Saturday, March 10, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 44

CHAPTER 44
(SAMIRA ALMIREZ POV)



“So gugustuhin mong makasama yung Kian na yun kesa saakin?”



“Ilang ulit ko bang ipapaliwanag na hindi si Kian ang pinipili ko! Kailangan naming magpunta dun sa location para sa finals namin.”



“Ganun din yun. Kung tutuloy ka bukas, eh di siya rin makakasama mo.”



“Pwede naman kasi na sa ibang araw na lang...”



“Hindi mo naiintindihan Sam! Lagi kitang priority tapos ganitong bagay lang, hindi mo pa ako mapagbigyan? Kung bukas hindi ka papipigil, fine! Wag na nating ituloy!” Tapos bigla na lang siyang nag-walkout at umakyat sa taas.



I knew this will happen, pero wala naman akong choice! Kung hindi ko sasamahan si Kian bukas, baka tuluyan siyang maghinala saaming dalawa ni Eli.



Ito namang si Eli, tampururot agad! Pero hindi ko naman siya masisi kasi planado namin yung date eh. At isa pa, kaya nga daw siya hindi na umattend sa prom para lang ako ang makasama niya sa Valentines dahil hindi naman pwede na ako ang isama niyang date sa South Grisham.



Bakit ba hirap ng situation namin? Bakit ba mahirap yun initindihin?




*     *     *

(ELEAZER PASCUAL POV)



Nananadya talaga yung Kian na yun! Ayus maka-timing! Sinakto talaga sa araw ng Valentines!



Nakakaka-badtrip dahil ngayon ko pa naman gagawin yung matagal ko nang pinaplano para saamin ni Sam. Ano yung plano na yun? Wala na!!! Hindi na matutuloy!!! Bwiset!!! “Yow Idol!”



Kanina pang umaga sila nandito imbes na maghanda na lang para sa prom na gaganapin mamaya.



“Ang tagal naman ni Sam. Kanina pa yun nagkukulong sa kwarto.”



“Nice! Ano bang plano niyo ngayong Valentines ha at ang OA sa preparationg ng girlfriend mo?”



“Wala kaming date! Hindi na tuloy.”



“Ha??? Bakit???”



“Naalala niyo yung taeng kinukwento ko? Yung Kian, isasama si Sam dun sa location nila para daw sa final project nila.”



“Kaya hindi kayo matutuloy?”



“Paulit-ulit? Binge ka ba?”



Woah! Pasensya naman! Ang init ng ulo!!!”



“Eh di paano yan? Sama ka na lang sa prom mamaya para hindi ka mag-isa dito.”



“Yun nga din iniisip ko.” Tapos sinadya kong lakasan yung boses ko para marinig ni Sam dun sa kwarto niya itong sasabihin ko. “SIYA LANG BA PWEDENG MAGSAYA NGAYON HA?!? KUNG SIYA, IBANG LALAKI ANG KASAMA, HAHANAP DIN AKO NG IBANG BABAENG MAKAKASAMA!!!”



Parang ewan naman yung tingin saakin nina Waine at Argel. “Bakit kailangan mong sumigaw?”



“Bobo mo Argel! Para mabigyan ng emphasis!”



“Isa ka pang bobo eh! Pinaparinig ko kay Sam, tange!” Buset talaga! Nakakasira ng araw! “Tingin niyo ba narinig niya?”



“Baka nga umabot pa hanggang gate yung boses mo kanina eh.”



“Gagstugs!” Buti na lang nandito ang tropa ko at nalalabasan ko ng sama ng loob.



Minsan kasi gusto ko na lang itago yung selos ko. OO, nagseselos ako!



Si Sam kasi yung tipong walang malisya sa kanya ang lahat ng kabaitan ng mga tao sa paligid niya. Na hindi siya maniniwala na may gusto sa kanya ang isang tao hangga’t hindi yun direchong inaamin sa kanya.



Bukod pa sa saksakan siya ng slow, hindi pa makaintindi ng body language!



