Friday, December 9, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 20

CHAPTER 20
(SAMIRA ALMIREZ POV)





Ang tagal bumalik ni Sunmi. Nag-usap pa siguro sila ni Eli.




Iniisip ko palang, kumikirot na naman ang dibdib ko. Crush lang ba 'to? Gusto? Syeettt! Wag naman sanang love!!! Kaso, parang ganun na din yun eh. Ano bang ginawa saakin ni Eli at nagkakaganito ako!




Naglatag ako ng mahihigaan ko sa sahig... at watch out lang ako kay Sunmi. Kinakabahan pa rin kasi ako, baka galit na naman saakin yun. Maya-maya, pumasok na siya sa kwarto.




Ang plain lang ng expression ng mukha niya... "What are you doing there?"




"Sunmi... let me explain." Sabi na galit nga siya!




"Get up."





"Sunmi yung nakita mo kanina..."




"I said get up!"




"Walang ibig sabihin yun! Sayong-sayo si Eli..."




"Get up dahil magtatabi tayo sa kama."




"Huh?" Magtatabi kami sa kama? Payag siya nun? Sa kama ba niya ako gugulpihin? "Hindi ka ba galit?"




She sighed. Tapos naupo siya sa kama kaya tumabi na din ako. "I believed at you when you said na hindi mo aagawin saakin si Eli oppa."




"Oh... te... thank you Sunmi." Nahiga na siya, at nahiga na rin ako sa tabi niya. Buti na lang malaki 'tong kama, kasya kaming dalawa!




"Aside from my mother and step-father, si Eli lang talaga ang nakakaintindi saakin. He's always nice to me, even if I'm so mean at him at first." Aba, nag-open siya bigla! "So I'm glad that even if you like him that much, pumayag kang ibigay saakin lahat ng oras niya."




I faked a laugh. Ang sakit kaya nun! Yung iwasan mo yung isang lalaking gustung-gusto mo, at nakasanayan mo na! "Don't worry unnie, you can have all his time again pag nakaalis na ako."




"What?" Napabangon ako. Pinagpapasahan ba namin si Eli?




"Why are you so surprised?"




"Ganun lang ba kababaw ang pagmamahal mo kay Eli?"




"Of course not! I love Eli so much!"




"Then why are you saying that to me? What if bago ka umalis, mag-confess ka muna ng feelings mo kay Eli. Tapos hintayin mo yung isasagot niya. After all, hindi naman talaga kayo tunay na magkapatid! Walang masama kung in love ka sa kanya, at masasabi mo yun."




Napabangon din bigla si Sunmi, at nakataas ang kilay niya saakin. "What did you just said? That I'm in love with Eli?"




"Oh... eh kaya ka nga galit na galit saakin dahil nagseselos ka diba?"




"EWWW! WHY WOULD YOU THINK THAT WAY? GROSSS!!! I never said I'm in love with him!"




"Then why are you so angry with me? Anak ng teteng, gusto mo nga akong palayuin sa kanya! And didn't you just said that you love him!!!"






"Oh for heaven's sake!!!" Tinulak niya ako kaya na-balentong ako sa sahig. Sadista naman masyado!!!! "I love him as a BROTHER!!! Kaya nga oppa, stupid!!! I have brother complex! OMG Sam, you're impossible!!!"




"B... brother complex?" So lahat ng pagmamalupit niya saakin, at pagiging over-protective niya kay Eli, dahil lang lahat yun sa brother complex?







 ^(◑◐)^




"You didn't just google the meaning of brother complex." Oo na, ni-search ko agad sa internet ng phone ko yung brother complex. Excessive love for one's brother. At sa case ni Sunmi, she would show her love through being mean with the people around Eli.




Langyang brother complex yan! "Akala ko naman kasi in love ka sa kuya mo! Why didn't you say so! Inaway-away mo pa ako! Syempre hindi ko papangaraping maging brother si ELi noh!"




"Pffft... kung sa bagay, in love ka nga pala sa kanya noh."




