Friday, November 11, 2011

Sister Complex : Chapter 11 Part 3



What Now?
(Cecily Gonzaga POV)


Inihatid na ako ni Hadwin at nakauwi ako ng bahay nang wala pang seven. Nagpapagood shot kay papa. Tapos hindi na rin siya nagtagal, at umuwi na agad. “Silly, how was it?” Smiley


Smiley “At talagang sabay pa kayo ha.” Natawa ako nang sabay magtanong sina papa at mama. “It’s a date! Anong bang ginagawa sa date?”


“Did you have fun?” Medyo weird na ha. Sabay ulit sila. Smiley


“Oo naman!” Pero medyo nahihiya akong pag-usapan ‘to. “Akyat na ako sa taas ha!” At aakyat na sana ako. Pero may napansin akong kulang. “Si Ash nga pala?” Smiley


Wow! Sabay sila, sabay silang hindi sumagot. Pero tamang-tama dahil narinig kong may dumating na motor. Teka si Ash ba yun? Tapos pumasok na siya, at kararating nga lang niya. “Saan ka nagpunta?”


Smiley “Ha… pakelam mo…” Ang bwiset na sagot yan! Oo nga, pakelam ko ba talaga. “Na kina Gwynne ako.” Tapos may ibinigay siyang pasalubong kina mama at papa.


“Talaga Ash?” Smiley Tinanong siya ng mama niya. At sinimangutan lang niya ang mama niya.


Umiling na lang ako at pumasok na lang sa kwarto ko. Pakelam ko naman talaga kung saan siya pumunta. Na nagdate din sila ni Gwynne. Tapos naupo ako sa kama ko, pero hindi ko napigilan ang sariling kong suntuk-suntokin yung stuff toy na pusa na ibinigay saakin ni Ash.


Nakipag-date nga ako para kalimutan siya. Smiley Pero uuwi pa rin pala akong nagseselos. Tapos napansin ko yung suot kong singsing naibinigay saakin ni Hadwin kanina. “Until I love him… until I love him…” Tapos napahiga ako sa kama ko. “And until I forget about him.”



(Asher Carillo)


Nabwiset lang ako nung sinundan ko sila Hadwin at Silly. Nagholding hands sa first date? Bumili ng couple tee? At nagbigay ng singsing si kumag! Smiley


Smiley Pero ang mas nakakabwiset, mukhang sobrang saya ni Silly! Mahal niya na ba yun? Nakakasira ng araw!






(Cecily Gonzaga POV)


Nagpasukan na ulit pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ash. Smiley Nagagalit ba siya dahil hindi ko sinabi sa kanya kung saan kami nag-date ni Had nung Sabado? Bakit naman din kasi siya magagalit, eh siya nga nakipag-date din kay Gwynne. 


Pagdating namin sa school, tamang-tama din na kararating lang nina Gwynne at Hadwin. Nagmorning kiss agad yung lovey dovey samantalang nagbatian lang kami ni Had.


Smiley “Morning Ces!” He offered na siya na ang magbibitbit ng gamit ko kaya ibinigay ko na lang.


“Ang sweet naman ng dalawa.” Bati naman ni Gwynne. Nginitian niya ako. “Good morning Cecily.” Smiley


“Sweet ka dyan! Akala mo sila hindi!” Smiley Tapos tinignan ko si Asher pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Magkaholding-hands silang dalawa kung maglakad, kaya nilipat ko na lang ang atensyon ko.


Nag-start na ang class, at tuwing wala pa ang teacher, nag-uusap lang kami ni Gwynne tungkol sa naging date namin ng kuya niya. Hindi daw kasi siya kinuwentuhan ni Hadwin. Tapos nakita niya rin yung suot kong singsing, “Bigay din ito ng kuya mo.” Smiley


“Ang ganda!!!” Nakatingin siya sa singsing habang hawak ang kamay ko. “Si kuya talaga, nung naging kayo lang, madalas nang mag-secret. But I really like your ring!”


Nung sinabi niya yun, napansin ko yung suot niyang kwintas. Yung kwintas na bigay ni Asher sa kanya nung birthday niya, noong naging sila. Nakatago lang madalas sa loob ng damit niya yung kwintas kaya hindi napapansin yung magandang pendant. “Maganda din naman yang kwintas na binigay ni Ash eh.” Smiley


Tapos napahawak siya sa pendant ng kwintas niya. Ngumiti siya saakin at tumango siya sa sinabi ko. “Oo nga.”