Si Kian, alam kong may gusto yun kay Sam! Hindi naman yun didikit ng didikit sa kanya kung wala eh! Kahit nga si Byron, binabalaan ako dahil yun din ang iniisip niya.



Nababano ako kakaisip!!! Napaka-unfair nito sa kagwapuhan ko! Amp!!!



“Ay oo nga pala Idol, hindi lang pala yun ang ipinunta namin dito.”



“Bakit ano yun?”



“Tungkol sa North Gang.”



“North gang? Meron pa ba nun?” Binura ko na yung adik na gang na yun nung mag-lead ako sa SGG ha.



Mga adik kasi yung mga yun, ang sisiga at ang aangas ng mga pagmumukha! Nauso nga krimen sa lugar na ‘to noon nung sila pa yung naghahari-harian.



Pero nung mag-highschool na ako sa South Grisham at pinanghawakan ko na yung gang ng school namin, saka namin sila kinalaban. Kahit na medyo nagtagal yung away namin noon, no match naman sila saamin!



Ni wala ngang nagawa yung pangit nilang leader!



“Nababalita kasi na may underground meeting na naman sila. At ang naririnig ko pa sa mga sabi-sabi, kaya sila nagpa-planong magbuo ulit dahil alam nilang ga-graduate ka na sa South Grisham. Mapapalitan na yung leader ng SGG.”



“Tingin ba nila uubra pa sila saakin? Kung nagawa natin noon na pabagsakin sila, magagawa ulit natin yun ngayon!”



“Yun naman din ang iniisip namin Idol. Pero mabuti nang maghanda diba? Baka kasi balikan nila tayo nang hindi natin napaghahandaan. Mahirap na!”



“Sige wag kayong mag-alala. Pag-uusapan natin yan kasama yung SGG. Imbestigahan niyo muna ulit para maunahan natin kung totoo ngang may ganun silang plano.”



Natigil lang ang usapan namin nang bumaba na rin si Sam. Nakabihis na siya at may dala pang maliit na backpack. Hindi ko na lang siya masyadong pinansin. May dagdag problema na naman kasi akong iisipin.




(ᵕ_ᵕ)



Tahimik lang kami sa may sala. “Um… good luck sa prom niyo mamayang gabi ha.”



“Hehe. Salamat, Sam.”



“Isama niyo na rin si Eli para hindi siya ma-bore dito.” Weh? Hindi ba niya narinig yung parinig ko kanina? Tarakalis talagang babae ‘to!



“Talagang sasama ako at mambabae pa ako!!!” Nagkatinginan kami at nag-pout lang siya sa sinabi ko. Tinignan ko lang din siya ng masama. Akala mo talagang babae ka, maghahanap ako ng ibang babaeng ka-date ko!




*diinnggggg… doonnngggg!!!*




Alam na kung sino yung hayup na yun. “Oh sundo mo na yun! Layas na!!! Mag-enjoy kayo ha!” Bigla siyang tumayo sa harap ko tas matagal pa siyang nakatingin saakin. “Oh bakit? May sasabihin ka pa? Layas na!!! Magsama kayo ni Kian mo!”



“Nakakaasar ka na talaga! Ang kitid ng utak mo! Bahala ka na nga!!!”



“Ako pa ngayon ang makitid! Bahala ka rin sa buhay mo!!!”



Padabog na siyang lumabas at pinabayaan ko nga siya. Kaso ito namang sina Argel at Waine, hindi mapakali! “Uy, Idol! Talaga bang gaganun mo lang si Sam?”



“Pinili niyang makasama si Kian kaya bagay lang sa kanya yun.”



“Sige ka! Kapag pinabayaan mong umalis si Sam na problemado siya, mahahalata yun nung Kian at makaka-damoves yun kay Sam. Ikaw rin!”



“At tsaka Idol hindi mo ba alam na ang best way para mapansin ang lalaki ng mga babaeng gusto nila ay kapag ni-comfort nila yun sa oras ng problema. Tsk! Makakapogi-points talaga yung Kian kay Sam pag nagkataon!”



