Friday, March 9, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 43

CHAPTER 43
(SAMIRA ALMIREZ POV)



Ang laki mong tange Samira! February lang hindi mo pa agad naalala? BV DAYS!!! Hindi po yun Bad Vibe Days ha! ‘B’ stands for BIRTHDAY ni Eli sa February 03, at ‘V’ stands for VALENTINES DAY sa February 14!!!



Okay yung birthday muna ni Eli! Bukas na yun eh! Paano ba? Anong gusto niyang gift? Ay nakakasakit ng ulo!



Ilang araw ding naging palaisipan saakin kung anong meron sa February, at nung sa wakas ay naalala ko, nakulangan naman ako ng oras para mag-plano! Never pa naman kasi ako nakapag-celebrate ng ganun noon eh!



Last year, ordinary day lang ang Feb.3 saakin. Tuwing Feb.14 naman, nagtatago ako sa kasuluk-sulukan ng mundo kasi nahihiya ako na ako lang ang walang date o kahit na anong plano tuwing sasapit ang araw na yun!



“Hello… Oo Argel! Invite mo din ang buong SGG ha. Para naman nandito ang lahat ng friends niya bukas.” Kausap ko ngayon si Argel para planuhin itong surprise party ni Eli. “Sorry kung late na ako nakapag-plano, as in ngayon ko na lang kasi siya naalala eh.”



“Ah, Sam… alam mo si Idol ang tipong hindi nag-eenjoy sa mga malalaking party. Magpapakain lang yun sa SGG pero hindi yung magse-celebrate.”



“Ha? Paano yun! Wala na akong ibang maisip na surprise kanya!”



“Mag-date na lang kayo. Mas simple, mas gusto niya!”



“Ano namang special dun?”



“Sam, basta ikaw ang kasama niya, special na yun para kay Idol!” Medyo napaisip ako sa sinabi ni Argel. “At tsaka ito ang first birthday na magkasama kayo. Dun pa lang, mapapasaya mo na yun.”



“Argel… anong tingin mo dito? Mas prefer ko itong blue eh.” Narinig ko bigla yung boses ni Raffy. Nagsusukat pala sila ng susuotin nila para sa prom sa South Grisham na gaganapin sa mismong Valentines day pa.



“Ay sige Argel, busy pala kayo ni Raffy. Hehe! I’ll take your advice na lang.”



“Okay Sam! Don’t worry, magiging okay ang lahat!”



“Thanks! At tsaka, good luck pala jan sa prom niyo ha. Bye!” At sumalampak ako sa couch.



Anong gagawin ko bukas sa birthday ni Eli? Tarantang bakla na ako ngayon! Hay naku!!! Ito ang hirap pag may boyfriend! Bahala na nga bukas!!!



“Ah tama! Pagsisilibihan ko na lang siya sa araw ng birthday niya!” Eh may bago ba sa paninilbihan mo kay Eli? Nakaligtas ka lang nung December nung nagpustahan kayo pero all-year round, chimay ka ni Eli! “Hindi… wag yun! Isip ka pa Sam! Think! Think!”



Think ka jan Sam! Wala ka ngang maisip diba? Ayayay naman!!! Nakaka-stress pala ang birthday ni Junanax!



So para ipahinga muna ang sarili ko, binuksan ko na lang yung TV. Baka sakaling may mapanood akong something at makaisip ako ng pwedeng pang-surprise Kay Eli.



Biglang may headline akong napanood: “Opo mga kaibigan, if the weather is clear, you may to get to enjoy the meteor shower mamayang 3-4 AM. Perfect na perfect para jan sa mga couple na wala namang plano mamaya…” Uy! Nagpaparinig si kuyang broadcaster!



“Naku kuya salamat!!!” Napalapit ako dun sa TV at pinaghahalikan yung screen! Kapag sinuswerte ka nga naman oh!



Bukod sa hindi pa ako nakakapanood ng meteor shower sa tanang buhay ko, nakakuha pa ako ng pwede kong gawin dun sa pagsalubong sa birthday ni Eli! “Salamat kuya! Aylabyow talaga!!!”



“Sam…?”



“Eli!!!” Bigla akong napalipat ng channel.



“Ano yan? Bakit nanghahalik ka ng TV?”



Pinatay ko bigla yung TV. “Ah wala! Wala naman”



“Yuck kadiri, nanonood ka ng bold noh?”



