Friday, February 10, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 35


CHAPTER 35
(SAMIRA ALMIREZ POV)




Huwatttt!!! Si Eli daw nagseselos kay Kian? Owkamown! “Hindi nga?”



“Bakit ba ganun yung lalaking yun ha? Hindi maganda pakiramdam ko sa kanya.”



“So nagseselos ka nga? Oo o hindi lang naman ang sagot eh. Direchuhin mo na!”



“Oo… at dahil jan ilibre mo ako ng ice cream… at tsaka juice… at tsaka isang chichirya… at tsaka…”



“Wala akong pera! Tubig lang ang ibibili ko sayo dahil mura!” Nagtinginan lang kami ng masama, tapos natawa pa yung cashier sa harap namin. Siguro nawi-weirduhan siya saaming dalawa.



“Wala daw pera. Bakit tatlong tubig yang binili mo?”



“Isa para sayo, isa para kay Byron… at isa para kay Kian.”



“Kian na naman! Gusto mo na bang matapos ang buhay ng tukmol na yun?”



“Bakit ba galit na galit ka sa kanya eh wala namang ginagawang masama yung tao. At tsaka friends lang kami nun.” Pagkabili namin, bumalik na kami agad sa school para matapos na yung photoshoot. “Alam mo bang siya nga ang dumamay saakin nung panahong ang cold niyong dalawa ni Byron.”



“Hindi naman kasi pwedeng palaging mainit dahil baka kung saan mapunta yun? Lalo pa tayong dalawa lang ang magkasama palagi…”



“Ha? Ano namang ibig sabihin nun?”



“Wala!” Tapos kinuha na niya yung tubig sa plastic bag at ininom ang laman nito. “Wala na talagang dadaig sa pagka-slow mo.”



Papalapit na ulit kami sa groupmates ko at nakatingin na silang lahat saamin. Kaso bigla ba namang umakbay saakin si Eli kaya napatingin ako sa kanya. “Anong ginagawa mo…” Bulong ko. “Alisin mo yung kamay mo.”



“Bakit? Diba wala namang magagalit?” Mokong na ‘to! Baka kung anong isipin ng iba!



“Wow! Ang sweet niyo naman!” Inggitera lang oh!



“Syempre… lab na lab ko ‘tong Auntie ko na ‘to eh.”



“Eh… hehehe…” Napilitan na lang akong ngumiti, sabay siniko ko sa tagiliran si Eli. “Ah Byron, Kian, binilhan ko kayo ng tubig.” At inabot ko sa kanila yung mga bote ng tubig.



“Uy thanks beb!”



“Salamat Sam… pero paano ka? Wala kang inumin?”



“Sa drinking fountain na lang ako iinom.”



“Ganun? Gusto mo share na lang tayo. Tirahan mo ako, mauna ka nang uminom.” Iaabot sana pabalik saakin ni Kian yung inumin nang bigla na namang humarang si Eli.



“Wag na… tinirahan ko na siya!” At in-offer ni Eli yung kalahating tubig na tinira nga niya.



“Hindi okay lang Eleazer. Baka mamaya ma-uhaw ka pa, model ka pa naman.” At in-offer ni Kian yung bote ng tubig na hindi pa nababawasan.



“Um…” Hindi ko alam kung kaninong tubig yung iinumin! Pareho namang ako ang bumili nun! Yung reaction naman ni Eli, nakakatakot na!



“Oo nga noh. Model niyo nga pala ako.” Biglang hinablot ni Eli yung tubig ni Kian, binuksan ito at siya ang uminom doon. Pagkaubos niya nun, “Oh Sam, uminom ka na rin.”



So no choice na ako! Yung tubig na in-offer saakin ni Eli ang ininom ko. Napailing na lang si Kian pero buti hindi siya napikon sa ginawa ni Eli! Ang timongoloid kasi na ‘to! Isip-bata na naman!



Tuloy pa rin naman ang photoshoot namin, and juskoday! Biglang nagtransform si Eli! Yung tipong na-inspire siya na ewan! Si Eli kasi kung maka-pose na, ang sarap na niyang kainin ng buhay! Bakit ang gwapo niya?



Enjoy much din ang mga haliparot kong classmate! Pero mas nag-eenjoy akong tignan siya ngayon! Lalo pa na naiisip kong nagseselos pala ang kumag kay Kian! Parang ewan lang talaga, pero nakakakilig!



