Friday, November 11, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 7

CHAPTER 7
(SAMIRA ALMIREZ POV)





Ano na naman bang ginawa ko at nabad-trip itong si Eli? Sige na, aamin ko na ako na sobrang gwapo nga niya, super bango pa at walang babaeng hindi kikiligin sa kanya.


Kahit ako naman talaga natutuwa kapag naglalambing siya. Kaso, kakaibang landi yung pinakita niya nung nasa bookstore kami. Ewan, hindi ko siya maintindihan!




"Okay na ba yung project mo?" Nandito ako sa university at magkalampungan kami ni Byron ngayon, tutal wala namang tao sa paligid. Mabuti naman, nandito siya. Nakakalimutan ko si Eli!




"Oo. Two days nga lang, natapos ko na yun."




"Buti ka pa! Tulungan mo naman ako, beb! Sa Monday na yun diba?"




"Hmmmm... kiss muna!" Tinuro ko yung cheeks ko, at ni-kiss niya naman ako. "Sige na nga! Malakas ka saakin eh!"




"Thanks beb!" Nagtawanan kaming dalawa. Magkakilala na kami simula pa nung highschool at close kami na higit pa sa inaakala ng iba! As in! Because we're more than just friends.




"Uy kinilig naman ako dun! Gawa tayo sa bahay ng pamangkin ko ha!"




"Pamangkin? Okay!" Super excited na ako! Gusto ko kasing makilala na ni Eli si Byron! Ang one and only BF ko!







(ELEAZER PASCUAL POV)



"Tulala ka na naman Idol?"




"Nung Monday ka pa ganyan ah. Gusto mo tumambay muna sa bahay mamayang uwian?




"Ano ka ba Waine! Si Sam baka mag-alala! Diba Idol?"




"Pwede ba, wag niyong banggitin saakin ang pangalan na yun!" Bad trip pa rin ako sa babaeng yun. Tomboy siguro yun kaya hindi napapansin ang appeal ko! Hindi sa gusto ko siyang magkagusto saakin, nakakasira lang ng pride! Wala pang babae ang nakakatanggi saakin!




"Eh di, sa inyo na lang ulit kami tatambay! Friday naman eh!"




"Idol, nakikinig ka ba?"




"Ha? Oh sige tara! Sa bahay ulit tayo ngayon!" Pero bakit naman ba apektado ako masyado? Sakit na talaga 'to eh! Ano bang gamot dito? Sabihin niyo nga saakin!






^( '-' )^





"Hello Sam! Welcome home!" In chorus pa talagang binati nina Waine at Argel si Sam pagkauwi niya. Crush kasi nila si Sam, bakit ba sila gandang-ganda sa kanya?




"Oh nandito na naman kayo? Naka-one whole straight week na kayo ha!"




"Bakit ayaw mo kami dito?"




"Sorry Sam, nami-miss ka lang namin." Yan ang totoong malalandi Sam! Bakit sila hindi niya sinasaway?




"Ay ang ku-cute niyo talaga!" At kinilig pa! Ampness!




"Hoy!" Napatingin sila saakin. "Pagkatapos mong mabihis jan, magluto ka agad!"




"Sungit!" Tapos inakbayan niya sina Waine at Argel kahit nakatingkayad na siya. "Bakit hindi mo gayahin ang mga kaibigan mo?"




"Oo nga Idol!" Sabay ulit nagsalita ang mga kumag at sobrang laki ng mga ngiti nila. Paano, naka-tamang chansing sila eh.




Tinignan ko na lang masama si Sam. "Makuha ka sa tingin Sam!" Tapos tinignan ko din sina Waine at Argel na take-advantage agad porket super close na nila si Sam. "Kayo din!"




Naghiwalay na silang tatlo dahil hindi talaga ako nagbibiro.




Nagpasya na lang kaming maglaro ulit ng PS3. Bumaba si Sam galing kwarto niya at tinanong niya agad kung anong gusto naming kainin.




"Pansit Malabon!"




"Sinigang na baboy!"




"Lasagna!" Nagtinginan kaming tatlo. Iba-iba kami ng gustong kainin. Si Waine gusto ng pansit, si Argel gusto ng may kanin, at ako basta may cheese gusto ko!




"Ano ba talagang gusto niyo? Pwedeng isa lang?"




"LASAGNA!!!" Tumayo ako at isinigaw yun! Hindi ako magpapatalo! "Magluto ka ng lasagna!"




"Kailangan sumigaw Eli?"




"Oo nga idol. Hindi ka naman galit niyan? Ikaw na bahala Sam."




"Sige lasagna! Kahit ano namang lutuin mo, masarap eh."




"Mga bolero!" Nakangiti naman siya noong utuin siya ng dalawang yun. Dumirecho siya sa kusina kaya naiwan kami ulit sa living room.