“Bold ka jan!” Tinarget ko siya nung remote at buti naman at nakailag siya dahil kung hindi, sasalubungin niya ang birthday niya ng may bukol!



乂⍲‿⍲乂



11PM, maagang natulog si Eli. Maaga pa yung 11 noh? Buti na lang at antukin siya kaya nakapag-handa na ako para sa surprise birthday date namin mamayang hatinggabi.



Naglabas ako ng banig, kumot at unan dun sa may rooftop ng bahay niya. Buti na lang may rooftop, sementado! Ayoko kasi dun sa may bubong, parang agaw-buhay yata yung preparation pag nagkataon!



At ito talaga yung pinaka-magandang spot dahil kitang-kita yung langit. Bukod doon, naghanda rin ako ng mga kakainin namin. Syempre, uso naman sa date ang may ngangatain ka kahit papaano.



Nag-iingat lang ako sa kusina para hindi ko maistorbo si Eli dun sa kwarto niya. This time talaga, ako ang magpapaka-sweet saamin!






(ELEAZER PASCUAL POV)


Tukmolitas na babae yun! Mukhang hindi pa rin niya naaalala na birthday ko bukas! Bangas talaga ang katapat kapag hindi niya naalala yun! Ni parang wala rin sa isip niya yung tungkol sa Valentines day! Ay naku! Bakit ba kailangan ang lalaki lang ang nagsu-surprise sa mga girlfriends nila?



Eh Eli, tungkulin mong i-surprise siya sa Valentines! Pero ibang usapan pa rin yung birthday ko ha! Wala akong pakelam kahit makalimutan akong batiin ng lahat, wag lang si Sam ang makalimot!



Maaga naman akong nagkulong sa kwarto para hindi halatang badtrip ako pagka-slow ni Sam. 12:30 na, uy birthday ko na pala! Ano kayang mangyayari sa paggising ko?



“Surprise!!!”, Anak ng puchaks! Kapipikit ko pa lang, yun agad ang panaginip ko. Asa naman, imagination ko lang po yun! Pero surpresahin kaya ako ni Sam?
Alanyangyan!! Hindi tuloy ako makatulog! 1:00 AM na!



Nagpasya na lang akong lumabas muna kasi natutuyuan na ang lalamunan ko pati utak ko kakaisip. Pagbaba ko naman, nagtataka ako dahil nakabukas yung ilaw sa kusina. “Nakalimutan siguro ni Sam patayin yung ilaw. Pababayaran ko talaga sa kanya yung kuryente.”




*screeeecchhhh… screeechhh…*




Woah!!! Ano yung tunog na yun? Imposibleng namang ipis o daga yun, ano yun nagbubuhat ng pinggan?



Dahan-dahan akong sumilip at nakakita ako ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok at nakaluhod pa! Pootangeena!!! Bakit may white lady sa bahay ko?



“Hwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!”



“Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!”



“Sam?!?” – (//)



“E… Eli?!?” - (\\)



“Anong ginagawa mo???” Mamatay ako sa takot eh! Pero mas mamatay ako sa kahihiyan dahil sa natakot ako kanina. Buset na yan! Tama bang sumigaw kapag natatakot Eli? “Teka, nagnanakaw ka ng pagkain sa ref?”



“Sira!!!” Napayuko siya at hindi makatingin saakin. May hawak siyang sandwich at ilan pang pagkain.



“Naglilihi ka?”



Tapos binatukan niya ako! “Ano ako buntis! Puro ka naman kalokohan eh!”



“Eh bakit nandito ka sa kusina ng ganitong oras? At saka nakaputi ka pa at nakalugay pa yang buhok mo! Akala ko tuloy paranormal activity eh!”



Hindi siya sumagot tapos hinila na lang niya ako paakyat sa taas sa may rooftop ng bahay ko. Ayus ‘tong babaeng ‘to, kelan pa kaya siya nakarating sa parte na ‘to eh hindi ko pa naman siya napapasyal dito.



“Ano bang ginagawa natin dito? Naka-high ka ba Sam? Kung anu-ano na lang ang matripan natin ha!” Magdagdag pa sana ako ng pang-asar sa kanya kaso biglang…



~chu! Sa lips. Ang tamis niya ngayon ha!



Ako - (_)



“Happy Birthday!!!”



~chu! Sa lips ulit! Lasang strawberry!



“Uy na-stroke ka na jan! Sabi ko Happy Birthday.”



