wala lang…”



“Unan ayaw mong kayakap? Mas malambot ‘to.” Try lang baka makalusot.



“Ayoko kaso hindi yan ikaw. Yung unan ba yung inaya kong makatabi? Diba ikaw naman.”



Eiiiyyyiiiienebenemen!!! Ang landi ko lang!!! Pero… “Sige na nga!!!” Sa hinaba-haba ng pag-iinarte ko kunyari, papayag din naman pala ako!



Tapos nung magyayakap na talaga kami, parang hindi pa namin alam kung paano yayapusin ang isa't isa, samantalang ilang minuto naming ginawa yun kanina. Nung una parang ang stiff pa namin pareho… pero nung tumagal na, hindi naman pala masama.



Actually, ang sarap pa nga sa pakiramdam na kayakap si Eli. Ayiieh! Ang landi ko na talaga! Sinapian na yata ako ng old self ni Byron eh!



“Tulog ka na, Sam. Baka mamaya kung ano pa mangyari! Magkatabi pa naman tayo ngayon, sige ka…” Anong mangyayari? Kinurot ko nga yung gilid ng kilikili niya. “Araaaaay~ bakit?”



“Kasi nang-aasar ka pa! Dun na talaga ako matutulog sa kwarto ko!”



“Hindi wag…” Tapos humigpit pa yung kapit niya saakin. Now I know kung ano ang feeling ng nalilingkisan ng anaconda, parang ganito siguro yun. “Tabi lang tayo.” At ni-kiss niya ako sa forehead.



Uwaaah! Ang sweet naman! Panigurado bukas, tanghali na talaga kami magigising dahil bukod sa pareho kaming puyat… ahem… mapapasarap talaga ang tulog naming dalawa ngayon! Ahihihi!!! Putek! Ang landi ko talaga! Okay lang yan! Bakit ba? Ngayon lang naman!!!



≧❀‿❀≦

(ELEAZER PASCUAL POV)



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Akala ko kasi may narinig akong kumakalabog, imagination ko lang pala!



Pagtingin ko sa orasan, 11 na pala. Nag-skip na kami ng breakfast at lunchtime na pala! Medyo nag-unat ako sandali pero hindi ko naikilos yung kanang braso ko dahil nakapatong yung ulo ni Sam doon.



Yung kamay niya, nakayakap naman sa bewang ko. Kitam mo ‘tong babaeng ‘to, nahihiya pa kunyari, yun naman pala sarap na sarap na makayakap ako sa pagtulog.



Tinitigan ko siya, tapos inamoy ko yung buhok niya. Hmmm~ amoy pawis! Joke lang! Mabango kaya si Sam! Kaya nga nainlab ako sa kanya eh.



Tapos parang naalimpungatan siya dahil sa kalikutan ko kaya pinikit ko ang mga mata ko para kunyari siya ang unang nagising saamin.



“Uwaaah… eleven na pala!” Sabi niya tapos pakiramdam ko nakatitig siya saakin. “Ayiiehh!!! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!” Wooooaaahhh~ kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya!!! “Pa-kiss Eli ha!” Woooooaaaaaahhhh ulit~ at ni-kiss niya ako sa pisngi! Pisngi lang?



Ayos din pala ‘tong si Sam! Porket tulog ako kunyari, sinasamantala na ako! Naisip ko nang gulatin siya dahil feel na feel niya ang pagnanasa niya saakin…



Kaso…



May isang di inaasahang pangyayari ang naganap…



“Eli? Sam?”



Napadilat ako at nakita ko ang gulat din na mukha ni Sam. Sabay kaming lumingon sa boses na tumawag saamin at…



“A… anong nangyayari dito???”



Sila mommy at tito Rico!!! Nakita kami ni Sam dito sa loob ng kwarto ko at magkayakap pa sa iisang kama!!!



“Kuya!!! Ate Pia!!!”



“Tito… mommy… magpapaliwanag po kami!!!” Patay!!!



*     *     *



Nasa living room kaming apat. Magkatabi sina mommy at tito Rico sa sofa samantalang nakaupo kami ni Sam sa dalawang upuang pinagtabi namin.



