Friday, November 25, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 13

CHAPTER 13
(SAMIRA ALMIREZ POV)




Ang sarap ng tulog ko!!! Infairness ha, swerte ko talaga dito sa kwartong 'to! Ang ganda ng view sa umaga dahil nasisikatan ng sunrise!




Aba't himala din yatang hindi ako ginising ni Eli ngayon. Kahit weekends kasi, gigisingin niya ako para ipagluto siya ng pagkain. Pagbaba ko sa living room, nakita kong magkatabi sina Eli at Sunmi, at doon na sila natutulog nang nakaupo.




Nakapatong lang ang ulo ni Sunmi sa balikat ni Eli, at nakalimutan nilang i-off ang TV. Tsss! Ang sweet nila ha! Ke-gandang umaga tapos ganito madadatnan ko... teka... pampam ko din noh! Ano naman saakin! Eh close nga sila!




"Sam..."




"Ay poknut!" Bigla na lang nagsalita si Eli... paglingon ko naman, nakapikit pa rin siya. Boses niya yun eh! Natutulog pa ang kumag, pero bakit niya ako tinatawag? Binabangungot siguro dahil pangaln ko ang binanggit.



Bumalik ako sa kwarto ko, kasi ano namang gagawin ko dito diba? Naligo ako at nagbihis agad, tamang-tama! Magagawa ko yung isa ko pang painting assignment mamaya!




Pagbaba ko ulit, tulog pa rin yung dalawa. Pssh! Sige matulog kayo ha! Wag na sana kayong magising! Joke! "Makapagluto na nga lang ng lunch!"




Hinanda ko na yung mga sangkap ng lulutuin ko at nagsaing na din ako. Nang mang-gigisa na sana ako...




"What do you think you are doing?"




"Ay poknong!!!" Ano ba bigla-bigla na lang may nagsasalita! Parang mga boses kabute pa! But this time, gising na yung nagsalita, si Sunmi! "I'm cooking... for lunch."




"And you think mapapakain mo ako ng lulutuin mo?"


Nakow! baka magilitan ko na ng leeg 'tong Koraenang 'to eh! Ano bang problema niya! "So gusto mo ikaw na lang magluto?"




"Inuutusan mo ako?"




"Hindi! Tinatanong kita."




"You shouldn't just do something kung hindi ka naman sinabihan... like what you're doing now! Sinabihan ka bang mag-luto ng pagkain?"




Barahan yata gusto ng babaeng 'to eh. Hindi kita uurungan, tinuruan yata ako ng badessa kong kaibigan na si Byron lumaban sa mga tulad niyang bruhilda!




"Well... nasimulan ko na eh. Pero kung gusto mo akong patigilin, then fine!" Tapos tinanggal ko ang apron ko at ibinigay sa kanya yung sandok na hawak ko. Dapat isinupalpal ko sa kanya yun eh, kaso mabait ako, hindi ko gagawin yun. "I won't cook if that's what you want!"




"Sinusubukan mo ba akong babae ka?"




"Hoy! Mas matanda ako sa'yo, wag kang magsalita ng ganyan!"




"So what? May-ari ka ba ng bahay na 'to?" Tapos tinapon niya pabalik yung apron sa mukha ko at tumama naman yung sandok sa braso ko.




Eh bakulaw naman pala 'tong babaeng 'to eh! Autistic yata 'to!!! Hindi ko maintindihan ang trip niya! Anong bang gutso niyang gawin ko! Magluluto o hindi! Kapag ako hindi makapagpigil, isasama ko siya sa ingredients ng lulutuin ko!




"Aba't! Ano bang bang gusto mo!!!" Napasigaw na ako sa kanya. At hindi ko namalayang nakatayo na pala si Eli sa may pintuan.




"Hoy... bakit kayo nagsisigawan?"




"Eli oppa~!" Nakakabad-trip na pagmumukha yan oh! Transform siya agad sa pa-sweet mode nung dumating si Eli! Ang galing na actress!!! "I don't know what's wrong with her. I'm just asking kung anong lulutuin niya, tapos nakulitan yata siya saakin kaya sinigawan niya ako."




"Eh?" Sinungaling!!! Pero as if namang maniniwala sa ganyang drama si Eli noh! "Hoy Sunmi! Wag kang sinungaling jan! Feeling mo mapapa-ikot mo si Eli nang mga ganyan mo!"




