Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 55// [Final Chapter]

Crazy Love Story

By: InnocentPen


Update 55// [Final Chapter]


After five years…


DJ’s POV


“Baby, wag ka ng iiyak ha?” Nilalaro ko si Baby Cael, kakaiyak lang niya kanina kaya baka umiyak na naman.

Nadaan ako dun sa may corner ng kwarto ko habang nakakalong pa rin sa akin ang baby, “Nakikita mo ba yan? Siya ang first love ko…ang ganda niya diba?” Nakatingin lang ako sa isang painting na bigay sa akin ng first love na tinutukoy ko.

Narinig kong tumawa ang baby, “Sabi ko sayo eh, ang tagal ko ng hindi nakikita iyan…nasaan na kaya siya ngayon?”

“Mommy mommy mommy...” Napatingin ako sa tinatawag ni baby. Napangiti na din ako, ang ganda talaga niya.

Lumapit naman siya sa akin and she kiss me on cheek, “Pinagod mo na naman si daddy, baby?”

Umiling naman yung bata.

“Ay naku, Baby Moosh, ininis na naman niya ang daddy niya. Ewan ko ba sa anak mo ‘insan bakit siya nagmana sa’to.” Pang-aasar ko kay Moosh, sakanya kasi baby yung hawak ko kanina. Akala niyo siguro sa akin noh? Wala pa akong asawa ah.

“Osya, hinihintay na kami ng daddy niya sa car…” Uuwi na niyan sila, bumisita lang sila kanina para makikain. Hindi na nagbago, haha.

“Ay oo nga pala, DJ, pakibigay ‘toh sa Kuya TJ mo kapag natapos na ang seminar niya. ‘kay? Thanks. Take care, ‘insan.” Then lumabas na sila.

Hindi ko na lang pinakialaman yung invitation ni Kuya. May seminar kasi ang mga teachers ng two weeks. Christmas vacation na kasi. Sino ba namang mag-aakalang kahit pala naglilibot si Kuya eh nag-aaral siya? Kaya bilib na ako sakanya eh.

Ano bang nangyari kay Kuya TJ? After niyang iparehab ang sarili niya for one year…siya mismo ang nagkulong sa sarili niya. Dapat for five years bago siya pakawalan pero dahil volunteer iyon kaya ginawana lang na three years. One year na rin si Kuya na malaya, tapos nalaman na lang namin na bago pala siya makauwi ay graduated na siya. Kaya nag-teacher siya sa isang Secondary school.


I’m an Engineer already; I graduated at University of Florida. I stayed there for five years at kababalik ko lang this month para sa Christmas. Three weeks na ako dito pero wala pa ring balita kay Kath. Gaya nga ng sinabi ko bago kami magkahiwalay, imposibleng kakalimutan ko siya.
Five years without her is hell, hindi naman sa naging miserable ang buhay ko, naging malungkot lang dahil nga wala sa tabi ko ang happiness ko.


Kath’s POV



“You should know everywhere I go
You’re always on my mind
In my heart, in my soul”

“You know our love was meant to be
The kind of love that lasts forever
And I want you here with me
From tonight until the end of time”

Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo…


“You should know everywhere I go
You’re always on my mind
In my heart, in my soul, baby…”

Hanggang ngayon…ikaw pa rin.

“You’re the meaning in my life
You’re the inspiration
You bring feeling to my life
You’re the inspiration
Wanna have you near me
I wanna have you hear me saying
No one needs you more that I need you…”

Nagpatuloy ako sa pagkanta habang iniistrum ang gitarang bigay niya sa akin. Hindi naman talaga ako regular na kumakanta sa bar na toh, naging hobby ko lang every weekend para kahit papano ay gumaan ang loob ko.

