Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 51//

Crazy Love Story

By: InnocentPen



Update 51// [Meeting DJ’s Brother, TJ]


 [IMPORTANT NOTE]: Nagkamali po ako dun sa isang Author’s Note ko before na nagsasabing 19 yrs old pa lang si DJ at 18 naman si Kath kahit Freshmen college pa lang sila. 21 YEARS OLD na pala silang dalawa, kasi nga po nung nagkakilala sila FRESHMEN college sila non tapos nag-anniversary sila kaya Sophomore na sila ngayon. Ngayon ko lang po na-realized, pasensiya na po. Inuulit ko po: napatupad na ang K-12 Education sa mga panahong ito kaya wag kayong magtaka kung bakit 21 yrs old na sila pero sophomore college pa rin sila, hanggang Grade 12 nga po kasi diba? At saka nag-stop po sila ng isang year..malalaman niyo na po kung bakit, baka sa next chapter. Kung hindi niyo pa rin po gets you can PM me anytime to ask questions regarding their age, regardless the plot.



DJ’s POV

Hinatid ko muna si Kath tapos dumaretso na sa bahay. Gusto pa nga ni Kath na ngayon na daw siya ipakilala kaso ang sabi ko bukas na lang tutal sa bahay namin siya magno-Noche Buena.

Pumayag naman siya inasar pa nga niya ako na baka mas gwapo daw si TJ sa akin. Imposible yun, mas gwapo ako dun.
--

“Bro! Wazzup man?” Nakipag-apiran ako kay TJ. Kahit paano eh namiss ko toh.

“Buti naisipan mong umuwi.” Sabi ko at saka umupo sa may sofa.

“Na-miss lang kita, bunso!” Asar, ayaw na ayaw ko talaga kapag yun ang tinatawag niya sa akin.
“Babae ‘yan noh?” Hindi niya ako sinagot basta nagkibit balikat na lang.

“DJ, TJ, kain na daw tayo.” May narinig akong tumawag sa amin. Si Baby Moosh!

Nilapitan ko siya at saka niyakap, “Namiss kita, pinsan!”

“Hahaha, oo na. Nagugutom na ako, kain na muna.” Nilingon niya si TJ at saka ibinato yung isang pillow, “Oy Seniorito! Kakain na daw!”

Na-miss ko toh.

Expected ko na mapapahaba ang kainan namin, matagal tagal na kasing hindi kami magkakasama. Pagkatapos ng pagkain namin pina-akyat na kami sa taas para magpahinga na daw pero nagpa-iwan muna ako. Ire-remind ko lang sila about sa pagpunta ni Kathbebs bukas ng gabi sa amin. Pagkatapos kong sabihin yung mga favorite foods ni Kath umakyat na rin ako sa room ko.

Makikitulog muna daw siya sa room ko, okay lang naman saken kasi mula bata lagi naman kaming magkatabi kung matulog. Nagbihis muna ako bago magtanong-tanong.

“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, bro. Bakit bumalik ka?” Hindi ko talaga titigilan toh hangga’t hindi niya ako sinasagot. Nahawa na ako sa kakulitan ni Kath.

“Wala nga-“
“Bakit nga?”

“Sasabihin ko na nga…” Tumigil siya sandali tapos nagpatuloy na siya, “I came back to face the mistake I made, eight years ago…”


Eight years ago? Nung sila pa ni Ate Bea? Sabi ko na nga ba babae  ang dahilan.

“Sabi ko na nga ba na si Ate Bea yan, malala na yan. Matulog ka na nga lang!” Humiga na ako medyo napagod din ako ni Kath sa mall kanina.

“Wag muna, kwentuhan mo muna ako, bro!” Pagbigyan na nga lang.
“Ano?”

“Naka-move on ka na ba kay Teebeh mo?” Napangiti ako sa tanong niya.

“Pangiti-ngiti ka na diyan ah, nung dati nga hindi ka maka-move on eh. Nag-stop ka nga sa study mo non diba? Sana Junior college ka na ngayon. Nung namatay si Teebeh parang gumuho yung mundo mo…tapos ngayon nabanggit ko lang siya hindi na maalis ang ngiti mo.” Tama nga si Kuya. Tumalikod na lang ako sakanya at saka pumikit na.


“Bukas malalaman mo. Ipapakilala ko sa’yo ang girlfriend …si Kath.” Pinikit ko na yung mata ko pero narinig ko pa ang mahinang pagsambit niya sa pangalan ni Kath, sino ba namang hindi magugulat?


--

Kathryn’s Pov

Na-late akong nagising dahil sa sobrang excitement ko para mamaya kaya hindi ako maagang nakatulog. Medyo kinakabahan naman ako kasi baka ano na naman ang mangyari pero mas nangingibabaw pa rin ang excitement sa akin.

Hindi ako masyadong nag-ayos gaya nung naunang pagpunta ko sakanila, hindi naman kasi talaga ako pala-ayos.  Pero syempre dapat presentable pa rin, nag-semi formal dress lang ako.

“Baby, ingat ka ha? Mag-ii-sleep over ka din ba dun?”
“Pwede po ba?” Tanong ni DJ, nandito na siay kanina pa. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos nang dumating siya.
“Oo naman, basta know your limits, DJ ha?” Paalala ni mama. Habang nag-uusap sila, sinenyasan ko ng palihim yung isang maid namin na ilagay na yung gift ko kay DJ dun sa compartment ng car niya. Tapos nag-thumbs up yung maid. Excited na ako, sana magustuhan ni DJ yung gift ko sakanya.

