Saturday, November 26, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 14

CHAPTER 14
(SAMIRA ALMIREZ POV)




Hindi sa galit ako... GALIT NA GALIT lang naman! At dahil bad-trip ako pareho kina Eli, lalo na kay Sunmi, hindi ako nagluto ng dinner at hindi rin ako kumain! Kahit na kumakalam na ang tiyan ko, nakakawalang-gana na sila ang makasabay sa pagkain.



At feeling ko lang talaga, hindi ako makakatagal ng two weeks sa bahay na 'to na kasama sila. Kinabukasan, hindi ako ginising ni Eli para ipagluto siya ng breakfast niya. TAMA LANG NOH! Magpaluto siya sa magaling niyang kapatid!




Pagbaba ko sa living room...





"Going to school?" Kanina pang 7am pumasok si Eli kaya kaming dalawa lang ni Sunmi ang nandito sa bahay ngayon.



"Yeah..." Aalis naman ako agad eh. May mga bitbit na akong damit sa bag ko ngayon! Pero hindi ako maglalayas ha! "May sleep-over pala ako sa bahay ng kaibigan ko ngayon. Pakisabi na lang kay Eli." 


"Really! What if... tuluyan ka nang umalis sa bahay na 'to at wag ka nang bumalik!"



"Don't worry Sunmi... I'm actually thinking about that already!" Tapos umalis na ako agad! Nakakasira ng araw ang mukha niya! Ke-ganda nga, sobrang sama naman ng ugali!



At tsaka mabuti na rin siguro na hindi muna ako magpakita sa kanila! Alam ko naman kasi kung bakit ako inaaway ni Sunmi eh... dahil kay ELI!



Pagdating ko sa school, "Sige na badessa!!! Two weeks lang! Sa inyo muna ako makikitulog!"



"Sushmita sen ka beb! Naa-anita linda ka ba! Anis na naman ba? Lupita Kashiwara nanaman ba sayo si Eli-byu?"



"Alam mo beb, hindi lang si Eli-byu ang malupit saakin ngayon! Dumating kasi yung step-sister niya from Korea... at hindi kami magkasundo."



"Sinetch!!!!!!!!!!!!!!!!! Ino-okray ka beb?"



"Uy hinaan mo lang yang lapel mo! Lakas ng boses!" Syempre dahil bestfriend ko si Byron, kaya ikinuwento ko sa kanya ang lahat.



"Hayaan mo beb! Watashi ang kakabog jan sa emoterang Sunmi-gurl na yan!"



"Wag na badessa! Si Eli-byu lang makakaaway mo..." I sighed! Pagka-kwento ko kasi kay Byron lahat ng kamalditahan ni Sunmi, umusok na agad ang ilong niya. "Pero sige na beb... sa inyo na muna ako makikitulog ha. Every morning naman uuwi ako para magpalit ng damit. Iiwasan ko lang talaga yung dalawa para malayo na sa gulo!"



"Hay... keri na nga! Basta wag kang anaconda ha!"



"Anaconda?"



"Don't be something like ahas to me at night! Baka gapangin mo ako sa beauty borlog ko eh! Ma-pransya ka sa mabyonda kong katawan at makalimutan mong hindi tayey talo!"



"DAUTERO!!! Hoy!!! Hindi ako chipangga, baklita ka!" Pinalo ko siya sa likod! "Hindi kita re-rapin noh! Ahahahahahaha!!!"



Hay salamat na lang talaga at nandito si Byron! Nakakalimutan ko yung ka-bwisitan ko kina Eli at Sunmi!





(◭..◭)


(ELEAZER PASCUAL POV)



"Anong problema idol?" Kanina pa nangungulit 'tong si Argel.




"Oo nga... tahimik mo na naman eh." Isa pa 'tong si Waine! Ang kulit! Gusto yatang makatikim ng pektus 'tong mga 'to eh.




"Wala nga!"




"Feeling ko si Sam... at tsaka si Sunmi."