Pagakasabi ko nun, humagulgol bigla ng iyak si Sunmi! What the fu...ss!!! Award winning siya!!! "Sam, hindi mo naman kailangang sabihan si Sunmi nang ganyan."




"I think hindi masaya si Auntie Sam na nandito ako."




Argh!!! What am I thinking!!! Syempre kakampihan ni Eli si Sunmi dahil step-siblings nga sila! Grrrr!!! So ano? Ako pa masama ngayon! "Ano bang problema mo, bakit gumaganyan ka? Bad trip ka ba Sam?"




"Psss!!!" Oo bad trip na bad trip ako! "Wala! Ano ba kasing gusto niyo kainin?"




"Kahit ano naman lutuin mo, kakainin ko eh?"




"Weh talaga? Kahit may lason kakainin mo?" Nabwiset lang talaga ako, kaya ko sinabi yun. Tinignan naman ako ng masama si Eli. "Joke lang!"




"Umayos ka nga Sam!" Tapos hinila niya na si Sunmi palabas ng kitchen. Hay salamat! "Tara na Sunmi, hindi matino kausap yan ngayon. Bangag yang babaeng yan!"




"Ano ka ba oppa~!" Ano ka ba oppa!!! Supalpalin ko mukha mo eh!!! Tatawa-tawa ka bigla jan!




Ang ganda ng mood ko kanina, nagbago dahil sa babaitang ito! Ngayon alam ko na ang ibig sabihin nina Waine at Argel na dapat lagi akong lumapit kay Eli ngayong nandito na si Sunmi! Nagpapakabait kasi siya kapag kaharap si Eli, pero kapag kami lang, nilalabas niya yung sungay niya!




Nang matapos na akong magluto, kahit labag na sa loob ko, tinawag ko na sila pareho. Naupo na kami sa harap ng lamesa, at para akong katulong nilang dalawa na pinagse-servan sila ng pagkain.




"Okay!!! Let's eat!" Actually may ginawa akong kalokohan eh. Ginawa kong SOBRANG ANGHANG nung chicken curry para parusahan ang dalawang 'to! Uwahahahahahaha!!!




Naupo ako sa harap nila, syempre yung kakainin ko, sakto lang yung lasa!




"Hmmmmm!!! I-geoseun masit-tta!!!" Ano daw? Sabi ba niya 'Hmmmmm... bakit ang anghang!!!' Ahahahaha!!! In your face Sunmi!!!




"Jin-jjaro? (Really?)" At kumain na  rin si Eli... sige ikaw din gusto kong makita ang maluha-luha mong pagmumukha!!! "Waaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"




"Pfft! Bakit?" Oh! Pa-inosente effect pa ako!




"Ang sarap nga!" Ha? Ano daw masarap? Maanghang yun! Maanghang dapat hindi masarap!




"Teka ano bang sabi niya?"




"I-geoseun masit-tta... meaning this is delicious!"




"Delicious?" Delirious ba sila! Tinikman ko yung niluto ko para malaman kung bakit nasasarapan pa rin sila! "Uwaaahhhhh!!! Ang anghang kaya!!!" Napa-inom ako agad ng dalawang basong tubig.




"Oo! Kaya nga masarap eh. Koreans love spicy foods!" Tapos pa-simpleng nag-roll-eyes si Sunmi saakin. "Bakit parang hindi mo alam na maanghang yung niluto mo?"




"Ha...? Syempre alam ko! Enjoy eating na nga lang!" TAKTE naman! Akala ko nakaisa na ako! Nag-enjoy pa ang dalawa dahil inanghangan ko yung pagkain! Sana pala inalatan ko na lang! O kaya inasiman ko!!! O kaya tinuloy ko yung lason!





(๏̯̃..)






Alila na talaga nila ako! Ako na nagluto, ako pa naghugas! Bakit ba ako nagtitiis nang ganito! Ah tama! KASI NAKIKITIRA NGA LANG AKO!!!




Pagtapos kong mag-ala Cinderella at magpaka-alipin sa mga 'to, kinuha ko yung mga gamit ko pam-painting at dinala ito sa garden. Kahit sobrang dami ng bitbit ko, hind man lang akong nagawang tulungan ni Eli dahil busy sila ni Sunmi sa paglalaro!




