Tuesday, January 31, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 33


CHAPTER 33
(ELEAZER PASCUAL POV)



"Sam..."



"Lumayo ka saakin!!!" Anak ng peste naman! Hindi ko yun sinasadya!



"Eli, ako nang bahala." Buti na lang nandito si Raffy, nursing kasi course niya, matitignan niya yung kamay ni Sam. Tapos sinarado na niya ang pinto ng kwarto ni Sam at doon na sila nagkulong.



"Sam, I’m sorry!!!" Putragis! Hindi ko alam ang gagawin ko!



 Nakita ko si Waine na kayakap si Sam at narinig ko pa ang girlfriend ko na sinabing mahal na mahal niya ang kaibigan ko! Sino bang hindi magagalit!



At dahil sa pag-awat ni Sam, siya tuloy ang nasaktan ko! Argh! Susuntukin ko sana ang pader, pero pinigilan ako ni Waine.



"Ano pa bang ginagawa mo dito?" Hindi! Hindi ko matatanggap na mahal siya ni Sam! Ikamamatay ko!



"It’s not what you think it is!"



"Lumayas ka sa harap ko kundi mapapatay talaga kita!"



"Mga pare tama na."



"Ang hirap sayo dinadaan mo agad sa init ng ulo at pananakit!"



"Gusto mo talagang mamatay ha?"



"Lintek naman Eli, makinig ka kasi!!!"



"Aba't..." Sinusubukan talaga ako nito ha!



"Teka nga lang!" At napasigaw na si Argel. "Makinig nga kayo saakin!"



"Ikaw nga ang tumahimik jan!"



"Pag-untugin ko kaya ulo niyo!" At hindi niya lang sinabi, ginawa pa niya! Kinaladkad pa niya kami pababa doon sa sala. Aba’t naghahanap din ng latay sa katawan itong si Argel.



"For once lang mga pare makinig kayo saakin! Tandaan niyo mas matanda ako sainyo!" Tapos tinulak niya kami pareho paupo. "Ano bang nangyayari sa inyo ha! Nag-aaway kayo, tapos ngayon nasaktan pa si Sam! Eli, ano bang problema mo?"



"Ang gagung 'to pumuporma kay Sam eh!!!"



"Hindi ako pumuporma sa kanya!!!"



"Tarantado! Huling-huli kong magkayakap kayong dalawa!!!"



"Eh ano naman ba sayo? Kayo ba?"



"Pakshet naman dapat bang magsigawan? Gusto niyong bang tapyasan ko yang mga labi niyo! Mag-usap naman tayo ng matino! Nagkagulo na nga idadaan niyo pa sa init ng ulo!" Eh siya mas mainit ang ulo dito eh. "Bakit ba kayo magkayakap ni Sam?"



"Kasi sinabihan ko siya ng problema ko!"



"Ano naman yun?"



"Aalis na ako papuntang States after ng graduation!" Napatingin kami bigla sa kanya. "Hindi na ako makakasama sa inyo sa college, kasi doon na ako mag-aaral. Hindi ko alam kung paano sasabihin sainyo at si Sam lang ang napagsabihan ko."



Natahimik kami bigla, lalo na ako. "Taragis naman!" Na-guilty tuloy ako!



"Oh ikaw, bakit ka ba nanununtok?"



"Nambubugbog!"



"Nagseselos ka?"



"OO KASI KAMI NA NI SAM!" Kinailangan ko na ring sabihin sa kanila. At syempre, laking gulat din ng mga mokong.



"Weehh?"



Pakingshet ‘tong mga ‘to! Seryoso na nga hindi pa naniniwala! "Kami na nga. Matagal na rin."



"Pusanggala! Sabi ko na nga ba!"



"Nakngteteng! Matagal ko na ding hinala yun eh!"



Tapos natahimik kami ulit. Ang gagu lang namin, hindi namin alam kung ano pa iri-react namin. "Teka... pare... so iiwan mo na kami?"



"Wala na akong magagawa Idol. Naka-set na ang date."



"Psh! Wala 'to Waine!" Wala na! Wala na nga ang usapan namin!



"Pero teka... kayo na nga ba ni Sam."



"Sinabi nang OO! Gusto mong mabangasan ulit?"



"So ikaw yung dahilan kung bakit umiiyak si Sam kanina bago pa man kami dumating dito!"



"Ano??? Pinaiyak mo si Sam! Loko ka ha!"



"Hala paano ko pinaiyak si Sam?" Chupeste! Kaya walang mabuting naidudulot ang heart-to-heart talk naming tatlo eh! Nakakabwiset lang lalo!



Nung ma-kwento ni Waine ang mga pangyayari… "Tangna sabihin na nga natin sa kanya!" Pinagseselosan pala ni Bugal si Raffy! Ew~!



"I think mapag-uusapan na nila yun doon." Kung sabagay! Hindi yun maitatago ni Sam! Lalabas at lalabas yun sa bibig niya.



"Bakit ano bang meron dun kay Raffy?"