Nakatitig lang ako sa kanya… tapos…





*     *     *

(SAMIRA ALMIREZ POV)



First time kong ginawa ‘to! Ako ang nagbigay ng kiss sa kanya this time kaya naman hindi ko ma-explain yung itchura ni Eli ngayon. Nung ni-greet ko pa siya ng Happy Birthday, tinalikuran niya lang ako.



“Uy ano ka ba? Surprise!!! Hindi ka ba masaya…” Hindi siya sumagot at nakatalikod lang siya. “Hindi ka ba masaya?”



Dahan-dahan siyang humarap saakin, tapos hawak niya na yung labi niya. Yung mga mata niya, ang talas parang baliw kung makatingin. Maya-maya bigla pa siyang nag-smirk at pinakita pa niyang nilasahan niya yung labi niya.



Wala na lang akong ibang nasabi sa tindi ng dating ng sex-appeal niya ngayon kundi, “Ang manyak mo.”



“Ikaw nga ‘tong biglang nanghahalik jan eh.”



Ehh kasi naman! Sinisira naman nitong si Eli ang diskarte ko eh! Alam ba niya kung gaano ko pinaghandaan ito! Yan tuloy ngayon, pinagungunahaan ako ulit ng hiya! Huweeey!!!



Matagal lang kaming nagkatinginan…



“Halika nga rito.” Hinawakan niya yung kamay ko tapos niyakap niya lang ako ng mahigpit. Nararamdaman ko pa yung hininga ni Eli sa leeg ko. “Thank you. Pinakamagandang salubong ito sa birthday ko.”



Napangiti ako bigla sa sinabi ni Eli. I’m glad he liked it. Masasabi kong ibang level na talaga ang relasyon namin ngayon. Kahit mga simpleng bagay, nagiging big deal para saamin.



Nag-usap lang kami tungkol sa kung anu-ano. Na-excite nga din si Eli nung sinabi kong magkakaroon ng meteor shower mamayang 3-4 AM.



Nakahiga lang kami sa banig tapos nakapatong yung ulo ko sa braso niya habang nakatingala lang kami sa langit at nakatingin sa mga stars. Ganitong oras dapat nahihimbing na kami, pero mulat na mulat pa rin ang mga mata namin.



Maya-maya lang rin, napanood na namin yung talagang hinihintay namin. Sunud-sunod na naglabasan yung mga shooting stars! Ang magical lang nung experience, at syempre romatic lalo na dahil magkasama kami ngayon ni Eli. “Mag-wish tayo dali!”



“Naniniwala ka sa mga ganun?”



“Oo naman!”



“Ano ba yan! Parang bata naman!”



“Wag ka nang KJ!” Bahala siya, basta ako magwiwish! “Sana magkatuluyan tayong dalawa.”



Napatingin siya saakin bigla. “Ano ka ba! Don’t say it out loud! Baka hindi magkatotoo! Dali i-wish mo ulit pero sa isip mo lang!”



“Ayus ha! Parang ikaw ‘tong kaninang ayaw maniwala sa pagwi-wish ha.” Natawa na lang ako bigla. A timongoloid will always be a timongoloid! Kahit mahirap siyang intindihin at kahit napaka-impossible ng taong ito, masaya pa rin ako dahil siya ang kasama ko.



Pero masaya talaga ako dahil may isang Eleazer Pascual na nabuhay para punan ang kwento ng buhay ko. Kung wala siya, hindi kumpleto ang Samira Almirez ngayon.



Sa kasagsagan ng pagmo-moment ko, bigla ulit napangiti si Eli… yung pinaka nakakalokang ngiti dahil bukod sa nakaka-inlab yun masyado, napaka-naughty ng dating! Tapos bigla pa niya akong inikot and half of his body, nakapatong na saakin.



Nakaharang naman yung kamay ko sa kanya kasi hindi ko alam kung anong binabalak niya. “Hoy hoy Eli!!! Kung ano man yang tumatakbo sa isip mo ha… nakow…” Ohmaygad!!! Nakatitig lang siya saakin… “Eli naman… ano na namang trip ‘to.”



“Gusto pa kitang pasalamatan.... yun eh kung papayag ka.” Ang seryoso ng mukha niya pero hindi niya inaalis yung mga nakakatunaw niyang titig. “Bago ‘to.”



“A… ano ba yun?” Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko! Parang tatalon na palabas ng katawan ko!



