Chapter 2
Allison POV
Wake up,Ghost
Bakit ang lamig ng lugar? Bakit ang dilim? Saan na ba ako?
Nasa waiting shed. Oh no,kanina pa ko dito ha. Makaalis na nga. Malalate na ko sa debut eh. Anong oras na nga ba? Tinitigan ko wrist watch ko. Di gumagalaw,ano ba to? Sira na kaagad. Kabibili lang eh.
I remember the cupcake. Kailangan ko pa lang isauli to sa may ari. Kaso di ko alam kung saan na yon na punta. Mag je-jay walk muna ako.
Naglakad lang ako ng naglakad. Di ko alam kung saan ako napunta. Basta dito lang sa daan. Maya-maya,napansin ko yung lalaki na sinisipa ang gulong ng red sports car niya. Na flat kawawa naman. Iritang-irita ito. Kinuha ang cellphone para tumwag ng tulong. Lalapitan ko kaya para asarin.
"Hello, Liam! pwede ba sunduin niyo ko dito sa Seamus Street,malapit sa binundo."sabi nito. Napatutop ako ng bibig. Kilala ko to eh. Siya yong may ari ng cupcake. Hay,sinadya."What? now na mismo please..alam mo naman malalate na ko sa klase."
Klase? Gabi na ha,ah baka evening class. Teka,umaga ngayon ha. Ang weird nangyayari sa akin ha.
He hung up the phone then binalik sa bulsa.
"kaasar,mahuhuli ako sa first period."anas niya habang nakayuko.
"Hi!"bati ko. Manhid. Walang paki. I blink twice. Sinigaw ulit ang hi! Huwaat? Ang lapit-lapit ko,di niya ako nararamdaman. Nag belat ako! Nagdevil sign pa ko,yung nilagay ko sa ulo ko ang dalawang kamay na nakataas ang hintuturo. Then,nag cupcake ako. Yong nilagay ko sa chin ko ang nakataob na dalawang kamay ko. Wala talaga eh. Dedma lang.
"Aaahh!"sinigawan ko siya. Ang lapit-lapit ko,di man lang siya umigtad kahit kumibo man lang. Maya-maya umalis siya sa pagsandal. Namulsa at pumara ng taxi. Pambiriha,di niya ako nakikita. Mistulang multo lang ako nito.
May humintong taxi. Kinuha niya ang bag sa kotse niya. Binuksan ang pintuan ng taxi. Bago pa man siya makapasok,inunahan ko na. Di ako titigil hanggat di mo ko napapansin. Tandaan mo yan.
Habang bumabyahe kami,wala akong kisap sa kakamasid sa kanya. Napakagwapo kahit saang anggulo. Ang payapa ng mukha niya. Wala kang makikitang masamang aura sa kanya. Hay,kailan mo ko mapapansin. Hello! Katabi mo na ko pero wala kang nararamdaman.
Huminto kami sa harap ng school. Ah,ito pala school niya. Teka,school ko rin to ha. Huwaat? Mag schoolmate pala kami. Small world. Mabilis siyang bumaba matapos ibigay ang pamasahe. Sinundan ko naman siya. Pumasok na kami,nag-hi pa nga ako kay Ka-feeling close ko na guard eh kaso wala lang siya nakita. Sakit sa loob.
Dumeretso kami sa Locker room. Sinipa ko ang isang locker. Ayan,kumibo siya at lumingon sa akin. Ngumiti ako at nagwave. Kaso nag-quiver siya. Nahihiwagahan sa ingay kanina.
"Zayn!"may sumulpot na lalaki. zayn pala pangalan niya. I love it. Ka namesake sila ng favorite member ng british-irish boyband ko.
"Ikaw lang pala,justin. May pasipa ka pa ng locker. "sabi nya na kinuha ang libro.
Nalito naman tong skinny boy. "Ayan,nagugutom ka naman marahil. Kung ano ano iniisip mo. Kabago-bago ko lang dito.Saka di ako sumipa ng locker."refuse nito. Kumibit balikat ako.
"Zayn ako sumipa non!"sabi ko. Kaso dedma.
"Sige pre,mauna na ko sa klase ko." tinalikuran niya ito.
Sinundan ko siya habang hawak ang cupcake. Ano kaya section niya. Oo,maykaya kami pero sa public school kami nagaaral. Mas quilidad kasi sa public saka ang saya,marami kang makilala. Nalagay ako sa special section. Ewan ko ba. Di naman ako special child. Di joke lang. Special science seksyon,first seksyon,kung saan nilalagay ang mga matatalino at magaling. Hindi ako magaling,magaling sa kalokohan lang. Added info,fourth high school ako.
Nandito na nga kami sa harap ng room niya. Special Science 2 siya. Naku,katabi lang kami ng room. Di ko siya napapansin. Si Perrie lang kasi kilala ko rito eh.
Umupo siya sa likod na di kumibo. Nakatitig si Perrie sa kanya. Nag hi ako kaso tila invisible ako na di niya nakikita. Pumasok ako sa lahat ng lugar na walang nakakaalam. Wala naman akong sout na invicible cloak. Saka bakit kulay puti na bistida ang sout ko?