Kung sina Waine at Argel, nagkadarapa na yun sa pagtulong! Haizzz!!! Na-miss ko tuloy yung dalawang yun! Hindi rin kaya sila pupunta ngayon? Parang iniiwasan din nila si Sunmi eh.




"Anong gagawin mo Auntie Sam?"




"Pakelam mo... hehe... joke! Magpe-painting ako! Gusto mo maging model?" As if!!! Abstract painting gagawin ko ngayon noh!




"Ah... sige wag na. Maglalaro na lang kami ni Eli oppa dito!" Tapos isinandal niya kunyari ang ulo niya sa balikat ni Eli! Landiiiiiiiiiiiiiii!!! Teka... bakit ba ako naasar!




"Sige enjoy niyo lang yan!" Tapos lumabas na lang ako! Di-hamak naman na mas maganda ang view dito sa garden noh.




Kaso, natutuliling ako sa boses nilang mag-kapatid! INCEST TALAGA 'TOH kahit na hindi sila magkadugo! Naghaharutan sila, nagtatawanan, nakakabwiset! Nasanay ba akong tahimik lang kami ni Eli?




Bakit ngayon kasi nagagawa niyang tumawa nang ganun kalakas? Bakit ngayon parang ang isip-bata niya? Bakit sobrang saya niya at sobrang close sila? "Bakit hindi kami ganun?" I shook my head! Wag ka ngang magtaka jan Samira! Syempre ilang buwan pa lang naman kayong magkakilala!




At isa pa, bakit kami mag-gaganunan ni Eli... diba? "Hay!!! Be inspired Sam! Happy thoughts! Happy thoughts!" Happy thoughts para masimulan mo na yang assignment mo!




Buti na lang nakalagay lang ang mp3 sa bulsa ko. Makikinig na nga lang ako ng music kesa yung hagikhikan nila ang marinig ko. Tapos ni-play ko yung kantang "Try"... hindi dahil sa kinanta ni Eli yun kaya dinowload ko ha! Maganda lang talaga yung kanta!







Found at: FilesTube


(A/N: Nilagay ko na yung buong kanta! Enjoy!)




Ang ganda sana ng kanta... kaso si Eli ang pumapasok sa isip ko. Lately, ginugulo ng lalaking yun ang utak ko eh. Ang lumalala pang problema dyan, naninikip yung dibdib ko, parang hindi ako makahinga. Ano ba kasing nangyayari saakin! Naguguluhan na ako!




Ilang oras din akong at peace dahil sa pakikinig ko ng music. But after three-straight hours, na-lowbatt na ang mp3 ko! Syettt!!! Maririnig ko nanamang naglalampungan yung dalawa!




Kaso nagulat ako nang tahimik naman na pala. Ah baka nakatulog na sila ulit dun sa sofa. Masilip nga!




Pagdating ko sa living room, wala sila dun. Ano yun? Nasa kwarto sila?




*dugdug*






"Wag ka ngang masyadong green jan, Sam!" Tama! Ano ba 'tong pinapasok ko sa isip ko! Ano naman kung nasa kwarto silang dalawa! Bawal ba? "Pssh!!!" Makabalik na nga lang sa garden at nang matapos ko na yung painting ko!




Naunat-unat ako sandali, tapos naupo na ulit ako. Kinuha ko yung paintbrush so I can continue painting... kaso!




"Wow!!! Biruin mo yun! Talentado ka pala!"




"Anak ng poknut naman!... Eli?" Bigla na lang nanggugulat!!! "Akala ko nasa kwarto ka?"




"Kwarto? Anong gagawin ko dun?"




"Malay ko! Wala na kayo ng kapatid mo sa sala eh."




"Inantok si Sunmi at nandun siya sa kwarto niya. Ako, nandun lang sa kusina."




"Ah..." Kailangan mag-explain? Bakit!




Nagpatuloy lang ako, kaso na-concious ako bigla kasi nandito siya sa tabi ko at nakatingin. Alam ko naman hindi siya saakin nakatingin, doon sa PAINTING! "Eli, nakaka-distract ka!"




"Ganun ba ako ka-pogi at nadi-distract ka?"




"Ay gumaganun! Itong mga nakaraang araw, parang gumagaan lalo ang bangko mo ha. Kumakapal-muks ka eh!"




"Pssh!" Tapos tinawanan niya ako. Nababaitan talaga ako sa kanya ngayon! Mabait siya dahil kay Sunmi? "Ikaw pampam jan eh. Tuloy mo lang! Naa-amaze ako sa ginagawa mo eh."




