Friday, January 6, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 27

CHAPTER 27
(SAMIRA ALMIREZ POV)






"Wake up!" Nagising ako na nakapatong ang ulo ko sa lap ni Eli. "Tsk! Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko sayo ha?"




Surpise? Pagbangon ko, nakita ko ulit sina Riley at yung Ishy na secret girlfriend ng idol ko. Mygawd... hihimatayin ako ulit!!! "Sam naman!!! Kapag hinimatayan ka pa ulit jan, sa kama na kita ihihiga."




Uwaah!!! "Ito na! Gising na gising na nga ako!"




"Pffft..." At sabay na pinigilang tumawa nung dalawa. "So totoo nga ang balitang natatanggap ko kina Argel at Waine... na maganda ka nga Sam."




Isang compliment galing kay Riley!!! Maganda daw ako oh! Uy kilig naman talaga! "Wag kang maniwala jan Sam, magaling lang mambola yan."




"So anong ibig mong sabihin ha? Hindi ako maganda?"




"Ano sa tingin mo?" Aba naman, siya 'tong sapilitan akong pinasagot para maging girlfriend niya ako, tapos hindi pala ako maganda! Binigyan ko nga ng matinding siko attack si Eli. "Aww!"





"So Eli, bakit mo nga pala tinatago sa tropa mo na kayo na?"




"Hindi ako ang may gusto nun, yan oh!" Sabay turo saakin, with matching evil looks.




"Teka... sinabi mo na sa kanila na tayo na?"




"Don't worry Sam, we understand your situation. Parang katulad lang namin ni Riley. Sina Eli, Waine at Argel lang ang nakakaalam."




"Pero, kailan niyo naman balak i-share kina Waine yang relationship niyo ha? Alam mo ba Sam, patay na patay din kaya sayo yung dalawang yun."




"Haha!!! Una-unahan lang yan!"




"Hindi ko pa sigurado eh. Ang saakin lang, mas mabuti kasing konti lang ang may alam para hindi mahalata ni Kuya Rico at ni tita Pia."




"Ayaw na niya kasing umalis dito. Alam mo na, takot nang mahiwalay saakin."




"Ang cyclone mo! Alam mo yun!"




"Oh bakit, yun yung dahilan mo diba?"




"Eh di papayag ka palang umalis ako kung sakali?"




"Syempre hindi!!!" Ayiiehh! Sabi ko na hindi mo ako matitiis Eli-byu eh! "Wala na akong tagaluto ng pagkain pag nagkataon!!!"




What the fu... "Kapal mo talaga Eli!!!"




Nakalimutan namin na nasa harap pa pala namin sina Riley at Ishy. Nagtawanan sila bigla. "Alam mo Sam, iba din talaga yang nagawa mo kay Eli eh. Alam mo bang noon ko pa inaabangan ang araw na may magpapaamo jan sa totoy na yan! Ang sungit!"




"Oo! Tapos mababaw lang na bagay, nagagalit na agad!"




"Ay naku, sinabi niyo pa! Hindi lang yun, lahat gustong idaan sa dahas!"




"Oh sige, ano yan pinagtutulungan niyo akong tatlo?" Nagagalit siya, eh totoo naman! "At hoy Sam! Hindi kita dinaan sa dahas! Kindat, ngiti at google lang ang ginamit ko noh!"




"Teka... hindi ka nanligaw?"




Awts naman!!! "Hindi yan nanligaw! Ni-blackmail niya lang ako!"




"Wala ka pala saakin eh. Alam mo bang lahat na ng yaman ko sa mundo noon, ginamit ko para mapasagot ko si Ishy!"




"Naku hindi lang yun Sam, pati mga nakakaumay sa kilig na banat, binusog niya ako." Uwaaah!!! Tamang mainggit! Ganun pala sa ligawan stage!!!




"Sabi ko na Eli eh!!! Dapat nanligaw ka saakin!!!!!!!! Ang duga mo!"




"Lintek na... wag ka nang makinig sa dalawang yan! Masusuka ka lang sa mga pinaggagawa nitong si Kuya Riley eh." Ah kahit na!!! Gusto ko ring maranasan yung mga naranasan ni Ishy!




