Monday, September 10, 2012

Crazy Love Story: Update 24//


 Crazy Love Story
By: InnocentPen




Update 24//




DJ POV



“DJ? Hinga ka ‘pre! Baka mamatay ka dyan!” Sita ni Luis.

“Loko mo!” Kinakabahan talaga ako ngayon. >_<

Inipon kase lahat ng freshmen students (college)  . Ganun naman lagi kapag Friday para sa MAPEH  class. Pero this class, dancing naman. Ito rin yung pagkakataon para maparamdam kay Kath yung love ko sakanya. Anu ba yan, so gay! >_< Nagmahal kase e. :>

Boring… Yung mga student kase na nagpeperform yung iba parang wala namang talent. Pasikat lang. Nagpeperform lang naman kasi eh yung mga gusto lang . Hindi naman sapilitan. Kaya nandito ako, naghihintay for my turn. Pinili ko ang pinaka last baka kasi mabawasan yung mga nanunuod kahit papano. Kahiya talaga yung gagawin ko pramis. >_<

“Okay class. Wag muna kayong aalis, may last performer pa..” Sabi ng Prof at saka tinawag yung isang student assistant na may dala ng list ng mga students na gustong magparticipate.

Nung pagkabasa ng Prof sa name, medyo nagulat pa siya. Dahil nga sino ba namang magaakalang sasayaw ako? Ayy.. Para kay Kath toh.


“Enrique Cruz… Mr. Cruz, pede ka ng umakyat dito sa stage..”


O.O Wait! Ako? Bakit si Enrique? Argggh! Naunahan na naman ako!

Buset naman oh. Magaling sumayaw ang lokong toh e, kaya siguradong mapapahiya ako mamaya.
Sinayaw nya yung ‘Teach me how to dougie’ lagi naman e. Hiyawan naman silang lahat, lalo na ang mga girls. Kay napatingin ako sa may bandang harapan, dun nakaupo si kath. Hindi naman siya mukhang kinikilig pero naka-smile sya. >_<

Pagkatapos nung paulit ulit nyang step natapos rin. Nagpalakpakan naman silang lahat with standing ovation pa.

“Tsssh..” Naiinis na sabi ko at saka naglakad papuntang stage.

Mukhang nagulat pa silang lahat ng nakita nilang umakyat ako sa stage. Hiniram ko muna yung microphone.

“Kath, please hwag ka munang umalis… Just stay. Para sayo ang performance na ito..” Sabi ko at nag sigh pagkatapos. For Kath toh! <3 Binitawan ko na ang microphone. At…









“Kuruk kuruk kuruk kruk….Kruk kruk kruk… Kruk…Kurokoook! Krook krok kurokok.” Nagsound ako as chicken. =_<


Oo na, nagchicken dance ako.. >__  __<

Mahilig kase si Kath sa manok. Fave nya ang chicken joy sa Jolibee. :>

After a minute tinapos ko rin yung katangahan kong iyon.

At saka ako tumingin kay Kath. Pinipigilan nito ang tawa nya. >__< Tawanan ba naman ako?




“KATH! I love you..” Nilakasan ko na ang loob ko.


“Ano?” Sigaw ni Kath. Ay Tange! Ambingi! Ay tanga! Hindi ko nga pala hawak ang microphone. Kinuha ko ulit sa baba yung microphone.







“KATH! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! NAGMUKHA NA AKONG TANGA DITO SA CHICKEN DANCE NA IYON PARA SAYO. KAYA SANA NAMAN WAG MO AKONG TAWANAN. SORRY NA KATH… HINDI KO NA UULITIN. PLEASE… BE MINE.”


Ako naman ang natawa sa reaction ni Kath… O_______O

Bumaba ako sa stage at pinuntahan yung pwesto nya, nakatayo na siya. Kaya lumuhod ako, hawak ko pa rin ang microphone. 

“Kath? Can you be my girlfriend? Can I be your man? Pleasee…” Nagmamaka-awang sabi ko.

