Thursday, December 22, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 24

CHAPTER 24
(SAMIRA ALMIREZ POV)







Kahit hindi na ako nakatulog pa ng matino, kinailangan kong gumising ng maaga. Sabado ngayon, at dahil sa dakila kong position bilang cook, kailangan ko nang magluto.




"Oh..." Si... Si Eli! Nandito siya sa kusina at nagluluto siya ng scrambled egg! Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi!




*boom badoom boom boom*




Syeteng kanta yan ng puso ko! Nai-LSS ako! "Tamang-tama gising ka na. Mag-agahan na tayo." Ay oo nga pala, dahil sa mga sugat ko na hindi pa ganun kagaling, kaya skip muna ako sa mga gawaing bahay! Ano ba naman yan! Nasanay na yata akong maging katulong! "Kain ka na."





"Babalik na lang akong matulog." Tinalikuran ko siya dahil asar pa rin ako sa ganti niya saakin kagabi! Galit pa rin ako dahil ninakaw niya yung first kiss ko!




"Nagagalit ka dahil sa ganti ko kagabi at dahil ninakaw ko ang first kiss mo."




"What? Binabasa mo iniisip ko?"




"Tsk! Wag kang inarte jan!" Hinili niya ako para maupo sa harap ng lamesa. "Kain! Pinaghirapan kong lutuin yan."




Bakit ganun? Bakit parang wala lang sa kanya yung nangyari kagabi! Akala ko ba mahal niya ako? Bakit parang wala lang?




"Iniisip mo na naman ba na bakit parang wala lang saakin yung nangyari kagabi? Maniwala ka sa sinabi kong gusto kita,  okay!"




Uwaahhh! Ang weird!!! Pangalawang beses na niyang binabasa ang isipan ko! Edward Cullen ikaw ba yan?




"Nawi-weirduhan ka na noh? Pangalawang beses ko nang binabasa ang iniisip mo. Parang si Edward Cullen lang eh noh."




"Waaaaaaaaahhhh!!!" Anong powers ang meron si Eli ngayon!!!




.




.




.




"Sam! Sam!" Napadilat ako bigla. "Uy binabangungot ka!"




Panaginip lang yun? Teka nga... try mong basahin ang iniisip ko ngayon Eli.




"Uy Sam! Ano bang problema?"




"Ha... teka... hindi mo na binabasa ang iniisip ko?"




"Adik ka ba? Paano ko babasahin kung anong nasa utak mo?"




"Ah wa... wala naman..." Teka... galit nga pala ako kay Eli dahil sa ginawa niya saakin kagabi! Dinalaw pa niya ako sa dreamland ko kaya dobleng asar ko sa kanya ngayon!




"Ngayong gising ka na, tara na sa baba at mag-almusal na tayo."




"Hindi. Ayokong kumain. Matutulog na lang ulit ako." Wag mong pansinin si Eli! Malaki atraso sayo ng lalaking yan!




"Ayaw mo ha." Bigla na lang akong dinamba ni Eli sa kama ko. Syett anong eksena 'to! "Nagtatampo ka pa! Pareho naman tayo ng nararamdam sa isa't isa! Alam mo ang tagal ko nang nagpipigil eh, pero ngayong alam ko na na gusto mo ako..."




"Teka Eli wag... bata pa ako! Mahal nga kita pero... wag!!!"




"Hahahaha!!!" Naghubad ng t-shirt sa harapan ko si Eli. Balak na yata akong rapin ni Eli!!!




"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!"




.




.




.





"Sam! Sam!" Napadilat ako bigla. "Uy binabangungot ka!"




Panaginip lang yun? Teka nga... makurot na nga ang sarili ko para makasiguradong hindi na 'to panaginip! "Aray!" Ayan gising na nga ako!




"Uy ano bang problema?"




"Ikaw! Ikaw ang problema! Kahit sa panaginip ko, ginugulo mo ako!"




"Ganun ka ka-apektado sa nangyari saatin kagabi?"






 ٩( ๏̯̃_๏)۶


(ELEAZER PASCUAL POV)



Babae lang ba ang may karapatang kiligin? Kahit naman sa gwapo kong ito at sa dami ng babaeng nagkakadarapa saakin, kinilig pa rin ako sa nangyari saamin ni Sam.




Pagkasabi pa lang niya na mahal niya ako, nahalikan ko siya. Reflex na yun ng lalaki pag gusto din siya sa babae! Amp! Ang korni ko! Hindi bagay!




Hindi nga ako nakatulog pagkatapos nun. Madaling araw na ako dinalaw ng antok at kung hindi pa nagsisigaw si Sam ngayong umaga, hindi pa ako magigising.




"Ikaw! Ikaw ang problema! Kahit sa panaginip ko, ginugulo mo ako!"