Nagpapakiramdaman lang kami, pero alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Ano nga bang unang iisipin ng iba kung ang babae at lalaki na nasa tamang edad na ay nagtabi sa isang kama? Syempre, iisipin na nilang may nangyari saamin.



“Magsabi kayo ng totoo…”



Inunahan ko na agad sila kesa hindi namin maipaliwanag ang lahat. “Wala pong nangyari saamin. Nagtabi lang kaming natulog and nothing happened, I swear.” Nakayuko lang si Sam at hindi makatingin ng direcho sa kanila.



“Pero…”



“Pero bago po yun… gusto ko pong ipaalam na kami na ni Sam.” Kitang-kita sa reaction nina mommy at tito Rico ang pagkagulat. Nagulat nga din si Sam nung dinirecho ko na sila. “Tito Rico, mahal ko po si Sam.” At inabot ko ang kamay ni Sam. “Niri-respeto ko po siya at sigurado ko nang siya lang ang babaeng para saakin.”



Nung sinabi ko yun, naglakas-loob na rin na magsalita si Sam. “Mahal ko rin po si Eli. At gusto ko pong humingi ng tawad dahil tinago namin ang relasyon namin.”



“Kelan pa Sam? Kelan pa naging kayo?”



“Last year lang po nung September 18.”



“September pa! Naka-four months pa lang kayong magkasama noon ha! Tapos ngayon niyo lang sinabi? Ganun na pala kayo katagal!”



“Kung hindi pa kami nagpunta dito, hindi pa namin malalaman.”



“I can’t believe this!”



“Siguro honey mabuti pang…”



Bago pa man ituloy ni Tito Rico ang sasabihin niya, which I believe na sasabihin niyang paghiwalayin kami ni Sam, inunahan na namin siya.



“Ayokong ihiwalay niyo saakin si Sam.”



“At ayoko rin pong iwan si Eli.”



“Please mommy, tito, wag niyo kaming paghiwalayin. We’re so in love with each other.” Tapos lalo naghigpit ang paghawak-kamay namin ni Sam.



Maya-maya umiyak na si mommy sa harapan namin. Ganun din si Tito Rico habang kino-comfort niya ang asawa niya.



“Ate Pia, please naman po. Sana po matanggap niyo yung tungkol saamin and we don’t want you to feel bad. Baka makasama sa baby mo.” Next month pa naman na ang kabuwanan ni mommy. Sa April na yun.





“Kayong dalawa…”



“Mommy, stop crying. Sam is right? Please understand us. Mahal talaga anmin ang isa't isa!”



“Ano bang pinagsasabi niyong dalawa hah! Kanina pa kayo salita ng salita, hindi na namin matapos yung gusto naming sabihin. Sino bang may sabing paghihiwalayin namin kayo ha?”





Po? - (◑..◑)?




“Oo nga!” Tapos humagulgol lalo si Mommy. “A… *hikbi* a… *hikbi* akala ko hindi na makakahanap ng girlfriend itong anak kong si Eli eh! Uwaaahhhh!!!” Ano daw? “Kasi ang sungit-sungit ng batang yan! Ang pihikan masyado! Wala man lang nagiging crush! Tapos ang palagi niya lang kasama eh yung sina Waine at Argel at yung mga kabarkada niya sa school… *hikbi* Kaya akala ko talaga bakla na yang si Eli eh!!!”



“ANO???” Pusanggala naman! Sa gwapo kong ito, mapaghihinalaan akong bakla!!! Sarili ko pang ina!!!



“Oo nga!! Isa pa yang si Sam!!! Wala man lang boyfriend!!! Puro pa si Byron ang kasama!!! Kaya akala ko may identity crisis na din siyang pinagdadaanan!!!”



“HOY KUYA!!! SO INISIP MONG BAKA TOMBOY AKO???” Ano ba namang pinag-iisip ng mga ‘to! Wala lang akong girlfriend noon, bakla na agad? At si Sam naman, NBSB lang, tibo na agad!!!






