Sunday, March 11, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 45.1

CHAPTER 45.1
(SAMIRA ALMIREZ POV)



Dahil sa nangyaring aksidente sinabihan ako ni Eli na planado daw yung nangyari. Saka na lang daw niya ipapaliwanag saakin, pero kailangan namin ng doble ingat dahil may malaking gulo daw ang nagbabanta.



Bukod doon, mas lalong tumindi yung galit niya kay Kian, although hindi naman kasalan nung tao nang maaksidente kami that day.


Dahil din jan kaya naisip ni Eli na sumama saakin palagi lalong lalo na sa gagawing shoot ng grupo namin para sa finals.



“Nasaan na ba yung mga kasama mo? Ang babagal!!!” Madaling-araw at hinihintay namin yung sasakyang inupahan ng kaklase ko. Overnight kami dun sa location namin. (Yung location na pupuntahan sana namin ni Kian nung Valentines Day!)



“Hoy Eli, binabalaan kita. May mga ka-group ako dun na hindi ko pa masyadong ka-close. Meron din kaming mga models dun kaya wag ka masyadong magsusungit at baka mapikon mo sila.”



“K, payn, wateber!”



Nung dumating na yung sasakyan kumpleto na silang lahat. Nandun na din si Byron pero sa may likuran siya nakapwesto.



Napatingin naman yung ibang models at girl classmates ko nung makita nila si Eli. Parang na-starstruck sila na ewan! Pero ano pa nga bang aasahan natin kay Eli diba, wala lang siyang pake at hindi sila pinansin.



At syempre, nandun din si Kian na nginitian lang kami. “Wala nang pwesto sa likod.” Medyo awkward pa rin dahil sa nangyaring aksidente pero sinabi ko naman sa kanya after nun na okay na ang lahat. “Dito na kayo sa bandang harap, Sam.”



“Okay!” Nag-giveway pa si Kian para makapasok sa loob si Eli at doon siya makaupo sa pwestong malapit sa bintana. Sumunod naman ako sa pagtabi kay Eli and we’re ready to go! “Tara na!”




(ELEAZER PASCUAL POV)


Ayus ha! Kunyari binigay saakin ni Kian yung pwestong gusto ko dun sa sasakyan. Yun naman pala, may balak lang din na tabihan si Sam!!!



Ganito na kasi pwesto namin: AKO malapit sa bintana, si SAM tumabi saakin, saka tumabi sa kanya si KUPAL! Taragis! “Sam, palit nga tayo ng pwesto.” Okay lang kahit ako ang makatabi ni Kian!



“Eh diba gusto mo sa bintana? Jan ka na, umaandar na yung sasakyan! Magugulo pa tayo.”



“Psh!!!”



“Ahm, okay na ba mga sugat mo?”



“Oo! Ang bilis nga gumaling eh.” Syempre ako kaya gumamot at naglilinis nun araw-araw!



Kesa mag-aksaya ng laway sa pambabara ko kay Kian, inisip kong manahimik na lang. Bukod doon, alam kong alam na rin niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko sa kanya. Alam niya na kasing hindi ko gusto ang pagmumukha niya.



Maingay ang lahat sa loob ng sasakyan, pero dahil mahaba-haba ang byahe, naubusan rin ng kwento yung mga engkantong kaklase ni Sam dun sa likod.



Medyo naantok-antok na rin ako habang nakatingin lang sa dinadaan namin. Pero hindi ako makatulog dahil nadidistract ako kay Sam na pagewang-gewang na ang ulo. “Pfffttt…” Mas inaantok siya.



Inayos ko pa yung pwesto ng balikat ko para naman maipatong niya ang ulo niya saakin… kaso…



*toinks!*



Anak ng!!! Sa right side lumanding ang ulo niya!!! Dun sa balikat ni Kian!!!



“Ay ang sikip-sikip naman!!! Umusog naman ng konti jan!!!” Sinadya kong itulak si Sam para maalimpungatan siya at umusog naman sila pareho ni Kian nung sinabi kong masikip.



One more time Sam, sa left side mo ibagsak ang ulo mo. Dito ka sa balikat ko matulog…



*toinks!*



Pusanggala naman talaga!!! Bakit dun na naman sa balikat ni Kian lumanding ang ulo ni Sam!!! Tinignan ko din yung reaction ni Kian, feel na feel niya na parang boyfriend siya!!! Tapyasan ko ang bunbunan nila pareho eh!!!



