Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Epilogue

Crazy Love Story

By: InnocentPen



EPILOGUE


DJ’s POV




“Bro, ano tong sinasabi ni Moosh na ako muna daw ang proxy mo sa a-attend-an mong wedding?” Kinausap ko si Kuya TJ about dun sa natanggap niyang invitation last week.

“Yung kina Mr. Yu ba ‘yan? Kung gusto mo lang naman mag-proxy kasi hindi talaga ako makakaalis dito. Takas lang nga itong paggamit ko ng phone, alam mo namang nasa seminar ako diba?” Haaay, free time ko sana today eh, balak ko lang magpahinga maghapon.

“Wala naman, pero importante ba talaga ang presence mo dun? Baka regular visitor ka lang.”

“Best man ako dun, Bro. Remember, Darryle Yu? Yung SCO President ng Wonderstruck University before?  Siya ang groom. Ibaba ko na tong call bro. Punta ka at pakisabi na rin na nasa seminar pa rin ako. Ingat, bro.” Pagkasabi niyang iyon nag-end na ang call.

“Well? Oh ano? Pupunta ka?” Tanong ni Moosh pagkabaling ko sakanya.
“Ano pa bang magagawa ko?” Then I saw her smiled.

“Good, akala ko sisirain mo pa ang inorganize kong wedding. Nakakahiya kina Mr. Yu iyon, ang mahal ng binayad nila sa akin tapos biglang masisira dahil wala ang bestman..”


Bwiset naman oh, rest day na sana oh.

KATH’s POV


“Bakla, nasan ka na? Malapit ng magsimula ang wedding oh.” Inayos ko yung headphones ko bago ko sagutin si EJ.

“Waiit lang, nagbihis pa kasi ako ulit eh! Hindi mo naman kasi sinabi na may ipinadalang gown yung ikakasal para sa akin!” Nakakainis lang talaga, nagbihis pa ako kanina, nung aalis na sana ako may nakita akong gown sa may sofa ng sala ko. May note dun na iyon dapat yung isuot ko kapag nasa church na ako.

Hindi naman kasi ganito yung mga dating kinantahan ko sa wedding, basta dress na white, okay na. Sabi ni EJ, dapat daw perfect kaya pati ako pinag-gown. Kaya nga super engrandeng kasal eh.

“Ang dami mo pang sinabi! Tinanong ko lang kung nasaan ka na? Nakuuu.”

“Magpapark na ako! Maghintay ka!” Pinatay ko na para makapagpark na ako ng maayos.

--

“Oh? Ready na ba lahat? In five minutes mags-start na ang march. Yung mga flower girls, naka-ready na? Yung mga bridesmaid? Ready na rin? Good!”

Pagpasok ko sa church halos lahat sila busy na dahil malapit na mag-start ang march.

Nagmadali na rin akong pumunta sa may malapit sa altar. Para maka-ready na rin. Naglalakad na ako ng papunta dun ng may nakita ako napaka-familiar na mukha. S-si DJ…

“Hey, hey. You. You are the wedding singer right?” Bigla hinigit ng isang babae ang kamay ko. Familiar din sa akin ang babae.
Lumingon ako kung saan ko nakita si DJ kanina, wala na siya. Nagha-hallucinate na naman ba ako?

“Ako nga.”  Sagot ko dun sa babae. Hindi ito sumagit bagkus hinila niya ako papunta kay EJ.

“EJ, diba may male singer ka pang kinuha? Pwede bang wag na muna siyang gawing singer? Wala kasi ang maid of honor, baka masira ang lining kapag march. Masisira yung in-organize natin. Proxy na muna siya, okay?”

Ako? Proxy? Maid of honor?

“No, no, no, no. Masisira din ang wedding song kung wala siya. Pang-duet yung pinili nilang song kaya pumili ka na lang ng ibang magiging maid of honor. Go, Moosh.” Malanding sagot naman ni EJ dun sa Moosh.


Moosh? Tiningnan ko yung babae, OMG! Si Moosh nga!

“Hahaha! Hi Kath! Long time no see.” Bati ni Moosh sa akin. Napayakap ako sakanya.

“OMG! I miss youuu!”


“TWO MINUTES NA LANG MAGSISIMULA NA! READY NA BA ANG LAHAT?” Sigaw nung isang babae, ito siguro ang head organizer.

“I’ll talk to you later, Kath. Hahanap muna ako ng proxy para sa Maid of honor kung hindi baka mawalan ako ng trabaho.” Sabi nito at saka humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

Tumingin namana ko kay EJ, “Baklaa, hindi ba talagang pwedeng ako muna ang proxy? Kawawa naman si Baby Moosh.” Napapikit naman si EJ sa sinabi ko.