(●*∩_∩*●)



After ng photoshoot, ni-save na namin yun sa laptop na dala ni Kian at humingi rin ako ng copy sa USB! For project purpose din yun ha! “Sige, ako na mag-eedit nung iba. Tapos send mo na lang sa email ko yung matatapos mo para ako na bahalang mag-compile.”



“Okay sige, chat na lang tayo.”



Samantala, pinagsisilbihan ulit nung tatlo si Eli. “Thank you talaga! Panigurado makaka-uno kami sa grade nito dahil sayo.”



“Hehe.” Obviously, flattered si mokong! Paglapit namin sa kanila.



“Eleazer, salamat sayo ha.” At nginitian lang siya ni Eli. Hindi man lang marunong mag-welcome! “See you next time na lang.”



“Next time? Buti may next time pa?” Kinurot ko yung tagiliran ni Eli at napa-aray siya. “Amp! Bakit ba?” Bakit ba kasi parang lagi siyang naghahamon ng away kay Kian?



“Um… sige guys. Uuwi na kami ha?”



“Sigurado bang ayaw niyo munang sumama saamin sa mall? Maaga pa naman eh. Ikaw Sam kahit wag ka nang sumama, basta payagan mo si Eli.” Eh sabunutan ko kaya ang bruhang ‘to!



“Sure!” Ang sarcastic pa ng boses. “Eli pwede ka namang sumama sa kanila eh…!” Isang maling sagot mo lang Eli!



“Talaga? Tara sige! Sama ako sa inyo.” Aba naman!



“Yes!!!” At nagbunyi ang tatlo kong classmates!



Ahh ganun pala Eli hah… “Oh Kian, pwede na rin pala natin ‘tong simulang i-edit. Maya-maya na lang siguro ako uuwi dahil hindi naman pala makakasabay si Eli eh.”



“Talaga? Sige ihahatid na lang kita mamaya pag-uwi.”



“At bakit! Uuwi ka ng late? Paano hapunan ko ha?”



“Eh diba magmo-mall kayo! Dun na lang kayo mag-dinner ng classmates ko. Mag-bonding kayo dun.”



At feeling ko nakaramdam na si Byron kaya senigundahan niya ako! “Oo nga Eli-byu! Bayaan mo nang mag-moment sina Kian at Sam dito. Ang lagay ba, ikaw lang ang pwedeng lumandi?”



“Tama ka jan beb!” At nag-apir kami! Galing ng bestfriend ko!



“Oh tara na.”



“Hindi! Tara na Sam.” Sabay hawak sa braso ko. “Uuwi na tayo.”



“Oh akala ko ba sasama ka sa kanila?”



“Oo nga Eli!!!”



“Hindi ba pwedeng mag-joke?” Sabay irap saakin. “At tsaka may gagawin pa tayo Sam, diba?”



“Wala naman akong naaalalang gagawin natin ha. Sumama ka na lang sa kanila! Magpapaiwan ako dito kay Kian.”



“Pag sinabi kong uuwi na tayo, uuwi tayo!” Tapos nauna na siyang mag-lakad habang hinihila ako. “Bye Byron! Bye girls! Bye KIAN!”



Iniwan naming nagtataka yung mga malalandi kong ka-group. Akala din talaga kasi nitong si Eli, siya lang ang marunong sa ganitong bagay!



Hwahaha! Kita mo naman, siya unang sumuko! Nakalabas na kami ni Eli sa Edinham at saka lang siya nagsalita ulit. “Siguro crush mo yung Kian na yun noh?”



“Maybe yes… maybe no…” Pang-aasar ko. “Eh ikaw bakit hindi ka tumuloy dun sa mall. Sana talaga sumama ka sa kanila.”



“Nakakaintindi ka ba ng joke? Joke nga lang diba. As if namang gugustuhin kong makasama yung mga yun.” Tapos tinitigan niya ako ng masama. “Parang yun lang, sasama ka na agad dun sa Kian na yun. Nasaan na ang tinatawag na loyalty sa boyfriend mo Sam? Saan na ang loyalty mo saaken?”



“At talagang ako ang pinangangaralan mo ng tungkol sa loyalty na yan! Eh ikaw nga ‘tong madalas na habulin ng babae.”



“At least masasabi kong loyal ako sayo dahil ikaw lang ang gusto ko.” Aysows! Kinilig naman ako sa sinabi niya!



“Okay… joke lang naman din yung kay Kian eh. Ikaw lang din ang gusto ko.” Aysows! Napangiti naman ang Junanax! “Oh aminin, kinikilig na yan!” Ang cheesy namin, shemay!