“Sam!!!” Pasigaw kong sinabi kaya nagulat silang lahat pati na rin yung mga tao sa likod.



“Eli!!! Nakakagulat ka naman!” Bangag pa itchura niya dahil sa antok.



“Pengeng kendi.” At binigyan niya naman niya ako agad saka siya bumalik sa pagtulog. Hindi ba niya ma-gets na nagpapapansin AKO na BOYFRIEND NIYA at saakin siya dapat sumandal at hindi sa ibang balikat ng lalaki!!!



Inabangan ko ulit yung pag-gewang ng ulo niya, at ito na ang last chance niya. Kapag yung ulo niya hindi pa rin sa balikat ko natumba, ewan ko na lang!!!



*Right… right… left… right…*



Yan yung movements ng ulo ni Sam! Minsan meron pa yan pa-forward tapos bigla siyang magigising at mapipikit ulit! Let’s continue…



*Left…*



Yown sa left!!! Nandito ako sa left mo eh!




*Left…*



Go ituloy mo na ang pagbagsak ng ulo mo!!!



*Left…*



Konting bilis naman Sam!!!



*toinks!*



Noooooooooooooooo!!!!!!!!!! Konti na lang eh! Sa balikat ko na eh! Kung hindi lang bigla lumiko si manong driver!!! Sa balikat na naman siya ni Kian nakatulog!!! Argh!!!



Nanahimik na lang ako kahit sobrang badtrip sa pakiramdam.



Pwede ko naman din kasing hawakan ang ulo ni Sam para sa balikat ko siya ma-direcho… pero bakit hindi ko ginawa? Simple lang ang sagot!



The law of love gravity says na saakin ka lang dapat mahulog. 



Nakakaasar ka Sam! Girlfriend ba talaga kita? Bakit hindi mo inisip na sa ganitong sitwasyon, gusto kong ako ang sasalo ng ulo mo. Gusto kong sa balikat ko ikaw matutulog. At higit sa lahat, ayokong may ibang lalaki na malapit pa sayo.



Ang dating pa tuloy, ako ay isang simpleng pamangkin lang ni Sam, at si Kian ang nababagay na maging boyfriend niya.



Hindi na tama ‘tong nangyayari. Parang second choice na lang ako palagi. Masyado nang masakit! Masyado nang nakakalalaki!




(╯_╰)

(SAMIRA ALMIREZ POV)



Nung makarating na kami sa lugar na pagshu-shootingan namin, nag-ayos na kami agad ng mga gamit. Magkahiwalay ang room na tutuluyan ng mga boys at naming mga girls.



“Nangawit balikat ko sayo ha.”



“Sorry naman. Hindi mo naman ako ginising!” Sa buong biyahe kasi, nakasandal lang kay Kian ang ulo ko! Nakakahiya tuloy sa kanya.



“Okay lang. Mukhang antok na antok ka kasi eh.” Nagtawanan na lang kami habang isa-isa naming binubuhat yung mga gamit papasok na sa mga kwarto namin.



Maayos na sana ang lahat , kaso napapansin ko na ever since makarating kami dito, tahimik lang si Eli at wala siyang pinapansin kahit sino man. “Uy! Okay ka lang? Magpahinga ka na lang sa kwarto niyo.”



Hindi niya lang ako sinagot at kinuha yung bag niya papasok sa kwarto. Ano kayang problema nun?




*     *     *



Wala na rin kaming sinayang na oras at nag-shoot na kami agad para sa audio-visual presentation namin. Ito kasi yung final requirement para sa isang major subject.



Lahat kami busy pero hindi ko nakikita sa paligid si Eli. “Beb, si Eli ba natutulog pa rin sa kwarto niyo?”



“Nakahiga siya sa kama niya kanina tas nakikinig lang ng music. Tahimik nga masyado.”



“Feeling mo bored siya?”



“Feeling ko badtrip siya.”



“Bakit?” - (O..O)?



Tapos hinila niya ako para bulungan. “Gaga ka bang talaga beb? Tama ba kasing kay Kian ka sumandal kanina. Gising kaya si Eli sa buong byahe natin. Nakikita ko nga yung reflection niya dun sa salamin, palagi lang nakatingin sainyo.”