(`´)







Ang sarap ka-kwentuhan nina Ishy at syempre ng idol kong si Riley! Ito ang ilan sa mga napagkwentuhan namin:


1. Kung paano naging magkabarkada sina Eli at Riley
2. Kung paano natulungan nina Eli, Waine at Argel sina Ishy at Riley
3. Kung ano ang pinagdadaanan nina Ishy at Riley as a secret couple
4. Kung paano sila nagtagal sa kabila ng hectic schedule ni Riley
5. At kung anu-ano pang kawawaan!




After namin kumain ng pizza, tinulungan ako ni Ishy na iligpit yung mga kinainan namin, samantalang nakatihaya lang sa living room ang magagaling naming boyfriend!




"Grabe, nakakatuwa kayo. Ang laki ng pinabago ni Eli nung makasama ka niya." Kanina pa talaga nila pinagdidiinan yun. So malaki ang impluwensya ko kay Eli, ayiieh!!! Nakaka-touch!




"Pero Ishy, kayo? Ano nang plano niyo ni Riley? Hanggang kelan niyo balak itago yung relasyon niyo?"




"Hindi ko rin alam eh. Basta ang sigurado ko lang, ayokong masira yung career ni Riley. Kaya ko pa naman eh, kasi ganun ko siya kamahal!" Ang sweet!!! Naiingit ako sa samahan nilang dalawa! Sobrang lalim na ng relationship nila!









(ELEAZER PASCUAL POV)





"Oh paano na Idol, anong plano mo ha?"




"Ako? Handa naman akong ipagsigawan sa lahat na kami na ni Sam eh. Pero dahil nga sa takot na paghiwalayin kami, siguro mabuti na rin ito." Eh kasi naman, hindi lang talaga dahil yun sa pagkain! Ayokong mawala si Sam! Hindi ko na yata kakayanin yun!




"Naku Eli, matututo ka sa kwento namin ni Ishy! Mahirap yang secret-on na yan! Lalo na yung tipong selosan na! Tsk! Mahirap yun!"




Madali lang yang selos! May paraan ako jan! "Eh di liligpitin ko yang mga umaaligid na lalaki kay Sam! Bangas lang katapat nun!"




"LUL! Hindi lang yun ganun noh! Paano naman kung si Sam ang magkagusto sa iba?" Paano mangyayari yun, saakin lang si Sam! "Oh kaya ikaw ang magkagusto sa iba."




"Kung si Sam, imposibleng mahulog yun sa iba. Malakas ang tama saakin ng girlfriend ko noh! Haha! At kung ako naman, MAS LALONG IMPOSIBLE yun!" Tapos lumapit ako kay Riley para bumulong. "Si Sam lang talaga 'pre!"




"Woossh!" Nagtawanan kami at syempre dahil sa likas kina Sam at Ishy ang pagiging tsismosa, napatingin sila. Eepal pa yan oh, usapang lalaki nga 'to! "Pero sa tingin ko sa relasyon niyong dalawa, mabagal ka Eli!"




"Hindi ko gusto yun! Kilala mo ako." Tapos ako naman ang tumingin ay Sam. Buti na lang busy-busihan sila sa kusina! "Pero kailangan gentleman kay Sam. Paano kasi, poporma lang ako, sasabihan na niya ako agad na manyak! Punyemas na yan, masyado kasing inosente! Ayoko namang biglain, baka maki-break!"




"Eh di unahin mo sa mga banat-banat na yan! Diba ikaw ang nagtuturo saakin ng A,E,I,O,U dati. Effective yun kay Ishy! Try mo rin kay Sam!"




"Sa sobrang SLOW ni Sam sa mga ganyan, baka mapahiya lang ako sa mga banat na yan!" Pero napaisip ako, ano nga kaya? Wala namang masama i-try diba!




"Hey boo. Tapos na kami!"




Tumayo na si Riley sabay yapos kay Ishy!!! Kelan ko kaya magagawa yan kay Sam! Naknang naiinggit ako!




"Oh so aalis na kami ha!"




"Te... teka bago yun..." Nahihiya pa si Sam. Ano naman kayang balak ng babaeng ito. "Okay lang talaga Ishy ha?"




"Sige na Sam, gawin mo na!" Anong gagawin ha? "Hey boo..." Tapos binulungan ni Ishy si Riley.




Nanlaki naman yung mata ni kuya Riley. Napatingin pa siya saakin, tapos kay Sam ulit. "Ah!!! Talaga Sam?" Anong plano ito nina Sam at Ishy ha.