"Ganun ka ka-apektado sa nangyari saatin kagabi?" Umayos ka nga Eli! Syempre first kiss ni Sam yun! At tsaka, wala pang experience yan sa mga ganitong bagay eh. "Tumayo ka na nga jan at nang mahimasmasan ka!"




Hindi ko siya bibigyan ng karapatang magalit at magtampo! Ito na nga ang pagkakataon eh, sasayangin pa ba namin?




"Galit pa rin ako sayo Eli! Wag mo akong kausapin!"




"Sige mag-inarte ka, hahalikan kita ulit!"




"Manyak ka Eli! Lumayas ka nga!"




Tinulak niya ako palabas ng kwarto! Amp!!! Masyado ba akong mabilis? "HOY BABAE KA! Wala pang gumaganyan saakin ha! Lumabas ka na jan! Mag-usap tayo!"




"BAHALA KA SA BUHAY MO!!!"




Paano ko ba aamuhin ang babaeng 'to? Never ko pang ginagawa 'to sa tanang buhay ko! Ako na Idol ng lahat, nagwo-worry ng ganito dahil sa isang babae? Langya naman Eli!




Inabot na kami ng lunchtime, at hindi pa din lumalabas ng kwarto si Sam. Puchanggala naman! Paano kami magbabati? Tinawagan ko sina Waine at Argel para papuntahin sila dito. "Hoy nasaan kayo mga pre? Hindi ba kayo pupunta dito?"




"Idol..." Parang bangag lang ang boses ni Waine. "Hindi na muna... may hang-over pa kami."




"Ano?" Ganun katagal sila nakipag-inuman kasama ang SGG kahapon? "Wala kayong kwenta! Psshhh... Sige na ba-bye na!"




Hindi na ako mapakali... paano ko ba aayusin 'to. Paganahin mo yang matabang utak mo Eli! Mag-isip ka, dali!




*sigh*




Ano bang nangpapasaya kay Sam? Ako? Wag kang mahangin Eli, galit nga siya sayo eh. Mag-isip ka ng ibang way! Bumalik ako sa taas at naupo lang sa harap ng kwarto ni Sam. No choice ang kagwapuhan kong ito, hihintayin ko na lang siyang lumabas.




After two hours... she opened her door. Nagtitigan lang kami, kaya tumayo na ako. Pagsasaraduhan niya ulit sana ako ng pintuan pero hinarang ko yung kamay ko. ANAK NG HINAYUPAK!!! Naipit yung kamay ko!




"Argghhhh!!!" Namumula yung kamay ko! Ang sakit nun men!




"OMG!!! Sorry!!! Ikaw kasi eh!" At dahil jan...




"Sorry na din kasi. Hindi naman kita hahalikan kung hindi mo ako gusto eh." Sinimangutan niya ako. "Oh... hindi joke 'tong pagka-ipit ng kamay ko. Masakit talaga 'to Sam."




Natawa siya bigla kasi ang seryoso ng mukha ko. Napahiya pa ako! "Tara na sa baba!" Yown oh! Papansinin na ako nito! Akala mo makakawala ka pa saakin ha!




Naupo kami sa sofa, at dun niya nilagyan ng benda yung kamay ko. Dang it! Ang sweet! "Hindi ko na ulit gagawin yun, promise!"




Hindi siya sumagot. Kunyari pa 'to. Konting kiliti pa Eli. "Uy, tatawa na yan. Sige na Sam. Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh."




"Sige... ulitin mo muna in english version yung sinabi ni Sunmi!"




Tanggala!!! Nakakahiya naman yun! "Pwede bang ilibre na lang kita?"




"Bahala ka nga!"




Psshhh!!! "Ngayon lang 'to Sam! Ngayon lang ako papayag na ganituhin mo!!! *sigh* I'm in love with you." Pakingshet!!!! Nakakahiya!!! Gusto kong magpabugbog!!! "Oh yun lang yung meaning nung sinabi ni Sunmi sayo. Masaya ka na?"




Nag-smile lang siya saakin. "Teka nga pala... eh ano naman yung meaning nung sinabi saakin ni Sunmi? Ganun lang din ba yun? Na alam mo na, patay na patay ka saakin!"




"Wag kang feelingero jan Eli! Hindi ako patay na patay sayo ha!"




"Eh ano yun? Dali, sabihin mo na saakin!"




"Wag kang tatawa ha! Sinabi lang 'to ni Sunmi, pero wala talaga akong sinabing ganito sa kanya!" Pa-suspense naman 'tong babaeng 'to! Hindi na lang agad sabihin! "Qitrix si Sam, betsive fatale ka nyawang majing bowawits... meaning... Itong si Sam, sobrang gusto ka niyang maging... um..."




