Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 46//

Crazy Love Story

By: InnocentPen


Update 46//


DJ’s POV

Flashback


“Teee!” Tinawag ko na naman si Tee, ang kulit kasi lagi na lang nadadapa.
Tumakbo ako palapit sakanya at saka tinulungan siyang tumayo at saka ako lumuhod, “OK ka lang, Tee? Bakin ba kasi ang likot mo? Ayan tuloy nadapa ka na naman.” Pinapagalitan ko siya habang pinupunasan yung knee at elbow niya sa panyo ko. Grade four na kami pero laro parin siya ng laro.

“Hinahabol ko  kasi yun eh,” Nginuso niya yung butterfly na maliit.

“Bawal manghuli ng mga iyan, hindi ka mabe-bless kay Papa Jesus kapag nang-huli ka niyan. Lagot ka, baka di ka na tatangkad.” Hinawakan ko ang kamay niya at saka hinila siya papunta ng clinic.

“Ate nurse, paki-cure naman po yung galos ni Tee ko.” Request ko sa nurse. Kaagad din naman nilabas ng nurse yung first aid kit niya tapos pinaupo niya si Tee sa may couch at saka nagsimula na niyang nililinisan yung galos.

“Arouuuch! Huuuuuu. DJ kooo, ayoko nito!” Reklamo ni Tee nang nilagyan nang nurse ng alcohol yung sugat niya tapos nag-bent siya, “Dito ka… I-blow mo. Mahapdi.”

Lumapit naman ako sakanya at saka binlow yung galos niya para mawala yung hapding nararamdaman niya.

“Ang cute niyo namang tingnan, mga batang ito.” Sabi ng nurse habang inaayos na yung kit niya. “Oh siya, okay na ang sugat niya. Wag ka na lang masyadong malikot ha? Be a good girl.” Baling nito kay Tee at saka na siya pumasok sa may isang room doon.

Tinulungan kong tumayo si Tee, “Hindi na ba masakit?” Umiling ito. Ngumiti naman ako at saka inakbayan ko siya.
“Ang likot mo kasi eh, ayaw kong nadadapa ka, kaya dapat wag ka ng makulit beh ha?”
“Bakit ‘beh’?” Tanong nito.
“Ayaw mo ba?”
“Hmmm… Tee-beh na lang.” Ang kulit talaga ni Teebeh ko.

--

Another flashback…

(Grade six)

“Coco, wala pa ba?”
“Wala pa ‘tol. Pero sabi ni Julia, malapit na daw sila.”

Kinakabahan ako, pano ba naman kasi ngayon ko na ipagtatapat at tatanungin si Tee kung pwede ko siyang maging girlfriend. Ang tagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito, hinihintay ko kasing payagan ako ng Parents ni Tee bago magtapat sakanya. At kahapon nga pinuntahan ko ulit Parents ni Tee at pumayag sila, nung una ayaw pa nila kasi masyado pang bata pero base daw sa nakikita nila, alam nilang mahal ko talaga si Tee at siya namang totoo.


Biglang pumasok si Luis sa Auditorium naming mga Elem students. ,“Tol! Maghanda ka na, nasa labas na sila Tee.”
Nag-signal na kami at saka na pinatay ang mga ilaw at tanging spotlight lang na nasa mini stage ang nagsisilbing liwanag ng kwartong iyon.


“DJ, game na. Nasa loob na sila.” Bulong ni Coco sakin. At saka nagsimula na akong tumugtog.



(Now Playing: A Thousand Years Piano Cover by 0AdRiaNleE0) -- > Play the video at the right side if you’re reading this on wattpad.


Walang kumakanta, tanging ang tunog lang ng piano ang naririnig. Hindi naka-tapat ang spotlight sa akin, nakatapat lang sa mismong piano para maging surpresa ito for Tee kapag binuksan na ang ilaw sa auditorium na ‘yun.


Pagkatapos ng piano play….

Yun na ang turn ko para magsalita, “Teebeh, lagi ko namang sinasabi sa’yo na ikaw yung pinaka-crush ko diba?” Narinig ko ang pagtili ng mga ibang kaibigan namin na kasama ni Tee na sina Julia, Agnes, EJ, at si Ate Bea.

Biglang may isang spotlight na tumapat kay Tee, ang ganda niya talaga.

“Tee, sasabihin ko sayo ngayon na simula grade one pa lang tayo aware na’ko sa feelings ko sa’yo. Crush kita dati….at mahal na kita ngayon. Tee, give me a chance to love you more.” Lumapit ako sakanya at saka hinawakan ang kamay niya, “Katee, pwede ba kitang maging girlfriend? Wag kang mag-alala nandito din sina mama mo, nagpaalam ako sakanila. Inuulit ko Tee, pwede ba kitang maging girlfriend?”


“Super love na love din kita, DJ!”  Nakangiting niyakap ako ni Tee at iyon na ang kaniyang naging sagot. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa araw na iyon.



-End of flashback-
--

Namimiss ko ng makasama ang isang Tee, yung batang babaeng maliit na nakilala ko dati twelve years ago…

(A/N: Di po ba sinabi ko na sainyo na 20 yrs old na si DJ at si Kathryn naman ay 19 yrs old. Napatupad na ang K-12 Education sa mga panahong ito. Kaya kahit sophomore college pa lang sila eh 20 years old na agad sila. Kasi nga po diba yung sa K-12 ay yung pinapahaba yung mga years sa bawat department. XD )


Teebeh ko… hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo.



Kathryn’s POV

         
“Baby, ano ba talagang nangyari sainyo ni DJ?” Pagkadating napagkadating ko from school iyan agad ang tanong ni papa. He is concern and I know that. Lumapit ako kay papa at sakto din ang dating ni mama na umupo sa tabi ko.

Bago ako magsalita, huminga muna ako ng malalim, “Ma, Pa, may kakilala po ba kayong Teebeh?”
Mukhang nagulat sina mama at nagkatinginan sila.

“Teebeh? Ahm.. wala naman.” Sagot ni mama at si papa naman ay mukhang nag-iisip pa.

“Bakit mo natanong, baby?” Tanong ni dad.

“Kasi nalaman ko na nilapitan lang pala ako ni DJ dahil kay Teebeh, look alike daw kami.”

Dahil sa sinabi kong iyon mas lalong nabigla si mama tapos si Dad mukhang nagalit sa nalaman niya.



Hindi ba nila expect na magagawa ni DJ yun? Masanay na sila, ganyan din naman ang pakiramdam ko nung una….hanggang ngayon.




(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^