Thursday, December 15, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 22

CHAPTER 22
(ELEAZER PASCUAL POV)





Umakyat ako sa kwarto ni Sam, at may dala akong pain-killer. Three days na siyang hindi pumapasok, sobrang sakit pa rin kasi ng katawan niya.




Nakaupo lang siya sa kama, at ako ng naga-apply ng ointment sa mga sugat niya. "Sweet naman talaga ni Eli!"




"Tumahimik ka nga jan! Dagdagan ko sugat mo eh!"




Nag-pout siya. "Talikod!" At tumalikod naman siya, nahihiya nga akong itaas yung damit niya. Pero kailangan ko ding lagyan ng gamot yung sugat niya sa likod. Tatlong araw ko na 'tong ginagawa, pero nanginginig pa rin yung daliri ko sa tuwing nadidikit sa balat ni Sam.





"Bukas, kaya ko nang pumasok?"




"Ah... sige..."




"Thank you Eli ha." Nagte-thank you pero hindi naman makatingin saakin!





"Utang 'to Sam! Ang haba na ng listahan mo."




"Pssh! Oo na! Lagi mong sinasabi yan."




"Tapos na! Pahinga ka na ulit." Tumayo na ako pero bago pa ako lumabas ng kwarto niya. "Lalo pang lalaki ang utang mo saakin Sam."




"Ha? Bakit?"




"Basta! Nyt!" Pinatay ko na ang ilaw, at sinarado na ang pinto ng kwarto niya. 






Bumaba na ako papuntang living room, at nandun sina Waine at Argel. "Natutulog na siya?"




"Oo."




"Hay... iniisip ko pa lang kung gaano nasasaktan si Sam, nasasaktan din ako."




"Alam ko... alam ko..."




"Idol... may balita na din pala... kilala na namin kung sino ang mga yun. Tatlong lalaki, from West daw."




"Sabihin mo lang Idol, ready na ang SGG."




I grinned. "Sige... bukas. Sabihan niyo silang bukas na tayo kikilos."




Nag-apir sina Waine at Argel. "YOWN!!!" Excited na sila! Minsan ko lang kasi pakilusin ang SGG. Humanda ang tatlong mokong na yun!








*     *     *



(SAMIRA ALMIREZ POV)




"Jojombagin ko talaga ang mga yun beb!"




"Haha." Hindi maka-get over si Byron nung makita niya akong ang daming sugat sa katawan at maikwento ko sa kanya yung nangyari saakin. Uwian na din naman.




"Hatid na kita beb."




"Ako na maghahatid sa kanya."




"Eli??? Eli-byu?" Anong ginagawa ni Eli dito sa gate ng university namin.




"Kamusta naman siya? Dumaing ba ng sakit?" Kinuha ni Eli yung mga gamit ko habang kausap niya si Byron.




"Kyeme lang Eli-byu! Zirowena namang na-say! Witchikels namang najirapan si beb! (Okay lang naman Eli. Wala namn siyang dinaing. Wala naman daw sumakit.)"




"Good... salamat Byron ha. Tara na Sam!" Sumunod na ako kay Eli. Ngayon lang niya ako ihahatid pauwi ha!





 m('-...-)m





Buhat ni Eli ang bag ko, at yung iba ko pang mga gamit. Feeling ko tuloy boyfriend ko siya na kasabay ko ngayong maglakad. Ayiiiiiiehhh!!! Kaso...




"Bakit dito tayo dumaan Eli? Mapapalayo tayo."




Wala siyang imik. Sa paglalakad namin, bigla akong natigilan. Nag-froze lang ang katawan ko sa kaba at takot. Yung tatlong nambugbog saakin, makakasalubong namin!!! May isa pa silang kasamahan ngayon! "Eli! Wag na tayong dumaan dito!"




Lumingon siya saakin, and he offered his hand. "Tara Sam... ako kasama mo. Wag kang matakot." Ano bang sinasabi ni Eli? Hindi ko maintindihan! Pero magkahawak-kamay na kaming naglalakad kaya lalo akong pinagpawisan.




Nang makalapit na kami sa mga demonyong nagpahirap saakin, biglang nagsalita si Eli... "Sino sa inyo yung tatlong nanakit sa kanya?"




Napatingin yung mga nakakatakot na lalaki! Paano nalaman ni Eli na nasa kanila yung nambugbog saakin?




"Aba! Ikaw na namang babae ka? Sino naman yang kasama mo?"




"Nagdala ng boyfriend! Hahaha!!! Gagantihan yata tayo!"




"Hoy ungas! Wala kami sa mood ha! Lumayas kayo ng girlfriend mo sa harapan namin!"




Girlfriend daw ako oh! Napakapit ako kay Eli. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya sila nilapitan? "Kayong tatlo ba yung nanakit sa kanya?"




"KAMI NGA! GUSTO MO PATI IKAW MASAKTAN?"




Ang seryoso ng mukha ni Eli. Tapos tumingin pa siya dun sa isa pa nilang kasamahan. "Oh ikaw, wag kang e-epal dito ha! Tumakbo ka na lang!"




Sinagot naman siya nito, "Aba't ang yabang mong maangas ka ha!"