Smiley I never admitted na sobrang nagandahan ako sa kwintas na yun. Nung pinakita kasi ni Ash yun, akala ko saakin niya ibibigay kasi alam niya kung anong taste ko sa mga bagay, pero nalungkot ako na hindi pala para saakin yung necklace. Anyway, wala na ako sa position para alalahanin pa yung mga sakit na yun. May singsing na ako, bigay ni Hadwin na patuloy pa ring umaasa saakin kahit na mag-on na kami. Smiley


Lumipas ang mga araw na medyo napapadalas na ang pagsasama namin ni Hadwin. Smiley Madalas na nahihiwalay na kami kina Asher at Gwynne. Lalo pa ngayon na maluwag ang class schedule namin dahil sa preparations for sports fest.


Smiley Nasa gym ako ngayon at pinapanood si Hadwin na naglalaro ng basketball. Varsity kasi siya, at ace player ng team nila. Ewan ko kung nasaan sina Ash at Gwynne ngayon, baka nasa library na naman.


Tapos biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, nakalimutan ko palang naka-open yung bluetooth ng phone ko at meron nang one item received. Pag-open ko, nakita ko ang sarili ko sa isang video. Smiley Yung video na kuha ng ex-bakulaw ni Ash. Lumingon-lingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa pinto ng CR.


Sinenyasan niya akong pumunta doon kaya pumunta na lang ako. Busy sa paglalaro si Hadwin hindi naman niya napansin na umalis qko sa kinauupuan ko. Pagdating ko sa loob. Smiley


“Takot ka noh.” Tapos sinarado niya yung pinto ng CR at naiwan kami sa loob. “Pero kung talagang natatakot ka, bakit hindi pa rin napupunta saakin si Asher?” Smiley


Hindi ako sumagot, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. “At galing mo ha! Girlfriend ka na pala ni Hadwin… para ano? Para pagtakpan yung feelings mo kay Asher?” Tumingin ako sa kanya ng masama, at hawak niya yung phone niya.


This time, nagpakatapang ako at hinablot yung phone niya. Smiley “You left me no choice Aicelle.” Hawak ko nang mahigpit yung phone niya, at alam kong kinakabahan na siya.


Smiley “Don’t you dare b*tch!”


Then I grinned at her at ibinuhos ko ang lahat ng lakas at galit ko sa pagtapon sa cellhone niya sa sahig. “Noooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Nagkasira-sira ito at napasigaw siya.


Smiley “Ngayon wala ka nang pwedeng gamiting ebidensya dyan sa sinasabi mo!”


Tapos biglang nagtransform ulit yung mukha ni Aicelle, yung mukha niya noong sinugod niya ako dati sa playground. This time, mas pangit at mas nakakatakot! “Damn you!!! You’ll pay for that you stupid b*tch!!!” Smiley


Hindi na ako nakapagreact dahil hinila niya agad ang buhok ko at nabagsak na ako sa sahig. Sinabunutan niya ako habang nagsisisigaw at pinapalo ko siya pero parang hindi siya nasasaktan. “Bitawan mo ako!!!” 


Sobrang nagwawala na si Aicelle, at dahil sa pagsigaw niya at pagsigaw ko rin, may pumasok na sa loob ng CR, at napasigaw yung estudyante nang makita kami. Smiley “May nag-aaway!!!”


Parang hindi narinig ni Aicelle kaya tuloy pa rin siya. Nakapatong siya saakin, hila ang buhok ko, inuuntog ang ulo ko sa sahig, at paulit-ulit na pinapalo at kinakalmot ang mukha at katawan ko. Smiley Naiiyak na ako sa sobrang sakit, at mas naiiyak ako dahil parang wala lang yung ganti ko sa kanya. Ganun ba ako kahina? “You’ll pay for that!” Smiley


“Tulong… please…” Smiley Pinipigilang na ng ibang estudyante si Aicelle pero hindi nila kayang ang babaeng ito. Mahigpit ang hawak niya saakin. Natigil lang si Aicelle nang may tumulak sa kanya. “Ces!” Smiley


“Had?” Tumutulo na ang luha ko at napapikit na lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Smiley


Narinig kong may pumasok nang teacher at pumagitna. “That girl! That girl broke my phone!” Smiley babalikan pa sana niya ako pero hinawakan na siya nang mahigpit nang ilang guard na pinapunta rin ng teacher.


Smiley Tapos tuluyan akong nawalan ng malay, at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.




End of Chapter 11 Part 3







2 comments:

  1. uwahhhh! >..<

    nakakaawa si silly!!!

    nasaan na ba si ash? dapat xah an ngtatanggol sa bakulaw na aicelle! >..<

    ReplyDelete
  2. Alam mo yung nakakainis? Yung medyo medyo okay okay na si Silly tapos bigla naman may epal na Bakulaw na sisingit?! My gally!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^