Tuesday, November 29, 2011

Riot Love Game : Chapter 4

CHAPTER 4
(REGINE POV)



RICHELLE: Nanaginip ba ako sis? Si Rye!!! Si Rye makakasama naten!!!


Teka anong oras na ba? 3:30 AM na pero hanggang ngayon, hindi pa rin natigil ang bibig ni Richelle. Pati tuloy ako, napupuyat!


REGINE: Bakla… tumigil ka na nga! (Half-awake ako niyan!)


RICHELLE: Arte!!! Pero anyway sis, sinasabi ko sa’yo, yung Rayce mo na yun, dapat palitan mo na! Hindi ka paliligayahin nun, sasaktan ka pa! Masyadong playboy! Kanina, pati ako nilalandi!


REGINE: (Bini-bwiset talaga ako ng babaeng ‘to! Kanina pa niya inu-open yang topic na yan! Nasisira tuloy beauty sleep ko!) First hindi ka niya nilandi, okay? Wag kang feeling! At kanina mo pa nilalait si Rayce ha! Alam mo bang sa tuwing nilalait mo siya, parang nilalait mo na rin ang sarili mo!


RICHELLE: Ha? (Hay naku! Reyna ng slowness!!!)


REGINE: Alright!!! This isn’t what I believe, this is what everyone believes! Si Rye, parang AKO daw… at si Rayce, ay parang IKAW naman!!! Mas clear na ba yun Richelle-tot?


RICHELLE: (Natahimik siya… hindi kami nag-aaway niyan ha. Mahinahon kong sinabi yan.) Kahit na Bru!!! I still don’t like that Rayce for you! Kapag ikaw sinaktan ng malanding yun, kahit magkasing landi pa kami, babasagin ko ang reproductive system niya!


REGINE: Pfffftttt… (Ang sweet din ng best friend ko noh, natawa tuloy ako dahil ang senti niya.) Sis… (Niyakap ko siya at nahiga kami pareho sa kama.) Don’t worry about me, okay? Ang isipin mo, yang lovelife mo. Matulog na din nga tayo, maaga pa tayo bukas dahil magpa-pack daw tayo sabi ni Rye mo.


RICHELLE: Ah basta…


Ah basta!!! Yan ang huli niyang sinabi nang tuluyan na kaming makatulog! Kinabukasan…


REGINE: Richelle!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (Kanina pa ako nagwawala, kaso na-mighty-bond na yata ang mga mata niya, kaya ayaw gumising!) Nakapagbihis na ako’t lahat-lahat, nahihilik ka pa rin jan!


RICHELLE: Hmmmm… (Nagtalukbong pa!!! Magpupuyat, tapos hindi gigising nang maaga! Buset naman Richelle!)


REGINE: Bahala ka nga jan. Mami-miss mo yung moment mo with Rye!!! (Akala ko magigising na siya sa sinabi ko… pero sabi nga niya nung 1st chapter pa lang, mas mahal niya ang tulog kesa kay Rye.) Richelle-tot!!! Walang sisihan kung hindi mo malandi si Rye ha!


Umalis na lang ako para pumunta na ng school. Opkors excited din ako dahil makakasama ko si Rayce ngayong umaga! Ahahaha!!! Mu-move forward na ako sa love-life ko sis! Tamad mo kasing gumising eh…


REGINE: Good morning! (Nandito ako ngayon sa room 312, since dito daw namin ia-ayos yung para sa activity namin.)


RYE: Oh? Princess Pin-up Babe… good morning.


REGINE: Sheeessssh! (Ayoko talaga sa nickname na yun! Bakit niya ginagamit yun.) My name’s not princess… anyway… (Lumingon-lingon ako pero may kulang talaga eh.) Nasaan si Rayce? Yung kakambal mo?


RYE: Tssss! Asa ka pa sa tamad na yun. Baka ngayon lang gumising yun. Mamaya pa yun makakapunta.


REGINE: What!!! (Potek naman!!! Sila Rayce at Richelle ba ang kambal? Pati sa katamaran gumising, pareho sila! Syetttt!!! Failure yung first step ko sa love-life)


RYE: How about your friend? Sexy Volley Belle? Where is she?


REGINE: Just like Rayce… tulog pa… mamaya pa makakapunta yun. (Bad trip naman oh! Rayce na naging Rye pa! Parang ginto na naging bato pa! Para saakin lang yun ha!)


