Wednesday, May 23, 2012

Crazy Love Story: Update 11//

 CRAZY LOVE STORY



Update 11//



KATH’s POV




Nagising ako at wala ako sa kwarto ko...




Nasan ako? Nasa impyerno na ba ako?




Imposible! Mayabang lang ako pero mabait nman.

"YH..." Who's that pokemon? Bigla kasing nagsalita yung taong mukhang natutulog sa tabi ko. Nakaupo lang yung guy sa tabi sa may gilid ng kama.



"S-sino ka?" Tanong ko sakanya. Nanghihina yung buo kong katawan.
Ano bang nangyari sken?





"YH ... A-ako na lang please. Nagmamakaawa ako... YH.." Bigla nanaman itong nagsalita. Nananaginip sya.




"YH, ako na lang . Mahal na mahal pa rin kita... Kahit ilang beses mo na ako binalewala... YH, ako na lang." Awww. Ang sweet nman. Pero kawawa naman sya. Mukhang basted.





"YH, ako na lang mahalin mo..." Mas naawa ako ng umiyak ito while he's sleeping.


Awww... Ang swerte naman nung YH na iyon. Ngayon lang ako nakkita ng guy na umiiyak nang dahil sa love na yun.


Si DJ kaya iiyak din yun kapag nasaktan ko sya? Hindi ko gagawin skanya yun.. And speaking of DJ. Diba nagka dengue yun?



O.O



AYYY!!!! SHEEEET!!! SI DJ!!!!



Pinilit kong bumangon. Huhuhu. Ang sakit pa rin ng katawan ko. :”(


“Uhhhmm…” Nagising si sleeping boy, “Kath! Hwag ka munang tumayo, mahina pa katawan mo…”


“Huh? Kilala moko?” Nagtatakang tanong ko.


“Hah! Ikaw yung nakatulala yung minsang kasama ni Panget nung bumili siya ng iphone!” Mabilis na sabi ko. Tawag ko minsan kay DJ, panget. =)


“Ako nga. Ako rin ang nagdala sayo dito.”


“Huh? Pero ano bang nangyari saken?”


“Nasa hospital ka ng bigla kang nawalan ng malay. Ayos ka lang daw sabi ng doctor. Masyadong ka lang na-stress. Dyan ka lang, kukuha ako ng makakain mo..”


“A-ayoko. P-puntahan ko si DJ!”


“Mahina ka pa. Ipagpabukas mo na lang.” Mahinahon na sabi nung….I forgot his name.


“Hindi! PUPUNTAHAN KO SI DJ!” Pagpupumilit ko. Okay lang kaya si DJ?


“Kakain ka muna at magpapahinga…” Ang kulit rin nitong lalaking toh ha?!



“AALIS AKO KASI GUSTO KONG MAKITA SI DJ!!! WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAHINA MAN AKO! BASTA GUSTO KONG MAKITA SI DJ!” Sumigaw talaga ako sakanya. Alam kong masyadong rude kung sisigwan ko ang nag-alaga saken. Pero wala ako paki! Basta si DJ lang ang importante saken. Gusto kong malaman ang kalagayan niya.


“ANO BA! KATH!!! MAKINIG KA MUNA SAKEN HA?!” Nagulat ako nung sinigawan niya ako… “Sh*t! Ayaw mo pa lang sinisigawan, I’m so sorry, Kath…”


“Ayos lang, basta gusto kong makita si D---”


Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bumukas yung pinto, si Mommy and Daddy!



“Baby!”


“Mommy, dad! P-pano nyo nalaman?” Niyakap ako ni mom.


“Wala bang masakit sayo? Ayos ka lang?”


“A-ahmm.. Opo medyo nanghihina lang ako.” Worried na worried sila.


“Iho, salamat sa pag-aalaaga.” Nakangiting sabi ni Dad sa sleeping boy.


“Wala po iyon. Kath, sama ka na sa  papa mo… Ingatan mo muna sarili mo bago mo ingatan ang iba.” Si sleeping boy. Tsss. You don’t care! >.<


*Home*


“Mommy, I want to see DJ.” Pagpupumilit ko.


“Hindi pwede. Grounded ka muna ngayon. Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo? Pati si manong, hindi siya umuwi dahil hinanap ka niya. Buti na lang nakita ka ni Enrique!” Galit na sabi ni papa.


“Sorry po..” Sa natatandaan ko ngayon lang ako napagalitan ng ganito… Pero parang meron pa. Aissssh! I forgot na yun! Si DJ! =_____=

“P-pero pano po si D-DJ?”

“Maiintindihan naman siguro niya. Baby magpahinga kana.” Si mommy.

“O-opo.” Matamlay na sabi ko.


 I’m sorry DJ, mukhang hindi kita mabibisita. Ako pa naman ang may kasalanan kung bakit ka nagkasakit…. Magpagaling ka, may ipagtatapat ako sayo. Hindi na kita crush, nag-upgrade na ang feelings ko for you , I think love na kita.








Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



4 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^