Monday, August 27, 2012

Crazy Love Story: Update 20//

Crazy Love Story
by: InnocentPen





Update 20//







KATH POV






“Uy, uy….uy…”






“Oh?” Naiiritang sabi nung kinakalbit kong babae.






“Libre mo ko.”





“Do I know you?” Maarteng sabi pa nun.





“Yes, I know you know me but I don’t know you.” Gets nyo? XD






“Eh, sa hindi nga kita kakilala e.” Naiinis na toh. Pero hindi ako natatakot, ang pandak nya e.





“Ahm, Okay. I’m Kath, so…Tara na! Libre mo na ako.” Natatawang sabi ko.





“Aysht… Here!” Sabi nito at saka inabot yung 100 peso bill nya.





“Ano toh?”





“Haler! Baka pera? Ikaw na lang bumili sa sarili mo. Yan lang hindi mo alam, ah.. Siguro ngayon ka lang nabigyan ng ganyan noh?” Pag-aasar nung DWARFY girl.






“Ah,.. Pera ba toh. Oo e, ngayon lang ako nabigyan ng ganito. Kasi naman sina mama, 1000 peso bill yung binibigay nila daily. By the way, thanks ha?” Pa-inosenteng sabi ko, at saka tumakbo papunta sa may canteen. XD





“Ayssht.” Natawa na lang ako sa reaction nung girl.







WAHAHAHAHA! I’m back! I am Kath again! :”> Sorry Schoolmates dahil madadamay na naman kayo sa kakulitan ko. Wahahaha! :D Pagkatapos kong bumili ng Mogu-mogu. Naglakadlakad muna ako tapos bumalik ulit sa canteen, nakalimutan ko yung sukli ko e. XD At ngayon pabalik na ko sa room.










“Sir!”Tawag ko sa isang prof. Mukhang bago toh ah.






“Huh?”






“Bago po ba kayo dito?” Tanong ko.






“Ah.. Oo. Pero---“






“Ganun po ba? O sige po mauna na po ako.” Pagpapaalam ko at saka ako  nagmano sakanya.





Nagmadali na akong bumalik sa room.






“Ano ba yan! Kapag iyan nasira, kakatayin kita!” Narinig kong sabi nung isang girl.






“Sorry naman, Babe..”






“Anong babe?! Wag mo sabi akong tawaging babe eh.”






“Okay. Fine, honey.” Nakakalokong sabi nung boy.






“Ayyssht!” May aso’t pusa sa campus ha? Waha!







Nagmadali na talaga akong pumunta sa room. Nagagalit na si Ma’am. Pinakuha nya pala yung mga answers sheets sa faculty. Hehe, katatapos lang ng exam namin eh.







“Ms. Espirit!” Salubong ni Ma’am.






“It’s ES-PI-RI-TU!” Pagtatama ko.






“Whatever. Where have you been?!” Ikaw na lang nga ang nag-uutos ikaw pa ang galit? Tsss.






“School.” Hindi ako makapasok dahil nga hinarang nya ang pinto at dahil na rin sa laki ng katawan nito. Wahaha XD






“Specifically.”






“Wonderstruck University.” Patukoy ko sa school namin. =D






“Arrgh.. You may sit now.” Sabi ni Ma’am. Kaya umupo ako dun sa may pinto.






“Ba’t ka dyan umupo?” Si Ma’am piggy pa rin.






“Dito nyo po ako pinaupo e.”






“’You may sit’ ang sabi ko. Wala akong sinabi kung saan ka uupo.”






“Dapat kasi Ma’am. Ang sabihin nyo ‘You may now enter the room and sit’” Ginaya ko pa ang tono ng boses niya.






“Ay! Ba’t ba ako nakikipag-usap sayo.” Sabi ni Ma’am at saka na tumalikod.






“Edi ma’am ayaw nyo ng makipag-usap saken? Edi pede nakong matulog sa klase?”






“Hindi pa rin.”





“Edi, hindi nyo ako tatawagin while discussion?”






“Huh?






“At hindi nyo ako uutusan at papagalitan dahil nga ayaw nyo akong kausap diba?”