“OKAY! OKAY! Ako na ang kakausap sa male singer! Bilisan niyo! Magsisimula na ang march!” Halatang naiinis si EJ habang sinigaw niya yon.


Dinala naman ako ni Moosh sa labas ng simbahan. Malapit sa may entrance.

“Ganito ang mangyayari ha? Kasama mo sa labas ang bride. Basta nakasara ang door habang nagma-march sila sa loob. Tapos kapag narinig niyong nag-iba na ang song at bumukas yung door, dun ka muna maglalakad papasok. Okay? Tapos susunod na ang bride with her parents. Basta mabagal lang ang lakad! And smile!” Pag-iinstruct ni Moosh at saka na siya umalis.

Waaah. Nakaka-kaba naman ‘toh. First time kong maging maid of honor (Kahit proxy lang ako) puro wedding singer or bridesmaid lang ang peg ko dati.

Tingin lang ako ng tingin sa paligid, nasa may labas nga kasi ako kaya walang tao. Hinahanap ko din yung maid, nagtaka ako kung bakit wala pa siya. Pero nung makita ko yung sa may front garden, may nakadesign na arc dun. Inisip ko na baka dun siya dadaan kaya wala pa siya dito.
Nakatayo na lang ako sa tapat ng door habang hinihintay ang pagbukas ng door na magiging hudyat na dapat na akong pumasok tapos bridal march na.

“H-hoooy! Ano yan?!” Nagulat ako ng may biglang naglagay ng kung ano sa may ulo ko. At mas nagulat ako ng nakita kong belo iyon!

“Bakit ako may ganito?!” Baka akala nila ako ang bride.

“Sorry, Miss. Pero napag-utusan lang kami ng bride. Tumakas po kasi siya. Yun na lang daw po sabihin niyo kapag nasa loob na kayo.” Pagkatapos na sabihin ng babae iyon tumakbo na siya ng mabilis palayo.

Anong gagawin ko? Ahhyst! Ang sama naman ng bride, pinaggastusan ang kasal na ‘toh tapos sisirain lang niya. Ako nga ito ang pinapangarap ko pero hanggang ngayon naghihintay pa ako para sa future groom ko.

Narinig kong nag-iba na ang song…

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko, bakit ba kasi ako pa ang napag-utusan na sabihin na tumakas ang totoong bride? Nakuuu lang!

“Now Playing: A Thousand Years [Part Two]”

The day we met, frozen, I held my breath

Waaah, this is it. Pagkabukas ng pinto, lumakad na ako papasok habang hawak yung flowers na binigay din nung babae kanina na naglagay ng belo sa ulo ko. Ano bang gagawin ko? Baka akalain nila na ako ang may kasalanan. Huhuhu. Sobrang ganda pa naman ng kasal na ito, napaka-engrande para sirain lang.

Right from the start
I knew that I’d found a home for my heart

Nagulat ako ng biglang may humawak sa magkabilang braso ko. Mas nagulat ako when I found out that they are my parents!

What’s happening?



DJ’s POV


Gulat na gulat ako ng nakita kong pumasok si Kath na naka-belo. Kahit sobrang layo niya sa akin, alam kong siya iyon. Halos manghina talaga ako ng malaman kong siya pala ang ikakasal.

“Bro, you’re wrong. I’m not the real groom.” Sabi nung groom sa akin. Naguguluhan na ako.

Biglang dumating si Enrique nang umalis si Mr. Yu, yung dapat na ikasal.

“’Tol, kami ang nagplano nito. Inip na inip na kami sa continuation ng love story niyo ni Kath. Kaya kami na ang gumawa ng plano. Alam naman namin na mahal niyo pa ang isa’t isa kaya bago pa lalong tumagal toh.” Kinuha niya ang isang velvet ring. “Kunin mo iyong singsing. Si Moosh ang pumili niyan kaya siguradong magugustuhan ni Kath iyan! Tanggapin muna, mamaya mo na lang bayaran sa akin. Salubungin mo na ang bride mo!”



KATH’s POV


…heart
Beats fast

“Ma, pa, ano pong nangyayari?” Tanong ko sakanila, the just both smiled at me.

“You’ll see. Your mom and I want you to be happy.” Nagsimula na kaming maglakad ng mabagal. Ngayon ko lang narealized na sobrang haba pala ng aisle na toh.

Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I’m afraid to fall?


Sobrang nagtataka pa rin ako kung anong nangyayari, maraming ideas ang pumapasok sa isipan ko. Movie ba toh? Prank? Or is this really my wedding?