“Hoy Sam, masaya ako pero hindi ako kinikilig noh! Psh!”



“Weh! Deny pa! Gusto mo pustahan? Mapapakilig kita bago pa man matapos ang araw na ‘to!” Ano namang klaseng trip ang gusto mo Sam?



“Ako pa hinamon mong babae ka! Sige ba! Anong pusta?” Oh game naman pala siya eh!



“Hmm….” Isip ka ng mabuti Sam! “Ganito, kapag nakitaan kita ng senyales na kinikilig ka, pagsisilbihan mo ako hanggang sa matapos ang taon na ‘to.” So isang buwan din yun! Safe ako sa lahat ng gawaing-bahay! Yebah!



“Yun lang ba! Call.” Aba, naghahamon ka! “Oh sige! Pag ikaw naman ang natalo…” Bigla akong kinabahan sa tingin ni Eli. “Dun ka sa kwarto ko matutulog. At tabi tayo sa kama.”



Parang umapaw yung dugo sa ulo ko! “Huwat!!! Ang maniac mo Eli!”



“Bakit anong iniisip mo? Magkatabi lang, yun na agad iniisip mo! Greenminded masyado!” Ampupu! Napasubo yata ako! “Oh ano? Natatakot ka noh? Matatalo ka kasi!”



Let’s get in on! “OKAY!” Akala niya magpapatalo pa ako ha! “Humanda ka nang maging katulong ko!”



“Humanda ka nang makatabi ako! Hwahahaha!!!” Letchugas!!! Kinakabahan ako!!! Yung itsura pa ni Eli, ano na lang mangyayari pag nagsama pa kami sa isang kwarto at sa isang kama pa!



Uwaaahhhh!!!



m/^.^\m

(ELEAZER PASCUAL POV)



Seryoso ba talaga? Ayus na pustahan ‘to! Kaso baka bigla na lang magback-out si Sam! “Kapag nagback-out, forever na tayong tabi sa kama ha.”



“As if!” Ang tikas din nitong babaeng ‘to! If I know magpapatalo siya para lang talaga makatabi ako. Haha! Feeling ko lang yun!



Nandito na kami ngayon sa bahay at hinahanda ko na ang sarili ko sa pwedeng gawin ni Sam. Pero as if naman talagang kikiligin ako katulad ng mga babae noh!



Umakyat siya sandali sa kwarto niya, nagpaplano na yata! Ako naman, nakalugmok sa couch at nanonood ng TV. Hanggang 12am ang pustahan namin, and after that makakatabi ko na si Sam sa kama!



Pero wag kayong mag-imagine jan, syempre gentleman ako! Hindi ko gagawin yung mga green na iniisip ng iba jan! Kasi kung yun talaga habol ko, eh di sana matagal ko nang ginawa diba?



Gusto ko lang pagtripan si Sam! Kung ayaw naman niya akong makatabi, hindi rin naman ako makakapalag dun eh. Maya-maya, narinig ko nang lumabas si Sam sa kwarto niya at pagbaba niya, napatingin ako sa kanya.



Lumapit siya saakin “Ano yang pinapanood mo?” Anak ng teteng!!! Ngayon ko lang nakitang nagsuot ng ganito ka-sexy na damit si Sam! Napalunok na lang ako at pinilit kong wag siyang pansinin.



Tapos tumabi siya saakin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Punyemas!!! “Sam…” Humugot ako ng lakas ng loob. “Kung iniisip mong eepekto yang suot mo, nagkakamali ka.” Sinabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Umeepekto na kasi!



“Bakit hindi ba bagay saakin?” Ampa-kyut pa ng boses niya! Ampakshet! Ano ‘tong ginagawa niya!



“Are you trying to seduce me?”



“Hindi… pinapakilig ka lang.” Bigla siyang nag puppy-dog eyes! Lintek na! Ang cute niya! “Kinikilig ka na ba?”



“Hindi…” Hindi ako papayag na maging katulong sa bahay ko! Lalong hindi ako papatalo na hindi siya makatabi sa kama! At higit sa lahat, ayus ‘tong ginagawa ni Sam. Tignan natin kung hanggang saan siya tatagal. “Kumuha ka ng popcorn dun!” Inutusan ko siya para ma-shift ang attention ko.



Sumunod naman siya agad kaya nakahinga ako ng malalim. Kaso mabilis lang din siya bumalik dala yung popcorn. Pagtabi niya ulit saakin…



“Nood tayo ng horror movie.” Horror movie! Tama! Buti na lang hindi siya nag-suggest ng romantic movie!