“Kutos for the two of you!!!” Kinotongan ko sila ng tag-isa. “Para kayong mga guardian devil! Daig niyo pa yung kunsensya kung mamilit ha!”



Wala rin naman akong nagawa kundi tumayo at sundan agad si Sam. Medyo kinabahan kasi ako sinabi nila Waine. Minsan pa naman, tamang advice ‘tong mga ‘to.



Paglabas namin, nagulat pa si Sam. Nakita ko na rin yung kamag-anak ni ET na Kian na pangalan! Naka-motor lang siya. “Hi Eleazer! Good afternoon!”



Mukha mo, bangasan kita eh! “Nakamotor lang kayong pupunta doon?”



“Mas mahirap kasi mag-commute.” Napatingin naman siya kina Waine at Argel. Ngayon lang din kasi sila nagkita. “Mga pamangkin mo rin Sam?”



“Hindi ah! Kaibigan sila ni Eli. Sina Waine at Argel!”



“Hello! Nice to meet you guys!” Nag-offer ng shake-hands si Kian pero dahil nagmana saakin ang mga ka-tropa ko, tinanguan lang nila si Kian. Hwahaha, pahiya tuloy si kumag!



“Ahh, ikaw pala yung Kian.”



“Ingatan mo si Sam ha!”



“Iuwi mo siya ng maaga!”



“At sa oras na may mangyari sa kanya…”



“Babangasan ka ni Idol namin. Diba Idol?” Grabe din ‘tong dalawang ‘to, inunahan pa ako sa speech!



“Uy ano ba kayo!” Pinagpapalo naman sila ni Sam.



“Hehe, okay lang Sam. Mukhang protektado ka talaga nila eh.” Tahimik lang akong nakatitig kay Kian, baka sakaling madaan siya sa evil eye ko para hindi sila matuloy.



“Tara na nga Kian. Para maaga tayong makapunta doon.”



“Helmet? Wala ka bang ipapahiram na helmet sa kanya?”



“Meron, ito oh.” Tapos inilabas niya yung pink na helmet at isusuot niya sana ito sa ulo ni Sam pero hinablot ko yun sa kanya.



Ni-check ko muna yung helmet kung malinis… joke lang! Ayoko lang na siya ang magsusuot nun kay Sam. “Ayus ha! Talagang bumili ka pa ng helmet para lang kay Sam?”



“Ha?”



“Mukhang pinaghandaan mo na makakasama mo siya ngayon eh.”



“Eli, ano na naman pinagsasabi mo?



“Hiniram ko lang yang helmet.”



“Talaga? May tag price kasi eh. Halatang kabibili mo pa lang!” Napatingin silang lahat kay Kian na halatang napahiya! Papalusot pa eh! Kakainis!



“Ahehe…” Sige tawa, pahiya ka boy!



Ako na mismo ang nagsuot nung helmet kay Sam at inayos ko pa yung buhok niya. Nakatitig lang siya saakin pero hindi ko siya tinitignan! Kasi nga hindi naman basta-basta na patatawarin ko siya.



Bukod pa dun, abot-langit pa rin ang sama ng loob ko sa napurnada kong surprise para sa kanya. Tama na nga! Wala na rin naman akong magagawa!



“Ahm… sige babay na!”



“Ingat ka Sam ha!”



“Hoy Kian, inuulit namin, ingatan mo si Sam ha!”



“Wag kayong mag-alala, magaling naman akong mag-drive. Ligtas si Sammy sa mga kamay ko.”



“Ano…?” Biglang nagpintig ang mga tenga ko. “Sammy?” Lalong kumukulo ang dugo ko. Isa yun sa mga nickname ko para kay Sam, bakit nakikigaya ‘tong hinayupak na ‘to.



“Ahh… tara na Kian!!!” Alam na rin ni Sam na sasabog na ako sa pagka-bwiset ko sa kaibigan niya. Hindi ko talaga mapigilan na maasar! Lalo pa at pumapayag lang si Sam na magsweet-sweetan si Kian sa kanya.