“Syempre po, tita, tito alis na po kami. Salamat po.” 
“DJ, ingatan mo ang baby namin ha?” Si Dad ‘yan.
--


“Wait DJ, wag muna tayong bababa.” Pigil ko sakanya sa paglabas niya ng car.
“Kinakabahan ka ba?” Hinawakan niya ang kamay ko, “’Diba sinabi ko na sa’yo na ‘wag kang kabahan? Nandito lang ako…sa tabi mo.” Then he lean closer to me…to kiss my lips.

Buti na lang hindi ako naka-lipstick kundi mabibigyan ng kissmark ang mukha ni DJ. Medyo matagal yung kiss niya saken….ewan ko ba pero parang nafi-feel ko na iyon na yung last kiss namin.

“Kathmylabs…ang ganda mo.” Kinilig naman daw ako, “Kaya wag ka ng kabahan. Tara na.” Bago kami lumabas kinuha ko muna yung paper bag kung saan nandun yung mga regalo ko for DJ’s parents.


Palapit na kami sa dining area nina DJ sa bahay nila, lumingon na rin ang parents ni DJ. Nagulat ako ng makita ko na nandun din si Moosh, nag-smile na lang ako sakanila. Hinanap ng mata ko ang isang lalaki pero wala.

“DJbebs, nasan ang kuya TJ mo?” Bulong ko sakanya pero mukhang narinig din naman nina Tita.

“Ah, may kinuha lang sa kwarto.” Sagot ng mama ni DJ.

“Ganon po ba? Good evening po.” Lumapit ako sa mama niya at inabot sakanya yung gift ko at iibinigay ko na rin yung regalo ko para sa papa ni DJ, “Hello po.”

“Wow, napaka-thoughtful mo naman kath. Thank you ha?” Nag-smile na lang ako sa mama ni DJ, si Tita Jess.

“Salamat din dito, iha.” Kamukha talaga ni DJ ang papa niya. Gwapo pa rin ni Tito.

“Hey Kathy, Where’s mine?” Napakamot naman ako ng ulo ng itanong ni Moosh iyon.

“Hehe, wala? Hindi ka naman kasi nagsasabi na uuwi ka, ayan tuloy. Kasalanan mo, bleeeh!” Nagtawanan na lang sila.

“Yung akin, kath?” Kaya pala nanahimik toh dahil may hinihintay. Nakuuu.

“Nakalimutan ko sa compartment mo, kunin mo na lang.” Tatayo na sana si DJ para kunin yung gift kaso biglang nagsalita si Tito.


“Nandito na pala si TJ, maupo ka ‘nak.”

Lumingon ako kay TJ at….biglang may bumukas na pintuan sa isipan ko na matagal nang hindi nabubuksan.

S-si TJ….
Ang bahay na ito…si Moosh, sina Tita Jess.

Ang barkada at si Ate Bea….

Si DJ…..

Sila ang mga taong naging bahagi  ng dating alaala at ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko biglang nagbago ang pagkatao ko.

Unti-unting nagfa-flashback ang mga larawan na naganap sa dati kong buhay..sa childhood years ko.

-flashback-

“Oy YH! Dalii! Kunin mo na yung bola dun sa ale!” Malakas na sabi ng isang batang babae sa isang batang lalaki.
“YH?”
“YOU’RE HIGHNESS! Dalii na!”
-end-

Yung batang lalaki ay kamukha ni Enrique…kaya pala nung una kaming nagkasama at natutulog siya “YH” ang pangalan na binabanggit niya habang natutulog. Ako pala talaga iyon.


-flashback-

“Kathhhy, tinatawag ka ni teacher, hinahanap niya yung class record niya! Lagot ka!” Sabi ng isang batang lalaki sa isang batang babae at saka sabay sabay na nagtawanan ang mga naroroon kasama rin ang tinawag na Kathy.

-end of flashback-

Ang batang lalaking ‘yon…alam kong si Luis yun. At yung mga batang nakitawa…sina Julia yon.  Anong nangyayari? Bakit ako yung batang babaeng yun? Alam na alam kong ako yun…hindi ba ang sabi nila si TEEBEH yon?

-flashback-
“Ang likot mo kasi eh, ayaw kong nadadapa ka, kaya dapat wag ka ng makulit beh ha?”  Sermon ng lalaki sa isang babae.
“Bakit ‘beh’?” Tanong ng babae.
“Ayaw mo ba?”
“Hmmm… Tee-beh na lang.”
(TEE, pronunciation: as in TI)
“Mukhan alam ko na kung paano mo nabuo iyang ‘Tee-beh’. TEE is shortcut for Kathy. BEH naman for endearment. Kaya na-formed ang TEE-BEH.” Sumang-ayon naman agad ang lalaki sa babae.
-end of flashback-


Ngayon malinaw na sa akin na ako mismo si TEEBEH… Ang batang lalaki ay si DJ at ako naman ang babae.


At ang last na nag-flashback sa utak ko ay yung aksidenteng nagpaniwala sa iba na namatay ako
Ito ang aksidenteng muntikan ng pumatay sa akin…

Ako at si TJ ang nasa laman ng flashback na iyon, kamukhang-kamukha talaga siya ni DJ noon…pero ngayon alam kong hindi siya si DJ dahil hindi siya nakikilala ng puso ko.

At ang ibig sabihin nito….


si TJ ang lalaking gustong mapatay ako. Si TJ ang nasa bangungot ko simula dati…kung saan nabangga kami.


(Read chapter 41 for more details about her nightmare)




(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved







Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^