"Oo... okay lang ba?"




"Syempre naman!"




Tapos biglang nag-slowmo yung mga pangyayari! Sa harap ko biglang ni-kiss ni Riley sa pisngi si Sam!!! At hindi pa yun natatapos dun!!! Nagyakapan pa sila sa harap ko!!!




"ANO YAN!!!" Pesteng Riley 'to!!! At bakit pinapayagan ito ni Ishy? "TANGEENENG KA RILEY!!!" Tapos pinaglayo ko na silang dalawa! Ulupong kang lalaki ka, paabangan kita sa kanto eh!




"Teka naman!" Ayaw pang bumitaw ni Sam sa pagkakayakap niya kay Riley!




Isa ka pang babae ka! Harap-harapang nanlalaki!!! "Bakit kailangan may halikan at yakapan sa harap ko! Gusto niyong mabugbog pareho?"




"Wag ka ngang magselos jan Eli."




"Ako nagseselos? Nagngingitngit ako!!!"




"Sabi mo ako ang surprise mo sa girlfriend mo dahil idol niya ako! Ganito lang yun Eli." Wala sa usapan 'to! Sabi ko spend time with each other lang, walang chansingan!!!




"Pabayaan niyo na nga yang timongoloid na yan! Pa-autograph na Riley!" Naglabas ng pentel pen si Sam at nagpa-autograph na kay Riley. Tapos nagpicture silang dalawa sa cellphone ni Sam at ginawa niya 'to agad na wallpaper!!! Syempre kilig na kilig naman siya! Humanda ka saakin beybe!!!




"I'm really glad to meet someone like you, Sam. Alagaan mo si Eli ha."




"OMG!!! I love you talaga Riley!!!" I love you ha? Lagot ka saakin pag tayong dalawa na lang ulit! "Salamat din Ishy ha!"




"No problem Sam! Ingat kayong dalawa ha. Ingatan niyo yung isa't isa."




"Bye-bye!!!"





"Ingat ka sa may kanto Riley ha!"




"Bakit pinaabangan mo na ako sa SGG?"




"Haha..." Konti na lang! Pero SGG member din yang si Riley eh. Graduate siya sa school namin diba? "Sige!!! Ingat na lang!!!"





"Bye!!! Ingat kayo ha!" Maiyak-iyak pang nagpaalam si Sam habang paalis na ang idol niya and new found friend.




Pag-alis nung dalawa...




"Grabe ang sweet nila noh!!! At gwapo-gwapo talaga ni Riley!" Riley na naman? Ginagalit talaga ako ni Sam ha! Tapos nagulat siya bigla sa ginawa ko. Binuhat ko kasi siya papasok na ng bahay! "Uwaaahhh!!! Eli bakit?"




"Sinong may sabi pwedeng kang lumandi ng ganun ha!"




"Syempre fan ako..."




"Wag ka nang magpaliwanag!" Tapos  tinapon ko siya dun sa sofa. Bumangon siya at tatakbo sana, kaso hinila ko siya pahiga ulit. I leaned over her at inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.




Ang ewan lang ng itsura niya at hindi niya alam yung gagawin niya. "Isang bagay lang Sam, wag na wag mo akong pinagseselos!"




"Nag... se... selos... ka?" BINGENG BABAE TALAGA 'TO!!!







(   )

(SAMIRA ALMIREZ POV)





Hindi ako natatakot kay Eli ngayon kahit seryoso yung mukha niya nung sinabi niyang nagseselos siya. Na-touch lang ako... at kinilig ng sobra! Pero galit siya, at para makalimutan niya yung galit niya... ako naman ang humalik sa kanya sa pisngi! "Eli-byu!"




Nanlaki lang yung mata niya at parang nakita kong namula yung mukha niya. "Ayiehhh!!! So shy!!!"




"Shy? Pag ako ba humalik sayo hindi ka masha-shy?" Napalunok ako at kinabahan bigla. Mygawd yung puso ko, tatalsik na yata!!! Tapos ito, dahan-dahan nang lumalapit yung mukha niya saakin! Hahalikan ba niya talaga ako? Nasha-shy na ako Eli!!!




"Aray!!!!!!!!!" Pinitik lang ni Eli yung noo ko!!! Arawch!!! Ang noo ko!!! Tapos saka niya hinalikan yung noo ko...




"Pffft. Yan ang punishment mo."