"Paano niyo nalaman?"




"Kitam!!! May problema nga noh!"




"Psssh! Ang gulo kasi ng mga babae eh! Away ng away..."




"Panigurado hindi si Sam ang nang-aaway."




Tinignan ko ng masama si Argel. "Oh anong ibig mong sabihin nun? Si Sunmi may kasalanan?"




"Hindi naman sa ganun idol! Pero tingin mo ba sa ugali ni Sam, siya ang mangungunang makipag-away?"




"Ewan... siguro."




"Siguro! Eh si Sunmi? Hindi ba pwedeng siya ang manguna sa away?"




"Pinagtutulungan niyo ba kapatid ko?"




"Pinagtutulungan niyo ba si Sam?"




"Bakit naman namin gagawin yun kay Sam!"




"Sus idol! Syempre kayo naman palagi magkakampi nung step-sister mo na yun eh." Tapos inakbayan ako ni Argel. "Siguro... may nangyari na ding scene na nakita mong inaaway kunyari ni Sam si Sunmi, tapos umiyak na ang kapatid mo... at ikaw naman na proctective kuya... inaaway si Sam."




"Ganun naman yun diba... syempre kuya ako!"




"Oh... so oo nga... nag-away din kayo ni SAM... dahil kay Sunmi? Ni hindi mo man lang pinag-explain si Sam?"




"Teka parang ako na pinagtutulungan ninyong dalawa ha!"




"Ganito lang yan idol... dapat kasi inaalam mo muna yung side nila pareho! Hindi naman pwedeng si Sam ang may kasalanan palagi dahil hindi sila magkasundo ni Sunmi."




"Ikaw din idol! Kapag nagtampo si Sam sa'yo... maagaw namin siya!"




"UNGAS! Malaysia at pakistan naman!"




"Ay gumaganun!!! Turo din ni Sam yan eh!"




"Talaga bang you don't know and you don't care?" Umi-english pa si Waine. Natawa tuloy ako.




Pero kinutusan ko sila pareho. Matagal na kaming magkakaibigang tatlo, at nakilala na din nila dati pa si Sunmi. Pero isang malaking tanong kung bakit pati sina Waine at Argel, hindi ganun ka-close si Sunmi. Samantalang gustung-gusto nila si Sam na kakikilala pa lang nila.




"Ano ba kasing problema niyo kay Sunmi at hindi siya makasundo?"




Natahamik sila. "Mahirap nang magsalita idol... baka balian mo pa kami ng buto."




"Oo nga... panahon na siguro idol para alamin mo."




"Pakingshet naman! Pa-suspense naman 'tong mga kumag na 'to!"







(►.◄)


Pag-uwi ko sa bahay, naabutan kong naglalaro ng ps3 si Sunmi.



"Welcome home oppa!!!"



I tapped her head. "Ikaw lang mag-isa dito sa bahay... kamusta naman?"



"Gwaen-cha-nayo! (I'm okay!)"



"Keun! (Great!) Palaro nga din!" At naglaro kami... "Sunmi... nag-usap na kayo kanina ni Sam?" Kami kasi hindi pa eh. Hindi naman sa nagwo-worry ako na nagtampo nga siya... basta! Ayoko lang ng magulo!



"Ye! Wae? (Yes! Why?)"



"Dapat mag-sorry ka din sa kanya. Neo-mu dangsin jalmo-siya. (It's your fault too.)Hindi niya lang ako pinansin. Busy sa paglalaro eh. "Sunmi! Are you listening to me?"



"Geok-jjeong-haji ma-seyo, oppa! (Don't worry!) I'll do that when I see her."



"Jo-eun yeoja! (Good girl!)" Parang aso lang eh. Ahahaha!!! Nakikinig naman sakin 'tong si Sunmi eh. Magpapaka-good boy din ako pagdating ni Sam mamaya. Baka kasi hindi nanaman siya magluto for dinner eh.




