Crazy
Love Story
By:
InnocentPen
…Pinatunayan na ni DJ na iisang tao si Teebeh at si Kathryn Espiritu at nasabi na rin ni DJ na ‘first love at first girlfriend’ niya si Teebeh. Pero….minahal nga ba ni DJ si Kath?
Update 45//
Kath’s POV
They are so mean. Haaay. Paano at bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Akalain mo ba naman na ang isang childish na katulad ko eh magkakaproblema ng ganito. Napaka…..unreal diba? Ang akala ko dati sa mga movies lang nangyayari yung mga ganito….yung bang tipong yung mahal mo ay di ka naman pala mahal at ang mahal ay yung kamukha mo. Ang saklap lang.
Wala kang karapatan na sabihin iyan! Hindi mo naman siya kakilala…
Sa kanyang mga salitang iyon, napatunayan na niya sa akin na mas minahal nito si Teebeh kasi mas pinagtatanggol niya ‘toh, diba? Haaaay. Iniisip ko lang na kung si Enrique ba ang minahal ko…masasaktan ba ako ng ganito? Ayst. Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa kukote ko, kawawa naman si Jessy kung ganon, (Rest in peace…Jessy.)
Alam niyo ba yung feeling na lagi mong nakikita ang mga taong nanakit sayo…at sila pa ang may ganang di mamansin. Yes, hindi nila ako pinapansin. Ang barkada namin, or should I say…Ang Barkada NILA NI TEEBEH?
Imagine, niligawan lang pala ako ni DJ dahil kamukha ko yung Teebeh na’yun. Ang saklaaap.
“Can I sit here?” Tumingin ako dun sa nagsalita, si Ate Bea. Ngumiti ako sakanya at saka tumango. Pagka-upo niya he held my hands.
“Kathyy… Are you okay?” Si Ate Bea, kahit two years lang ang tanda niya sa’kin nirerespeto ko ‘yan.
“Ate…bakit ganon? Ang sakit pala talaga noh?” Parang bata ako na yumakap sa mama ko nang mapansin nitong nasugatan ako at nag-iiyak. Pero sa sitwasyon ito…ay isa akong batang yumakap sa isang nakakatandang kaibigan dahil napansin nitong sugatana ng puso ko.
“Shh… Alam mo bang naranasan ko din ‘yan? Ganyan din ang iyak ko ng iwan ako ni TJ, yung kuya ni DJ…” Hinihimas niya ang likod ko habang sinasabi yon. “Alam ko din yung pakiramdam na wala akong malapitan, kasi wala yung mga taong nakakaintindi sa akin. Yung best friend ko nung mga panahing iyon, wala din kaya dinibdib ko na lang lahat hanggang sa maging ganito ako ngayon.”
Tumingin siya sakin, “Nakakatakot ako diba? Halos lahat ng nandito ay takot sa akin diba? Pero alam mo bang konte lang ang nakakaalam ng tunay na nararamdaman nito.” Sabay turo sa dibdib niya. Oo, kung titingnan mo si Ate Bea, mukha siya gangster simula sa black eyeliner niya hanggang sa black outpit niya. At dahil sa mga sinabi niya ngayon naiintindihan ko siya.
“Ate, mahal mo pa ba si Kuya TJ?” Tanong ko dito. Ngumiti ito at saka sumagot.
“Hindi na eh. May iba na’ko.” Mukhang sigurado na siya sa sagot niya,.
“Nahirapan ka bang mag-move on?”
“Oo, sobra. Hindi ko kasi siya kayang i-let go noon. Pero nung nakilala ko itong lalaking toh, bigla ko na lang na-realize na iba na ang nararamdaman ko, at nakamove on na ako nang hindi ko napapansin.” She tap my shoulder, “Ang mga kinakaya lang nating i-let go ay yung mga taong hindi destined para sa atin. Kaya kung hindi ka makapag-move on sa isang tao….hintay ka lang, you wanna know why? Kasi siya talaga ang para saiyo.” Tumaya na ito at saka ako hinalikan sa cheek at saka na umalis.
DJ’s POV
Nakaupo ako dun sa isang bench na malapit kung saan nakaupo sina Ate Bea at Kath.
Nakita ko na naman siya umiyak, gusto ko siyang lapitan kaso wala akong magawa dahil kung gawin ko man alam ko namang wala ding mangyayari.
Si Teebeh, siya ang childhood sweetheart ko…
*Flash back*
“Bataaa!”
Kunwari wala akong naririnig.
“Pogiiii!!!”