“Soul kiss.” Kiss??? Anong kiss yun? Kanina pa ako nagtataka sa lasa ng bibig mo eh.” Eh kasi bago yung lipgloss na gamit ko.



Then he leaned closer at ni-relax ko na lang yung lips ko sa soul kiss na sinasabi niya. Nalulunod lang ako sa tingin niya, then the next thing I knew, magkdaikit na ang mga labi namin.



As our lips gently pressed together, he lightly draws his tongue across my lips. Nagulat ako sa part na yun and it sent shiver into my spine. His tongue is exploring my mouth, and I found myself in a daze.



Hindi ko alam yung gagawin ko pero kusa na lang rin gumagalaw yung katawan ko, my lips ang tongue in particular. Basta lahat ng hiya na nararamdaman ko kanina, bigla na lang naglaho because I’m actually enjoying this sensual and romantic kiss.



So this is what he call a 'Soul Kiss'. A kiss that reaches our souls.



At nung matapos na yun, nagyakap na lang kami ng mahigpit and the happiness we’re both feeling is just overwhelming! 




≧◠◡◠≦




February 4… 5… 6… 7… 8… 9… 10… 11… 12… 13…



Yes bukas 14 na!!! Valentines Day na!



Nakaraos ako nung ni-celebrate namin ni Eli yung birthday niya! At bukas naman, yun yung second most important day na ice-celebrate daw namin together!



May plano na nga kaming date pero sabi niya ihanda ko pa rin daw ang sarili ko dahil siya naman daw ang may surprise! Ayiiiehhh!!! I just can’t wait!



“Huy beb! Ano ba naman, kinikilig ka na naman mag-isa!”



“Bakit? 14 na bukas eh!”



“Ang landi! Porket nakapag-french kiss na kayo ni Eli-byu!”



“Soul kiss yun!”



“French kiss, soul kiss. Isa lang yun!”



“Eh masagwa yung French kiss!”



“Masagwa eh na-enjoy mo nga! Level-up na talaga ang kalantungan ng bestfriend ko ha! Naku, iba na ang kasunod ng French kiss!”



Simula nung makwento ko kay Byron yung tungkol sa panibagong kiss na ginawa namin ni Eli, hindi na niya ako tinigilan sa pang-aasar! Kashenemem! Nakakahiya tuloy lalo!



“Oy anong pinag-uusapan niyong French kiss na yan?”



Bigla naman ding sumulpot si Kian! Nagkatinginan tuloy kami ni Byron…



“Ah… ano... siya! Makikipag-french kiss daw siya kay Sheena bukas para sa Valentines!”



“Hah??? Ah… oo nga! Ahaha…”



“Kayo talaga! Sige unahin niyo yang lovelife niyo at baka hindi natin matapos yung presentation natin para sa finals.”



“Ito naman! Minsan lang darating ang mga araw ng puso eh.”



“Oo na nga diba?”



Ka-grupo ulit kasi namin si Kian para sa final project namin for this sem. Siya naman ang leader this time kasi tinatamad na akong magleader! Para maiba naman! At ngayon ay may meeting kami.



“Anyway, nasaan yung iba?”



“Ayun nagsi-uwian na. Ang tagal mo kasi, bakit ba late ka? Ikaw pa naman ‘tong leader.”



“Pasensya naman! May inasikaso ako sa kapatid ko eh.”



“Okay sige na, manlibre ka na lang after ng meeting.”



“Tay-guts talaga ‘tong si Beb kahit kelan! So Kian, ano nang plano? May location na ba para sa magiging shooting natin?”



“Merong binanggit saakin yung isa nating ka-group so pupuntahan natin yun tomorrow para i-check kung ayos lang ba yung place.”



“Hala! Bukas? May date kami ni Shee!”



“Ah so itutuloy mo nga yung French kiss?”



“Pffffttt…” So naniwala naman talaga ‘tong si Kian sa palusot namin! Hahaha!



“Bale tayong dalawa na lang pala Sam ang free bukas.”



“Hah?”



“I mean, don’t tell me may ka-date ka rin sa Valentines? May boyfriend ka na ba?”



“Ha…? Ah… eh…”



“Yung iba kasi nating members, nagpaalam na rin na may date nga sila bukas. Isa pa pala ‘tong si Byron.”



Ow-em-ji! Anong sasabihin ko kay Kian?



Hindi naman pwedeng sabihin ko na OO! May ka-date nga ako! At OO! May boyfriend nga ako!



