Monday, May 14, 2012

Crazy Love Story : Update 9//


 CRAZY LOVE STORY

Update 9//


KATH POV


“Baby Moosh!” Sabi ni DJ at saka hinug ng mahigpit yung super cute na babae. Sa harap ko pa naman. Buusseeet!

“Daniel! Namiss kita!!! Sobrang-sobra..” Sabi nung super cute na girl. Oo, inaamin ko mas cute siya saken. Tsk!.

“Ako rin Moosh!!! I miss you so much!” Edi miss mo siya. Kainin mo na, para mawala na lang iyan.


“Ehem… DHIEEE, Una nako ha?” Naiinis akong umalis.  Sus, may dumating lang na mas cute sakin nakalimutan na agad ako. Putchaa naman oh!

Bumalik ako ulit…

“Yung mga Mogu-mogu ko pala nakalimutan ko..” At saka ko kinuha yung limang natitira na Mogu-Mogu.

“Sige alis nako…” Matamlay na sabi ko. Hinawakan ni DJ kamay ko.

“Kath, may problema ka ba?” Ngumiti ako ng pilit sakanila.

“Wala noh. Nakalimutan kong may assignment kami kaya aasikasuhin ko yun.”

“At kailan ka naman nagka-interes na gumawa ng assignment?”

“Tsss. Wala akong sinabing gagawa ako, mangongopya ako. Alis na nga ako!” Badtrip, man =______=
Pinigilan na naman niya ako. Enu beng problem ng gwepong nileleng ne ite?

“ANO NA NAMAN BA?!!” Nakakainis eh.

“Ahm. Nadala mo yung Mogu-mogu ko.” Si DJ.

“Oh! Isaksak mo sa…” Babaeng iyan!

“Saan?”

“Wala! Makaalis na nga!”

“Kath, mamaya pagka-uwi. Dun tayo sa labas ng school dun sa may bench ha? Hihintayin kita!” Narinig kong sigaw ni DJ.

As if I care! Baka di ka naman dumating. Tsss…

*Uwian na!!!*

“Hello po? Manong pakisundo na po ako.” Tinawagan ko yung driver  namin. Wala ako sa mood tumambay eh.

[“Ang aga naman yata?”]

“Wala lang po ako sa mood na tumambay ngayon.”
[“Sige, hintayin mo na lang ako”]

“Opo, ingat po.” In-end ko na ang call.

Ano kayang ginagawa ni DJ? Kasama kaya niya ang Baby Moosh niya?

Ahhy…sayang! May girlfriend na pala. Ang sabi niya saken, wala siyang girl friend pero may maha siya. Liar! Masyado lang yata akong assuming.

Naghihintay kaya yun dun sa bench? Hmmm. Hindi siguro, ba’t naman niya ako hihintayin? Baka nagdedate na sila ng Baby Moosh niya. Saklap nun oh?

*Fast forward*

Nasa bahay na ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung kanina.
Masyadong maganda yung Baby Moosh niya kumpara saken.
Hindi ko kailangan ng make over, cute naman daw ako eh. Mukhang hindi lang dalaga. Parang 10 years old palang daw ako. 17 na kaya me!

Umiiyak na ang langit! Hindi po ako ha? Umuulan talaga sa labas. Kaya masarap matulog. Malamig.
Habang nasa veranda ako nagbabasa ako sa Wattpad.  Bagay kay DJ toh, STUPID LIARS!

“STUPID LIARS, mukhang maganda ha? Idol ko pa naman si Taylor Swift. Mabasa nga ito.” Nagsimula na nga akong magbasa.

“Hmmm. Buti pa si Shannon marunong mag-hide ng emotions unlike me…eww.”

“Sana ganito rin kami ni DJ…” ENUDEW???! Si DJ? Hmmm,. Galit ako dun! Kapag may nakitang babae basta na lang ako iniiwan.
Hindi ko naituloy pagbabasa ko, nadrain na ang iPhone ko.

Palakas ng palakas ang ulan.
Time check: 7:32 pm

Makatulog na nga, wala akong ganang kumain ngayon.

*Kinabukasan…*

School…

“Sayang, hindi ko makikita ang prince charming ko. Bakit kaya siya nag-absent?”
“Ewan nga eh. Baka nagkasakit?”
“baka naman nag-date? Kasama yung cutie girl na iyon?”
“Ah. Kawawa naman si Baby kath naten. May baby na rin pala si DJ.”
“Oo nga… Ang tahimik nga niya ngayon eh.”

“Iyan ba ang topic ngayon? Mga sista?” Tanong ko sa mga classmates ko.

“Sorry beybi. Hindi namin maiwasa. Kumusta ka?”
“Ayos lang kung hindi ko kayo nakita!” Naka-pout na sabi ko.
“Ang cute cute talaga ng baby namin!
“Sabi ni DJ, hindi na daw ako baby.”
“Tss. Nevermind him, ayaw ka lang niya talagang tinatawag na baby. Kasi may ibang baby na siya. What’s her name again…Baby Moosh?”
“Sige, canteen muna ako ha? Hindi pa ako nag-almusal eh.” Nagnod naman sila.

Umiinom lang ako ng Mogu-mogu. Wala talaga akong ganang kumaineh. Hindi pa ako kumakain simula kagabi.

“HEY!!!” May sumigaw sakin. Who’s that pokemon?
Lumingon ako sa likod….
O.O
=___=

Sinampal ako ni Baby Moosh ni DJ.

“ANO BANG PROBLEMA MO HA? Ba’t ka nananampal? Anong gusto mo gulo?”

“Ang gusto ko giyera, bitch!”

“Ano bang problema mo ha?”

“IKAW ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT MO PINAGHINTAY NG GANUN KATAGAL SI DANIEL KAGABI?!”

“Huh?”

“ADIK KA BA? HINDI KA MAN NAG-ALALA NA BAKA NABABASA SIYA SA ULAN! ANG GAGO DIN NUN EH. BAKIT KA PA NIYA HINIHINTAY! IMAGINE 9 NA SIYA NAKA-UWI!!” Sigaw nung super cute na girl.

“W-wait… Nasan si D-DJ?” Nag-aalalang tanong ko.

“Nasa ospital nagka-dengue ng dahil sa’yo. Happy ka na?” OMG!

“Na…nag…ka-dengue siya?”



“….” Hindi siya sumagot umalis lang siya.



1 comment:

  1. tsk! cute sna tlaga ung tawagang baby moosh! peo mas cute un kun kei kath!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^