So nag-dvd marathon kami! Yung mga the best horror movies na alam namin. The Grudge, Shutter, Alone and now… The Unborn! Ni hindi na kami nakapagdinner ng matino dahil ayaw nang magluto ni Sam.



Nakatingin ako sa orasan, 11:45 pm na pala! Nakalimutan na yata ni Sam yung tungkol sa pustahan namin! So isa lang ang ibig sabihin niyan, magkakatabi na kami sa kama! Panalo na ako!!! “Sam…”



“Oh?” Nakatitig lang siya sa pinapanood namin.



“Tignan mo kung anong oras na. 15 minutes na lang oh…”



“Maghahatinggabi na. Bakit?”



Weh…? Bakit ganun? Bakit parang wala nang thrill? “Oo nga… nakalimutan mo na?”



“Ang ano?”



“Yung pustahan! Ugok!”



“Oh… so…? Wag ka munang magulo! Nakakatakot na yung scene sa movie!”



“So panalo na ako? Ganun na lang yun?”



“Sheeesh! Wag ka munang maingay Eli! Nakaka-distract boses mo eh!” Tama ba yun? Ano yun? Yung inaabangan kong moves niya para pakiligin ako, wala? Naglahong parang bula?



“Hoy tumingin ka nga saakin!” Hindi ako papayag! Nanalo lang ako ng ganun? Walang kachallenge-challenge!



“Ang kulit naman!”



“Ano na? Wala ka nang ibang gagawin? So nagsuot ka lang ng sexy na damit, hindi ka nagluto ng dinner at tinabihan mo lang ako ngayon sa panonood? Yun lang yun?”



“Eh kasi ang ganda na ng palabas! Wag ka nang makulit jan!”



“Oh anong ibig sabihin niyan? Magtatabi na tayo sa kama?”



Bigla siyang napatingin saakin, tapos parang nahihiya pa siyang nagkagat-labi. “Ayaw mo ba akong makatabi?”



*gulp…*



Kailangan pa bang itanong yun? “Ano… um…” Man-up Eli! Sumagot ka nga ng matino! Syempre gusto mo siyang katabi!



“Tingin mo ba mamaya, magagawa kong matulog mag-isa sa kwarto. Kaya nga tayo nag-marathon ng horror movies eh.” Chupeste! Kinakabahan ako sa kalandian ni Sam! Kaso sumuko na siya agad!



“Seryoso ka?” Hindi ko akalaing gugustuhin din pala ni Sam ang makatabi ako! “Alam mong pwedeng may mangyaring ano…” Kababalaghan?



“Bakit Eli…” Tapos dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Para akong nahihilo, hindi na ako makahinga.



Yung daliri pa ni Sam bina-brush ng dahan-dahan ang buhok ko! Ganito ba siya ka-mature? What happen to my innocent Sammy?



“Sabi mo mahal mo ako.” And she gaved me butterfly kisses on my cheeks. Hindi ba pwedeng totoong halik?



Ampness! Napatango lang ako. Kapag nagtuluy-tuloy pa siya na ganito, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko! “Sam…” Maghunus-dili ka parang-awa mo na! Sasabog na yata!!! Sasabog na yata ang puso ko!



“I love you Eli… at gusto kitang makatabi sa kama…”



At hindi ko na kinaya pa ang mga pangyayari. Medyo lumayo ako sa kanya at tinakpan ko lang ang mukha ko ng unan. Namumula na yata ang tenga at buo kong mukha. Pero natutuwa ako sa kilig… teka… anong yung iniisip ko? Natutuwa sa KILIG?



“Yes!!! Yes!!! Yes!!!” Bigla na lang nagsisisigaw si Sam! “Owemji Eli! Nagba-blush ka, nagtakip ng mukha, nakangiti ng parang tanga at umiiwas ka ng tingin saakin! Kinikilig ka!!!”



Nanlaki lang ang mga mata ko! Ni-hindi na ako nakapalag pa kasi na-blanko na utak ko. “Wala nang palusot yan! Kinilig si Eli!!! Yes nanalo ako sa pustahan!!! Wala pang twelve o’clock! Yes! Yes!” At nagbubunyi na siya sa ginawa niya habang asar-talo ako!



Plano niya ang lahat ng ‘to! Anak ng pinagpatong-patong na pakshet! Watdapacker!