"Ikaw naman kasi pare, missing in action ka! Itong si Raffy, may ex boyfriend ang lakas ng sapak. Tinulungan namin siya kasi ginugulo siya nun, eh member pa yun ng gang sa East."



"Ganun ba?"



"Sige okay lang na wala ka, patatawarin kita. Ang laki naman din pala kasi ng problema mo. Pero bakit ba hindi mo rin sinabi agad na mangingibang bansa ka?"



"Kasi usapan natin noon, mabubugbog ang sino mang babali o mag-iiba ng school!"



"Oh yan nabugbog na nga kita." Pero syempre, kailangan ko itong sabihin kahit ang korni at sobrang cheesy! "Sorry ah!"



"Okay lang, nasuntok naman din kita kanina." Pangarap ba niya yun?



"Hindi ang weak mo pa rin pre." At dahil hindi uso saamin ang yakapan, naghand-shake na lang kami.



"Pero Idol, kung malalaman na ni Sam ang totoo mula kay Raffy, hindi pa rin ganun yun kadali sa pagitan niyo."



"Ampness!" Pakshet! Pinaalala pa ng kumag! "Paano naman ba ako hihingi ng tawad sa kanya?"



At pareho silang hindi sumagot! Langya! Mga walang kwenta!



‹(_)

(SAMIRA ALMIREZ POV)



"Buti sprain lang..." Ang sinasabi ni Raffy habang binabalot ng benda ang kamay ko. "Pero mas mabuti kung magpacheck-up ka pa rin."



"Hindi na Raffy, salamat." Sabi ko, pero hindi ako makatingin sa kanya.



"May iba pa bang problema Sam?"



"Si Eli... bakit palagi na kayong magkasama ni Eli?"



Napayuko si Raffy. "Ayaw na sanang ipaalam sayo ni Eli." At inihanda ko na ang sarili ko sa ano mang pwedeng sabihin ni Raffy tungkol sa kanila. "Dahil ayaw ka niyang madamay sa problema... sa problema ko."



Pero hindi ito ang inaasahan kong marinig. "Anong problema?"



Napaseryoso ng mukha ni Raffy at nagbuntong hininga muna siya bago magsalita. "I had a boyfriend Sam, and I didn’t tell anyone. Kasi gang member siya from the East." Wala nga siyang nabanggit na may ka-relasyon na siya. "Then two months ago, nag-break kami dahil napagod na ako sa lahat ng kalokohan niya. I wan’t to get rid of him, but he won’t let me. Binabantaan niya ako na walang ibang makakalapit saakin, bantay-sarado niya ako at ng mga ka-gang niya."



Naawa ako bigla kay Raffy. Baliw na siguro yung lalaking yun! "Then I met your friends at that party. Nakwento nga nila saakin na si Eli ang leader ng SGG, and I thought I could ask them to help me."



"And?"



"Binantayan nila ako for a week... especially si Argel." At may nasilip akong smile mula sa kanya. "And Eli didn’t want to tell you kasi nasabi niya na may experience ka na tungkol sa mga gang. Ayaw na niyang dagdagan pa ang trauma mo noon."



Pero lang yun ang gusto kong malaman! "Pero Raffy, may... may gusto ka ba kay Eli?"



"Yeah... I like him." Napapikit ako pagkasabi niya nun. "I like him kasi kundi dahil sa kanya, hindi pa siguro tumigil yung mga taga-East sa pangugulo saakin." Tapos parang nag-sparkle pa ang mata niya. "I like him kasi tinutulungan niya din akong mapalapit kay Argel!"



"Ha?" Naalala ko bigla yung sinabi ni Waine. "Nakwento saakin ni Waine na nakakatext mod aw si Argel. At sabi mo na may gusto ka nang iba."



"I just said that kasi nung una, ayoko ring idamay siya."



"So si Argel talaga ang gusto mo?" At tumango siya a lot of times.



"Kaso parang ikaw ang gusto niya."



"Hindi ah! Ganun lang yun saakin kasi malapit na rin ako sa kanya, pero... pero crush ka talaga nun!" Nanggigil naman ako sa sarili ko sa sobrang pagka-guilty! Pinahselosan ko pa si Raffy, at nakaramdam pa ako ng galit kay Eli. "Um... pero yung tungkol sa East... okay na yun?"



"I think so. Nung malaman kasi ng ex ko na kakilala ko si Eli, napaatras sila ng mga ka-gang nila. Kanina lang yun nangyari, nakakatwa nga sila eh. Sikat pala si Eli noh, kaya pala Idol ang tawag sa kanya." At nagtawanan na lang kami. "Basta Sam, wag mo na lang ipaalam kay Byron hah! Mag-aalala pa yun, baka magulo pa yung bizaare lovelife niya."



"Pffft! Ikaw talaga Raffy!"



Pagbaba namin sa sala, napansin kong parang nakapag-usap na rin ng matino sina Eli at mga kaibigan niya. Malalamig na ulo nila, at pinagtatawanan na lang nila yung nangyari kanina.



Ginamot na din ni Raffy yung mga sugat nina Waine at Eli, samantalang kinukulit ako ni Argel tungkol sa kamay ko.



