Thursday, December 22, 2011

My Nephew-in-Law : Special Chapter 4



Sinong nakakaalala nung secret nina Eli at Sunmi sa Chapter 15? narito po ang secretong usapan ng magkapatid bago pa man nagkaaminan sina Sam at Eli.



Planning a Confession
(ELEAZER PASCUAL POV)





"Why are you so worried about her?"




Naglalaro kami ng ps3... at binubuhos ko yung inis ko kay Sam dun sa nilalaro namin. "Ha?"




"Si Sam... si Auntie Sam... why are you so worried about her?"




"Me? Worried? HELL NO!"




"You don't seem like you're telling the truth oppa."




"Psssh! Don't mind me Sunmi! Hindi ka pa nasanay!"




"Nasanay ako sa'yo! Kaya nga ngayon naninibago ako! Kahit na ngayon na lang tayo ulit nagkasama, kilalang-kilala na kita since the day you became my step-brother."




"Oh alam mo na pala eh, bakit ka pa nagtatanong?"




"Because you won't tell me the truth." Tapos nag-pout siya, and she stopped playing.




Napatigil din ako sa paglalaro ko, kaya natahimik kami bigla.




"Oppa... is there any chance... that you like her?"




"What?"




"Si Sam... do you like her?" She looked straight into my eyes... paano ko ba sasabihin 'to? Ewan!!!




"You want to know the truth?"




"That's what I'm asking for, kanina pa!"




"Alright! But this thing... is just between you and me... actually..."




And I told her what she wanted to know. And we both swear na saaming dalawa lang talaga yun! "I don't know anymore Sunmi. Si Sam kasi... auntie ko siya."




"Are you kidding me? You don't actually see her as you auntie, so don't lie to me."




"Auntie ko nga daw siya! Buset na yan! Siya kaya ang nagpapauso na nephew-in-law niya ako."




"And so... anong kinalaman nun? Ang tinatanong ko, kung may gusto ka na ba sa kanya?"




"Kung meron man... anong mangyayari saamin?"




"So meron nga."




"Parang... hindi ko pa sigurado... Pero nung makasama ko na kasi siya, parang nagbago na lahat eh. Habang tumatagal nga, mas kakaiba na yung feeling pag nakikita ko siya. Pero nakakapagpigil pa naman ako."




"So oppa, that means na nagiging perverted na iniisip mo."




"Hoy Sunmi! Gusto mong mamura kita?" Pero actually, parang ganun na nga din yun. Minsan iniisip kong yakapin si Sam ng mahigpit. Symepre naman kung gagawin ko bigla yun, masasampal niya ako! Minsan naman sa gabi napapanaginipan ko siya, kami na daw! Anak ng! "Alam mo yung sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pag nakikita ko siya, at nahihiya na akong lumapit minsan sa kanya dahil baka marinig niya."




"OMG oppa! You're in love!"




"Hindi ako in love ha!" Kung makapagsalita 'tong si Sunmi, akala mo ang expert niya pagdating sa love! "Ewan ko na!!! Langya naman kasi, hindi ko na alam kung anong iisipin ko!"




"So ano nang plano mo? Kelan mo sasabihin sa kanya?"




"Anong kelan sasabihin! Wala akong planong sabihin noh!"




"Wala... okay isipin mo na lang... paano kung may ibang mag-confess kay Auntie Sam. Anong mararamdaman mo?"




Matutuwa para sa kanya? Magagalit? Maasar? "Magseselos." Pakingshet! Sa dinami-dami ng naisip kong sagot, yun pa yung lumabas sa bibig ko! Oo na sige na! Parang hindi ko kakayanin yung selos!




"Ow..." Napatingin sa malayo si Sunmi. Then she sighed again. "I see..."




Natahimik kami bigla. Ano kayang iniisip niya. Hindi niyo lang kasi naitatanong, maraming bright ideas itong si Sunmi. "You want me to help you?"




"Help me??? Eh hindi pa nga natin sigurado kung ano din yung nararamdaman ni Sam para saakin eh. Medyo may pagkamalandi pa naman yun! Basta cute na lalaki, kinikilig agad! Bwiset!"




"So... kung aamin siya sayo, saka ka lang din aamin?" Ang gandang idea nun ha! tama! mahirap nang mapahiya ako!




"Ang galing mo talaga Sunmi. Oo yun ang gusto ko! Para wala na siyang kawala saakin! Kaso paano natin gagawin yun?"




"Ako nang bahala! Basta aamin si Sam sayo... at kailangan pag umamin na siya, sabihin mo rin na in love ka na sa kanya."









END OF SPECIAL CHAPTER 4



So yun nga mga friends. Yun lang naman ang secretong pag-amin ni Eli na in love na siya kay Sam. Ahahahaha!!! At ngayon, success naman ang naging plano nila dahil sumakto yung mga pangyayari! Ito na muna ang iiwan kong update para sa taong ito! Pero i-enjoy niyo na lang sila na! Silang-sila na!!!


Next year na lang ulit!!! Wait for "My Nephew-in-Law 2012"!!!



Edited: Dahil unang araw na ng taong 2012,







1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^