Lalalalala…
“LALAKING PANGEEEEEEET!” Sa wakas, tumingin ako ulit dun sa babaeng maliit na tumatawag sa akin. Sa tingin ko kasing-edad ko lang toh pero talagang pandak lang ito.
(A/N: Kung naalala niyo nung unang pagkikita nina DJ at Kath, tinatawag ni Kath si DJ pero si DJ naman hindi lumilingon sakanya pero nung sinigaw ni kath yung ‘lalaking pangeeet’ biglang lumingon si DJ at saka nagsmile, though, alam naman natin na COLD ang personality niya sa iba. Iyan ang dahilan)
“Oh?”
“Yung necklace mo nahulog!” Dun sa narinig ko na iyon, napatingin ako sa kwintas ko. Wala na nga iyon. Dali dali akong tumakbo palabit dun sa batang babae.
“San mo nakita? Nasaan? Anong itsura.”
“Yung circle! Nandun!” Sabay kaming tumakbo dun sa tinuro niya direksyon.
“Dito ko nakita yun.” Sabi niya habang nakaluhod dun sa isang part ng playground sa school namin.
“Nasaan na? Regalo sakin ni mommy yun eh!” Nasigaw ko, importante talaga para sa akin yung kwintas na iyon. Sabi kasi ni mommy dapat daw lagi kong suot yun eh.
“Nandito lang yun kanina pero bigla na lang nawala ngayon. Ito oh, tingnan mo oh, nag-draw pa ako ng circle para walang kumuha.” Paliwanag nung batang babae habang hinahawakan yung lupa na may guhit ngang bilog.
“Sorry ha? Hindi ko na nakuha kasi nga hinabol pa kita kaya binilugan ko na lang. Sorry talaga ha? Hwag ka sanang sumigaw ulit, ayokong may nagagalit sa akin. Huhuhuhuhhuhu. *sobs*” Nabigla ako kasi bigla na lang nag-iiyak yung batang babaeng kaedad ko. Anong ginawa ko? Bakit ko siya sinigawan?
Nilapitan ko yung bata kasi baka makita kami ng mga teachers at mareport na naman ako sa parents ko. Grade 1 pa lang ako eh super many na akong nagagawang violations. Hehe. Para astig.
“Uy, bata…’wag ka ng mag-cry. Baka sabihin ng teachers na it was my fault na naman.” Sabi ko habang tinatayo yung batang maliit.
“Kasi hindi ko naibalik yung necklace mo at saka sabi mo importante yun diba? Dapat binilisan ko na lang yung takbo ko o kaya mas nilakas ko yung sigaw ko…Waaaaaah.” Umiyak na naman siya. Hindi ko alam pero ayaw ko siyang nakikitang umiiyak kahit kakakilala este…kakakita ko pa lang sakanya.
“Uy…wag ka na namang umiyak ohh..”
“Di ka na ba galit?” Tanong nito at saka suminghot-singhot pa. Kakatawa.
“Hindi na.” Sabi ko tapos hinawakan ko yung pisngi niya kasi may dirt siya dun eh. Tinanggal ko lng.
“Pasensya na kung iyak ako ha? Ayoko kasing sumisigaw yung mga people saken eh.” Sabi niya ng medyo nahihiya. Para hindi siya mahiya binigyan ko siya ng hug.
“Bakit ka naka-hug sa akin?” Tanong nito.
“Di ko rin alam eh, basta sabi ni mama kapag daw may babaeng nahihiya at umiiyak dapat i-hug ko sila.” Tapos pinakawalan ko na siya sa hug ko.
“Ano palang pangalan mo, lalaking panget?” Tanong nito. Cute niya. Siya ang first crush ko! Sasabihin ko kina mama yun.
“DJ pangalan ko. Ikaw, babaeng maliit?”
“Ah. Ako maliit? Tatangkad sin ako ah. Tawag saken ng mga friends ko ‘Tee’ yun na lang tawag mo sakin.”
“O sige Tee!”
“Bye na DJ! Hanap nako ng yaya ko.” Sabi nung batang babae at saka tumakbo na.
“Bye Tee! Ang cute cute mo!!!” Sigaw ko.
-End of flashback-
Yan ang unang pagkikita namin ni Tee aka. Teebeh. Grade 1 lang kami non. =D Simula non naging friends na kami saka ko siya niligawan nung Grade 6 at naging kami. I miss you, Teebeh…
“Forgive me Teebeh, I only did that for my love…”
--
A/N: Wait for the last batch of updates. :)
(This
was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)
Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^