“Kumapit ka ng maayos Sam.” Hinawakan pa ni Kian ang kamay niya para dun sa bewang niya kumapit si Sam. “Alis na kami ha!”



Naghahanap na ng mukhang masusuntok yung kamao ko at nanginginig na talaga ko sa inis at nahalata naman yun nina Waine at Argel kaya pareho silang umakbay saakin at bumulong pa, “Uy, Idol… kalma lang.”



Hindi lang ako nakasagot at hindi ko lang inalis yung nanlilisik kong mga mata sa ngiting-asong si Kian. Sumaludo pa siya bago niya pinaandar yung motor at parang sinasabi ng pangit niyang mukha na SIYA ANG MAKAKASAMA NI SAM NGAYON AT HINDI AKO.



“Sumemplang sana kayo…” Bulong ko na lang sa sarili ko.




凸(¬╭╮¬)凸



Pagkaalis na pagkaalis nila, “Watdapacker!!! Pakshet naman talaga!!! Arghhhhhh!!!”



“Idol tama na!!! Nasira mo na yung upuan niyo!!!”



“Wala akong pake!!! Naasar talaga ako!!! Ang angas ng mukha ng Kian na yun!!! Ang sarap niyang bungian!!!” Tapos kinuha ko yung unan at yun ang ni-wrestling ko hanggang sa pati yun ay masira!



“Lumayo-layo na nga tayo jan, ‘pre. Baka mamaya magkablack-eye tayo pagdalo natin sa prom mamaya.”



Tinignan ko sila ng masama at pagbubuntungan ko sana sila pero biglang nag-ring yung telepono.



“HELLO!!!” Sinagot ko yung nasa kabilang linya at nasigawan pa ito. Malas niya eh, ganitong mainit ang ulo ko saka tumawag. Kaso nung narinig ko yung boses nung nasa kabilang linya...


“Eleazer tulungan mo kami...” Si Kian at may sinabi siyang nakapagpakaba saakin.



“Ano…?” Medyo marahan na yung boses ko at hindi ko alam yung magiging reaction ko. “FVCK!!!” Binitawan ko agad yung telepono at nagtatakbo palabas.



Sinundan naman ako nina Waine at Argel, at nagtataka sila pareho! “Uy! Idol!!! Ano na naman ba? Saan ka pupunta?”



Natataranta ako! Hindi ko alam kung paano sila sasagutin pero dinalian ko lang ang pagtakbo ko papunta dun sa gate ng village namin.



“IDOL!!! Ano bang problema!!! Saan ka pupunta!!!”



“Na-aksidente daw sina SAM!!!”



“ANO???” Gagung Kian talaga yun!!! Sabi niya magaling siyang mag-drive! Sabi niya iingatan niya si Sam!!! Nasa gate pa lang sila ng village namin, nabunggo na agad!!!



Mapapatay ko si Kian kapag may nangyaring masama kay Sam!!!



Pagdating namin sa may labasan, pinalilibutan na sila ng mga tao. “SAM!!!”



Nakita namin na nakabagsak na nga yung motor ni Kian at pinagkakaguluhan lang sila ng mga nagpapanic na tao. Sumabog ang galit ko nung makita kong nasa kalsada si Sam at parang ipit pa dun sa motor. Nanlulumo ako pero ayokong unahing takutin ang sarili ko.



“TUMABI KAYO JAN!!!” Hinawi ko lahat ng taong nakaharang. “Sam!!!”



“Eli…” Nagtulong kami nina Waine at Argel na itulak yung motor palayo.  Pati yung mga kaibigan ko, tarantang ita at hindi alam yung gagawin. Halatang-halata din sa mga mukha nila ang pag-aalala kaya hindi na namin halos pinapansin si Kian.



“May mga lalaking nakamotor ang umatake saamin…” Buti siya at nakakatayo pa at konting galos lang sa braso ang nakuha niya.



“Tumahimik ka! Wala akong pakelam sayo!” Samantalang si Sam, “TANGEEENA NAMAN TALAGA!!!” Napamura na lang ako sa malaking sugat sa binti niya!!!  May ilan din siyang galos sa braso niya.



