Monday, August 27, 2012

Crazy Love Story: Update 21//

Crazy Love Story
by: InnocentPen



Update 21//




DJ POV






Buset na Kath na iyan! Lagi na lang syang nagpa-POP OUT sa utak ko. Ano sya? Chat Box? Tsss. Eh, Mogu-Mogu lang naman ang alam nun e.





Ayssht. Humiga na lang ako sa sofa ng room ko. Pinipilit ko ng matulog ng biglang naalala ko nanaman ang sinabi ng lukaring na pinsan ko.








“Alam mo ba… Kung gaano umiyak si Kath ng dahil sa nakikita nya? Ha?! Ano bang gusto mong mangyari?!”

“Alam mo ba… Kung gaano umiyak si Kath ng dahil sa nakikita nya? Ha?! Ano bang gusto mong mangyari?!”

“Alam mo ba… Kung gaano umiyak si Kath ng dahil sa nakikita nya? Ha?! Ano bang gusto mong mangyari?!”







Tigilan nyo na nga ako! Wala akong pakialam kung nasasaktan siya, we’re just same. For God’s sake!



Sana pala hindi ko na lang siya ulit nakita, sana kung dati----




“Daniel, mag-usap tayo..” Hindi ko napansing naka pasok na pala si Moosh sa room ko.



“Oh? Bakit?” Tinatamad na sabi ko. Pakunwari lang naman ako e…LAGI.



“Namiss lang kita. Kwentuhan na lang tayo.” Sagot ni Moosh at saka umupo sa bed ko.



“Ikaw na lang magkwento, tinatamad ako.” At wala rin naman akong magandang ikukwento…



“Sige ba. Siguraduhin mo lang na makikinig ka. Kundi—“



“Oo na nga dba? Magkwento ka na…gusto ko ng matulog.”



“Naalala mo ba nung nagmeet tayo sa school nyo? Muntik na kong matawa nun kay Kath, halatang nagseselos. Hahaha. Pero kahit ganun napabilib nya ko, ewan ko lang. Basta parang mas naramdaman ko yung pagmamahal nya for you—“



“Lumabas ka na, inaantok na ako.” Hindi ko na hinayaang ituloy ang kwento nya. Alam ko namang mas makakasama saken yun.



“Makinig ka muna, hindi pa tapos ang kwento ko!” Medyo naiiritang sabi ni Moosh. Edi pagbigyan. I’ll just let her talk with my ears closed.



“Okay. Salita ka na ulit.”



“Good. Kaya tingin ko kaya hindi siya nakapunta sa TO-BE date nyo nun, kasi nga nagselos siya saken. Nakakatawa nga hindi na nya ko—“



“Yun talaga ang tingin mo? Nagselos sya?” Soft na sabi ko.



“Yeah, oo. Ganun kasi kaming mga babae e. Selosa, at nung day na nagkasakit ka. I saw her eating her snacks at napaka-sobrang lungkot. I’m sorry pero nasampal ko sya nun. Hindi ko nga alam pero huli na nung narealized ko ang ginawa ko. Nung 2nd night mo sa ospital tumawag sya non, pero ako ang nakasagot. Sasabihin ko na sana  kung nasaan ka, pero bigla naman yata siyang nalowbat. Yun lang… At nung papasok ka na ulit sa school, I saw her sitting dun sa bench sa harap ng school. Obviously she’s waiting for you at that time. I pity her, pero wala akong magawa. I only did that to test you.” Hindi ko naiwasang makinig sa kwento niya.




“To test me?”




“Yeah. Akala ko kase wala ka talagang feelings sakanya. I’m not sorry on what I have done. You’ll thank me someday.” Sabi ni Moosh at saka na tumayo  at naglakad, pero bigla siyang huminto.



“But…Please, stop acting like that. I hate seeing both of you hurting with no suitable reason.” Sa sinabi nyang yon bigla akong tinamaan ng konsensya.




Naramdaman ko na lang yung sakit na nararamdaman niya at bigla na lang lumabas yung mga luha na niluha nya. Mas masakit… Ba’t ko ba ginawa sa babaeng pinakamamahal ko iyon?






I’m so sorry Kath…. I love you…






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



1 comment:

  1. and the truth shall set us free!!.. yay!,nalaman na rin ni dj ung totoo.. hmmmn?i wonder wat will happen..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^