"Ikaw ba yan? Ang Idol na si Eli-byu, naa-amaze din pala!"




Tapos tinitigan niya ako... nang masama! Sabi na dapat hindi ako nagsu-super feeling close eh. "Joke lang naman! Laging ang sungit mo, alam mo yun! Daig mo pa ang nag-PMSing na babae eh."




"PMS?"




"Hindi mo alam?"




"Tatanong ko ba kung alam ko! Ugok ka talaga!"




"PMS! Pre-menstrual Syndrome! Yung tipong iritable, masungit, at laging wala sa mood yung babae kapag meron siya!!!" Tapos tinignan ko siya. "Yun Eli! Daig mo pa ang may PMS!"




"So nag-PMS ka ba kaya nasigawan mo si Sunmi kanina?"




"Hindi noh!" Biglang ganung topic! Ibabalik ko sa'yo ang topic noh! "Pero ikaw Eli, laging kang may PMS kaya masungit ka!"




Itinaas niya ang kamay niya... sheeettt!!! Babatukan ako nito, kaya napapikit ako. Maya-maya, nakaramdam ako nang malamig at medyo basang something sa pisngi ko.




"Ahahahahahaha!!! Yan mukha ka nang Indian!" Lintek na Eli 'to! Nilagyan ng paint ang mukha ko! Buti na lang water-base 'to! "Peace, Auntie Sam!"




Pinunasan ko yung mukha ko... wrong move!!! lalong kumalat yung pintura!!!!! "Uwaaahhhhh!!! Epal ka Eli!!!"




"Ahahahahahahaha!!! Pwede nang canvas mukha mo!!! Ahahahahahaha!!!" Natawa na lang din ako dahil sobrang galak siya!




Uy! Ngayong lang kami nagtawanan ng mokong na 'to ha!






◠‿◠






"Ayos na ba?"



"Hmmmm... Parang kulang pa ng kulay sa banda dito... lagyan mo kaya ng konting shade of blue." Aba't may alam din 'tong si Eli sa arts ha! Nagiging crtic ko siya at tinutulungan pa ako.



"Blue! Okay..." Sinunod ko naman siya, mukhang tama siya eh...



"Wag yang dark!!! Light-blue!" Tapos hinila niya yung gamit ko at nag-mix siya ng color blue at white. "Yan... gamitin mo yan... tingin ko mas maganda yan."



"Sige-sige!" At sinimulan ko nang gawin yung sinabi niya. At nung matapos ko na...



"Kitams! Galing ko talaga noh! Utang-na-loob na naman yan Sam! Mas maganda na painting mo!"



"Yabang!" Pero totoo naman. Buti nga at malapit ko na 'tong matapos! "Pero seryoso Eli... may course ka na bang napili for college? Alam mo dapat kumuha ka ng may arts! Magaling ka kasi sa mga ganitong bagay eh."



"Tingin mo?"



"Oo!" Magaling 'tong si Eli kapag kukunin niyang course ay katulad saakin! "Kung sa Edinham ka din, mas gagaling ka pa! At tsaka para schoolmate din tayo next year! Dun ka na lang mag-college!"



"Sus Sam... pumaparaan ka ha!" -  ٩(◡◡,)۶



"Pumaparaan? Ha?" - (◑.◑)



Ano na naman kayang iniisip nito? Naaadik na naman ba siya? "Gusto mo lang pala ako maging ka-schoolmate eh! Ano yun para kahit sa school magkita tayo? Iba na yan Sam! Umi-incest ka na naman! Ahahahaha!!!"



"KORNI MO!!!" Nabatukan ko tuloy siya nang di-oras! Potek, parang namula din kasi ako eh!



"Weh! Ba't namumula ka? Uy kinikilig! Kinikilabutan ako, Sam!"



"Tumigil ka nga Eli! Adik ka!" Ayoko nang ganitong asaran namin eh! Lagi lang akong natatalo.



Natigil lang ang "kulitan" namin nang lumabas ulit sa eksena si Sunmi.



"You two look so happy! Nakakainggit naman!" Then showed her fake smile! Ako lang nakakaalam na fake yun dahil ang slow nitong si Eli na umaarte lang 'tong step-sister niya. "Wow Auntie Sam, ang galing mo naman sa painting."