“Ahh?—“







**Krriiiing!!!* (School Bell!)







“Class Dismiss..” Medyo tulala pang sabi ni Ma’am. Waha XD





“Loka ka talaga Kath, bumalik ka na naman sa dati. Sana pala hindi ka na nakamoved on kay DJ.” Bulong nung seatmate ko. Enu dew?





“Wow, seatmate! Ako ba ang kausap mo? Kelan ka pa natutong magsalita?” Ang tahimik kasi nito eh, di ko pa nga alam ang pangalan nito.





“Kani-kanina lang… By the way I’m--- Ano ba naman yan?!”Medyo napalakas ang boses nito may nakabangga kasi sakanya e… Si New Prof?!





“Sorry..Sorry.” Yun lang ang sabi nung bagong prof at saka nagadaling umalis.





“Kainis naman yung lalaking toh e.” Naiinis na tong seatmate ko.






“Easy lang. Bagong prof yun kaya kaunting respeto na lang.” Sabi ko.






“Wow! Nagsalita naman ang meron.” Naka-smile na sabi niya.






“Ganyan talaga. Sige mauna na ko sayo, seatmate ha? Seeyah next week!”






Siguro may mga nagtataka kung bakit balik ako sa dati. Ito lang ang naisip kong paraan para makalimutan na ng tuluyan si DJ. Alam ko naman kasing zero na…Wala na. Kaya Let go na lang…






Pero sa prosesong tinatawag na FORGETTING ay hindi mo pa rin maiiwasan ang lumuha kahit isang saglit lang. Tulad na lang ngayon… Ayun siya nagpapakasaya sa labi ng isang babae. I wonder kung ilan na ba ang nagalaw nito ngayon. Ibang iba na siya. I keep on crying na naman kaya bago pa lumala umalis na lang ako.






“Ayt! Ano ba naman oh!”Naiinis na sabi nung babaeng nabangga ko. (Uso ang banggaan dito eh. LOL XD )






“Sorry…” Tumingin ako sa girl, “Moosh..”






“Why? Anong nangyari ? Ba’t ka umiiyak?” Nagulat ako sa nakita ko talagang concern siya. At dahil dun napangiti na lang ako.





“A-ah? W-wala toh. May napanuod lang akong nakakaiyak. Sige una nako!”










MOOSH POV










Anong nangyari dun? Nakatrip naman siya kanina lang ha? Ba’t biglang umiyak?





Susulitin ko na ang POV ko na toh, once in a blue moon lang toh. Sorry pala kung hindi ko sinabi kay Daniel na tumawag si Kath nung time na sa hospital siya, ginawa ko yung to test Daniel. Why? Malalaman nyo din.





Parang ang weird ng mundo ngayon kasi si Daniel laging wala ewan ko lang kung saan nagpupupunta.





O.O







Ngayon alam ko na kung anong pinanggagawa ni Daniel at kung bakit umiiyak yung makulit na yun….





Sorry God pero kailangan kong istorbuhin ang dalawang nilalang na gumagawa ng milagro sa loob ng school.







“Ano ba?!” Sigaw ni Daniel. Pero biglang natahimik nung nakita nya ako.




“Mag-usap tayo. Dali! Punta ka dun!” Bumaling ako sa girl, “Ikaw naman, lumayas ka nga!”






“Anong nangyari sayo?” Natanong ko kay Daniel.




“Bakit ba? Normal lang naman ako ha?”





“Alam mo ba… Kung gaano umiyak si Kath ng dahil sa nakikita nya? Ha?! Ano bang gusto mong mangyari?!” Galit na sabi ko.





“Wala akong pakialam! Ganon din naman ang pakiramdam ko ngayon ng dahil sakanya! Magdusa siya!” Sabi ni Daniel sabay alis. Bakit ganun na siya magsalita saken ngayon?








I think this is the right time para sabihin na kay Daniel ang totoong nangyari, ang totoong ginawa ni Kath…



--



Feedbacks? :** <3






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



1 comment:

  1. hahahaa.. ang kulit ni kat!tawa much talaga!.. nawawalan na ako ng poise kakatawa.. naku,umiyak na nman sya.. haiii.. ang hirap pala mg move on..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^