RYE: Pfft… (Natawa siya bigla.) Naniniwala na talaga ako sa usap-usapan. Na may girl-version nga si Rayce sa katauhan ng kaibigan mo. Si Richelle yun, right? (Sabay ngiti.)


REGINE: (Uy!!! Bakit parang kakaiba yang ngiti niya… hindi kaya crush niya rin si Richelle. Tamang-tama, pasasalamatan ako ni Richelle-tot sa gagawin ko.) Well, pwedeng tama ka. But Richelle is more special than you imagine. Lalo na kapag nagmahal siya ng totoo! Maswerte ang lalaking mamahalin ng kaibigan ko na yun! How about you Rye, what do you think of her?


RYE: (Parang nag-blush siya. Confirm nga yata!) But your friend… balita ko rin marami siyang lalaki, diba? (Uy! Curious!)


REGINE: (Awts! Alam pala niyang playgirl din ang gagang yun! Isip Reg! Lusutan mo yan!) Of course not! Yung mga lalaking yun… ummm… saakin sila may gusto? (Well that’s true!!! Mostly!!! Kaso hindi nga nila ako malapitan dahil masungit daw ako!) At hindi malanding babae si Richelle! Slight lang! Pero stick-to-one yun!


RYE: Ahhh. Okay…


REGINE: So…


RYE: So?


REGINE: What do you think of her? Like… do you like her?


RYE: (Parang lalo siyang namula! Somehow, I understand him. Dahil kung totoo ngang male-version ko siya, mahihirapan siyang i-admit ang feelings niya. Just like me to Rayce.) Ummm… I… I think we should start working now. Later, pagalitan natin yung dalawang yun.


REGINE: (Gagawa ako ng paraan para mahuli kita Rye! Mapapatunayan kong crush mo nga si Richelle!!! Ayieeehhhh!!! I’m so happy for my friend.) Alam mo Rye… feeling ko magkakasundo tayo.


RYE: I think so too.


After two hours of packing and working non-stop, natapos na din yung kalahati… Pero ang dami pang dapat gawin! Nauuhaw pa ako, kaso ang sakit na ng paa ko kaka-ikot! Tinatamad na akong bumaba.


RYE: Tired?


REGINE: Yeah… super! And thirsty.


RYE: Ah sige… pahinga muna tayo. Bibili lang ako sa cafeteria ng maiinom naten.


REGINE: Really? Thanks!


RYE: No problem! (Tapos umalis na siya.)


Nasaan na ba si Rayce? Nakakalungkot naman, akala ko magkaka-moment na kami! Kaasar!


RICHELLE: Sorry I’m late!!!!!!


REGINE: Ay bruha ka!!! (Napatayo ako sa kinauupuan ko!) Anak ka ng nanay mo Richelle-tot!!! Bigla ka na lang sumusulpot!!!


RICHELLE: (Hindi lang ako pinansin at naghanap-hanap dun sa mga boxes) Si Rye ko? Nasaan na? Bakit ikaw lang mag-isa?


REGINE: Bakit tingin mo nagtatago siya jan sa mga supot at boxes?


RICHELLE: Nasaan nga!!!


REGINE: Bumaba sandali! Bumili ng maiinom! (Umupo na ulit ako at tumabi siya saakin.)


RICHELLE: Eh yung malanding Rayce? Nasaan na?


REGINE: Nagtaka ka pa? Katulad mo, late din gumising! Hindi ko pa sure kung papunta na yun dito! Haishhhh!


RICHELLE: Wait!!! So you mean… kayong dalawa lang ni Rye ang magkasama? (Parang umuusok na yung ilong niya sa selos. Pwede ba, ako papatol kay Rye? Hindi ko pinangarap noh!)


REGINE: Hoy wag kang mag-isip ng kung anu-ano jan! Kasalanan mo dahil hindi ka gumising ng maaga! At tsaka, ikaw lang naman yung pinag-uusapan namin kanina pa eh.


RICHELLE: Kilala kita Regine ha! Malaman-laman ko lang na sinusulot mo si Rye, mata mo lang ang walang latay!


REGINE: Bakit sis? Wala kang tiwala saakin?


RICHELLE: Sa landi mong yan? (SELOS NAMAN AGAD!)


REGINE: Or you mean sa ganda kong ‘to? Alam kong kaselos-selos talaga ako, pero hindi dapat! Ikaw lang ang pinag-usapan namin. And you know what I think… (Pa-bitin mode ako para kunyari ma-excite siya.)


RICHELLE: What? (Nanalaki naman ang mga mata niya.)