“Oh yeah!” At hindi pa rin tumitigil sa pagsasaya si Sam. “Bukas na bukas din, alipin na kita Eli! Todas ka ngayon!”



Pero dahil isa akong tunay na lalaki, tinawanan ko na lang. “Kakaiba ka talaga Sam! Oo na sige na! Panalo ka na!” Wala na rin akong nagawa, panalo na siya. “Katanggap-tanggap naman dahil girlfriend kita eh.”



“Yebah! Tanggap na niyang mas magaling ako sa kanya! Ayiiieh!” Oo na nga diba! Panalo siya ngayon! “Talo si Eli! Pahiya ang Idol! Panalo ang girlfriend! Ahahaha!”



“Hindi ka ba titigil? Sumusobra ka na ha!”



“Ang talo, pikon! Beh beh beh beh beh!” Aba’t parang bata pang nag-aasar oh!



“Ah ito pala gusto mo hah!” Sabay hinablot ko siya pero nakatakas naman siya at nagtatakbo na palayo!



“Uwaaaaahhhhhh!!! Talunan ka!!! Kinilig ka!!! Alipin na kita!!!” Syempre naghabulan naman kami sa buong bahay, makaganti lang ako ng isang halik!



Wrong move naman siya dahil sa maling parte siya ng bahay nagpunta. Na-corner ko siya at tatakbo pa sana siya pero nahawakan ko na ang braso niya! “Talo ka! Wag ka na ngang pikon…”



At para manahimik na, hinalikan ko na lang siya sa lips niya. “Panalo ka na nga, okay? Wag ka nang mang-asar, lalo lang akong kinikilig sayo eh.”



Syempre kinilig din siya sa sinabi at ginawa ko! Hwahaha! “Ayiieeh!”



“Pero Sam, diba sabi mo  ayaw mong mag-isang matulog ngayon? So magtatabi pa rin tayo mamaya ha? Pahabol lang baka makalusot. Alam niyo na, baka matakot siyang mag-isa dahil sa pinanood namin kanina diba?



“Wag ka nga! Pumaparaan ka lang eh.” Potek! Sige, next time Sam! Next time magkakatabi din tayo!



(  ◠‿◠)

End of Chapter 35



>>>CHAPTER 36 HERE





12 comments:

  1. ang landi lng!!!!!! waaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!
    this time hiniling q n matlo si sam pra mgkatbi cla ni eli! ayiiiiiiiieeeeeeeeeeeee!!!!!!!

    grabe 'tong chpter n 2! nkangiti lng aq all ovr!!!!!!

    umpisa p lng, nghihingalo n aq s kilig, hnggang ktpusan!!!!!! nver qng inexpect n gnun ang ggwin ni sam! selosan halikan, kiligan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    waaahhhhh! bbsahin q ult!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. copy-paste lng yung una kc nbasa q s pf! hahahahahahah, nxt n agad ate!!!!!

      gus2ng gus2 q n agd ang nangyyri sknla!!!!!

      Delete
    2. pahinga muna ulit... wala pa kong natatype na ksunod na chapte nito ehh... XD

      Delete
  2. miz aegyo, gumwa na aq ng google accnt pra ma-follow n kita! ;D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiieh! oo nga! napansin ko nga dahil nadagdagan ako ng follower! >___<

      Delete
    2. naks naman si Anew_Beh!!!!

      talagang may account ka na sa blog ah..hehe

      Delete
    3. ni-follow niya tayong tatlo! ahahaha, kaya mahal ko yan si anew ehh... :D

      Delete
    4. yez pra suportahan kaung mga josa! arw-arw q kyang chinicheck itong blog! mas mdlas n nga aq d2 kesa s pf kc ung s pf, ung stories niu lng din ang bnbsa q. hahahahaha...

      Delete
  3. pareho silng mlandi~~♥ MOE MOE

    kakakilig lng si eli pg nagseselos! sna gnyan lhat ng llki! ay mali, sna ang llki ay tlgang si eli! >///<

    bkit b nkk-adik ang story n 2! ~~~~~♥ MOE MOE ♥♥♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, mahirap maghanap ng totoong eli! ahahaha...

      kakaadik naman siya in a good way diba! ayiieh! :D

      Delete
  4. ako din ms. aegyodaydream,, gumawa ng google account para ma-follow ang blog mo.. :) pa-valentines mo na saming mga fans mo yung update.. please.. chapter 36. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, nagulat ako sa comment mo sis! ayiieh! >___<

      sige ita-try kong ihabol yung chapter 36... ala pa kasi akong nata-type ehh...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^