"Eli, tara na!!! Sasaktan ka nila."




Pagkasabi ko nun, napatitig ako sa maamong mukha ni Eli. Hinawakan niya yung braso ko at dahan-dahan niya akong tinulak palayo. "Sam... dito ka lang sa likod ko. Panoorin mo lang ako."




"Ha?"




"Basta... igaganti kita." Nginitian niya ako sabay kindat. ANG GWAPO MO ELI!!! Kaso anong kalokohan 'tong binabalak mo?




Biglang nagbago yung expression ng mukha ni Eli nang magsimula nang sumugod yung mga lalaking pangit! Napapikit ako, at nanginginig. Anong gagawin ko? Masasaktan si Eli? AYOKONG MAY MANGYARI SA KANYA... masasaktan si Eli...






*suntok... tadyak... ilag... sipa... suntok ulit... away... bugbog!*






Ang hirap i-explain nung sound effects. Pero nakakatakot pakinggan. Sino kayang dehado? Nako po! Wag naman po sanang mabugbog si Eli!!!




"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!" Tumakbo na palayo yung isang epal na kasama nila. At yung tatlong kumag na nambugbog saakin, nakahandusay na sa lupa.




At samantalang si Eli, nakatayo lang, parang hindi man lang pinagpawisan!!! Napabagsak niya sa isang iglap yung mga dambuhalang demonyo!!!




"G@g* ka ha!!!"




Tumayo sila ulit at humawak ng mga pamalong kahoy. Kaso madali lang lahat yun naiwasan ni Eli. Alam ko namang black belter siya sa taekwondo, pero ganito pala siya kagaling!!! Parang lumilipad sa hangin kapag naninipa!




BUMAGSAK ULIT YUNG TATLO! At ito lang ang napansin ko, hindi si Eli ang sumusugod! At saka lang sila nilalabanan ni Eli, kapag pasugod na sila.




"Mga noob pala kayo eh! Kaya pa?"




Gaganti pa sana yung isa, natawa lang ako, nung kinotongan lang siya ni Eli. Pag sumugod pa sila, lalong sakit lang ng katawan ang aabutin nila kay Eli!




TKO silang lahat ! Saka na ako nakalapit sa kanya. "Eli..."




Paglapit ko pa lang, nagbago na naman yung expression niya. Yang ngiting yan Eli, nakaka-knockout! "Oh, wala nang pwedeng manakit sayo ha."




Napatango na lang ako. I felt safe, especially when he patted my head. Nakatitig lang ako sa kanya, at ganun din siya saakin. At dahil sa moment na 'to, hindi namin na napansing tumayo ulit yung isa at sinugod kami.




Ako sana yung tatamaan ng kahoy, kaso naiwasan ko yun nang iharang ni Eli ang braso niya para hindi ako matamaan. "ELI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"




"Sh*tface ka ha!" Lumapit si Eli sa kanya, at saka niya tuluyang pinatulog yung lalaki by punching his face and stomach.




"Urghhh."




"Okay ka lang?" Nakuha pang magtanong! Samantalang yung braso niya yung napuruhan! "Okay lang 'to, wag kang mag-alala." Sabi niya habang ini-stretch ang braso niyang napalo kanina nung kahoy.




Napayakap na lang ako sa kanya. Sorry Eli, I did this to you. "Tara na Eli... alis na tayo dito. Okay na ako... nakaganti ka na din." Please... ayoko nang masaktan pa siya.




"Ha... sabi mo eh." He agreed to me, at saka lang ako nakahinga ng maayos.




.




.




.




.




Lalakad na sana kami, kaso hindi pa pala tapos yung gulo. Bumalik yung tumakbong kasamahan nila kanina, at may kasama na siya.




Napakarami nila, higit sampu pero hindi lalagpas bente.




"HOY!!! Ikaw ba ang may gawa nito sa mga kasamahan namin?"




Hinawi ako ni Eli para mapunta ako sa likod niya. Ang dami nila... kakayanin kaya ni Eli 'to? Lalo pa ngayong napuruhan siya sa braso.




"Kupal ka ha! Mga taga-West kaming binangga mo!"




"Eli, tumakbo na tayo... tara na..." Naiiyak na ako.




"Akong bahala sayo Sam... wag kang matakot." Natatakot ako para saaming dalawa. Pero pinunasan niya yung namumuong luha sa mata ko...




"Magtitiwala ako sayo Eli, pero please, ayoko lang na masaktan ka."





٩(TT)۶



(ELEAZER PASCUAL POV)






Sa lakas kong 'to, wala pa rin ba siyang tiwala sa kakayanan ko? "Magtitiwala ako sayo Eli, pero please, ayoko lang na masaktan ka."




"Syet! Ang cute mo!" Yan tuloy, sa ganito kaseryosong bagay, nasabi ko yun. Um-ewan tuloy yung reaction niya lalo!




"Ha?"




"Wala..." Seryoso na nga! "Buong West na ba kayo?"




Ang yayabang ng mga pagmumukha ng mga taga-West na 'to!. "Tamang-tama! Dinala ko din yung buong South!" Tapos sumenyas na ako. "Waine, Argel!!!"