REGINE: I think Rye… has a crush on…


Hindi ko na natuloy kasi bumalik na agad si Rye! Ang bilis ha! Kabayo ba siya kung tumakbo?


RYE: Oh… you’re here.


RICHELLE: Yes! (Pa-cute pa! Nakow sis, mukhang alam ko na ang susunod na gagawin ni Rye.) Sorry I’m late.


RYE: You should really be sorry. Ang usapan, 8 AM. Anong oras na? Hindi naman pwedeng ako at si Regine lang ang gumawa ng lahat ng ‘to noh! You’re just like my stupid brother.


REGINE: (I knew it! Ang sungit! Kahit ako, kapag dumating mamaya si Rye, gagawin ko yun! Aba, kahit mahal ko siya, hindi ko palalampasin ang katamaran niya!) Anyway… (Nabwiset ako nung sinabi niyang stupid si Rayce! Mokong na ‘to!) Nandito na siya diba? Wag ka na ngang mainit ang ulo jan kunyari! Maraming matutulong yan! Magaling sa pagpa-pack ng gamit yan eh.


RICHELLE: Sorry… this won’t happen again. (Tapos nag-pout siya.)


Heto lang ang na-realize ko today! Richelle keeps ranting about why I fell for that playboy Rayce! Na super landi niya kahit lalaki siya! Tapos siya naman, na-in love sa cold-hearted na Rye na yun! Super serious, and ubod pa ng sungit! Anyway, kanya-kanya nga ng gusto yan!


RYE: Regine… here’s you’re drink.


REGINE: Ah… thanks! (WOW! Tamang-tama! Sobrang lamig! Uhaw na uhaw na ako!)


Kaso iinom na lang ako, nakatitig nanaman si Richelle saakin! Pati ba ‘tong tubig na ‘to, pagseselosan niya?


REGINE: Ah… Richelle, gusto mo?


RICHELLE: Hindi wag na! Hindi naman ako nauuhaw eh!


REGINE: Inarte pa! (Alam ko naman na gusto niya, lalo pa’t si Rye ang bumili nun) Oh sige na sis! Sa’yo na ‘to. (Tapos inabot ko na sa kanya.)


RICHELLE: (Twinkling eyes naman siya! Nakalimutan agad na pinagalitan siya ni Rye! Ahahahaha…) Thanks sis!


REGINE: (Sabi na eh! Timawa! Ahahahaha.) Anyway… alis muna ako sandali ha.


RICHELLE / RYE: Bakit?


REGINE: Uy sabay sila! (Maka-asar lang! Aalis ako para bigyan sila ng quality time together! Para ma-solo na at last ni Richelle ang Man of her dreams niya. Baka sabihin eh manhid ko naman.) Basta! Richelle, tulungan mo si Rye dun oh!


RICHELLE: Teka san ka ba pupunta? Kinakabahan ako…


REGINE: (Tapos binulungan ko siya.) Kinikilig kalang eh? Wag mong ipahalata! It’s your time to shine teh! Solohin mo yang si Rye, nang makabawi ka!


RICHELLE: (Lalong kinilig… sinabi nang wag ipahalata eh! Mahirap bang mag-behave?) Sige Regine-tot! Thank you. Hwahaha!


Lumabas na ako ng room, at no choice, kailangan kong bumaba sa cafeteria para bumuli ng inumin. Kaso…


REGINE: Shocks!!! Wala pala akong pera sa bulsa! Nandun yung wallet ko sa bag! Kaso… (Babalik pa ba ako sa room na yun? Baka magulo ko pa yung moment nila Richelle at Rye dun eh. Potek naman! No choice! Sa drinking fountain ako nito iinom!)



Dahan-dahan akong lumapit dun sa drinking fountain. At hindi sa nag-iinarte ako… sobrang maarte lang talaga ako! First time kong iinom sa drinking fountain! Ewwww!!! Hindi ko alam kung anong lasa nito, baka magkasakit pa ako kapag uminom ako dito!!!



REGINE: Kaso… uhaw na uhaw na talaga ako… pero nakakadiri talaga!!! Iinom? Titiisin ang uhaw? Iinom? Titiisin ang uhaw? Iinom? Titiisin ang uhaw?


RAYCE: What are you doing?


REGINE: Ahhhhhh? (Sakto pagsulpot niya, na-on ko na yung fountain kaya tumalsik tuloy yung tubig sa damit ko.) Gosh!!!!! Why would you do that!!!!


RAYCE: Ooops! (Napatingin siya sa basang-basa kong damit) I didn’t mean to. (Tapos nag-abot siya ng panyo saakin.)