Amputek! Ayus din 'tong mga kamag-anak namin ha! Naturingang mga ka-dugo, ganun ang hinala saamin!



“Pero teka… ibig sabihin po nun? Boto kayo sa relasyon namin?”



“Kahit na… Step Auntie ko si Sam at nephew-in-law niya ako?”



“Ano ba namang pinag-iisip niyong bata kayo! Hindi naman kayo magkadugo ha!”



“Kaya ba ayaw niyong ipaalam saamin dahil yun ang iniisip niyo? Napaka-old fashion niyo naman kung ganun!”



“AYAN nasabihan pa tuloy tayong old-fashion!!!” Pinandilatan ko si Sam. Siya kasi yung talagang may ayaw na sabihin dahil sa letchugas na dahilan na yun!






“Pasensya naman!!! Ang iniisip ko rin talaga na baka hindi sila pumayag eh!”



Ganun naman pala eh! Sa hinaba-haba ng panahon na tinago namin ang relasyon namin, ginusto rin pala nina tito Rico at ni mommy na magkagustuhan talaga kami!



Kung sa bagay, sino ba namang matinong nanay at kuya ang papayag na magsama ang dalawang teenagers sa iisang bahay diba! Syempre nasa age kami na pwedeng hindi namin mapigilan ang mga init at tawag ng bituka!



Pero ang isa lang talaga na hindi ko matanggap eh yung napaghinalaan akong bading!!! Tsk! Eh sa hinihintay ko lang talaga ang pagdating ni Sam sa buhay ko eh!



Hay naku! Pero bakit pa ba ako magwawala eh ayos na ang lahat! Masasabi kong sa wakas naman!!! We’re free at last!!!



≧✯◡✯≦✌

(SAMIRA ALMIREZ POV)



Ang saya sa pakiramdam na tanggap naman pala nina kuya at ate Pia yung tungkol sa relasyon namin ni Eli! Biruin mo, sinadya pala din talaga nila na ipagsama kami sa isang bahay para lang talaga magka-boyfriend ako at magka-girlfriend naman si Eli.



Sama-sama kaming nag-lunch at usap-usap lang din! Nagbigay sila ng mga advice at nagbilin pa na hangga’t maari, wag daw muna naming gawin yung talagang magtabi at gumawa ng himala! Alam niyo na! SEX! Oh yan sinabi ko na!!! Pero malaki rin naman ang tiwala nila saamin noh kaya kampante sila.



Hindi na rin naman na nagtagal pa yung mag-asawa at umuwi na sila. Nung kaming dalawa na lang ulti ni Eli…



“Bakla ka pala, Eli eh.” Natatawa pa rin ako sa sinabi ng mama niya!



“Tibo ka naman daw.”



“Pero bakla ka! Ahahahahahaha!!!” Nung naging kami, ang lakas ko na rin talagang mang-asar! Pero masaya lang ako ha! Bukod kasi sa naayos namin yung away namin kahapon, naamin na rin namin sa wakas ang tungkol sa relationship namin.



“Mas tibo ka!!!”



“BAKLA! BAKLA! BAKLA!” At sa lahat naman din ng Idol, siya na ang pinakamadaling mapikon!



“Ah ganun ha! Bakla pala!!!” Bigla niyang kinuha yung hose at madali niyang inikot yung gripo para basain ako.



“Uwaaaaaaaaahhhhhhh!!! Ano ba!!!!!!!!!!!!!! Ang pikon mo!!! Baklaaaaa!!!” At pagsigaw ko, dumirecho yung tubig sa mukha ko kaya napatakbo ako! “Eli ano ba!!!!!!!!!!!!!!!!!”



“Ayan sige maligo ka!!! Hwahahahahaha!!!” Ang sama talaga nito!!!



“Ikaw rin naman, wala ka pang ligo!!!” Inagaw ko sa kanya yung hose kay nabasa na rin siya!



“Weh ang epal nito!!!” At nung tuluyan kong maagaw yung hose, sinadya kong patamaan ang bibig niya kaya nakainom siya ng tubig! Ahahaha!!! “Pweeehhh!!! Ikaw!!!”