Sobrang miss ko na siya, one year na rin ako dito, right after kong makagraduate sa Europe ay umuwi din ako. In France, nag-aral ako ng fashion, sabi ko ng nung una na hindi talaga masscom ang gusto ko kaya yon.
Nagtayo kami ni Julia ng isang shop at doon ko ginamit ang mga pinag-aralan ko. Taga-design lang ako ng gown kaya parang hindi talaga ako ang nagmamanage ng shop.


Okay na sana ang buhay ko ngayon kaso may kulang pa…wala pa si DJ. Hindi ko alam kung nasaan na siya, ayaw kong magtanong dahil nga iniisip ko na baka hindi pa rin nakakapag-let go si DJ.

“No one needs you more that I need youuu…”

“Have a great night, guys! Thank you.” Bumaba din ako dun sa mini stage na yun pagkatapos kong kumanta.



“That’s my girlfriend, ang galing niya diba?” Narinig kong sabi ni Erik sa mga kasama namin pagkalapit ko sakanila.

“Yeah, what an angelic voice.” Sagot naman ni Jen, ang ka-date ng kinausap ni Erik kanina…si Ismael.

“Aww, Thanks Jen.” I thank her, nakakaproud kaya yun kapag may nag-appreciate ng voice mo.

“Upo ka na, babe, baka napagod ka na.” Lumapad ang ngiti ko ng marinig kong nagsalit ulit si Erik.

“Aww, you’re so sweet, babe. Buti na lang ikaw ang boyfriend ko.” I said sweetly.

Nagkwentuhan muna kaming apat hanggang magpaalam na sina Ismael at Jen saamin.


“Pare, ang swerte mo talaga at may girlfriend kang Kath. Perfect girlfriend. Kaya wag mo ng pakakawalan yan ‘tol ha?” Then he taps Erik’s shoulder. Nag-nod na lang si Erik.

Pagkaalis nila…binatukan ko si Erik, este Erik John, este EJ!

“Oyyy! Baklaaa! Ang landee mo talaga! Pati ako dinadamay mo sa kalandian mo! Hahaha! In fairness naman , gwapo siya ha?.”

“Ofcourse naman noh! Nakuuu hindi yata ako hahabol sa isang guy kung hindi gwapo!” Malanding sabi ng baklang kasama ko.

Yes, si EJ lang po yung sinasabi kong boyfriend ko kanina. Type kasi ni EJ si Ismael kaya ginamit niya ako para makasama niya ito. Galit daw yata si   Ismael sa mga gays kaya hindi ipinahalata ni EJ at para mas convincing eh ginamit niya ako as his ‘girlfriend’. Pero waag kayo, isa pa lang nagiging boyfriend ko and magiging boyfriend ko.


“EJ, kumusta naman yung work mo?” Matagal tagal din kasi kaming hindi nag-uusap ni Ej, ewan ko ba dito napaka-busy eh. Organizer kasi siya ng iba’t ibang event, mapa-wedding, graduations, recognitions, birthdays, anniversaries, pati gay contests ino-organize niya. Kaya yumayaman lalo eh.

“Ayos lang naman. Sa isang event lang ako naiinis ng sobra, wala kaming makuhang singer eh.” Haaay. Sabi ko na nga ba eh may hidden reason siya kung bakit niya ako pinuntahan.
Kapag kasi nagkukulang sila ng singers for an event, pupuntahan niya ako para pakiusapan na kumanta. Dahil nga hilig ko naman ang pagkanta ngayon kaya pumapayag ako regardless the fee.

“Nakuuu, ikaw talaga bakla. Ako na lang nga, ano bang event yan? Ang kuripot kasi nito.”Pang-aasar ko sakanya.

“REALLY? OMG! YOU’RE SO KIND TALAGA KATHYYY! OKAY OKAY! Let’s eat muna before natin pag-usapan the event.” Kapag talaga kasama ko ang baklang toh, nakuuu, nasisira ang eardrums ko.
Pero mas grabe kapag hindi ko kasama si DJ, nasisira ang puso ko. Corny na kung corny! Pero miss ko na siya!


Mag-pakita ka na DJ! Miss na kita!




(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^