"UY SUNMI!!! Dahan-dahan ka sa sinasabi mo! I never said I love him!" Ginaya ko lang din si Sunmi kanina.




"Sinabi mo saakin, don't play dumb!" Napayuko ako. Nasabi ko na nga, naamin ko na sa harap niya.




"Kaso Sunmi... auntie niya ako."




"Oh shut up! He's NEVER really you're nephew-in-law! Maybe he's mother married your brother, but that doesn't mean na magkamag-anak na talaga kayo!"




"Eh... in love na siya sa iba... remember? Yung secret na sinabi niya."




Tapos nahiga siya sa kama. Wala man lang siyang reaction tungkol dun! Hindi kaya kilala niya kung sino yung babaeng gusto ni Eli? Syempre nasabi na ni Eli yun sa kanya, sobrang close sila eh. "Hey unnie, don't give me that look. Nababasa ko isipan mo. Even if I know who that girl is, I'm not in the position to tell you."




"Nabasa mo isipan ko? So kilala mo nga kung sino? Kilala ko din ba?"




*hikab*




"You know what, I'm sleepy! Annyeong-hi jumu-seyo! (Good night!)"




"Wag ka munang matulog Sunmi!!! Sino yung gusto ni Eli?"






*     *     *




"I will miss you guys! Matatagalan ulit yung pagbabalik ko dito! Eli, you look after South Grisham High School, alkke-sseoyo? (Understand?)"




"Ne! Don't worry appa. Sa chat na lang tayo katulad ng dati!"




"And Sam, take care of yourself and my son as well, okay?"




"Yes Appa!"




"Ah!!! Neo-mu gwi-yeop-tta! (So cute!)" Landi ng tatay ni Eli, kinurot pa pisngi ko! Ano kayang ibig sabihin nung sinabi niya?




"Yah Appa! Geu-man! (Stop that!)"




Tapos sunod naman nagsalita si Sunmi. Nag-usap sila ni Eli, sobrang haba nga ng mga pinagsasabi nila, hindi ko naman maintindihan. After nilang mag-usap, ako naman ang ni-hug niya.




Naiiyak ako, sayang ngayon na lang kami nagkasundo kasi!




"Don't cry! You look like a fool!"




"Grabe ka Sunmi... paalis ka na nga lang, ganyan ka pa rin magsalita saakin."




Then she smiled. "Ah time to go. An-nyeong Eli! Bye Sam! Take care, both of you!"




"Bye! Ingat din kayo!" Ang tikas din ni Eli, hindi man lang naluluha! Mga lalaki talaga, ayaw pang ilabas ang emotions!




"Oh wait! Just a sec!" Pasakay na sana ng sasakyan si Sunmi, kaso lumabas siya sandali ulit. "Eli oppa... Sam unnie... may sasabihin akong secret sa inyong dalawa. Listen carefully!"




"SECRET?"




Tapos nakatingin siya saakin. "Sam... Eli oppa-neun dang-sineul ssa-ranghamnida."




"Huh?" ANO daw?




"SUNMI!!!" Napasigaw bigla si Eli, silang dalawa lang naman yung nagkaintindihan!




"Ano yun?"




"Eli oppa... Qitrix si Sam, betsive fatale ka nyawang majing bowawits!"




"Huh?"




"SUNMI!!!" Napasigaw din ako! Paano siya nakapagsalita nun!




"Ano naman yun?" Awwssheeeshhhh! Buti na lang hindi naintindihan ni Eli!




"Hahaha!!!" Ang evil laugh ni Sunmi. Aaminin kong mamimiss ko din ang tawa niyang yun. "Bye-bye!"




Pag-alis ng sasakyan nila...




.




.




.




.




.








"Anong ibig sabihin nung sinabi ni Sunmi?"







(ಥಥ)



Kaming dalawa na lang ulit dito sa malaking bahay ni Eli. At may nagaganap na agad na mind game sa pagitan namin.




"Ano muna yung sinabi ni Sunmi?"




"Ikaw ang maunang mag-translate ng sinabi niya saakin!"