Asaran, tawanan, harutan, pagmamahalan… biglang ganun? Ahahaha!!! Pero ayun nga masaya lang talaga kami kaya para kaming mga batang tuwang-tuwa sa paglalaro ng tubig!



Itinutok pa ni Eli sa taas yung hose kaya parang umuulan na at habang ginagawa niya yun… nag-soul kiss lang kami! Nila-LANG na lang ang soul kiss noh!



Ayiiiieeeeeeeehhhh!!! Nakakawili itong halik na ‘to!!!



Evrything is just perfect! Magkasama kaming dalawa, wala nang problema! Tapos nung nagkatinginan na kami, bigla siyang napatingin sa bandang dibdib ko, hindi ko ma-explain yung itsura niya kasi napanganga siya at umiwas ng tingin.



Nung yumuko ako para tignan kung bakit… haaalllllllllllllllaaaaaaaaaaa!!! See-through na pala ang suot ko!!! Naka-white t-shirt lang kasi ako at nung nabasa yun eh nabakat na ang suot kong bra na color red at may flower prints pa!!! Nakakahiya!!! Nakita ni Eli!!!



Wala na!!! Awkward na!!! Kaso nadagdagan pa ng gulo nung bigla may bumukas sa gate. Sina Waine at Argel!!!





“Yow mga i…dol…???”




Ohmaygawd!!! Pero bago pa man ako magpanic, niyakap ako bigla ni Eli para matakpan yung harapan ko.



Natigil sila habang nakatingin saamin. “Nakakaistorbo yata kami ha…” At nagtinginan lang sila Argel at Waine at hindi alam yung ire-react nila.



“OO mga istorbo kayo kahit kelan!!! Tumalikod muna kayo!!!” Agad naman itong sinunod nina Waine at tumalikod sila. “May bangas ang haharap saamin ha!”






“Yes Idol!”






“Oh Sam…” Binitawan na niya ako at sa ibang dako siya nakatingin. “Akyat ka na kwarto mo! Magpalit ka na.”



“Ah… oo… thanks!” Tumingkayad pa ako para i-kiss siya sa lips dahil malandi na talaga ako… joke! Joke lang talaga! Bilang pasasalamat lang yun at saka ako dali-daling pumasok sa bahay papunta sa kwarto ko.





*     *     *



After kong magbihis, at pagbaba ko sa sala naabutan ko na yung tatlo sa living room. Si Eli, may hawak pang maliit na tuwalya habang pinapatuyo ang buhok! Ang hot lang niya! Ayiiieh!



“Kayo ha! Playing under the fake rain! Ang sweet!”



“Eh syempre nasabi na kina tita at kuya Rico ang relationship eh!”



“Wushu!!! Pwedeng-pwede na sa PDA yan!”



“Tsaka sa wagas na lapchukan ‘pre! Hwahahaha!” Nakwento na pala sa kanila!



At tinarget ni Eli sina Argel at Waine nung tuwalya niya kaya natawa na lang din ako. “Ano bang ginagawa niyo dito?”



“Patambay lang.”



“At tsaka namimiss lang namin yung dinner na luto ni Sam.”



“Asus!” Pasalamat sila good mood ako! “Oh sige, ipagluluto ko kayo. Ano bang gusto niyo?”



“Pansit Malabon!”



“Sinigang na baboy!”



“Lasagna!” Teka… parang nangyari na ‘to noon ha! Yun din yung sinabi nilang request na iluto ko noon!



“For the second thought, magpa-order na lang pala tayo! Ang daming niyong gustong ipaluto eh.”



“SAM NAMAN EHHHHH!!!” Trio pa sila! Ahahaha!! Ang cu-cute nilang damulag!



“Oo sige na! Pero tutulungan niyo akong magluto this time ha.”



“For the third thought, magpa-order na nga lang tayo.”



“Tama! Tama!”



“I agree!”



“MGA TAMAD!!!”



Ang saya-saya lang namin noh! Ang wagas pa ng tawanan namin! Kaso naputol lang yun nang biglang mag-alarm ng sobrang lakas sa buong paligid.






*rrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnggggggg!!!!!!!!*






“Ano yun?”





“Yung security alarm yun!”





Agad kaming naglabasan at may narinig pa kaming tunog ng mga motor na papaalis na. Paglabas namin sa may gate, hindi na namin naabutan kung sino yung mga yun.





“May nag-try sigurong pumasok dito sa bahay niyo Idol.”





“Takte! Hindi natin nakita.”





“Psh! Mga lokong yun ha.” May pinindot na button sa may remote si Eli para mapatigil na yung nakakabingeng tunog ng alarm. “Naka-save naman yung video sa main computer ko. Tara tignan natin.”





Hindi ko alam kung bakit may biglang ganitong kaguluhan. Pero lalo akong natakot nang may mapansin akong kakaiba…





“Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!! Eli!!!!!!!!!!!!!!!!”





Napatingin silang lahat saakin at nakatingala lang ako kaya napatingin din sila sa tinitignan ko! “Si Rinoa!!!!!!!!” May bumato sa main security camera sa gate ng bahay ni Eli!





At ngayon, sirang-sira na si Rinoa!!!!!!!!




()

End of Chapter 46

7 comments:

  1. hanggang jan na lang muna! araw-araw na akong nag-update eh... pahinga naman ako bukas!

    pero dahil mahal ko kayo, ang next update po na dapat niyong abangan ay isang special chapter! yun lang muna! i hope naenjoy niyo ang ilang araw na sunud-sunod na update! :D


    ayiiehhh! patapos na!!! leave a comment po! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank u tlga miz aegyo!

      spell idol? A-E-G-Y-O-D-A-Y-D-R-E-A-M-E-R!

      spell the best? A-E-G-Y-O-D-A-Y-D-R-E-A-M-E-R!

      i love you!!! at ito ang gift q sau ate n hinanap q p tlga pra sau!

      ________00000000000___________000000000000________
      ______00000000_____00000___000000_____0000000______
      ____0000000_____________000______________00000_____
      ___0000000_______________0_________________0000____
      __000000____________________________________0000___
      __00000_____________________________________ 0000__
      _00000______________________________________00000__
      _00000_____________________________________000000__
      __000000_________________________________0000000___
      ___0000000______________________________0000000____
      _____000000____________________________000000______
      _______000000________________________000000________
      __________00000_____________________0000___________
      _____________0000_________________0000_____________
      _______________0000_____________000________________
      _________________000_________000___________________
      _________________ __000_____00_____________________
      ______________________00__00_______________________

      Delete
    2. peo ano nangyri kay rinoa!!!! nononononono!!!!!!

      Delete
  2. hay salamat naayos din nila ang LQ, sobrang kilig sobrang sweet, sobrang nakaka-inlove si eli.. waaahh san makakahanap ng bf na ganito?? naku nagsisimula ng manggulo ang north gang ba yun? baka naman kasama si kian sa north gang na yan, naku masasapak ko sya!!! good morning aegyo, yes! araw araw na kong may stress reliever! ang ganda ng start ng umaga ko... thank you aegyo!!!

    ReplyDelete
  3. ahhhhaa i love you sis....sobrang ganda,,,wala ako masabi...

    ReplyDelete
  4. ay! nkakakilig nmn!!! ito ang dhiln kun bkit d best ang eli & sam partnership!
    khit wlang ganunan, feel mo ung love! hahahahhhhaaa! solid tlga!

    at s wkas nmn ok nmn pla kina ate pia at kuya rico ang relationship nla! npgkmlan pa silang bakla at tomboy! hahaaahahah!!! tawa aq ng twa dun eh!

    pero ung last part, gwain nnmn ng north un! nkkasar n cla! bkit b nla kailngan png mangugulo! nde b pedeng msya n lng plgi! haizt!

    kya mz excitng e, peo ate cge phinga k muna! arw-arw nmn aqng busog s upd8 mo e! abngan q n lng ung special chpter! :D

    ReplyDelete
  5. buti naman at out-in-the-open na ang relationship nila!
    nice update miss aegyo!

    nagaabang na talaga ako until the end! lagi na ako nag-cocomment!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^