But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away

Habang naglalakad, napapatingin ako sa mga tao sa loob ng simbahan. May ibang hindi ko kakilala pero yung iba, kilalang-kilala ko. Dahil dun parang naiintindihan ko na kung anong nangyayari. Pero kanino naman ako magpapakasal?

Nag-stop kami bigla nina mama nang nakalahati na namin ang mahabang aisle, hindi ko napansin na may isang malaking puting tela ang nakaharang sa daraanan namin. Halos maiyak ako ng mabasa ko ang nakasulat sa telang iyon.

Alcantara and Espiritu…Engagement.

Tapos may nakaprint pang picture naming dalawa ni DJ sa may tela.


Habang pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko, bigla nilang ibinaba ang puting tela. There, I saw him. He’s kneeling while holding a small box.
 Naramadaman kong humiwalay na sina papa sa akin. Binitawan na nila ang ako para makalapit kay DJ.

One step closer…


Lumapit ako kung saan nakaluhod si DJ. God you know, how much I missed him!

“Kahit ako hindi ko alam na may pinaplano pala silang ganito para sa atin. All I know is magiging proxy ako ni Kuya TJ as bestman. Wala akong idea na this is my wedding…our wedding. But before that, let me ask you this. Alam kong wala akong ka-effort effort para sa kasalang ito, pero pinapa-alam ko sa lahat ng tao dito na ang babaeng nakatayo sa harapan ko…ay ang babaeng mahal ko…at gusto kong makasama habang buhay at seryoso ako na gusto ko siyang pakasalan ngayong araw na ito.”

I will be brave
I will not let anything take away
What’s standing in front of me


“I, Daniel John Alcantara, sincerely asking, Kathryn Espiritu…if she wants me to be the happiest man in this world by marrying me.”


Every breath
Every hour has come to this

Wala akong masabi, hinihintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin habang umiiyak ako. Tears of joy.


“Kath, kung natatandaan mo pa ang ipinangako ko sa’yo bago tayo magpaalam that time. Ang sabi ko  kapag nagkita tayo ulit at mahal mo pa rin ako…papakasalan kita. I think this is the right time for that. Ang dami na nating pinagdaanan pero alam kong itong words na ito ang babagsakan ko someday. And that someday is today…”

One step closer…


“Kathryn, Kath, Kathyy, Teebeh, Kathmylabs…will you let me to be the happiest man in this world? Will you marry me?”  

Napatakip ako ng bibig para iwasang mag-ingay sa kakaiyak ko dito. I can’t utter a word. But I give him an answer that I know that I wouldn’t regret. I nodded.

I have died everyday waiting for you
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years
I’ll love you for a thousand more

“Yes? Is that a yes?” Tumango ako ulit sakanya, then he placed the ring on my finger.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave


Nagpalakpakan ang mga tao habang yakap-yakap namin ang isa’t isa. “Are you ready, Kathmylabs?”

I will not let anything take away
What’s standing in front of me

“Yes, of course…DJmylabs.”

Every breath
Every hour has come to this

Kinamayan muna ni DJ ang parents ko na nasa gilid lang namin. Then both of them hugged me. Masayang-masaya sila para sa amin ni DJ.

One step closer…

Hinawakan ko ang braso ni DJ at nagsimula na kaming lumakad papunta sa altar.

One step closer…


I have died everyday waiting for you
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years


Sobrang saya at hindi ako makapaniwala habang sinisimulan na ang seremonya. Pinipisil lang ni DJ sa kamay ko then magtitinginan kami at hindi na naalis ang ngiti sa aming mga labi.

I’ll love you for a thousand years

 “I, DJ, choose you, Kath, to be my wife in front of all. I will love you forever, throughout the good and bad times. I will ride your silly jokes and never let your face in frowning. I will be loyal and a faithful husband to you. I will always thank God for everything He has given me…especially you.  Madami tayong naging problema, madaming naging hadlang, madaming naging pasakit, na naging dahilan ng pilit na paglayo natin sa isa’t isa. But God set this day together with His instruments, our Barkadas, to be the day of our life.” Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

I’ll love you for a thousand years

“Dahil doon, nasa harapan ako ngayon at nangangakong mamahalin ko ng pang-araw araw si Kathryn Espiritu. I will love you until God takes my last breath. I love you forever, Kathryn Espiritu.” Na-touched ako ng sobra, lalo na ng makita kong pinipigilan niya rin ang mga luha niya.

One step closer…


“Honestly, wala po akong masabi. Nagsisink-in pa rin sa utak ko ang mga nangyayari. Pero dahil this is our day….kaya ko toh, kayang-kaya ko ‘to!.” Natawa na lang ang lahat sa ka-corny-han ko.