“Bakit hindi mo ako ginising!”



“Bakit hindi ka gumising at dun sumandal kay Eli.”



“Uy kayong dalawa! Kailangan natin ng tao dito!”



Nag-alala tuloy ako sa sinabi ni Byron. Gusto ko na sanang puntahan si Eli kaso busy kami ngayon! Buong araw namin kailangang sulitin ang pagshu-shoot dahil baka magahol kami sa oras.



Meron din kaming swimming pool scene kaya sinabihan ko na yung mga models namin na magpalit na sila ng pang-swimsuit nila.



“Ikaw Sam? Ayaw mong mag-model?” Aya saakin nung isa naming ka-group na lalaki. “Kanina pa namimilit ‘tong si Leader Kian eh.”



“Pam behind-the-scene lang ako noh.”



“Eh yung pamangkin mong si Eleazer? Diba pinagmodel niyo siya sa isang project dati? Baka siya pwede ulit nating ipam-model ngayon? Para naman makatikim din kami ng A+ sa grade.”



“Oo nga Sam! Ang gwapo pa naman niya!” Segunda naman nung isa kong malanding classmate.



“Naku masungit yun. Baka mahirapan kayo kay Eleazer.” Inunahan naman ako agad ni Kian.



“Okay lang! Nanjan naman si Sam eh. Sige na! Subukan mo na siyang ayain!”



“Okay sige na nga!” Chance ko na rin ‘to para makausap na siya at makapag-sorry kung nagselos man siya kanina. “Hintayin niyo lang ako! Puntahan ko na siya.”



Nagmadali naman akong nagpunta sa room ng mga boys at kumatok ako pero walang sumagot. Pagbukas ko, wala naman dun sa loob si Eli.



“Uy! Nakita mo yung pamangkin ko?” Tanong ko dun sa isa naming male model na kabibihis pa lang.



“Kausap niya sila Lira kanina nung dumating kami.” Si Lira ay hindi naman namin kaklase pero kinuha siyang model ng ka-group ko. Maganda siya, sexy at may lahing Chinese. “Nandun na yata sila sa room ng mga girls.”



“ANO???” Nasa room ng mga girls si Eli???



Nung narinig ko yun, nakaramdam ako bigla ng asar at sabihin na nating selos. Wala sa tipo ni Eli na maki-ride sa paglalandi ng ibang babae, lalo pa kung wala ako.



Kaso pagpasok ko sa kwarto namin, nandun nga si Eli na nakaupo sa isang kama at nakikipagtawanan pa sa mga kaklase kong babae at ilan pang models.



“Anong ginagawa mo dito? Kwarto ‘to ng mga girls.” Parang hindi niya narinig na kinausap ko siya at nakatingin lang siya sa ibang babae.



“Grabe! Ang kulit pala nitong pamangkin mo, Sam! Akala ko masungit siya eh.”



“Masungit pa ba ako sa lagay na ‘to?” Nginitian bigla ni Eli yung nagsalita at kinilig naman yung iba.



Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi ako masaya na may ibang babaeng nginingitian si Eli!



“Inaaya rin namin siyang mag-model!”



“Basta ba nakatwo-piece nga lang talaga kayong lahat. Ayoko ng may mga nakasarong!”



“Oo na nga eh! Sa swimming pool scene nga!” At ang mas nakakapang-init pa ng dugo, parang close na sila nung Lira!



“Okay, pero sana may scene na malulunod si Lira ha.”



“Basta ba ikaw sasagip saakin.”



“Sure! Ikaw pa. May CPR pang kasama.”



“Woah!!! Aabangan ko yan Eli!!!”



“Weh! Pasali din kami!!!” Tapos nagtawanan silang lahat at enjoy na enjoy nila pareho ang pakikipag-flirt sa isa’t isa.



Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil bukod sa nao-OP na ako, nakakapanggalaiti ang harapang landian na ‘to!



“Eli, tara nga!” Hinila ko siya pero bago kami lumabas ng kwarto, “And you girls. Dalian niyong mapalit! Puro kayo daldalan jan.”




(ό_ὸ)



Dun ko siya hinila sa malayo kung saan kaming dalawa lang.



“What was that?”



“What was what?”



“Flirting with those girls?”



“So flirting na palang matatawag ang pakikipag-kaibigan?”



“What’s wrong with you?”