Saka ko tinanggal ko yung helmet niya para tignan din kung may sugat ba siya sa mukha. “O… okay lang ako.”



Okay? Okay ba na may mga sugat siya? Okay na nakasama siya sa aksidente? Okay ba yung naginginig siya? Okay ba yung parang gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa dahil gulat pa rin ang reaction niya. Ang putla-putla niya!!! 



“O… okay lang…”



Naghahabol siya ng hininga, kaya napayakap na ako sa kanya. I have to calm myself to make her calm too. “Nandito na ako…” Pero alam niyo yung masaklap na part dun? Na-guilty ako bigla sa sinabi ko kanina na sana sumemplang sila! Hindi ko talaga gustong mangyari yun! I never wanted na ma-involve sa kahit na ano pang accident si Sam.



“WALA MAN LANG BANG TUMAWAG SA INYO NG AMBULANSYA!!!” Sinigawan ko ang lahat ng mga taong nakikitingin lang. Mga walang utak!!!



“Sam… Sam… I’m sor…”



“SHUT THE FVCK UP!!!” Binuhat ko na agad si Sam at hindi ako mapapalagay na hindi siya madala agad sa ospital ngayon.



“Pinatawag ko na ng taxi si Argel.”



“Eli, okay lang talaga ako…”



“Ako hindi!!! Hindi ako okay sa nangyari sayo ngayon!”



“Dito Idol!!!” Buti na lang mabilis na nakahanap ng taxi si Argel at isinakay ko siya agad doon.



“Maiwan na kayo dito. Make sure na marereport niyo yung aksidente sa pulis at para mahanap yung mga bumunggo sa kanila.” Tapos hinawakan tinignan ko ng maigi sina Waine at Argel. “At kayo nang bahala dun sa Kian!”



“Okay Idol. Balitaan mo na lang kami pagdating niyo sa hospital.”



“Sige! Tara na manong!” At humarurot na yung taxi habang hawak ko lang ng mahigpit ang kamay ni Sam.



*     *     *

(SAMIRA ALMIREZ POV)



Pagdating namin sa hospital, agad namang ginamot ang mga sugat ko. Konting gasgas lang naman sa braso pero yung malaking sugat ko sa binti ang talaga namang makirot.



“Ito lang yung mga iinumin niyang gamot. Three times a day after niyang kumain. Para naman sa sugat, twice a day dapat siyang linisin. Papipirmahan ko lang ‘to sa doctor and pwede na kayong umalis.”



“Opo. Salamat po.” Pagkaalis nung nurse, pinilit kong tumayo pero napaika ako sa hapdi ng kanan kong paa. Matutumba sana ako pero buti na lang nasalo ako ni Eli.



“Wag mo munang pilitin tumayo.” Nakasimangot man si Eli ngayon, nababasa ko naman sa mga mata niya ang awa.



“Eli…” Natakot ako kanina nung sandaling natumba yung motor na sinasakyan namin ni Kian.



Naisip ko agad yung mga taong malapit saakin. Si Kuya, si Ate Pia at yung magiging anak nila. Si Beb at ang buong barkadahan na una kong nasalihan. Pero higit sa lahat, naisip ko si Eli.



Na kapag may nangyaring masama saakin, magagalit siya tulad na lang nung nabugbog ako noon. Pero alam ko na higit ano pa man, mas nalulungkot siya sa tuwing napapahamak ako.



“Sorry. Sorry pinag-alala ulit kita…” Sa sobrang kababawan ng luha ko, tumulo na lang ito ng direcho. At laking pasasalamat ko dahil nandito si Eli para yakapin ako, alisin yung takot na nararamdaman ko, at iparamdam saakin na kapag siya ang kasama ko, lahat ay gagawin niya para maging okay ako.



Lalong humigpit ang yakap niya saakin. “Bakit ba lagi kang lapitin ng disgrasya? Paano na lang kung wala ako dun? Paano na lang kung malala pa yung nangyari sayo nun?”