Ang tagal kong hindi nakasagot, hindi rin naman ako matulungan ni Byron kasi hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag.



“Busy ka ba? Hindi ka rin makakasama?”



“Ano kasi…”



“Si Eli ba?”



“Ha?” Nagtaka ako bigla. Hindi kaya naghihinala na si Kian tungkol saamin ni Eli?



“Balita ko kasi, prom bukas dun sa South Grisham. Eh diba dun nag-aaral si Eli? Ide-date mo ba yung nephew-in-law mo?”



“Hindi! Hindi kaya yun kasama sa prom nila.”



“Ah… oh di, bakit hindi ka pwede? May sarili kayong date ng pamangkin mo?”



Nahirapan ulit akong sagutin yung tanong niya. Ang hirap naman kasi! Napaka-complicated!



“Bakit Kian? Bawal ba silang mag-date? Step Auntie lang naman ni Eli si Sam eh. Ni-hindi sila magkadugo. Wala naman sigurong kaso kung mag-date sila noh.”



“So magde-date nga kayo ni Eli?”



“Hindi.” Yun na lang ang naisagot ko sabay siko ko kay Byron para tumigil na siya sa pagsasalita. “Um… sige, sama na lang ako sayo bukas, Kian.”



“Pero Sam diba…” Sinipa ko na lang sa ilalim si Beb para pigilan ulit siya.



“Yun! Sige, sunduin na lang kita sa bahay niyo.”



“Ah, oo. Sige.”



Nagkatinginan na lang kami ni Byron and I hope na ma-gets niya kung ano yung gusto kong iparating sa kanya.



Eh kasi naman, mahirap na mapaghinalaan kami ni Eli lalo pa at maraming hindi makakaintindi sa relasyon naming dalawa. Hangga’t maari, kung kailangang itago, gusto kong itago para ma-protektahan namin ang isa’t isa.



Ipapaliwanag ko na lang kay Eli mamaya pag-uwi ko na hindi na matutuloy yung Valentines date namin. Maiintindihan naman niya siguro. I hope and pray!



ͼ(ݓ_ݓ)ͽ

End of Chapter 43



11 comments:

  1. 1st yta aq!!!!!!!!!!! wooohoooo!!!!

    ReplyDelete
  2. e2 real commnt ko,kinilig aq sa kiss!!!!!!! hla may ganun!!!!!!!!!

    soul kiss... yun pala french kiss lang!!!! ang swit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



    peo ung last part, nkow ptay tau jan kay idol!!!! pnigurado magwwla un kapg nlmn n nde 2loy ung date nla! kian y u so epal na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. y u not kalma sis? hahaha

      everything happens for a reason! ;)

      Delete
  3. whaaaaa,,, sobrang kilig ako aegyo.. sobra.. ayiieeehhh,, parang tanga lang ako ang tahimik ng mga kasama ko tapos bigla na lang akong kinikilig dito.. hay naku, hindi pwedeng hindi matuloy ang valentines date ni sam at eli!!! HINDI PWEDE!!! eto naman si kian, if i know gusto mo lang maka-date si sam.. eeeehhh.. oh panu yan sasabihin ni sam, patay tayo dyan baka mag-away pa sila... sulit ang paghihintay ko sa chapter na ito.. sobrang kilig.. sobra!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, ako din kilig sa mga nagko-comment dito sa blog ko. hahaha...

      pasensya na tumagal yung update pero yan naman, nasundan ko agad ng 44! ^_~

      Delete
  4. kinikilig aq dun s kiss!!!! onobonomonyon!!!
    ang ayus n nung bday eh!


    kaso ung valentines day bkit kelngan umepal ni kian!

    nku nkkamoy aq ng riot jan kay eli! tsk tsk!!! lagot k kian!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, oy baka matakot na si kian nian! ahahaha!!!

      Delete
  5. one of ur silnt reader here miss aegyo, but i really want to comment at this chapter! ntuwa po ako s kiss nila! nkakakilig sila!

    more powers to this! and i'm looking forward to the ending! i'm sure marming kang surprise bcoz ur a great writer!

    more powers to you too! i'm erica po pla.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi erica! thank you for finally commenting!
      kelan ka pa silent reader?

      i hope to see you more!
      reading your comments really help me be inspired!!! ^_~

      Delete
  6. HUWAAAA! WAG KA PUMAYAG PUH-LEASE? I know, that Eli will invite you to come in their Prom! Sheet. napapaenglish na me XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^