"Sadista!" Sa noo niya lang ako ni-kiss? Bitin!!!




Tapos nagbibiro pa siya kunyaring hahalikan ako, kaya ako papikit-pikit na lang! Ano ba, kung iki-kiss mo ulit ko, ituloy mo na!!! "Gusto mong isubsob kita ha?"




"Bakit ano na namang kasalanan ko?"




"Isusubsob kita sa nguso ko, gusto mo?"




"Ha?" Ano bang sinasabi nitong si Eli? Tamang timang at mongoloid lang talaga siya!




"Naknang! Napaka-slow talaga!!! Sabi na eh!"




"Teka... isubsub ako sa nguso? Mo? Paano yun?"




"Nyeta ka!!! Panira ka!!!" At umalis si Eli papuntang kusina para uminom ng isang basong tubig.






*     *     *




Isusubsob... sa nguso? Sa laki ng katawan ko, masisira ang labi ni Eli nun! At tsaka siya pa yung masasaktan nun! Habang nag-iisp, napatingin ako sa oras, hatinggabi na pala!!! Pero hindi pa ako pagod, lalong hindi pa ako inaantok!!!




"Eli... hindi ka pa ba inaantok?"




"Hindi pa... ikaw?" Nakaupo kami sa living room at nag-soundtrip lang kami.




"Hindi pa din eh."




"Eh di, dito muna tayo!" Wala namang kaming ginagawa, kung anu-ano lang din ang pinag-uusapan namin!




"So paano nga pala ako susubsob sa nguso mo ha? Masakit yun Eli, masokista ka na ba ngayon?"




"Tumigil ka na nga! Wag mo nang ipaalala yun! Kalimutan mo na yun, nabubwiset lang ako sayo!" Ang init ng ulo niya! Ah tama, baka riddle yun! Nakikipagbugtungan siya!!!




Anyway, napag-uusapan pa rin namin ang pagiging boyfriend in disguise ni Riley kay Ishy! Naamaze pa rin ako sa relationship nila kahit ganun yung situation nila! "Alam mo naiingit nga ako sa tawagan nilang BOO eh."




"Oh." Yun lang yung reaction? Hindi ba halatang nagpaparamdam na ako?




"Tayo din Eli!!! Gawa tayo ng secret na tawagan!" Wala siyang reaction. As usual, ang KJ kasi nitong si Eli! Siguro iniisip niyang korni yun! Kaasar!!!




Tapos bigla na lang nagsalita si Eli... "My loves?" Nag-iisip na pala siya!




"Wag yun! Halata tayo nun! Babyloves kaya?"




"AYOKO! Ano ako, si Argel? Walang originality!"




"Eli-byu? Tapos tawagin mo akong beb?"




"Oh sino ako nun? Si Byron? Ayoko ng Eli-byu! Naasiwa ako dun!" Tapos naisip ko yung timongoloid kaso... "At wag na wag mo akong tatawaging TIMONGOLOID!!! Gagawin kitang timAngoloid!!!"




"Uy ang cute nun!!!"




"Bangas gusto mo? Gasgas na yun!!! Mag-isip pa tayo ng iba!!!"




"Akala mo ganun kadaling mag-isip! Hay!!! Eli at Sam na nga lang!" I quit!!! Mahirap gayahin sina Riley at Ishy sa 'Boo' nila!!!




"Ang bugal mo din noh! Pasuggest-suggest pa!"




"At least hindi ako junanax na tulad mo! Tamad mag-isip!"




Teka... anong ka-alienan na naman ba ang nasasabi namin? "Anong sabi mo?Bugal?" Ano yun?




"Ewan, nasabi ko lang. Eh ano yung junanax?" Aba malay ko rin! May naririnig lang akong ganung term eh.




Okay... napaka-random ng pag-iisip namin! Pero natawa na lang kami... Bugal and junanax... why not?





"Bugal! Anong nakakatawa ha!"




"Natatawa ako eh. Ang junanax mo kasi!" Okay... at doon po nagsimula ang isang Alien loveteam! Ahahaha!!!






♪┗ (´∇`) ┓♪┏( ¬¬)┛♪

End of Chapter 27








1 comment:

  1. inulit kong bsahin d2 sa blog mo ate, kilig kilig tlga!!!!!!!!

    bugal and junanax, ang kulit!!!!! hahahahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^