Naririnig ko sa boses niya ang takot. Kaya niyakap ko rin siya pabalik para iparamdam sa kanya na mas okay na ako ngayon.



“Sam, ipangako mo nga saakin na hindi na ‘to mangyayari. Saating dalawa, ikaw ang hindi pwedeng mang-iwan.” Tapos hinawakan niya ang mukha ko just so he can look me in the eyes. “Ayokong iwan mo ako, okay? Kaya mangako ka.”



Talaga namang imposible na iwan ko ang isang Eleazer Pascual. Ikamamatay ko. Ikamamatay ko rin kapag nalayo ako sa kanya.



“I promise, I will never leave you.” Saka niya pinunasan yung luha sa mga pisngi ko, hinalikan ako sa noo at niyakap akong muli.



At nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa mawala na yung takot na naramdaman namin kanina.


(╯ಊ╰)

End of Chapter 44


13 comments:

  1. tamang timing at naka-first ako dito..

    yung real koment ko sa pf na lang, i can't still put my words..
    basta ang ganda ng chapter na to! And i feel something bad's gonna happen.. but i hope di sya mangyare.. X0X0
    2 sweet and nice chapters ang utang mo sa pf.. haha..
    and i'm certainly certain that other readers will truly love this.. tnx Regine-unnie!! :D

    lab.lab.lab!

    ~xAnDer~

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha, gamsamnida xander ssi!

      marami pang ma-action na mangyayari! pasabog kung pasabog! abang-abang lang kayo! :D

      Delete
    2. ur welcome unnie! ^^

      parang mas trip ko ng magkoment dito kasi nakaka-first ako XD

      pasabog talaga ah..
      geh, aabangan ko yang BOMBING mo! San ba ibabagsak?? hahaha..

      ~xAnDer~

      Delete
  2. grabe, kinbhan aq s mga ngyari!!!!!
    un na ung north gang at alam kong ksma si kian s gang na un! bintangerra lng but i can feel it!!!! npksama mo kian!!!!

    peo ntuwa aq kina eli,waine at argel nung nagtulong cla n alisin ung motor! wlng hiya ksi ung mga nkikiusyoso!!!! nde mn lng tumulong!!!!! ang srap nla blibagin!!!!

    nxt n po agd ate!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. hay naku! hindi na nga natuloy yung date, dagdag problema pa yung tungkol sa north! at naaksidente pa si sam!

    natatakot ako sa mga nangyayari! mukhang may malaking problema talaga hanggang sa pagatapos nitong story!

    si kian, nagstart na akong mag-worry sa character niya! hindi kaya siya yung leader nung north! ay naku!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. everything happens for a reason! naks! yun ang palagi kong linya!

      abangan na lang po natin ang mga sunod na twist! :D

      Delete
  4. hala!!! ung north na yan!! PATAYINNNNNNNNN MU CLA ELI!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uwaaah payieee! ang tagal kitang hindi nakita! ^__^

      Delete
  5. andami nang naunang mag-commnt sken!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. kktakot ung north!!!!!!!!!! ayan na cla!!!!!!!! west, east at ngayon ay north!!!!!!!

    nkktakot ung mga pwedeng nilang gwin! napahamk nanamn tuloy si sam!!!!!!!

    at ikw nmn sam, grabe k na! nakkaawa si eli! siya na 2ng nagseselos siya pa 2ng nagaalala! layuan mo n kasi si kian!!!! ay mali, dpat pla si kian ang sinsabhan eh! kian! lumayas ka n nga!!!!!! i don't like u na!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayaan mo sis, magaling naman ang south! ;)

      kalma-kalma lang tayo! :D

      Delete
  7. walang signal sa anawangin!! nasa byahe pa kami pero pinilit kong mag-online!! sabi ko na nga ba, i feel something evil kay kian!! wag naman sana.. huhuhu.. sam naman, sayang ang preparation ni eli para sa first valentines nyo!! uy aegyo, wag mo papatayin si eli or si sam ha, pumasok na naman kasi sa isip ko yung teaser mo eh!!! hay pagod pa din ako pero may next chapter na kaya continue reading...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^