“Nothing’s wrong. Baka sayo meron.” Matagal kaming magkatitigan pero si Eli din ang unang umiwas ng tingin.



“Kung galit ka saakin, sabihin mo.” Alam ko naman na malaki na talaga ang issue ni Eli kay Kian. Pero mahirap ba kasing intindihin na magkaibigan lang kami nung tao. “Kung nagselos ka kanina, sabihin mo!”



Ayokong bigyan ng malisya yung saamin ni Kian at bukod pa roon, kung totoo ngang may gusto siya saakin, alam naman na dapat ni Eli na siya naman ang mahal ko.



“Wag mong idaan sa ganito Eli.” Dahil hindi ko rin kakayanin ang selos. Hinintay ko siyang sumagot pero wala lang siyang imik.



Nabasag lang yung katahimikan nang dumating si Kian. “Magi-start na ulit yung shooting.” Nahati pa ang attention namin dahil…



“ELI!!!” Sigaw nina Lira at nung iba pang girls na nakapa-swimsuit na. “Tara na!!! Magshu-shoot na daw!!! Model ka na diba!!!”



Nginitian sila ni Eli at tumango pa ito. “Oh sige, pupunta na ako jan!”



Sandali lang siyang tumingin saakin tapos umalis na rin siya agad para puntahan na yung mga models. Dinaanan niya lang rin si Kian at hindi na ito pinansin.



Ang sama sa pakiramdam pero ayokong ipahalata na ganito nga ang nararamdaman ko. Nung lumapit saakin si Kian, “I guess napapayag mo na siyang mag-model ulit.”



“Ha… o… oo.” Sinagot ko siya pero nakayuko ako para hindi niya makita yung mukha ko. “Tara na sa pool. Start na diba.” Then I flashed a fake smile at nauna na lang akong naglakad papunta doon.




*     *     *



Nagtuluy-tuloy lang sa ganitong attitude si Eli towards other girls. Ngayon ko lang siyang nakitang parang nag-eenjoy na makipagharutan sa ibang babae! And to think na nandito ako at pinapanood sila.



Masyado silang touchy sa isa’t isa, at mas agaw-attention pa nga si Eli kesa dun sa ibang male models na nakuha namin dahil siya na lang pinapansin nung ibang girls.



“Chickboy pala pamangkin mo eh.”



“Swerte naman! Feeling ko type siya ni Lira.”



“Ayus lang. Bagay naman! Gwapo at maganda!”



“Sire! Eh mas matanda kaya ng isang taon si Lira kay Eleazer!”



“Ano naman! Age doesn’t matter, diba Sam? Ikaw ba boto ka kay Lira para sa pamangkin mo?”



Naririnig ko ang usapan ng mga kaklase ko pero hindi ko sila sinasagot.



Si Eli chickboy? Type siya nung Lira? Bagay sila? Age doesn’t matter? What the heck! Gusto kong umiyak pero kung iiyak ako, anong idadahilan ko!!!



“Uy tama na muna yan! Lunch break na tayo!”



Nagpunta kami sa isang malaking lamesa at nakalatag na yung mga pagkaing binaon namin.



Kahit ba pakiramdam kong gumaganti si Eli na pagselosin ako, tatanggapin ko dahil hindi ko siya masisi. May kasalanan din ako. And the only way para maayos namin ‘to ay ang amuhin siya.



Ipinagsandok ko siya ng favorite niyang spaghetti na ako pa mismo ang nagluto kanina kaya nga ako puyat at antok na antok. At iaalok ko na sana sa kanya yung plato pero…



“Masarap ‘tong pansit Eli! Pinaluto ko pa yan sa katulong namin!” Sabi ni Lira.



“Hindi siya mahilig jan! Spaghetti ang favorite niya dahil may cheese…”



“Uy mukhang masarap yung pansit!” Nasa harap na niya yung platong inalok ko pero kinuha pa rin niya yung binigay ni Lira at yung pansit yung kinain.  “Thanks Lira!” Hindi pa sila nakuntento at nagtabi pa talaga sila sa upuan!



Nabubwiset na ako!!! Gusto ko silang kalbuhin pareho!!! “Uy ako! Gusto kong tikman yung spaghetti! Ikaw nagluto nito Sam?”



“Ha… oo. Ito na lang sayo oh.” In-offer ko sa kanya yung platong tinanggihan ni Eli at lalagyan ko pa sana ng cheese pero…



“Ay wag! Allergic ako sa cheese.”