Hindi ito sumagot pero halatang pinipigilan nya yung luha nya. Pero ako tuluyan ng tumulo ang luha ko ng bigla siya lumuhod at …….


O////////O  --- > Mukha ko.

^///////^  --- > Mukha ng babaeng mahal ko. ^_^


Bigla ba naman nya akong kiniss sa lips. Smacked lng pero… Kinikilig ako.


Kaya hinawakan ko sya at itinayo sabay hug ng sobrang higpit.


“I love you, Kath…” Sabi ko behind our hugs.

“Ikaw! Umayos ka na ha? I love you forever…” Sagot ni Kath. Pagkatapos nyang sinabi iyon, kiniss ko siya sa lips. Short kiss lang iyon.

Pero syempre….kahit na short lang iyon, kung mahal na mahal mo naman yung feeling mo para bang nililipad ka. :> So gay talaga! I can’t help it, masyadong akong natamaan ng pana ni kupido.

May narinig kaming pumalakpak… Si Moosh. At gumaya rin ang mga nanunuod samen. PDA pala kami. Mainggit sila :>

Nag-thumbs up si moosh saken. Nagsmile ako sakanya at, “Thank you, insan.” Sabi ko with no sound. Alam kong nagkaintindihan na kami non.


“Sweety, sabay tayong uuwi later ha?” Nakangiting sabi ko sabay hawak ulit sa kamay nito.

“Sige, Dhee.. Para ipakilala na kita kina papa.” Namumulang sabi nya.

“Kung ganun pala, dapat pala tayong bumili ng gift para sa…future in laws ko.” Sabi ko sabay kindat sakanya.

“Eeeh. Tara na nga! Pinapakilig mo naman ako eh!” Nakapout na sabi nya.

“Masanay ka na, sweety. Araw araw kitang pakikiligin.” Sabi ko.

“Eing. Baka ikaw ang kiligin, nga pala. Pa-replay naman nung chicken dance mo. PFFTT. Hahahaha!”

“Ahh. Ganon? Tatawanan talaga ako.” XD

“Etoh naman, ang cute mo talaga Dhheeee. Kaya love na love kita e.” This time ako naman ang namula… “Hahaha! Dapat pala lagi kang nagbablush lalo kang pumopogi. Pramis!”


“Kiss mo pala ako para magblush ako lalo..” Sabi ko habang nakanguso.


“Utot mo! Last na yun!” Sabi nya. Ang cute talaga ng girlfriend ko.

“Dheee, iniwan na ako ng mga classmates ko. Pasok na tayo for the next class.” Hinawakan ko muna si Kath, ayaw ko munang magkahiwalay kami e.

“Wag na tayong pumasok. Last subject na lang naman e.” Nagpapacute na sabi ko. Wala e. Ganun talaga. Bagay naman sa kagwapuhan ko e. Tingnan nyo nga naman wala pa ngang isang oras sa store ang album ko Sold-Out na agad. Makipag-unahan na rin kayo. Php. 199.00 lang. :>

(A/N: CUT! DJ! Bawal ang plugging sa oras ng taping! Hindi commercial toh!) ---> Pasingit ulit. XD


“DJ naman e. Magkikita rin tayo later e..”


“Sige na nga, hintayin kita sa may bench sa harap ng school ha?”



“Opo! Babye..” Pagpapaalam nya at kiniss ako sa cheeks. Sige na, ako na. Ako na kinikilig. ^___^



“Hep..Hep.. Padaan… Wala sa script ang kiss. Bawal yan! Ako ang director ako ang dapat masunod. Ahmpf!” May biglang dumaan si Author Joycei. Ang ganda talaga oh, kaso may mahal nako e. 


“Ingat, sweety!” Pahabol ko sakanya.



Lahat ay nagagawa ng taong nagmamahal…

                                                                 -The End……….



Of Chapter 24//-  <May Next pa, matagal pa toh matatapos. Joke time lng. :>






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^