Chapter 1
Not Yet so Tragic
Allison Pov
"Aalis na ako."deklara ko matapos mairita sa mga kaibigan ko. Nasa coffeeshop kami,nage-enjoy ng free wifi. Walang trip ang dalawang to eh. Pabili kunwari ng kape para makapag-facebook at twitter. Saka gusto ko ng umuwo dahil 5 p.m. na. May pupuntahan pa kami ng parents ko. Sa debut lang naman ni Ate Coleen.
"Allie,ang aga pa ha. Mamaya na."react ni Camilla Stromberg. Ang blonde hair na mahilig sa ribbon at gray eyes kung half-Norwegian na bestfriend. Kasing edad ko rin,15 years old. Maka-one direction din to like me. Kaya nga bestfriend kami eh.
Sumalpok ang kilay ko."Pagagalitan naman ako ni Mama. Saka may pupuntahan pa kaming debut."
"Diba 7 p.m. pa naman iyon. Sige na mamaya ka na umalis."pamimilit naman ni Lauren Browning,ang may blue-black hair na palaging naka-pig tails. Skinny siya,brown eyed,paled skinned at may lipbum palagi ang bibig. Mas matanda to ng isang taon sa amin.
"Gusto ko na ngang umuwi eh. Please pauwiin niyo na ako."sabi ko na tinalikuran sila kaya napaharap ako sa transparent na salamin. I saw my reflection,ang haggard ng mukha ko. Naka tight jeans at lost t-shirt ako. Nakahapay ang buhok sa gilid na mala-cher llyod ang ayos. kinulot ko yong black hair ko para magmukha akong pretty. British na british ayos ko kahit half-british lang ako. Ang liit ko. Ang payat ko kasi eh at 5'0 lang hieght ko.
"Bahala ka sa buhay mo Allison Johansen."bulalas ni Camilla kaya napalundag ako. Bumaling ako sa kanya para isanaban siya. Umalis akong nakataas noo.
Nasa side walk ako ng Manila. Kainis walang masakyan na taxi. Aabotin ako ng gabi rito. Papagalitan naman ako. Ang hirap dito sa Philippines eh. Saka napakadelikado tuwing gabi. Daming masamang tao.
Umupo ako sa waiting shade nang mairita sa kakapara. Kumibit balikat ako. Iniisip ang gustong isipin. Wala akong maiisip eh. Kahit kanta lang ng one direction. Puro hangin utak ko sa tuwing maiirita.
Tss..bukas may pasok naman. Makikita ko naman ang dalawang balahurang iyon. Nakakairita sila,ayaw ko nga magboyfriend eh. Hinahanapan nila ako. Pati si Louis na crush ko lang,nirereto nila sa akin. Panggigilitan ko kaya sila sa leeg.
Ginambala ako ng lalaking umupo sa tabi ko. Naka-formal attire,saan ang party? Kasing edad ko lang ata. Iwan kung ilang minuto ko siyang tinitigan. Good looking siya eh. Ang gwapo niya sa itim na buhok,sa matangos na ilong,sa mahabanging mata at sa rosy lips. Waah! Di ko napansin na magkatitigan kami.
Ngumiti siya sa kin. Pumitik ang puso ko na tila tinamaan ng pana ni Kupido. Waah! love at first sight. pbb teens.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Nilayo ko kaagad mata ko sa kanya. Yumuko ako at pinisil ang nanlalamig kung palad. Ano ba to? Bat ganito bayo ng dibdib ko?
ilang saglit bigla siyang tumayo. Nilisan ako. Waah! Pagwawakas din ng delusion ko. Kaso may naiwan siya. Cupcake.
"Teka!"tawag ko sabay kuha ng cupcake. Di niya ko narinig. May pagkabingi din ha. "Mister! ang cupcake mo!"
di man lang lumingon. Tuloy-tuloy lang sa paghakbang eh. "Tss..ano ba to."tumigil ako.
Until i realize..nasa gitna ako ng daan. At nagje-jay walking at papasalubong ang nagraragasang jeep. Patay kang bata ka.
Lumaki lang mata ko. Naging bato ang tuhod. At parang huminto ang Function ng body parts ko.
peep..peep..peep.
Nabingi na ko sa bosena ng jeep. Sumalpok ang katawan ko doon. Grabe ang sakit na nararamdaman ko. Parang hinihiwa ang laman at pinukpok ng maso ang buto ko. Tumalsik ako sa lugar na di ko alam. Pumikit akong hawak pa rin ang bag ng cupcale na yon.