Bumaling sa harap si Perrie. Hoy,perrie. Wag mo nang agawin si Zayn ko. Akin na siya. Umupo ako sa tabi ni Zayn. Wala namang nakaupo roon. Sinubukan kung magpapansin hanggang maghapon. Sinundan ko siya kahit saan. Sinisipa ko kahit anong bagay. Mamutla lang siya at matatakot. Waaah! Sigaw lang ako ng sigaw dito. Dedma pa rin. Ano ba to ha!
Natapos na nga ang klase. Buntot ng buntot lang ako sa lalaking ito na manhid naman. Waah! Pero di ako susuko. Ibabalik ko sa kanya ang cupcake na ito.
May narinig ako iyak. Pamilyar sa akin. Hinanap ko saang galing iyon. Ah,dito sa kabilang hallway. Tutal abala naman si Zayn sa pakikipagusap sa friends niya. Iwan ko muna siya para i-check iyon.
"Tahan na,Camilla."sabi nung isa.
"Namimiss ko na siya eh. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit niyaya ko pa siyang makipaglibre ng wifi sa coffee shop."sabat ni Camilla.
Ow,my friends. Bakit umiiyak si Camilla. Anong problema. Mukhang malulungkot ang dalawang to. Lalapitan ko nga.
"Hindi natin ginusto ang trahedyang iyon. Wala ni isa sa atin ang may kasalanan."sabi ni Lauren.
"Kasalanan ko kaya natutulog siya ngayon!"Camilla stammered.
"No.."said Lauren,rubbing her back. Nilibing ni Camilla ang mukha sa dalawang palad niya.
"Hey,vas happenin? I'm here!"exclaimed ko. Di man lang sila umangat. Ano ba ang nangyayari at sino ang tinutukoy nila? "Lau and Cam,anong nangyayari sa inyo? Di niyo ba ako naririnig and don't me di niyo rin ako nakikita. Waah! I'm not a ghost!"
Later on,tumayo siya. Ah,baka pansinin na nila ako. Ngumiti ako.
"Tatlong araw na ring natutulog si Allison. Sana kung nasaan man yong kaluluwa niya. Maisipan na nitong bumalik sa katawan niya."tumingala si Lauren sa langit.
"What are you talking about Lau? Are you kidding me? Buhay nga ako oh,kasama niyo. Saka anong natutulog ka dyan-"I trails off.
I poke her. Ah,tumagos ang kamay ko sa beywang niya. What the heck really happening to me? Am I a ghost? Noooo!
Tumakbo ako. Katulad ko na si Moaning Mrytle. Yung kaluluwa sa harry potter series. Hindi naniniwalang patay na. Ayoko,ayoko. Di ako multo.
Bump,nabangga ako sa kotse pero di naman masakit. Kitam,di ako multo. Nabangga ako. Di tumagos.
"Zayn! bilis mahuhuli na tayo sa party!"tawag nong lalaki na brown ang buhok. Nandito nga si Zayn pasakay na sa kotse. Ah,sasama na lang ako sa kanila. Gusto ko lang kalimutan ang nangyayari ngayon.
Sa party, kaninong 18th birthday to. Ewan ko ba,sumama lang ako dito eh. Wala akong pakialam kung sino man sila. Tutal multo ako di nila ako makikita. Ahaha,hawak ko parin ang cupcake. Bat ayaw maalis sa kamay ko. Marahil kasama ko ito ng maaksedente ako. Ngayon,wala ng panahon pa makabalik sa katawan ko dahil nasa ilalim na iyon ng lupa. I-enjoy ko na lang ang gabing ito kasama si Zayn.
Doon ako banda sa wine glasses na pinatong-patong. Subukan kong tanggalin tong isa para mawasak at matakot silang lahat. Yay,di ko mahawakan eh. Maya-maya dumating ang waiter,nilalagyan niya ng wine ang pinakatutok. May naisip ako,kukunin ko ang hawak niyang table napkin at ilagay sa mukha ni zayn. Wew,nahawakan ko.
kasalukuyang abala sa paguusap sa ibang babae eh. Di pwede iyon,ako lang dapat ang kausapin mo at gagawin ko ang lahat para makita mo ako. Err! Tinapon ko sa mukha niya ang table napkin.
"Ouch! Ano ba kayo! Bat niyo ko tinapunan ng table napkin."galit na usal niya. Napaatras ang babae.
"Ano bang sinasabi mo? Wala nga akong dalang table napkin eh."sabi ng babae saka tinalikuran siya. Tumawa ko. May nakita akong tinidor. Subukan kong sundutin ang gilid niya.
"oy mamansin ka naman!"sigaw ko sabay chuckled.
oh diba,parang nagwa-waltz lang siya sa panunundot ko. Ayon,binirahan ang paginum. Hanggang sa malasing. Sana makita mo na ako ngayon dahil lasing kanina. Kasi sa impormasyong nalaman ko,kadalasan makakita ng multo ang mga lasing. kaya ito sinamahan ko siya sa kwarto niya. Tinabihan sa pagtulok. Knock out talaga to eh.
>>> CHAPTER 3 HERE
ANg gAnda ng cOver, pOgi ni zAyn,,, gAnda diN ng stOry,,,
ReplyDelete