"Mga naturingang lalaki, ang lalandi!" Sinabi ko sa kanilang dalawa yung sinabi saakin noon ni Sam. Nabwiset kasi ako nun eh, itatry kong sabihin din sa kanila.




Pero tinawanan lang nila ako ulit. Anong nakakatawa dun? Binangasan ko nga sila. Mas malakas, yung tipong makabasag-bungo!






ͼ(ಠ_ಠ)ͽ

(SAMIRA ALMIREZ POV)



"Kain lang kayo ng marami ha!" Natapos ko nang i-bake yung lasagna. Actually, kahit ano pa man ang sabihin ng tatlong yun, yung pagkaing gusto ni Eli ang dapat kong lutuin.



Bakit? Kasi nagpapakabait ako dahil plano ko ngang papuntahin si Byron dito. Susundin ko ang lahat ng sasabihin ni Eli ngayon, para mamaya kapag nagpaalam na ako, hindi siya makapalag.



Busog na busog pa sila kaya hindi sila makatayo sa lamesa. "Ako na ang maghuhugas. Maglaro na lang ulit kayo." Sabay ngiti sa kanila.



"Ang bait mo talaga Auntie Sam." Nakangiting sinabi ni Eli. Mabait siya dahil busog siya. Kita niyo, tinawag pa akong 'Auntie'.



"Kaya mahal na mahal ka namin eh."



"Hahaha!" But now is the time. "Bukas nga pala, may kakilala akong pupunta dito. Tutulungan ko siyang gumawa ng project niya." Nag-twinkle eyes pa ako para hindi makatanggi si Eli. "Okay lang ba Eli?"



"Project? Sige... basta wag lang kayong makalat."



"Oo naman!" Success!!! "Ang bait mo Eli!" At napakurot ako sa pisngi niya. Nagulat nga siya sa ginawa ko at parang naging ewan yung reaction niya. Di bale, cute pa rin naman.





(ELEAZER PASCUAL POV)




Parang nakakapagtaka yata ang kabaitan ni Sam ngayon? Hindi pa nakipagtalo saamin kung sino ang maghuhugas ng plato. Tapos parang special attention pa siya saakin. Naisip na kaya niya kung gaano ako kagandang lalaki?



Tinawagan na agad niya ang kaibigan niya. Ico-confirm na pwede sila bukas dito sa bahay ko. "Hello beb! Pwede na tayo sa dito sa bahay! Ayiiiehhhhh!!!"



Ano daw? Beb? "Oo! Punta ka dito ng lunch. Ipagluluto kita ng favorite mo beb. Oo... sige... excited na din ako. Labyu beb! Byebye!"




Sam- (♥♥,) 


Argel- (O_o)



Waine- (o_O)


Ako-  (O.O)



"Beb?" Sabay-sabay kaming tatlo na napatanong.



"Ha?" Tinignan naman kami ng inosenteng mukha ni Sam. "Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo noh? Si beb ko yun. Byron ang name niya." Tapos nakangiti siya at parang kinikilig na ewan.



"Beb mo? Byron?"



"Ano mo yung si Byron, Sam?"



"BF ko!" Ngumiti ulit siya, mas malaki!



Ako na ang nagtanong. "BF? As in Boyfriend?"



"Ha?" Parang nag-blush pa siya. "Parang ganun din... complicated eh." Tapos napahawak siya sa mukha niya. "Basta! Pakikilala ko siya sa inyo bukas. Sobrang bait nun!" At umalis na siya para maghugas na ng plato.



Tulala naman kaming tatlo nina Waine at Argel na pumunta sa sala at naupo din sa sofa ng sabay-sabay.



"Sabi nga niya single siya."



"Pero taken na... complicated pa nga daw."



"So boyfriend nga ni Sam. Hindi mo rin ba alam yun Idol?" Tinatanong nila akong dalawa na parang gumuho na ang mga mundo nila.



Pero hindi ko rin sila masagot ng matino eh. "Byron..." Napasandal na lang ako. "Sinagot na nga niya kanina diba? Boyfriend daw niya!"



Napasandal din yung dalawa. Mukhang mga na-empacho na yung mga pagmumukha nila.



Kaya siguro hindi siya kinikilig saakin! Kaya pala walang talab yung mga killer smile ko at mga da-moves ko! Kasi may boyfriend na siya! At hindi niya sinabi nung una pa lang! Putek!!!


Teka, bakit nga ba ganito yung feeling? Nakakapanghina. Nakakaasar na ewan! Putek ulit!!!





(๏̯̃..๏̯̃)



End of Chapter 7









4 comments:

  1. eli!!!!

    bakit may BF na si sam?

    please update!

    ReplyDelete
  2. whhattttt???

    may boyyprenn naaa!!!

    panooo na c eliii??

    ReplyDelete
  3. Tama ^ hahaha! grabe may gusto na talaga si Eli kay Sam

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^