Saturday, January 5, 2013

Crazy Love Story: Update 39//


Crazy Love Story
By: InnocentPen




Update 39//


DJ’s POV
Nakatingin ako sa babaeng nakahiga sa may hospital bed, ang babaeng minamahal ko.
Nakapikit … Habang ako umiiyak sa tabi niya at hindi alam ang gagawin.
“Iho, don’t worry ayos lang siya masyado lang siyang nadepressed this past few days. Kailangan lang niyang magpahinga. Magpahinga ka rin baka ikaw na sa susunod ang madala sa ospital.” Baling ng doctor na nagcheck-up kay Kath.
Kinakabahan talaga ako nung narinig kong sumigaw siya… Akala ko hindi iko na siya ulit makikita….Akala ko hindi ko na siya makakasama, akala ko hindi na niya maririnig ang mga bagong endearments na itatawag ko sakanya.
Buti na lang….God is good, no He’s great.. =) Hindi Niya hinayaang mawala ang kaligayahan ko.
--
“Tito, sorry po kung hindi ko naprotektahan si Kath. Hindi ko naman po—“
“Alam namin, alam namin ang lahat ng nangyari..”
Ineexplain ko sana kung ano ang nangyari pero alam na daw nila? Sinabi ba ni Kath sa kanila?
Pinat ni tito ang balikat ko.
“Nung day na nagrequest kayo na matutulog ka sa bahay, dun kami nagtaka. Alam kasi namin na hindi pumapayag si Kath na magpatulog ng kahit sino sa bahay kahit pinsan niya or bestfriends niya. Kaya nagtaka kami kung bakit siya pa ang nagrequest na sabahay ka nga matulog…”
:”> Yun yung day na madaming kiligness. XD
“Pinaobserve namin ang labas ng bahay, nagbabakasakali kaming may makukuha kaming information kung bakit parang may pinagtataguan kayo.” Pagpapatuloy ni Tita, “Ang nireport ng inutusan namin….May lalaki daw na naghihintay sa may malapit sa bahay. At yun pinaamin kung ano ang kailangan at sinabi nga niya ang tungkol sa revenge nina Enrique at ni Jessy.”
Naguguluhan ako?
“Binabalak kasi nina Enrique na ipabaril ka sa lalaking nahuli namin. Gusto ni Enrique ang anak ko at alam kong alam mo yun. Dahil sa tingin kong may susunod pang gagawin sina Enrique kaya sinabihan namin yung lalaking binayaran nina Enrique na wag ipahalata na alam na namin. Pumayag siya dahil ayaw niyang makulong.”
“Pero kahapon…. Pinuntahan kami ni Enrique, he apologized. Sinabi niya samin ang lahat ng plano niya at sinabi rin niyang hindi na niya itutuloy ang mga yon. Dahil…..narealized niyanapamahal na pala siya kay Jessy. Napanatag ang loob namin dahil nakikita ko sa mga mata ni Enrique yung pagmamahal niya. Ang sabi pa nga ni Enrique ngayon na siya magtatapat”
“Pero hindi namin inexpect ang nanyari…Hindi pa sinasabihan ni Enrique si Jessy na hindi na itutuloy ang plano nila dahil nga may surprise siya para kay Jessy. Yung time na nagkakagulo kayong magkakaibigan sa paghuhula kung sino si JLE, alam namin yun. Nakikita din namin nung pinaghahanap mo si Jessy para makaharap mo siya ng maasyos, alam namin lahat yun at alam din namin na Masaya si Jessy sa mga time na yun dahil nakatanggap siya ng text galling kay Enrique na nagyayaya ng date.”
“At ang nangyari pinaamin mo siya kung siya ba si JLE hindi naman siya nagsinungaling at sinabi nga niyang siya iyon…… At sa hindi namin inaasahang mangyari may biglang lumabas na putok ng baril. Iyon ang lalaking binayaran nina Jessy. Ang balak niya ikaw ang barilin pero dahil sa lasing yung lalaki….si Jess yang nabaril niya.”
Ganon ba ang nangyari? O_O
“K-kumusta po si Jessy?” Hindi ko maiwasang itanong. Naging kaibigan din namin si Jessy kaya hindi ko pa ring maiwasang mag-alala.
“Nandito sila sa same hospital at kasalukuyang nasa Emergency room pa si Jessy.”
Sana maging okay siya…. Para maging okay na rin si Enrique.
Napatigil kami ng marinig namin si Kath na bumubulong. Haha, ang cute. =D Nag ssleeptalk siya?
“DJmylabsss….I super love you…” Napatingin saken sina tita na may pagtutukso sa mga mukha, kaya hindi ko napagilang mag-blush.
Natawa naman ang dalawa.
Lumapit ako sa kama ni Kath at hinawakan ang kamay nito, saktong nagising din siya.
“Huh? Nasan ako? Nasa impyerno na ba ako? Bakit may demonyo sa harapan ko?” >_< Yan ang sinabi niya habang nakatingin saken. Nakapout ako tapos tinalukuran ko siya. Natawa rin ang parents nito.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinipigil ang pagtawa. Tsss.
“Eh!”
“DJ…. DJ… May sasabihin ako sayo…” Ang lambing niya pero hindi pa rin ako lilingon. Ang sama sama niya kase. >_<
“DJ naman oh…. Tingnan mo na ko… May importante akong sasabihin sayo…”
Wag kang lilingon DJ!
“Isa…Kapag hindi ka titingin break na tayo.” Pagkasabi pa lang niya sa ‘break’ luapit ulit ako sakanya. Mahirap na baka tototohanin niya. Alam naman nating mag-isip tong mahal ko. XD
“Ano yun bebskii?” Nakangiti ako at kumunot naman ang noo niya.
“Ano yun? Bebskii?”
“Bago yun, Kathmylabs. Ano nga yung sasabihin mo?” Hinawakan ko ang buhok niya.
*pouts* “Hmmm. DJ…..Wag kang mabibigla ha? Stay put ka lang. Wag kang kakabahan….. relax lang….” Seryoso ba sasabihin niya? Kinakabahan na ako dito. Baka dahil sa nangyari makikipagbreak na siya saken. Ayoko.
“DJ…..Gutom ako. Pakuha naman ng pagkain oh, idagdag mo rin yung Mogu mogu na lychee. Thank you, bebi!”
O____O
Yun ang seryoso niyang sasabihin?
Binatukan ko siya ng mahinang mahina. XD
“ARAAAY!” Natawa ako pati na rin sina tita.
“Bumalik ka na nga sa katinuan. Parang namisss kita, labsko!” Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. :>
Kinikilig ako… :”>


Hindi pa ito ang happy ending namin, marami pang mangyayari…..
--


(This was original posted at 
http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)




©InnocentPen 2012-All Rights Reserved
>>> CHAPTER 40 HERE



Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |


1 comment:

  1. aHAHa aNo ngA uLit uN DJ, wAg pLaNg LiLingOn hA!!!!! tawa muCh, kiLig muCh at kMi ay hinaHeart attaCk n kktWa dtO,,, bEbskii,,, aNg kuLit,,,, haY!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^