I have died everyday waiting for you
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years


“I, Kath, choose you, DJ, to be my husband in front of everybody.  Napaka-swerte ko para ibigay ka ni Lord sa akin. Alam kong sa lahat ng nangyari, ikaw ang pinaka-nasaktan but still you never give up on me. Kahit wala ka sa tabi ko alam kong lagi mo akong naiisip kaya lagi na lang ako napapaubo.” Hinahawakan pa rin niya ang kamay ko, “Alam ng lahat na isip bata ako, mahilig akong magbiro at napakakulit ko…at alam din ng lahat na kung gaano ko kamahal ang napaka-gwapong lalaking nasa harapan ko at hindi na makapaghintay na matapos itong kasal para masolo na niya ako for the first time.” Nagtawanan na naman ang lahat.

I’ll love you for a thousand more

I hold his hand, “Seryoso na DJ, alam mo ba na sa’yo lang ako na-inlove. Kahit may magsabi man na ang boring ng buhay ko kasi iisa lang ang naging lalaki sa buhay ko…wala akong pakialam kasi alam kong masayang-masaya ako sa piling ng lalaking iyon, sa iyo. Five years kitang hindi nakita then when I saw you today…kinakasal na tayo. This day is really magical. Kahit wala man tayong ginawang preparations for this wedding pero I can say that this is the most romantic wedding ever! This is really unexpected for us…but I believe, we just really meant to be.”

And all along I believe
I would find you

“Alam kong may nagrereklamo na parang hindi vow ang mga sinasabi ko ngayon. Pero ito talaga ang mga gusto kong sabihin sayo.” Sobrang pula na ng mata ni DJ, halatang pinipigilan niya ang pag-iyak niya…

“Pinapangako ko sa lahat na araw-araw kong bibilangin ang mga ‘I love you’ mo sa akin, at araw araw kong bibilangin ang mga ‘I love you, too’ ko sa’yo.” A tear fall down from his eyes, pinisil ko ang kamay niya, “I love you forever…”

Time has brought your heart to me
 “By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife!” At last the priest said it, tumingin ito kay DJ, “You may now kiss your wife.”

I have loved you… for a thousand years

Lumapit sa akin si DJ ng mas malapit, nakatingin lang ako sakanya while waiting for his move. Itinaas niya ang belo na nasa ulo ko…

Itinaas niya ang belo…

“Kathmylabs, pano ba toh? Bakit ayaw maalis?” Bulong nito sakin pero narinig din ng lahat. Pilit pa ring tinatanggal ni DJ ang belo pero mukhang sumabit iyon sa isang beads sa suot kong gown.

May ginawa si DJ na talagang nagpatawa at nagpakilig sa lahat, inalis niya ang pagkaka-ipit ng belo sa akin kaya nahulog iyon sa paanan namin ni DJ.
Titingnan ko sana ang belo but he suddenly cupped my face and kissed me.

When our lips met for the first time after five years…I realized that I made a right choice and a right decision.

“I love you, forever…Kathmylabs.”

“I love you too, forever…DJmylabs.” For the second time, hinalikan niya ako ng may buong puso. Pinaparamdam niya sa akin nawala akong pagsisisihan…at wala ng makakapagpahiwalay saming dalawa.


 I’ll love you for a thousand more…




This is not the end; this is only a beginning for our new relationship, as a married couple.

‘Crazy’ this is the description of people for you, when you’re really in love with someone. And we used to say, ‘I’m crazy in love with you’
‘Crazy’ means being obsessed in something. Crazy means having flaws or cracks. Dictionaries defined it as ‘exaggerated enthusiasm’ or ‘very enthusiastic’. And some people defined this word as ‘foolish’, ‘fantastic’, and ‘wild’.



But we will define it as…


C-compassionate,
R-ridiculous,
A-and
Z-zealously of two
Y-young couple (now turned to be a married couple) on towards LOVE.



This is our CRAZY LOVE STORY. 


-end-


--

Last Note: Thank you sa pagsuporta, mapa-Wattpad or dito sa blog! Thanks a lot! #KathNielForever

Twitter account: @Innocent_Pen

Thank you, Sis A, for letting me to share my story in your blog. <3

(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)



Crazy Love Story © 2012 by InnocentPen
All rights reserved. 2012

6 comments:

  1. super ganda po ng story na ito! worth reading, basahin niyo pong lahat!

    ReplyDelete
  2. waAaaah, naGpaPaLpitAte n puSo q aLL d wAy eEh,,, kaKiLig tLgA,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Even though I don't understand your comment. Mehehehe, but still I'm thankful 'coz you read it. :)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^