"Kapag sinabi mo kung anong ibig sabihin nung gay lingo na yun, saka ko lang din sasabihin!"




"AYOKO! Mauna ka munang magsabi! Wala akong tiwala sayo noh!"




Nagkatitigan kami! HINDI AKO PAPATALO!




"Sabihin mo na kasi! Ano yung betsive? At tsaka yung bowawits?"




HALAKA!!! Paano niya naalala yung mga salitang yun? Samantalang ako, sarang-chorva lang yung naaalala ko! "Wala namang ganung sinabi si Sunmi eh...?"




"Sinong niloko mo? Ahh tama!!! Si Byron na lang tatanungin ko!" Ang tanong alam ba niya number ni Byron?




"Pssh! Ahh tama!!! Igu-google ko na lang din kung anong ibig sabihin nung 'sarang' na yun!"




Nagkatinginan ulit kami, maya-maya nag-unahan na kaming umakyat pataas. We're both aiming for my cellphone. Nandun kasi naka-save yung number ni Byron para matawagan siya ni Eli, at may internet din yun para dun ko ma-search yung meaning nung 'sarang' na yun.




Nasa pintuan na kami ng kwarto, tapos hinila niya yung damit ko para hindi ako mauna!




"LUMAYAS KA DITO ELI!!! Kwarto ko 'to!"




"BAHAY ko 'to, wag mo akong palayasin!"




Naunahan niya ako, what the fussssss!!! Tapos naisip ko na lang na batuhin siya ng tsinelas ko. "Aray ko! tangeeeee...nnnnnnnnn..."




Lumukso ako sa kama para hablutin yung cellphone ko na nakapatong lang sa study table. "Ahahahaha!" Wagas pa ng halakhak ko, kaso tumayo na si Eli papunta sa direction ko! "WAAAAAHHHHH!!!"




Hinahabol ako ni Eli, saklolooo!!! Hindi ko alam kung kikiligin ako, o kakabahan! Ayokong malaman niya kung anong ibig sabihin nung sinabi sa kanya ni Sunmi! "SAMMMMMMMMM!!!"




"Waaahhhhhh!!!" Nakita kong nakabukas yung pintuan ng banyo kaya dumirecho ako dun at nagkulong ako dun. SAVE!!!




"HOY SAM!!! Buksan mo 'to!!!"




"Ahahahaha!!! Asa ka Eli! Malalaman ko na kung anong ibig sabihin nung 'sarang'!"




Pag-open ko ng phone ko...




so ang ibig sabihin ng 'sarang' ay...




"Uwaaaaaaaaahhhhh, Eli?"




Lumabas ako, nakatulala lang sa kanya at yung reaksyon niya, parang pinagpapawisan siya.




Napatakip bigla ng mukha si Eli... "Amp naman oh..."




So ang ibig sabihin ng 'sarang' ay...




"Uwaaaahhhhhhhhhhh... low-batt ako!" Napatingin saakin si Eli at parang nag-glow yung mukha niya. Nakahinga siya ng malalim nung pagkasabi kong low-batt ako. SAYANG NAMAN OH!!!




So ang ibig sabihin ng 'sarang' ay... hindi ko pa rin alam.





(A/N: Kailangan ko pa bang i-translate yung sinabi ni Sunmi kina Eli at Sam, o alam niyo na?)





ͼ(≦)ͽ


End of Chapter 20









4 comments:

  1. hahahaha... pa-suspense muna tayo sis!!!

    pero may mga hints na sa PF! may mga nag-comment kasi dun na tumama sa mga sinabi nilang pwedeng maging meaning nung sinabi ni sunmi... hihihi... :D

    ReplyDelete
  2. spreadTheLove:
    otor, im back!!

    happy new year po pala. :)
    hayss na-miss ko ang nephew-in-law..
    ahay anu pala yun? pakitranslate na po please.. hehe

    ReplyDelete
  3. @spreadthelove!!!!

    uwaaah namiss kita! :D
    nasa mga susunod na chapter yung translation ;)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^