"Maging ano?" Dali na!!! Anak ng! Na-eexcite na ako ha!




"Boyfriend." Nahiya siya saakin bigla at nagtakip ng mukha sa harapan ko. "Sinabi lang yun ni Sunmi, promise! Wala akong kinalaman dun Eli!"




Natigil din ako. "Gusto mo akong maging boyfriend?" Weh... never kong in-expect na magkaroon ng ganitong klaseng kwento ang buhay ko. Na magkakagusto ako ng ganito sa isang babae.




And to think na sa step-auntie ko pa. Hindi ko naman siya kadugo, at wala namin din akong pakelam kahit one year ang tanda niya saakin. Basta ang alam ko...




"Gusto din kitang maging girlfriend ko." Natulala siya saakin. Seryoso naman ako eh. Gusto ko talaga siyang maging girlfriend. Na magbago na yung relasyon sa pagitan namin. "Tayo na ba?"




"Ha?" Hindi niya alam ang ire-react niya! Parang ewan lang! pero pagbibigyan ko siyang maging ganito ka-ewan ngayon! First time niya namin kasi! Kung sakali, ako si Eleazer Pascual ang magiging first boyfriend ni Samira Almirez. "Teka... hindi ka pa ba muna manliligaw man lang?"




Anak ng! "Sam naman!!!" Biglang gumuho yung imagination kong kami na! "Hindi ako marunong manligaw! Tayo na lang agad, pwede?"




^( •ิ ω )^

(SAMIRA ALMIREZ POV)






Kinikilig ako. Pero ang duga naman!!! Dapat manligaw pa rin saakin si Eli! Hindi ako papayag na ang first relationship ko ay ganito lang kadali! Na kami na agad! Gusto kong maranasan na maligawan ng lalaki! Na maligawan ni Eli! "Manligaw ka naman Eli! Kahit magpaturo ka kina Argel at Waine!"




"Tatagal pa yun eh! Tayo na kasi!" 




"Ano 'to sapilitan! Manligaw ka muna saakin! Saka ko pag-iisipan!"




"Langya naman!!! Pahihirapan mo pa ako eh! Paano kung hindi mo ako sagutin sa bandang huli! Nag 'i-love-you-han' na tayo, nag-kiss na at magkasama pa sa loob ng bahay, magpapaligaw ka pa ba?"




Nakakaasar naman 'tong si Eli! Seryosos ba talaga siya saakin? "Ah basta! Sabi nila mas sweet daw kapag nanliligaw daw yung lalaki."




"Sweet lang? Magiging sweet naman ako sayo pag tayo na!"




"Ngayon pa nga lang nakikipagtalo ka na saakin dahil ayaw mong manligaw! Tapos sinasabi mong magiging sweet ka!"




"Hoy Sam! Wag mong minamaliit ang kagwapuhan ko at kakayanan kong magpakilig ng babae! Baka mamaya, maumay ka sa ka-sweetan ko!"




"Then show me! Manligaw ka muna!"




"Hindi nga ako marunong!" Nagkamot ng ulo si Eli. Nag-aalburuto na siya. "Anong gusto mo? mag-research pa ako kung paano manligaw?"




"Alam mo magandang idea yan! Wala din kasi akong alam sa ligawan na yan eh! I-google natin dali!"




Para lang kaming ewan pero sumunod naman siya. Nandun kami sa kwarto niya, dahil may computer at net siya.




Ni-type niya yung, 'How to court a girl.' At ito ang ilan sa mga nakita namin:




"Show your interest on her. Act cool. Be her ideal type. Be caring and sensitive.  Dress nicely. Make her laugh. Break the ice. Exert self-control. Save her from troubles. Show her appreciation. Sweep her off her feet!" Inisa-isa ni Eli yun. "Oh nagawa ko naman na pala lahat 'to eh! Sabihin mong hindi!"




"Ano yun? So noon pa lang panliligaw na pala yun?"




"Siguro... oh google na nagsabi niyan!" Naisahan ako ng mokong na 'to! "Dapat nga siguro, noon pa, tayo na eh."




"Pshhh... kalokohan na 'to!" Parang pinapaikot na lang ako ng lalaking 'to eh!




Maya-maya, may ni-type ulit siya, 'Things to do with your boyfriend and girlfriend.' At ito ulit ang mga bagay na binigyan niya talaga ng emphasis!




"Listen to music together. Hold hands. Cook for each other. Go on a date. Say 'I love you' to each other. Walk together. Spend your time together. Look into each others eyes more often. Flirt with each other! Laugh at each other! Tease each other! Sing to him or her. Carry your girlfriend to bed. Stay up all night to look after her/him. ANd LOVE EACH OTHER!" And so on! Blah! Blah!