"Idol!!!"




"Akala ko hindi mo na kami tatawagin eh."




Nagsilabasan na sina Waine at Argel, kasama ang pinakamalaking gang sa lugar na 'to. Ang SGG o South Grisham Gang. At syempre, ako na idol ng lahat, ang leader nila.




"S... south? South Grisham? Ka... kayo yun?"




"Oh kalma lang! West versus South na ba 'to? Dali, kayo na una sumugod!"




"Partida pa yan hah! Hindi kami kumpleto, hindi ko na pinasama yung iba!" Angas din nina Waine at Argel. Hwahaha!!! Pero kulang pa nga din, lagpas isang-daan kaya kami!




Gulat na gulat din si Sam. Uy lalo siyang napayakap saakin nung lumabas yung grupo ko! Haha! "Sam... kasamahan ko lang yang mga yan."




"May gang ka din?"




"Parang ganun na din... mga solid South Grisham students yang mga yan. Ako leader, hehe!" Yabang ko! Tapos inutusan ko na yung mga ka-gang ko. "Oh mga bata, kayo na bahala sa mga taga-West na yan ha."




"Kaming nang bahala, Idol!" Sabi nung isa kong taga-sunod.




Syempre, sa takot ng mga taga-West dahil nakabunggo pala nila ang pinakamalaki at pinaka-sikat na South Grisham Gang, nabahag na ang mga buntot! Hwahahahahaha!!!




"Ikaw ba yung sikat na si Idol? Sorry po! Sorry po!" Nag-bow yung mga taga-West at tinawanan lang namin. Kilala din talaga ako ng lahat bilang Idol! Tapos binatukan nila yung tatlo nilang ka-gang na nanakit kay Sam. "MAG-SORRY KAYO!!!"




"Sorry po. Sorry po. Sorry po!"




"Bakit saakin kayo nagso-sorry? Sa babaeng ito kayo mag-sorry!"




Tapos nagsiluhod na sila kay Sam. Hindi naman alam ni Sam yung gagawin niya, pero bakit ang cute-cute niya ngayon sa paningin ko! "O... okay na... pinapatawad ko na kayo."




"Sorry po... hindi namin alam na boyfriend mo pala si Idol." Nakiki-Idol na din!




"Ahem... hindi ko pa siya girlfriend." AY MALI!!! TINGEENA NAMAN ELI!!! Hindi mo siya girlfriend!!! HINDI yung hindi mo PA siya girlfriend!!! Anak ng!!! "Oh sige, lumayas na kayo sa harapan namin!!!"




Kumaripas naman sa pagtakbo ang buong West! Hahahahahaha!!!




"Sam... wala nang gagalaw sayo."




"Oo nga, Sam."




Aba't nalingat lang ako sandali, pumaparaan na naman sina Waine at Argel! At hindi lang sila, pati yung ibang SGG, kinakausap na siya!




"Haha... tinakot niyo ako. Pero salamat sa paglabas niyo ha." Tuwang-tuwa naman ang babae dahil pinalibutan siya ng mga lalaki!!!




"Oh tama na yan!" Inabutan ko ng pera sina Waine at Argel. "Kayo na manlibre sa SGG ha. Mag-celebrate kayo!"




"Hindi ka sasama Idol?"




"Hindi na mga pare, hahatid ko pa 'to!" Hinablot ko yung damit ni Sam at nang matauhan. "Babye na!"




Pero bago pa kami umalis, nagbow muna yung SGG kay Sam. "Next time na lang ulit Idol Sam."




"Ahahaha... ang ku-cute niyo!"




"Wag kang ngumiti-ngiti jan! Tara na!" Pinagku-kwento na yata nina Waine at Argel kung sino si Sam sa buhay namin ngayon! Pati siya, tinatawag nang Idol Sam ng buong SGG.




Naglalakad na kami pauwi, at nakarating na agad sa bahay. Pinagbuksan na kami ng gate ni Rinoa, at pumasok na sa loob ng bahay. Ibinaba ko na yung mga gamit ni Sam at tahimik lang kami pareho.




Paglingon ko, nakatayo lang si Sam sa likod ko. Ano ba yan, kakaiba na namang 'tong naiisip ko! Pakshet ka Eli, anong problema mo? "Um... kulang na lang iharang mo yang buhok mo sa mukha mo. Pwedeng-pwede ka nang Sadako."




Hindi siya natawa sa sinabi ko. Okay lang, hindi naman joke yun. "Uy, bakit ba nakatingin ka lang jan? Ma-stroke ka niyan!"




Biglang tumulo yung luha niya. ANO NAMANG GINAWA KO! Pina-iyak ko na naman ba siya? "Uy Sam, may masakit ba sayo?"




Tapos... ano... um...




*inhale... inhale... inhale... inhale...*




Mag-exhale ka Eli! Ano ba!!!




"Salamat Eli..." Bulong niya saakin habang nakayakap!!!




NAKAYAKAP SIYA SAAKIN!!! Langya!!! How could she do this to me!!! Hindi ako makahinga!!!





(❤ ¬_¬)



End of Chapter 22









2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^