REGINE: Thanks but no thanks!!!


Teka… si Rayce na ‘tong kausap mo Regine!!! Potek naman, I don’t know how to react! Umandar nanaman ang kasungitan ko!



RAYCE: Ang sungit mo naman! Ang ganda mo pa naman, gumaganyan ka.


REGINE: (Nakakataba ng puso! Ang sarap niyang halikan!) Hoy!!! Wag mong gamitin saakin yang pagiging playboy ha! Hindi tatalab saakin yan! (TANGENGOT KA REGINE! Anong bang kaululan yang sinasabi mo!)


RAYCE: Aisssh! You know what, you really remind me of Rye! Ang sungit niyo pareho, sobra kayong serious! Ang hirap niyong intindihin!


REGINE: (Ouch! No Rayce!!! Sorry!!! Hindi ko lang masabi yung totoong iniisip ko! Ang problema yung bibig ko! I just want you to know that I like you sooooo much!) Will you just get out of my face! Nakakairita ka! (Ahhhh… Great Reg!!! You just blew your chance with him!!! So stupid!!!)


RAYCE: Tsk! No wonder… ikaw nga ang girl version ni Rye!


REGINE: Ahh… (Ang totoo, matagal na kiatng gusto… Sorry nagulat lang ako kanina… I really like you Rayce…) Ang non-sense mo kausap! Late ka pa sa gawain natin ngayon! I hate guys like you! Leave me alone! (Huhuhuhuhu!!! Ano ba!!! Bakit hindi ko masabi yung iniisip ko! Bakit iba lumalabas sa bibig ko! Kapag si Richelle naman, nasasabi ko kung gaano ko kamahal si Rye.)


RAYCE: Hay! Tatanda kang NBSB pa rin nyan… Anyway, iinom ka ba? Jan sa drinking fountain?


REGINE: And why would you care?


RAYCE: ‘Coz I think na ang maarteng tulad mo, at katulad ng kakambal ko, hindi iinom sa mga public drinking fountains na katulad niyan! Who knows! Baka may bacteria pa kayong makuha sa pag-inom jan!


REGINE: Are you mocking me?


RAYCE: No… just teasing you… ang cute mo kasi eh.


REGINE: (Heartbeat overload! Syetttt!!! Cute daw ako!) I can drink at this thing, without a problem, you know!


RAYCE: Sige nga… I wanna see it.



Nakatitig lang siya saakin!!! At panonoorin pa niya akong uminom sa fountain na kinatatakutan ko sa lahat!!! Paano kung magbago ang itsura ko sa lasa nung tubig!!! Shatooonggggg naman!!!!


The slowly, dahan-dahan akong yumuko at inilapit ang bibig ko sa tubig. This is it… iinom na talaga ako… iinom na talaga… ako?



REGINE: I can’t do it! (Nakakahiya! Masama bang maging ganito ka-freak sa mga ini-intake ko? Katawan ko naman ‘to!)


RAYCE: Ahahahahahahahaha!!! You’re SO like my brother!!! Ang lame niyo! Look at how I do it. (Tapos uminom siya sa fountain… ewww…. Rayce… kahit ang gwapo mo… ewww…. But somehow…) See! Just try it! Walang mali sa mga drinking fountains! Masarap pa nga yung tubig eh.


REGINE: Really? (Then I tried it myself… one sip…) Hah? (Lagok… lagok…lagok…lagok… Hindi nga masama!!! Refreshing!!! Pareho lang halos yung lasa sa iniinom kong tubig eh.)


RAYCE: Told you… ang sarap noh… refreshing!!!


REGINE: (Para akong nag-blush! Pagkasabi kasi niya nun, parang nakakasilaw pa yung kagwapuhan niya!) Sheeessshhh… anyway… you should start working na din! Marami pang kailangang i-pack!


RAYCE: Don’t want to! Nakakatamad!


Nakow Richelle-tot!!! Heto na yung hinihintay kong moment namin eh... kaso fail ang attitude ko sa harap niya! Eh kayo kaya ni Rye? Ano na bang nangyayari sainyo jan? Wish ko lang hindi kami sobrang magka-ugali ni Rye na sungit-sungitan pero deep inside, kilig na kilig na!

And I really need help!!! Paano ba ako makakapag-confess kay Rayce kung hindi ko naman ma-express ang sarili ko nang maayos? Uwaaaahhhhhhhhh!!!



END OF CHAPTER 4

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^