"Okay ka na ba talaga Sam? Gusto mo isugod pa kita sa ospital?"



"Sira!!! Okay na ako Argel."



Hindi lang din kami nagpapansinan ni Eli, kasi hindi ko alam yung sasabihin ko sa kanya.



(_)



After nang magamot nina Eli at Waine, sandali lang kaming nanahimik. Nagpapakiramdaman lang kami. Parang may something din sa mga tingin nina Argel at Waine saakin, tapos ngingitian nila si Eli, tapos ngingitian lang ulit ako! Mga timang!



"Um... sige na, mabuti pa umuwi na kayo."



"Ako na maghahatid kay Raffy, ikaw Waine magpahinga ka na."



"Pare, inom ka ng gamot hah. Baka hindi ka makatulog sa gabi sa sakit ng katawan mo."



"LUL Idol!" At naglokohan pa yung dalawa! I’m so glad na ayos na sila agad.



"Bye Sam! Bye Eli!"



"Bye! Ingat kayo hah!"



"Bye mga Idols! Ayiiehhh!"



"Mga punyemas! Umuwi na nga kayo!"



"Sam, inom ka lang din ng pain-killer kapag sumakit pa yang kamay mo ha."



"Okay! Ba-bye!" At nagpaalam na nga silang tatlo.



Nang maiwan na kaming dalawa ni Eli, wala lang kaming imikan. Siguro ilang segundo kaming nakatayo lang sa pwesto namin kanina, at hindi kami nagtitinginan.



Dahil hindi ako kumportable sa ganito, naisip ko na lang na umakyat na sa taas papuntang kwarto. Siguro mas mabuti ngang wag na muna kaming mag-usap dahil di ko rin naman alam yung sasabihin ko sa kanya.



Ang kaso sa paghakbang ko, naramdaman ko yung dalawang kamay ni Eli sa balikat ko, at hinila niya ako papalapit sa kanya para yakapin ako.



Hindi kami magkaharap, pero yakap niya ako ng mahigpit. "Sam..." Naramdaman kong dahan-dahan niyang isinandal ang mukha niya sa kaliwang balikat ko, at nakadikit ang pisngi niya sa gilid ng leeg ko.



"I was wrong... I’m sorry."



Hindi ko alam yung sasabihin ko, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Gusto kong umiyak nang sabihin niya yun!



"I’m sorry kasi hindi ko sinabi sayo yung tungkol kay Raffy. I’m sorry dahil nagselos ka sa kanya. I’m sorry kasi nagselos din ako sainyong dalawa ni Waine." Ito siguro ang isang bagay na ako lang ang nakakaalam tungkol kay Eli. Na sa tuwing humihingi siya ng tawad, naginginig ang boses niya, parang pinipigilan niya ang sarili na huwag umiiyak.



"Sorry kung nasaktan kita emotionally..." Tapos pabulong na ang boses niya at mas mahigpit pa ang yakap niya. "At ngayon nasaktan pa kita physically... sorry Sam... hindi ko sinasadya."



Pagkasabi niya nun, saka ko siya hinarap at nginitian ko siya. I can’t find words para sabihin na oo, pinapatawad ko siya! Kaya niyakap ko na lang ulit siya at pinakiramdaman yung tibok ng puso niya.



"You’re the last person I want to hurt."



"I know Eli... I know."



Oh it’s crying time again! But this time, it’s tears of joy! Nao-overwhelm ako sa mga sinasabi ni Eli, magkahalo na ang emotions!



Nang magkatinginan kami, dahan-dahan pang inilapit ni Eli ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam yung gagawin kasi ang mahigpit pa ang yakapan namin. Pipikit ba ako? Nahihiya pa ako!



Naginginig tuloy ako, dahil siguro ilang centimeters na lang ang pagitan ng mga labi namin! "Sam... let me kiss you."



*boom badoom boom boom*



Ohmygad heart, maghunos-dili ka!!! I closed my eyes, and then our lips locked at each other!



At hindi ito katulad ng first kiss namin na madalian… kasi ang tagal!!! Or parang biglang bumagal lang ang oras! Sinusundan ko lang movements niya as we kissed, and so far this is the most heart-stopping kiss of my life!



Ang kaso, nakikiliti na ako sa hinga niya mula sa ilong! "Pffft..."



"Sam..." Syet, nakakapanindig balahibo yung bulong niya! Behave na nga!!! Pero narinig ko rin naman siyang tumawa, but it didn’t stop him from kissing me more! Jusmio, more!!!



"Ay Junanax, alam na nina Waine at Argel na tayo na."



"Hah? Nasabi ko na din kay Byron."



(◡‿◡✿)

End of Chapter 33


>>>SPECIAL CHAPTER 6 HERE





4 comments:

  1. uy kilig! done wth my commnt dun sa pf!!!!!

    -anew_beh

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, nabasa ko nga anew! ahahaha, hndi pa ako nakakapagreply dun... :D

      Delete
  2. yessssssssssssssssssss !! wahahahaha !!

    Ow yeah !! NEXT CHAPTER na ate !! UPDATE !!




    -facebook-girl :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^