Hindi ko bini-blame ang lalaking iyon dahil ako naman ang nagkusang ibalik iyon. Aba,malay natin hindi niya na kailangan iyon. Ako pa ang stupid. Pero ibabalik ko pa rin sa kanya to. Bwesit na cupcake to.
Zayn POV
Nakatawid na nga ako sa daan pero nagkagulo bigla mga tao sa daan. Nagkaroon ng malaking Traffic. Ano kayang nangyari?
"Mama,ano pong nangyari?"tanong ko sa matandang dumaan sa tabi ko.
"May na bundol."sagot nito na iniwanan kaagad ako.
Bundol na naman. Natural na phenomena na ito sa lansangan ng Manila. Mga tao kasi hilig sa Jay walking. Ako hindi raw..kakatapos lang mag jay walking eh. Makauwi na nga.
kakapagod manligaw tapos basted lang aabuton ko. Bakit ba nagtitiis ako sa Perrie na iyon? Di pa ako mauubusan ng mga babae dito. Hahanap ako ng mas better sa kanya. sayang lang porma ko. Naglakad pa ako,ano ba to..napakayaman ko,tinitiis ko ang conservative na babaing iyon. Nagmukha pa akong nag j.s. Promenade nito.
Nakarating na nga ako sa bahay,matapos ang mahabang byahe ng taxi na pinaghintay ako ng thirty minutes. Madilim na. Nakaandar na lahat ng ilaw sa bahay at sa garden.
Sinipa ko ang gate..ayaw mong bumukas ha. Di valid ang password ko. 300 times ko ng ginagamit iyon. Pinalitan naman ba ni Insan. Si Liam ang tinutukoy ko..inadopt na iyon ni Papa matapos mamatay sa plane crush parents niya.
"Hoy Liam,ano naman bang katarandaduhan ang ginawa mo huh!"sigaw ko. Nasa balkonahe siya ng second floor kasama si Danielle. Andito naman ang baliw niyang nobya.
Ngumiti lang siya sa akin. "Parekoy,ang clue ng password ay pangalan ng dove ni Louis!"sigaw niya.
"Ah! bwesit..KEVIN!"I scream. bumukas ang gate. Sinipa ko pa nga bago tuluyang makapasok.
Sinalubong ako ng lovebirds.
"Oh! tagumpay ba parekoy?"tanong ni Liam.
"Mamaya na tayo,magusap parekoy. Wala ako sa mood. Dinagdagan mo pa."i snapped.
"happy couple na ba kayo?"ito pang isa. Huh! Ang cute. Kumirot mukha ko. Naintindihan niya kaya sumimangot siya.
"Sayang.."bulong niya.
"Sinagot ka na ba Parekoy?"ang kulit ni Liam.
"Basted siya Liam!"si Danielle ng inform.
"Pambihira ang hina mo."ayan,manunukso.
Umiling ako. Na-fu-fustrate ako. Layasan ko na nga ang takot sa kutsara kong pinsan.
nagpaout si Danielle.
"Hindi naman ako gago para magtiis sa babaing iyon. Hahanap ako ng iba na mas matino sa kanya. Dyan na nga kayo. Wala akong gana ngayon."
"Better Luck next time,parekoy."habol pa nito. Umakyat ako sa itaas. Nilakas ko ang pagsira ng pinto na yong tila mahuhulog lahat ng picture na nakasabit sa dingding.
Nagpatihulog ako sa kama. Ilang minuto ring nakatitig sa kesame. Naalala ko yong babae kanina. Grabe makatitig sa akin. Tila nagka-love at first sight na. Sino kaya yon? Hmm..kung makilala ko iyon. Iyon na lang kaya ligawan ko..
teka..may cupcake akong dala kanina. Bibigay ko sana kay Marceline. Gusto niya yon, si Marceline ay ang anak ng Ate ko. Pupunta sila dito bukas kaya bumali ako noon magkatapos umalis sa bahay ni Perrie.
ang tawa ko..saan ko ba yon na iwan. Ah! Sa waiting shade marahil. Doon lang ko tumambay ng panandalian eh. Marahil nandoon na sa babaing yon. Sige,sa kanya na lang.
>>> CHAPTER 2 HERE
heto na un!! inaabangan ko to sa watty eh.. read this too guys.. ang cute nito!
ReplyDelete