"Thanks..."



"Tumulong din ako jan!" Oh sige gusto mo rin mapansin!



"Ang galing mo din oppa!"



"I know!!! Hahaha!!!" Okay! It's for Sam to feel out-of-place na naman! Nagsama na ulit ang mag-step-siblings eh.



"Anyway, heto Eli oppa oh, drink this!" Binigyan niya ng coke-in-can si Eli. Naisip ko ngayon lang na parang nauuhaw din pala ako. May isa pa siyang hawak na inumin, pero asa naman akong io-offer niya saakin yun. "Umm... kumuha lang ako ng dalawang can for Eli and I."



"Okay lang! Mamaya na lang ako iinom." Sige Sunmi, laklakin mo yan ha! Pati yung lagayan, saksak mo sa baga mo! Akala naman big deal saakin yun!



"Ah... teka... kukuha ako ng isa pa sa loob. Anong gusto mo Sam? Coke o sprite?"


Uy! Ke-bait! Utang na loob na naman yan... pero sige! "Coke na lang Eli."



"Wait..." Weh epal talaga 'to! "Pwedeng bang sprite na lang kunin mo Eli oppa. Ibibigay ko na lang 'tong coke kay Auntie Sam." Tapos ibinigay niya yung coke niya. Pssssh!!! Galing talaga umarte ha!



Pero kinuha ko na lang din yung coke na bigay ni bruhilda.



"Okay sige... sandali lang." Tapos pumasok na sa loob si Eli... Syettt... naiwan kami ni Sunmi dito sa labas.



"Ano namang kalandian yang ginagawa mo."



And she's back to her evl mode. "Hindi yun kalandian, Sunmi. Nag-uusap lang kami." Nakow! Hindi ko na nga lang siya papansinin para hindi ako ma-bad trip! Iinumin ko na lang 'tong coke!



Kaso pagbukas ko nung coke-in-can na bigay niya...




*pssssssssssssssssssssssssssssssttttttttttttttttttttttttt*




Nag-explode yung laman sa mukha at damit at PAINTING KO!!! "What the!!! Inalog mo ba 'to!" Napatayo ako, dahil basang-basa ako.



"Haha... serves you right!" Ang maldita niyang pagkasabi!



"How could you Sunmi!" Napatingin ako sa painting ko... "You even ruined my painting!!!"



Nanlalagkit ang katawan ko, basang-basa ang damit ko at higit sa lahat... nadumihan yung pinaghirapan kong painting na malapit na malapit ko na sanang matapos! Sinong hindi magagalit!!! Sa asar ko, nasampal ko si Sunmi...



"SAM!"



At yun lang yung part na nakita ni Eli! Yung pagkasampal ko sa minamahal niyang kapatid.



"Anong ginagawa mo!"



On cue naman sa pag-iyak si Sunmi. This little devil! "The coke exploded on her and all over her painting! And she thinks na sinadya ko yun! Why would I do such a thing!"



"Hoy Sunmi, wag kang mag-sinungaling!"



"You're so mean Auntie Sam! I'm reaching out to you pero lagi mo akong sinusungitan!" Tapos tumakbo siya paalis... papunta yun sa kwarto niya.



Natahimik lang ako... at nakatayo lang sa harap ko si Eli... bakit ba kasi lagi niyang hindi naabutan ang kamalditahan ng kapatid niya! "Did you just slap my sister?"



"I didn't mean that! Sinandya niyang alugin yung coke para mag-explode kapag binuksan ko. Look at me! Look at my painting!"



"At kailangan mo siyang sampalin!!!"



Nasigawan niya ako... madalas naman niyang ginagawa yun eh. Pero yung sigawan niya ako dahil nagagalit siya sa kasalanang hindi ko ginawa... sobrang sakit! "Ang kapatid mo ang may problema saakin Eli! Si Sunmi..."



"Just shut the hell up Sam!" Tapos tinalikuran niya ako... at pumasok na siya sa loob ng bahay!


Hindi ko ma-explain yung feeling! Ang sakit! Basta! At isa lang ang gusto kong gawin... ang umalis muna dito para hindi ko sila makita pareho!




(ύ_)



End of Chapter 13









2 comments:

  1. waaahh naiiiniss ako kayy Sunmiii.. haha drama effect.

    ReplyDelete
  2. PAPATAYIN KITA SUNMI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^