“Ganun?”



“Pffft!!! Allergic ka sa cheese? Malas mo naman!!! Ang sarap kaya ng cheese! Diba?”



“Oo nga!!!”



“Kawawa ka naman pala! Eh di hindi mo rin naeenjoy yung pizza at ibang pagkaing may cheese. Hahahaha!”



Tinawanan lang rin ni Kian yung pang-aasar sa kanya ni Eli. Tapos kinain na lang yung pagkaing binigay ko sakanya.



Ako naman, kumain na lang din ako… pero mae-empacho yata ako sa mga pinaggagagawa ni Eli at nung ibang malalanding models kaya tumayo ako at lumipat na lang sa ibang pwesto.



Naupo ako sa isang bench sa may di-kalayuan ay juice na lang ang dinala ko. Nakakawalang-gana na rin talaga kasi!



“Uy beb!”



“Byron...”



“Bakit hindi ka kumain doon?”



“Nabubwiset ako kay Eli eh.” Buti na lang nandito ang bestfriend ko at handang dumamay saakin.



“Alam mong hindi talaga ganun ang ugali nung boyfriend mo Beb.”



“Alam ko naman yun.” At hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko. Buti na nga lang walang ibang taong malapit at walang nakakahalata saamin. “Pero… yung sadyain niya na saktan ako… yung gantihan ako para magselos din… ang sakit beb! Ang sakit-sakit!”



Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Byron habang kino-comfort niya ako. “Hayaan mo, mapag-uusapan niyo rin yan.”



“Nakakapagod na kasing paulit-ulit na magpaliwanag tapos hindi lang rin siya naniniwala! Tapos gagawin niya 'to saakin? Ang sakit-sakit na.”



“Just be strong, beb. Maaayos niyo rin yan ni Eli.”




 ...to be continued



7 comments:

  1. halaaa :( anyare eli? hambalusin kita dyan eh :( buti sana kung sinasadya ni sam yun eh :( hindi naman :|
    okay lang yan sam maayos din lahat , wag ng malungkot :|

    salamat miss aegyo :) 2 agad nabasa ko . pampabwenas sa finals :))

    -mayhel

    ReplyDelete
    Replies
    1. naks!!! nako sana nga pampa-bwenas ang pagbabasa mo nito! haha, good luck sa finals mo! hahaha...

      there's a rainbow after the rain so yeah, maayos din ang lahat sa tamang panahon! ;D

      Delete
  2. khit nmn cnong boyfriend, magseselos kun sa ibang llki sumandal ang gf nila!!!!

    peo eli, bkit kelngan mu din gumanti!!!!!!!!

    mhirap mamili kun kanino kkampi dhil pareho kaung may tama at mali.

    naasar aq s mga taong epal n nkpaligid s knilang dlwa! ung kian at ung malanding lira! nakakairita!!!!!



    cotinue n agd ate! please!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bitin aq!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala kasi akong magawa, mahilig ako sa LQ eh. ahahaha, pagbigyan niyo na, patapos na eh!

      yan ang kukumpleto sa twist ng story! :D

      Delete
  3. kasi nmn sam, to left to the left dapat dun sa balikat ni eli! eh di sna hindi ngtampo ang idol at gumanti!

    pero kkaasar ka eli ha, hndi tma yang ginwa mu! humanda! nanjan p nmn si kian! pagsisisihan mu yang gingwa mong pnnkit mu ng feelings kay sam, i can feel it!

    at dahil jan, nkkamoy tuloy aq ng matinding lovers quarrel!

    ReplyDelete
  4. anu ba yan aegyo, may ganon??!! naku wag patagalin ang LQ na yan ha!! kasi naman sam, kahit hindi alam ng lahat na bf mo si eli, wag naman masyado malapit kay kian, be concious naman!! kawawa naman si eli.. pero kasi naman eli, okay lang magpaselos pero wag naman sobra!! gwapo ka pa mandin.. huhuhuhu

    ReplyDelete
  5. nakakasakit ka na eli ha! hindi naman sadya ni sam yun! sana kasi ikaw na mismo nagpatong ng ulo niya hindi yung nagrely ka sa law of love gravity na yan!

    yan tuloy, may selosan at sakitan pa! hmp!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^