Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 50//

Crazy Love Story

By: InnocentPen





 Update 50// [Surprise Arrival]

[A/N: THREE years po ang agwat nina DJ at TJ sa age. Meaning, mas matanda ng three years si TJ kay DJ. Kung may nabasa man kayo dati na mali sa info ngayon. I’m sorry. XD]


DJ’s POV

Pagkatapos ng mga pangyayari, uhm, kalokohan ni EJ noong Haloween wala namang ibang nangyari. Napatawad na kami ni Kath kaya wala ng problema. Naging normal lang ang mga buhay namin, masaya, pero syempre may darating ding mga problema pero ngayon masasabi kong mas naging matatag ang pagsasama namin ni Kath. Nalalampasan na namin ang bawat problema namin. Kaya lalo kaming napapamahal sa isa’t isa kasi hindi lang love ang binibigay namin…kasama din ang trust. Trust? Hindi ko alam kung deserving ang trust na ibinibigay sa akin ni Kath…pero sinisikap kong maging deserving ako para doon.

Sabay kaming nag-enroll ni Kath for the second semester.  Walang pagbabago sa university. Sa barkada? Same pa rin, kami kami pa rin. Si Julia at Coco, sila pa rin. December na ngayon, malapit na ang Christmas. December 19 na to be exact. Last day ng class namin this December. Christmas break na eh. Ang bilis nga eh.

Nasa cafeteria kami ngayon at sabay sabay na kumakain nang biglang dumating si Ate Bea, himala nga eh, kasi minsan lang talaga lumapit si Ate Bea sa amin, busy kasi iyan, graduating na kasi siya.

“Oh, Ate Bea? Wazzup?” Bati ni Kath kay Ate at saka nakipag-beso .

Tumayo siya sa tapat ko, “Hey, totoo bang uuwi ang Kuya mo?”

Oo nga pala balak ni Kuya na umuwi before Christmas pero ayaw niya sabihin ang exact date para daw surprise.

“Oo, before Christmas daw pero hindi pa namin alam kung kalian.” Hindi sumagot si Ate, pero parang naasar siya kaya padabog siya umalis. Pagkaalis niya tinuloy na lang namin yung pagkain namin pero kinukulit pa rin ako ni Kath.

“Darating yung kuya mo? Wow! Punta ako sa bahay niyo!” Tssh.
“Bakit?”
“Basta…Pupunta ako sainyo ah!”
“Wala pa siya, surprise nga daw.”

Kilala naman natin si Kath, talagang hindi ka titigilan hangga’t hindi ka napapapayag kaya pumayag na ako. Iyon naman talaga ang plano ko, nagbabalak kasi ako ng continuation ng pagpapakilala ko kay Kath sa mga parents ko, good timing kasi darating na si Kuya…

--

December 23

Nasa mall kami ni Kath ngayon at bumibili ng pang-regalo, dapat bukas na lang kaso siguradong mas madaming tao kaya ngayon na lang kami nagpunta. Binisita rin namin yung Mogu-Mogu store namin, okay lang naman siya madami na din kasi ang naloloko sa Mogu Mogu. Binilan ni Kath ng regalo pati ang barkada kaya marami-rami din ang nabili niya, yung akin naman for my family lang.

“Maghiwalay muna tayo, DJmylabs.”

“ha? B-bakit? May ginawa ba ako?” Bakit siya nakikipag-break?




“Sira! Hindi ako nakikipag-break!” Pagkatapos niya sinabi yun, tumawa na lang siya ng tumawa. “Ang ibig kong sabihin, maghiwalay muna tayo para makabili na rin ako ng gift for you para may thrill.”

Aaminin kong natakot ako sa salita niya, nakahinga naman ako ng maluwag ng in-explain…ewan ko lang pero parang nararamdaman kong malapit ng mangyari ang gusto niya.

“Linawin mo kasi, Kathmylabs, natatakot ako sa’yo eh.” Hinalikan ko siya sa cheeks, “Tawagan mo na lang ako kapag tapos ka na ah, bibili na rin ako ng gift.”

“Yes boss!” Natawa pa ako ng tumakbo siya, ang kulit talaga. Iniwan pa niya yung mga pinili namin kaya bago ako bumili nilagay ko muna sa may car yung mga ibang pinamili namin.


Wala akong maisip na iregalo kay Kath pero ng  mapadaan ako sa mga instruments, naalala kong tumutugtog nga pala ng guitar si Kath.

Bumili lang ako ng guitar na color black at in-instruct ko na lagyan nila ng name na “kathmylabs” sa may frets (handle ng guitar) at saka pinadesign ko na rin with the word ‘forever’
Sabi nung nag-assist sa guitar kung hihintayin ko pa daw baka aabutan pa ako ng four hours dito kaya pina-deliever ko na lang sa bahay kung tapos na.

After mga five minutes siguro ng tumawag si Kath, sabi niya nasa may parking area na daw siya ng mall. Binayaran ko muna yung guitar then yung service babayaran ko na lang kapag nadeliver na, yun kasi ang gusto ng store. Minsan lang daw kasi talagang may mag-special order kaya maingat sila.  Pagdating ko sa may parking area nandun nga si Kath.

“Akala ko ba may binili ka?” Tiningnan pa niya talaga yung bulsa ko, “Bakit wala man?” Naka-pout na siya nyan.

“Secret muna, nasan yung binili mong gift?” Wala din kasi siya dala, tumingin ako sa may back seat ng car, yun pa rin naman yung mga pinamili namin kanina, “wala kang nabili?”

“Meron, pero pina-deliver ko sa amin. Secret din.” Tapos nag-belat pa siya sa akin.

Sasagot pa sana ako kaso nag-ring ang phone ko.


“Hello?” Unregistered yung number kaya clueless ako kung sino ‘to.



“Bro! Nasan ka? Uwi ka na, nasa bahay na ako.” And I recognized TJ’s voice.








(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^