Tinignan niya ako. Yung nakakalokong tingin! "Alin pa ba sa mga bagay na yun ang hindi natin ginagawa ha?"




"Hoy... Eli! Marami pa dun ang hindi natin ginagawa ha!"




"Oh baka... hindi PA natin ginagawa."




"Eli ang manyak mo!" Aalis na sana ako sa kwarto niya, dahil nga hindi ko na yata mapipigilan pa ang pagba-blush ng mukha ko! Sobrang bilis pa ng ginagawang tibok ng puso ko!




Kaso hinawakan niya yung braso ko, para harapin ko yung mukha niya. Hahalikan ba niya ako ulit? Napapikit lang ako. Hindi pa ako handa sa ganito, Eli!!! Kinakabahan ako!




Kaso tinawanan niya ako at kinurot lang ang dalawang pisngi ko. Medyo nakahinga ako ng malalim. "Sam... wag mo na akong pahirapan. Matagal ko na din 'tong hinihintay."




"Pero Eli..."




"Hindi kita mahahawakan ng ganito kapag hindi mo pa ako sinagot. Hindi kita mahahalikan! Wala pa akong karapatan magselos hangga't hindi tayo! At higit sa lahat, hindi ko pa rin masasabing masaya ako." Ang warm ng pagkakasabi ni Eli. "I really want you to be my girlfriend, Sam. So please let me be your boyfriend."



Pwede bang pag-isipan ko muna... Uwaaahhhh... Kinakapos na ako ng hininga.




"I want you to answer me now Sam. Hindi ako makakatulog nito eh. Baka magkasakit pa ako kakaisip sayo!"




Binablackmail na niya ako. Pero ito na yun eh. Ito na yung sweetness na hinahanap ko. So I look straight at him, then I nodded.




"Anong..." Ginaya niya yung movement ko. "Takte... um-oo ka naman!"




"Oo na nga!"




"Hindi ka ba napipilitan niyan?"




"Ano ba, oo na nga diba! Gusto mong bawiin ko pa?"




"Sinigurado ko lang." Ngitian niya ako sabay yakap saakin. For the first time, nafi-feel ko na ang yakap ng isang boyfriend.




Si... si Eli... officially kami na ba? Wag ka nang magtanong Sam! Kayo na!!! I mean, KAMI NA!!!




Pero teka... "Pero Eli... wag na muna nating ipaalam sa kanila ha."




"BAKIT!?"




"Hindi mo ba naisip, na pag nalaman na nila mama mo at kuya ko... alam mo na... baka hindi sila pumayag dahil nga... auntie mo ako at nephew-in-law kita." Ayokong i-spoil ang moment namin, pero isa kasi yun sa mga bagay na gumugulo sa isip ko kaya sobrang complicated ng bagay na 'to sa pagitan namin ni Eli!




"TSK! Hindi naman tayo magkadugo eh... pero sige, kung yun ang gusto mo, yun ang gawin natin."




"Ibig sabihin nun, pati sina Waine, Argel at Byron, hindi muna natin pagsasabihan ha!"




"HA? ANO YUN? SECRET ON TAYO?"




"Mabuti na yun, kesa hindi. Diba?"




"Ikaw ha! Ginagawa mo na akong under agad sayo!" Tinignan ko lang siya, at alam ko naman na iniisip niyang tama ako. "Hay! Oh sige-sige!!! But I got my eyes on you beybe! Hindi porket tayong dalawa lang ang makakaalam nito, hindi ibig sabihin nun na free ka! Ayos-ayusin mo lang yang pagiging lapitin mo ng gulo at lalaki ha!"




"Teka... ikaw nga 'tong lapitin ng babae eh."




"Hindi ka naman selosa!"




I laughed at him... and he laugh at me too. Tapos dahan-dahan niyang inilapit ulit yung mukha niya sa mukha ko. Kiss! Ohmygawd!!! Kiss ito!!! "Gawa ka ng merienda! Hindi tayo nakapag-lunch eh."




Hehe!!! Akala ko ano na! Pero at least kami na! Eek!




(♥--) ☜♡☞  (♥)



End of Chapter 24









5 comments:

  1. hEheheheheh...kiLig nmAn akO duN sObrA...
    ANg gAndAng gift nitO dis xmAs..saLamAt sis....

    ReplyDelete
  2. @shijukirose...

    syou're welcome sis, at salamat naman din! nakakatuwa talaga kasi dun sa PF at pati d2, nagko-comment ka... kilig much talaga sis! ;D

    ReplyDelete
  3. spreadTheLove:
    aaaaaaahhhhh

    kinikilig akoooooo :D

    ReplyDelete
  4. KAMATIS NA ATA AKO SA SOBRANG PULA KO! Spell KILIG..AKO!!! HAHAH

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^