*     *     *


"7:30 na!!! Dapat kanina pa siyang 6 nakauwi ha! Nasaan na yung si Sam!" Palakad-lakad ako... at aamin akong nag-aalala na ako! Clumsy pa naman yung babaeng yun! Parang lapitin pa sa disgrasya! Malalagot ako kapag may nangyaring masama sa kanya! At hindi rin kakayanin ng kunsensya ko!



"Oppa... masyado kang hysterical. Let's have dinner na nga lang." Si Sunmi na ang nagluto ng dinner namin dahil hindi pa rin umuuwi si Sam. Nasaan na ba kasi ang babaeng yun!!!



"Did something happened to her? Baka napahamak na siya! Puchanggala naman oh!" Tapos kinuha ko yung cellphone ko.



*riinnnnnnggggggggg...riiiiiinnnnnnnnnnggggggggggggg... riiiiinnnnnnnggggggggggggg...*


"Pick-up Sam!" Nakakabanas na 'tong babaeng 'to ha! Ang tagal pang sagutin ang phone niya!



"Hello!"



"Hello!!! Hoy nasaan ka na bang babae ka! Anong oras na!"



Tapos ang tagal niyang hindi sumagot. Paano kasi, first time kong tumawag sa cellphone niya. Ni-hindi niya siguro alam na naka-save ang number niya sa phone ko. "Hoy naturete ka na! Umuwi ka na nga! Nasaan ka na ba?"



"Nandito ako kina Byron! Mag over-night ako dito!"



"Ano!!! Bakit hindi ko alam! Hindi ka man lang nagpaalam!"



"Sinabi ko kay Sunmi kanina!" Kay Sunmi? Napatingin ako sa kanya... kaso ang inosente ng mukha ni Sunmi eh.



"Sana nag-text ka man lang na may over-night ka pala jan sa kaibigan mo!"



"Hindi ko alam ang number mo..." Ang plain ng pagkasabi niya! HINDI NIYA ALAM!!! Bakit ako alam ko number niya! Duga naman!!! Para lang akong ewan!



"Nakakabanas kang kausap! Ba-bye na nga!!!" At binabaan ko na lang siya ng phone. Tumataas ang dugo ko! Nakakairita!!! Kung hindi niya alam ang number ko, sana inalam man lang niya!!! Potek... ako ba... paano ko nalaman number niya? Ay hiningi ko pala kay mama dati!!! PERO POTAKTE PA RIN!



"Sunmi!"



"Yeah...?"


"Alam mo bang hindi uuwi si Sam ngayong gabi?"



"Ha... ay oo! Nasabi niya saakin kanina."



"Bakit hindi mo sinabi saakin agad?" Napahiya pa tuloy ako kanina sa pagtawag sa kanya! Sayang ka-gwapuhan ko eh, napahiya lang ng ganun!



"Nakalimutan ko... joe-song-hamnida. (Sorry)"



"Pssshhh!" Nakakabad-trip ha! Basta!




(ό)



End of Chapter 14





A/N: Turuan niyo ngang magsalita ng matino si Byron! Nahihirapan na ako eh!
  • Sushmita sen ka beb! - Ohmygosh ka beb!
  • Naa-anita linda ka na ba? - Nababaliw ka na ba?
  • Anis na naman ba? -  Ano nanaman ba yun?
  • Lupita Kashiwara nanaman ba sayo si Eli-byu? - Inaaway ka na naman ba ni Eli?
  • Watashi ang kakabog jan sa emoterang Sunmi-gurl na yan! - Ako ang aaway sa pretender na Sunmi na yan!
  • Beauty borlog - Beauty sleep
  • Ma-pransya ka sa mabyonda kong figure at ma-forget mong hindi tayey talo! - Mabaliw ka sa maganda kong katawan at makalimutan mong hindi tayo talo!










1 comment:

  1. nakalimutan daw!!! grrr!

    yan kasi eli! lalayo tuloy si sam!

    d2 q na din ito bbsahin... sobrang dami nga ng pages sa pf... easy navigation dito..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^