Monday, November 28, 2011

My Nephew-in-Law : Special Chapter 2





Naalala niyo yung inasikaso ni Sam ang may sakit na si Eli? Na sa sobrang pag-aalala niya at para mabantayan ang pamangkin niya, mas pinili niyang matulog sa sahig ng kwarto ni Eli. (Please refer to Chapter 10)



Narito po ang natatagong kwento ng scene na yun.






Samira's Dream




Naligo na ako at nagpatuyo na rin sa sarili ko. Pagkatapos nun, dinalaw ko na ulit si Eli sa kwarto niya. Natutulog na siya kaso medyo basa pa rin ang buhok niya. Ang tigas ng ulo!!! Pero kesa naman sa gisingin ko pa siya, pinabayaan ko na lang din siyang magpahinga.



Alam ko na din pala kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko... kasi nga natakot ako sa nakita kong bugbugan kanina. Yun nga yun... yun siguro yun!



2:30 AM na, medyo bumaba na ang lagnat niya. Nilagyan ko ng cooler patch ang noo niya para mabawasan yung init sa katawan niya.


Tapos napatingin ako sa mukha niya...




*dugdug*




Ke-gwapong bata talaga nito ni Eli! At dahil talagang mahirap iwasan na hindi siya titigan, kinabisado ko ang bawat anggulo ng mukha niya.



May maliit siyang nunal sa pisngi, pa-heart shape yung labi niya, mahahaba ang mga pilik- mata, ang tangos ng ilong at ang ganda ng tabas ng kilay niya. Ang duga ni Lord, bakit ang perpekto ng mukha niya!




*hikab*




Uwaahhh! 4 AM na! Ganun katagal ko siyang tinitigan! Naglatag ako ng kumot sa sahig at kumuha ng unan saka ako nagpahinga. Pero tumtakbo pa rin sa isip ko yung anatomy ng mukha ni Eli.



"Matulog ka na nga Sam! Kung anu-ano pa iniisip mo!" - (>..<)



.



.



.


.



.



.



.


"Hoy Sam! Gising ka na!"


Umaga na agad? "Hmmmm..." Parang boses ni Eli yun ha, pero hindi ako sure. "E... Eli? Gising ka na?"


"Hindi Sam..." Tapos may sinabi siyang hindi ko naintindihan kaya nag-okay na lang ako. Tapos idinilat kong mabuti yung mata ko.


Ohmygawd! Nasa dreamland na ba ako? Ang weird nung lalaking katabi ko ngayon sa kamang napalilibutan ng pink rose petals! "Hey sweetie... gumising ka na... or else I will kiss you."


Sweetie!!! Teka... hindi ko maaninag masyado ang mukha niya, pero alam kong gwapo siya! At ang gwapo ng boses niya, kaboses nga ni Eli! Hihi!!!


"Okay... go ahead hubby ko." Feel na feel ko! Hahaha!!! Ayoko nang magising sa panaginip na 'to!


"You want me to kiss you? Now? For real?"


I just nodded. This will be my first kiss! At sa panaginip pa! Pero at least malalaman ko na yung feeling kahit papaano. Then I closed my eyes.


"Sweetie? Honey? Are you still there?"


"Sige na... you can kiss me honey!" I waited for him to kiss me, but when I opened my eyes, nawala na yung lalaki. Nasaan na yun?


Sayang hindi natuloy! Sure pa naman akong gwapo siya!


Then I stood up, and when I opened the door, nasa beach daw ako. At pagtingin ko sa suot ko, naka-bikini na ako!



Uwaah!!! The best talaga sa dreamland!!! Makakapag-bakasyon pa ako oh!


"Sam!!! Dito tayo!!!"


Lumapit ako. Sina Argel at Waine ang tumatawag saakin eh. Kasama din sila dito? Haha! Nakakatuwa naman, ka-close ko na talaga sila.


"Hi beb!"


"Byron!!! Eh?" - (? _ ?)


Pero paglingon ko kasi..."Bakit babae ka na badessa?"


"Syempre naman! Nag-transform na ako para maging BF ko na sina Wainey dear at Papa Arji!"



"Aba!!! Marunong ka na rin magsalita ng straight tagalog!"


Grabe! Nakaka-elibs na talaga dito! Tapos nagharutan na sina Byron, Waine at Argel sa dagat. Babae na talaga si Byron dahil may boobs siya at wala na yung *toot* niya! Ahahaha!!!


"Auntie Sam!" Paglingon ko, biglang nagliwanag yung paligid. Pati ba naman dito, ang lakas ng dating ni Eli?



"Tignan mo Eli oh, babae na si badessa!"



He just smiled at me, at nakatitig lang siya. Wag kang gumanyan Eli, kinikilig ako! "Alam mo, may lalaki kanina sa kwarto ko."


"What are you talking about? Sinong lalaki yun eh ako lang naman ang kasama mo sa kwarto."


"Ikaw yun? Kaya pala ka-boses mo!" Then he sat closer to me... "Teka!!! Kung ikaw yun!!! Eh di..."



"Shesssh... shut up Sam." Ipinatong niya yung index finger niya sa labi ko, then he slowly lowered down his head. Siya ba? Siya ba ang hubby ko? "If you talk too much, I'll stop you with my lips."





*dugdug*




"No... err... Auntie mo ako." Napalayo ako sa kanya. Anong iri-react ko?


"I don't care... 'coz you're mine..."  Then he grabbed me so he can held me tight... and so again, I closed my eyes... and...


.



.



.



.



.



.



*hikab*


6:30 AM pa lang!!! Ang aga pa... kaso...



Ano nga ulit yung napanaginipan ko? Ang naalala ko lang yung may hubby ako... at yung napurnada naming kissing scene! Ano yung mga sumunod?



Argh!!! Hindi ko maalala!!!



Yan ang hirap kapag gumigising ka agad eh! Nakakalimutan mo yung best parts!


Uwaaahhhhh!!!




END OF SPECIAL CHAPTER 2












6 comments:

  1. pers ulit!
    waaaahhhhh kakabitin otor!!!

    ~spreadtheLove

    ReplyDelete
  2. @spreadthelove... ahaha!!! uu nga nauna ka!!!

    nde ko pa 'to ipo-post sa PF eh... :))

    ReplyDelete
  3. lurv it!!! inunahan q na din cla sa PF! haha!!

    ReplyDelete
  4. @kpop... uu nga kase nauunahan ka nila sa PF eh...
    congrats sis!

    ReplyDelete
  5. ay haha pers talaga kaming nakabasa nito otor..

    nalungkot naman na ako.. magiging busy kasi ako this week and next week so hindi po muna siguro ako makakavisit. :(

    pero swear babawi po ako otor.. :)

    ReplyDelete
  6. @spreadthelove... naku mamimiss kita...

    pero okay lang yun, unahin mo muna yung mga gagawin mo... ^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^